Share

CHAPTER 3

Tila yata at may namumuo ng masamang panahon! Este namumuong luha sa mga mata ng dalaga ng mga oras na iyon pero pinilit niyang kumalma.

“Tangayin sana ng malakas na ipo-ipo ang sakit na nararamdaman ko ngayon pati na rin yong mga taong naghihiyawan dahil sa korni na proposal sa harapan ko!”

Naidagdag pa ni Maricor sa mga panalangin niya.

Napaisip nalang siya na korni ang proposal dahil super-duper bitter as in bitter pa sa bitter gourd talaga ang dalaga ng araw na iyo. Nasabi niya na korni kasi bitteret/ampalaya/apdo ng bangus at lahat ng mapait sa mundo ang nafe-feel ng dalaga.

May dala itong isang bouquet ng roses na kulay pink, white at orange. Bumaba ito sa hagdan ng stage at sumunod dito ang mga kasama niya na ngayon ay may bitbit nang placard at may nakasulat. Di gaanong mabasa ni maricor ang mga nakasulat na letra dahal nagkadeperensya na ang mata nito at kailangang icorrect ng salamin na sinusuot niya ngayon.

Mukha itong tutubi sa pinili ng kaibigan niyang design. Inilibre siya ng kunsolta at pagpapagawa ng salamin ng kaibigan niya na nasa maynila na ngayon bilang isang opthalmologist. Pabilog ang design ng eye glasses. Ang sabi nito ay cute at bagay daw sa kanya pero feeling niya mukha siyang jejemon, at heto na nga kaya’t medyo lumapit sila nila menchie ng kaunti sa gilid kung saan ang ibang batches ay nagsilabas sa tent nila at nagpapalakpakan. Sa wakas at nakita na niya ang mga nakasulat sa placard. 

“WILL YOU MARRY ME KRISTINE?” 

Yon ang nakasulat sa placard. Paulit-ulit niya iyong binasa. At paulit-ulit din na sumisigaw sa utak niya ang katotohanan na isa siyang talunan at sampal sa kanya ng kapalaran ang nangyayari ngayon sa kanyang harapan.

Mukha yata at nagkampihan ang lahat at winawarak ang sugatan niyang puso. parang nais na niyang maglaho.

 Si Kristine naman ay hinatak ng mga kabatch nila at dinala sa gitna ng hall. Napaiyak pa ito.

“Duh! Ang arte!” ang paismid na sabi ni Menchie kasabay ng paghalukipkip ng mga kamay.

“Pssst ang bibig mo!” ang sita ni Jhojie sa kaibigan at sinulyapan si Maricor na hindi maitimpla ang facial expression pero halatang kino-compose ang sarili para magfing kalmado lang.

Ang papa naman ni Ariel na ngayon ay isa na sa mga may ari ng St. Claire ay kasama na ring pumapalakpak. Napaka-ingay ng mga tao sa loob ng hall. Si Kristine na dati niyang kaklase noong elementary at kabatch noong High School at College, na isa na ring ganap na Dean ng ICT department ang pakakasalan ng taong mahal na mahal ni Maricor.

“Shemay my heart! Parang aatekehin yata ako sa puso..Oh tadhana kung isa itong panaginip utang na loob gisingin mo ako!”

Ang sabi ng dalaga sa sarili. Tila siya naging tuod at nanlalamig. Hinawakan ni Lindsay ang kamay ng kaibigan at inakbayan naman siya ni Divine.

It was strange. Hindi niya alam ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Dapat sana siya yon eh. Pero hindi. Gusto na niyang tumakbo at magwala. Wasakin yong mga placard. Pasabugin yong buong hall at rat-ratin ang mga naghihiyawan para sa dalawa. Pero hinawakan siya sa kamay ng napaka higpit ni Lindsay. Si Kristina at Jhojie ay lumapit na rin sa kanila. 

“I deserve someone. Someone better… Someone like you Kristine. Please Marry me.”

Ang madamdaming sambit ng sambit ni Ariel.

“You deserve someone. Someone better at si Kristine yon. Kristine, ikaw ang para kay Ariel.”

Paulit-ulit itong sumisigaw sa utak ng dalaga. Tila mangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Yes! Oo naman papakasalan kita. Mahal na mahal kita love.”

 Ang sambit naman ni Kristine sa nakaluhod na si Ariel. Dahil doon ay naghiyawan ang mga tao sa hall. Lahat yata ay kinikilig maliban sa limang magkakaibigan na nagpunta na sa tent.

 Nang mga oras na iyon ay nais na niyang magpalamon sa lupa. 

“Ouch ang sakit… Para akong binuhusan ng asido sa mga narinig na litanya ni Ariel kay Kristine.”

Ito ulit ang naisip at nasabi ng dalaga sa sarili.

"Sana bumagyo at magka tidal wave at tangayin sana kayong dalawa!"

Ang nais niyang isatinig ngunit nag-aya na ang mga kaibigan. 

“Sis tara na jombagin at paslangin este tadtarin na natin ang lechon!”

Ang excited paanyaya ni Jhojie sa kanilang magkakaibigan ang nagpabalik sa huwesyo ni Maricor. Pinilit pinasigla ng mga kaibigan nila ang tinig para lang madivert ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

“Ikaw talaga Jhojie, kahit kaylan napakasiba mo talaga sa pagkain. Kanin aka pa eh parang di ka mo manlang nakakalahati ang beer mo at narito ka nanaman at wow the best ka talaga friend! Pumamangas ka na ng balat nong lechon.”

 Ang pang-aalaska ni Menchie sa isang kaibigan sabay naghalakhakan silang lima para lang mai-divert ang nararamdaman ng kaibigang si Maricor.

“Tara na nga ng makapangas na rin ako ng balat ng lechon!.”

 Ang pag-aaya nito sa mga kaibigan. Hinamig na niya ang sarili at pilit na ring pinasigla ang boses para di na sila mag-alala.

Mabigat man sa loob ng bawat isa ay pilit silang naging casual na magkakaibigan ng gabing iyon. Napakasaya ng gabi at bumabaha ang pagkain at inumin sa bawat tent. Pero si maricore nilasing ang sarili. At nagulat pa ang mga kabatch nila ng tinadtad nga niya ng bonggang-bongga ang lechon. 

“Ikaw ba maricor ay may galit sa lechon at bakit parang hindi na namin kaylangan pang nguyain ito.”

Si Jonathan, ang isa sa mga bad boy noon sa klase na ngayon ay isa nang magiting na pulis. Hindi sila makapanila sa nalaman na pulis na ito dahil nga gangster ito noon.

Paano ba naman na hindi magreklamu ang mga kasama eh ilang beer ang nilaklak niya ng gabing iyon habang nagtatadtad ng lechon. Wala na siyang pakialam. Ang mabuhay ang priority niya. 

“Masarap mabuhay. At mas masarap pag may kabiyak kang kasama. Ang sigaw ng puso niya. Pero paano naman kung dahil doon. Mamamatay ka?”

Ang ganti naman ng isip ng dalaga.

Isasarado na niya ang puso. Minsan lang naman siyang nagmahal. For the very first time. 

Yon nga ang sabi sa isang quotes na nabasa ng dalaga.

"It is better to love and to be loved than to have never loved at all."

“Pero bat ganon?”

“Bakit tila yata masheeeket?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status