Share

That One Night In Alhambra
That One Night In Alhambra
Author: Blazing Pink

Chapter 1

Pangarap.

Yan ang tanging nagpapatatag sa akin upang masikmura ang isang bagay na kailanman ay hindi ko inakalang magagawa ko.

Isang bagay na sa tanang buhay ko ay hindi sumagi sa isip kong tahakin.

Sa apat na sulok nang madilim at mausok na kwartong ito, may maliit na entablado, nakasuot nang pulang pulang two piece leather dancewear na may 7 inches boots, umikot ang mundo ko sa loob nang dalawang taong pananatili dito sa syudad upang subukin ang aking kapalaran.

Ang tanging tumatakbo lamang sa isip ko habang ginegewang ang aking mga baywang sa harap nang mga lalaking eto na hayok na hayok sa kababaihan, ay sikmura ko, baon ko at pangarap ko para sa sarili ko at sa mga kapatid ko.

Ito ang realidad nang mundo, dahil sa kahirapan at kagustuhan nang magandang buhay para sa taong mga mahal mo ay kakayanin mong gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi mo pinangarap gawin.

Ika nga nila, ang madaling pera ay nangagaling sa masamang paraan.

At ito ang buhay ko.

Ako si Gianna Camia Lopez, Mia ang tawag sa akin nang pamilya at kaibigan ko. Pero taliwas sa aking palayaw sa labas, Mina ang tawag nila sa akin dito sa loob.

Dito sa loob na tinuturing naming empyerno pero kalangitan para sa mga kalalakihan. Isang sikat na club na tinaguriang pugad nang mga manloloko at nangangaliwa. Lugar nang mga kababaihang ginagamit ang katawan upang kumita.

Alhambra.

Tahanan ng mga naligaw ang landas.

Tahanan ko.

"Mia!"

Papasok na ako sa dressing room namin nang marinig ko ang boses ni mamang Rino, ang handler namin dito sa club.

Nilingon ko ito habang tinatanggal ang maskarang suot ko.

"Po?"

Hinihingal pa ito nang bahagya nang lumapit sakin at hawakan ako sa braso.

"Pwede ba muna mag sub ka kay Beth sa show nya?" halata naman sa boses nito ang pag-aalala. "Nalasing kasi siya, nagsusuka. Di ko naman siya pwede iharap sa mga customers doon sa room nang ganun gayo't mga VIP iyon."

Mukhang aligaga na din ito dahil sa pagkakaalam ko dapat kanina pang 10:40 nag start ang show ni Ate Beth.

Napaisip pa muna ako.

Tapos na ang shift ko ngayong gabi dahil hanggang 11 pm lang ako gawa nang nag-aaral pa ako. Past 11 na, at may pasok ako bukas, kaya pinag-iisipan ko baka ma late ako.

"Naku mamang, baka ilang oras yan may pasok ako bukas sa school."

"Naku sandali lang naman toh. Sasayaw kalang kasi may mga naka table naman sa kanila." pangungumbinsi nito sakin.

Napanguso ako.

"Sige na Mia, dadagdagan ko tip mo, sakin mismo manggagaling. Pang OT deferential."

"Wow, call center?" atras ko nang ulo ko.

Natawa naman nang bahagya si mamang.

"Sige na Mia, sayawan mo na yun." Muli nitong pamimilit sakin.

Sayang din yung tip, pandagdag pamasahe.

"Osige sige na nga, basta sandali lang yan ah. Walang manghahatak, magte-table."

"Oo sigurado."

"Okay."

Pumalakpak naman si mamang at pinisil pa ako sa magkabila kong pisngi. "Kaya ikaw ang paborito ko eh. Tara na. Suot mo na ulit maskara mo."

Sinuot ko nang muli ang maskara ko.

Isa itong trademark nang club na mas lalo pang nagpadami ng mga customers na ang iba ay nagmula pa sa iba't ibang lugar. Dahil maliban sa mga masasarap na inumin, at nagagandahang mga babae na siniserbe sa mga guest dito isa ito sa dinadayo nang mga kalalakihan.

Masquerade Party ang tema nang Alhambra. Policy nang club na sinuman ang pumasok dito ay kailangang nakasuot nang maskara. Pati kaming mga trabahador dito ay may kanya-kanyang maskarang pag-aari na kailangan ay suot-suot namin lalo na pag sumasabak na kami sa trabaho.

Hindi lang basta-basta pakulo ito nang club dahil may rason kung bakit nila ito ginawa. Eto ay sa kadahilanang maraming mga estudyanteng stripper, pole dancers, escorts at waitress ang nagtatrabaho dito. Para maingatan ang reputasyon nang bawat isa lalo na sa mga hindi talaga lubos na handa na ipangalandakan sa sangkatauhan na ito ang pinasok nilang trabaho, katulad ko.

Isa naman ito sa tinatangkilik nang mga kalalakihan dahil dito walang nakakakilala sa iyo. Walang may nakakaalam kung ikaw ba ay pamilyadong tao, may nobya, galing sa mayamang angkan, kilalang tao sa industriya o isang normal na m*****g lamang.

Dito, lahat ay nagagawa nila nang walang kinakatukan, at yun ang nakakatakot dahil mas lalong dumadami ang mga lalaking ganito.

Nakakaawang isipin ang panloloko nang mga hayop na ito sa kanilang mga may bahay sa pagpunta dito ngunit wala naman kaming magagawa dahil ito ang bumubuhay sa amin.

Sumunod na ako kay mamang sa itaas, kung saan ang mga VIP rooms.

Kadalasan sa mga customer dito ay mga magkagrupo. Mga magkakaibigang mayayaman, minsan pa ay may mga celebrity dyaan.

Minsan lang ako nakakatapak diyan kapag nagsa-sub ako sa ibang senior pole dancers, tulad ngayon, si Ate Beth, ay senior pole dancer na dito. Kung iniisip niyo na opisina lang may mga superior, dito din no.

Kadalasan sa mga senior pole dancers, ay hindi lang isa, hindi lang dalawa o tatlo ang show sa isang gabi. Minsan umaabot nang apat at lima, at isama mo pa ang panghahatak nang customers para mag table at isama ka sa inom, kaya madalas silang nalalasing. So kapag may last show na sila ay di na nila nakakayanan kaya hinahanapan ni mamang nang substitute mula sa mga part-timers na tulad namin.

Nasa basic room kami naka assign, since mabilisan lang ang mga shows doon at may limit. At tulad nga nang sabi ko, kadalasan samin estudyante kaya doon kami nilalagay para mabilis lang ang show at makauwi kami nang maaga dahil pasukan pa.

Malalaki ang tip dito sa VIP rooms, pero isa ito sa mga kinatatakukan at hindi masikmura kahit nang mga senior pole dancers. Dahil karamihan sa mga customers dito ay mga matatanda na, at kadalasan sa kanila ay malikot talaga ang kamay. Kapag nalalasing, ay gumagawa nang milagro sa harap nang mga kasama at mga aggressive pa sila minsan, nagpapamukha talaga na maraming mga pera. Talagang kakainin mo nang buong buo ang pride mo dito dahil ipapamukha din nila sayo na binili ka na nila.

Often times, ang mga nakadaan na sa mga ganung klaseng customers at nasanay na ay mga matitibay na ngayon kahit kaluluwa.

"Oh beh, ipepresenta na kita sa loob ah. Pakinggan mo lang ako mula dito sa labas saka gawin mo na yung iconic entrance." paliwanag sakin ni mamang.

"Noted po."

"Nice. Goodluck."

Pumasok na sa loob si mamang, at tulad nga nang sabi niya ay pinakinggan ko siya mula sa loob na nag mc na din bigla para malaman ang cue kung kailan ako papasok.

"Now brace yourselves gentlemen, as we serve you some hot tea tonight. The most awaited show!"

Nag pose na ako dito sa tapat nang pinto, dahil kasama na sa choreography na basta entrance ay may magbubukas talaga para solid ang pasok mo.

"The grand price, welcome aboard, Mina!"

Sa pagbukas nang pinto ay nagsimula din ang pagtugtog nang musika. Kasabay nito, ay ginewang ko ang aking baywang na nagpahiyaw sa mga kalalakihang nasa loob.

Pumasok ako sa loob na patuloy na isinasama ang kumpas nang aking katawan sa daloy nang musika.

Nang padaan ako sa mga lalaking nakaupo malapit sa aisle, ay isa isa ko silang nilapitan at sinayawan. Meron pa akong isang kinandungan at sandaling gumiling, pagkatapos non ay umakyat na ako sa mini stage at nagsimula nang damhin ang pole sa aking katawan.

Saulong-saulo ko na, at parang kailan lang nang nagtatatakbo ako palabas nang room sa sobrang takot. Nanginginig ang katawan at nag-iiyak sa kalsada.

(Flasback)

Unang gabi nang trabaho ko bilang dancer dito sa Alhambra. Ilang minuto nalang bago ako isasabak ni mamang at kinakabahan na ako.

Ang usapan namin dito ay sasayaw lang ako, pero sa tingin ko sa suot kong toh ay hindi lang yun ang dadatnan ko, kaya mas lalo akong kinakabahan.

Ngayon habang nakaupo ako dito sa stool ay paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Para na kong maiiyak pero nagawa kong pigilan para lang hindi magkalat ang make up sa mukha ko.

"Mia!"

Napaigtat ako sabay lingon nang marinig ko ang boses ni mamang.

Nagmamadali itong palapit sakin.

"Magsa-start na show mo. Kailangan na natin mag punta don sa room."

Napatayo ako nang may nginig sa katawan. Di ko alam, para gusto ko na magback out.

Napalunok ako nang matigas.

"Wag kang kabahan, kaya mo yan." Ani ni mamang habang inaayos ang kwelyo nang suot ko.

Sexy rabbit ang tema namin ngayon. Naka polo two piece dance wear kami at may hair crown na tenga nang rabbit.

"W-wala hu bang mangyayaring masama sa akin sa loob?"

"Ano ka ba, wala. May mga watchers tayo dito. Kontrolado nila ang lahat, at nasa pangangalaga kayo nila kapag nasa loob kayo nang room. Kung ano man ang hindi magandang mangyari, andyan sila para tulungan kayo." mahinahon nitong paliwanag sa akin.

Napangiti ako.

Mabait si mamang, at may intindi ito lalo na sa mga katulad kong baguhan. Simula nung unang araw na nag punta ako dito para sumubok nang trabaho hanggang ngayon, maalaga siya sa mga kababaihan nang Alhambra.

"Halika na, at magsisimula na ang show. May tip ka pa kapag hindi ka late." tapos hinawakan ako nito sa pulso.

Tumango na ako at nagpunta na kami ni mamang doon sa room kung saan ako sasayaw.

"Tandaan mo lang ang mga tinuro ko ha. Magpose ka dito at pagka bigkas ko nang pangalan mo ay may magbubukas nang pinto para sayo at doon kana sasayaw papasok."

Tumango tango lang ako, pero ramdam ko sa buong katawan ko ang kaba. Parang bumabaliktad ang sikmura ko.

Nag inhale exhale muna ako dito habang hinihintay ang hudyat mula sa loob. At nang marinig ko na ang pangalan ko ay dali-dali akong nag pose, nataranta pa ako non dahil bigla ko nakalimutan pano.

Unti-unti nang nagbubukas ang pinto, at alam ko nang sa pagpasok ko sa loob ay katapusan ko.

Nagbuga ako nang malalim na hininga sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto at sinimulan ko nang sayawin ang itinuro sa amin.

May aisle dito mula sa pinto diretso sa maliit na entabladong nasa gitna nang kwarto.

Habang sumasayaw ako papasok ay di ko mapigilang mangatog ang mga binti ko nang makita ang napakaraming kalalakihang nandito. Naghihiyawan sila habang nakatingin sa katawan ko.

Naiiyak ako. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay ibenenta ko na ang sarili ko sa dyablo.

Patawarin sana ako nang pamilya ko sa pinasok kong toh.

Umakyat na ako non sa maliit na stage at sinimulan ko na ding sayawan ang pole. Nakita ko naman na tumayo yung ibang lalaki at pumalibot dito sa maliit na stage na kinatatayuan ko.

Nakita ko silang naglabas nang pera mula sa bulsa nila. Sumasayaw sila palapit sa gawi ko habang iwinawagayway sa ere ang perang hawak nila.

Marahan akong napapikit at sa pagmulat ko ay ramdam ko ang tumulong likido sa mga mata ko. Nakamaskara ako kaya't hindi ko iyon mapunasan. Hinayaan ko lang na dumaan ito sa pisngi ko papunta sa leeg ko.

Habang gumegewang ako dito sa itaas ay bigla kong naramdaman na may humawak sa pwetan ko kaya't napaigtat ako at napatigil. Lumingon ako at may nakatayo doong lalaki na binelatan pa ako.

Nagpalinga ako sa paligid at hinanap ang mga watcher na sinasabi ni mamang. Nasa magkabilang gilid lang sila nang room, pero wala naman silang ginagawa.

Sa palagay ko, hindi ito ang gulong nirerespondehan nila dahil normal ito. Pero hindi ko ito kaya.

Nilunok ko ang laway ko at pinagpatuloy ang pagsasayaw sa pag-aakalang hindi na uulitin nung lalaki ang ginawa niya.

Pero sa pagpapatuloy ko ay tinuloy din nito ang paghawak sa pwet ko gamit na ngayon ang dalawang kamay nito.

Muli akong napatigil at napaatras na ako nang bahagya. Pinipilit kong wag pansinin pero hindi ko na kakayanan nang himas-himasin niya na ito.

*Pak*

"Bastos!"

Walang ano ano akong tumalon mula sa stage na ikinabigla nang ibang mga lalaki na malapit sa akin kanina habang hindi naman iyon napansin nang iba sa likuran.

Nagtatatakbo ako palabas nang room na umiiyak.

"Mia!" dinig kong sigaw ni mamang pero hindi ko na ito nilingon pa.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa dressing room. Hinablot ko ang bag ko at tumakbo palabas nang club nang hindi nagbibihis.

Nang nasa gilid na ako nang kalsada ay doon ko lang naramdaman ang pangangatog nang mga binti ko, natumba nalang ako nang di ko namalayan at doon na nagpatuloy sa paghikbi.

Hindi ko kaya toh.

Hindi ko kaya.

(End of Flashback)

Hindi ko kaya.

Yun ang huling sinabi ko sa sarili ko sa huling beses na iniyakan ko ang pinasok ko.

Pero sabi nga nila, walang bagay na hindi nakakasanayan. Kaya heto ako at nasanay din. Ang mga hawak ay tila ba hangin nalang saking dumadaan na dinadama ko nalang din.

Ano pa bang magagawa nang isang tulad ko? Kung alam ko sa sarili ko na ito ang nagsusustento sa pang araw-araw na buhay ko? Wala, kundi ang magpatangay sa agos nito.

Ilang minuto akong nag pole dance, at pagkatapos ay bumaba ako nang stage. Dahil ito na ang oras para libangin sila.

Naghiyawan naman ang lahat. Halatang excited kung sino ba sa kanila ang malalapatan.

Pero mula sa taas kanina ay meron na kong na sight na pwedeng lapitan. Mas malapit lang siya dito sa unahan kaya mas convenient.

Sa pagbaba ko sa stage ay patuloy na sumasabay ang katawan ko sa musika habang palapit sa punterya ko.

Nang nasa tapat na niya ako, ay tumalikod ako sa kanya, pinitik ang katawan ko at unti-unting tumuwad sa harapan niya dahilan para magsigawan lalo ang ibang mga kasama niya.

Gustong gusto talaga nila ang mga ganito.

Sa pagbalik ko sa pagtayo ay nilingon ko siya at agad na kinandungan. Giniling ko ang katawan ko sa lap niya habang iniikot ang ulo ko. At nang daanan ko siya nang amoy, napapikit ako sa bango nang pabango niya.

Parang ako pa ata yung nadadala sa kanya.

Umayos ka Mia.

Muli akong tumayo at iniba ko ang posisyon ko, ngayon ay nakakandong na ako nang nakatalikod sa kanya. Kinuha ko ang dalawang kamay nito at ginuide ko siya para lakbayin ang katawan ko habang sumasandal ako sa kanya. Ngayon ay nararamdan ko ang hininga niya sa leeg ko.

Naamoy ko pa din dito ang pabango niya.

Todo hiyawan at cheer naman ang mga kasama niya habang patuloy ko siyang sinasayawan.

Pagkatapos non, bago ako bumalik sa stage ay dinaanan ko pa ang baba nito gamit ang daliri ko saka bumalik na sa taas.

Pinagpatuloy ko na ang pagsasayaw sa taas, at may iilan akong nararamdaman na humahawak sa mga parte nang katawan ko, pero tulad nga nang sabi ko, masyado na akong nasanay at hangin nalang ang mga yan.

Pagkatapos nang show ko, ay nag bow ako sa kanila bilang hudyat.

Paalis na sana ako non nang lapitan ako nang isa sa kanila.

Inakbayan niya ako.

"Miss, mukhang gusto ka ng kaibigan namin. Pwede bang bigay mo na sa kanya ang gabing toh?" bulong nito sakin.

Sa likod nang maskara ko ay paskil ang pagtataka.

"Bibigyan kita nang malaking tip, pasayahin mo lang kaibigan ko." Dagdag pa nito.

Ibig niya bang sabihin escortan ko?

Di na ako nakapagsilata at tinangay niya na ako. Naglakad kami papunta sa direksyon nung lalaking sinayawan ko kanina.

"Bro." bigla niya itong hinila patayo. "Eto na, lantakan mo na." at tinabi niya pa ako dito.

"Excuse me!" pagtatawag niya kay mamang Rino na nakatayo sa labas.

Agad namang pumasok si mamang.

"Pwede ba bigyan mo sila nang room? Yung pinakamahal ha, at may magandang aircondition, yung malakas, baka kasi pagpawisan sila."

Agad naningkit ang mata ko.

Alam ko na patunguhan nito. Hays. Kaya ayoko nagtatanggap nang mga shows pag VIP eh.

May motor-hotel kasinang Alhambra na nakadikit lang dito. Isang pinto lang ang pagitan. Don nagpupunta ang mga customer na gustong ikwarto na ang mga katable nila, which is ang mga escort. At hindi namin trabaho yun dahil dancer lang kami, pero kung paminsan minsan pag natitipuhan ay talagang nabibingwit. Dito lang naman madalas mangyari yun.

"Ahm sir, pasensya na po pero dancer po kasi ito. Hindi po ito pwede." Paliwanag ni mamang, though sa lahat nang mga nag alok na iuwi ang dancer yan ang paulit ulit niyang paliwanag pero for sure hindi nanaman yan pakikinggan.

"Magbabayad ako kahit magkano. Magkano ba tip pag inuwi ang dancer? Babayaran ko basta pasayahin niya lang tong kaibigan ko."

Oh see?

"Bro, lasing kana, kung ano ano na pumapasok sa utak mo." biglang sulpot nitong katabi ko na nilingon ko naman.

Masyado namang lalaki ang boses niya. Naalala ko tuloy yung amoy niya.

"Hindi ah. Tsaka anong kung ano ano? Ikaw at kaligayahan mo ang nasa isip ko ngayon. Oh eto." naglabas ito nang pera at agad inabot sa akin.

"Ayan, pwede na ba yan? Isama mo na sa langit kaibigan ko. Broken yan, kailangan niya nang kasiyahan. Dali." Pinagtutulakan pa niya kami.

Tiningnan lang ako ni mamang at nagkibit balikat.

Nalaglag balikat ko at napabuntong hininga nalang ako.

Wala na din namang nagawa yung lalaki dahil pinagtutulakan nga siya nung kaibigan niya.

Sinamahan na kami ni mamang papunta sa motel nang club.

"Sabi ko na eh, kaya nagdadalawang isip ako kanina masama na talaga kutob ko eh." pagrereklamo ko dito nang pabulong.

Nakasunod samin yung lalaki habang andito naman ako, kasabay si mamang maglakad.

"Pasensya kana, wala akong magagawa. Sakyan mo nalang, mukhang malaki bigay sayo eh, datungan mo nalang ako."

Napanguso ako sa likod nang maskara ko.

"Pinahamak mo ko, wala nang datong." bulong ko pabalik.

Siniko niya lang ako.

Nang nasa motel na kami, ay pinresenta na niya samin yung room kung saan kami.

Napabuntong hininga nalang ako nang buksan na ito ni mamang.

"Here is your room sir. I hope you'll enjoy."

Pinauna ko na munang pumasok yung lalaki at nang makapasok na siya ay nilingon ko si mamang.

"Goodluck."

Yun lang sinabi niya sakin saka tinulak na ako papasok at diretso sara pa nang pinto. Magagalit pa sana ako eh. Tsk.

Wala na akong nagawa kundi akmaan nalang nang suntok ang pinto at irapan ito.

Sa paglingon ko ay hinanap ko kung asan na yung lalaki at nahagip siya nang mata kong nakatayo sa bintana nang kwarto, nakatingin sa labas.

Iginilid ko naman nang bahagya ang ulo ko habang pinakatitigan ito.

Dahan dahan akong lumapit sa kama.

"Sir?"

Nilingon niya naman ako nang bahagya at muli ding bumalik.

"Shall we start?"

Alam ko, na alam niyo na.

Ilang beses na kong nadaan sa ganitong sitwasyon at isa ito sa naging dahilan kung bakit wala na akong pakiramdam.

Hindi lang ang pagsasayaw sa harap nang iba't ibang lalaki ang nasikmura ko, pati na din ang sumiping.

Kaya hangin nalang sila sakin, dahil papel nalang din naman ako sa kanila.

At lahat nang yan ay para sa pera.

Di ito agad sumagot kaya sinilip ko ang mukha nito.

Nagbuntong hininga ako.

Kailangan kong gawin toh.

Unti-unti akong lumapit sa kanya, mula dito sa likuran niya ay pumwesto ako at sinimulan kong himas-himasin ang likod nito.

Naglakbay ang mga kamay ko hanggang sa unahan niya at sa pag-akma kong bubuksan ang butones nang damit nito ay bigla nalang niyang hinawakan ang pulso ko hudyat para tumigil ako.

Medyo nabigla ako sa ginawa niya.

Nilingon ako nito na hindi pa din binibitawan ang mga kamay ko. At sa pagharap niya sakin ay nasulyapan ko sa maskara niya ang mataman niyang pagtitig sakin.

Habang ako naman ngayon ay nakatingala sa kanya, dahil sa taas nito.

"Are you that good?"

Nakatitig pa din ako sa kanya non sabay sabing,

"Pano mo malalaman kung di mo susubukan?" Pang-aakayat ko dito sa isang nakakaakit na paraan.

Nakatitig pa din naman ito sakin, nang bigla niya nalang hawakan ang bewang ko at buhatin ako papunta sa kama. Inihiga niya ako nang nakapatong siya sa akin at saka ay ginapos niya ang kamay ko sa itaas.

Imbes na mabigla, ay naningkit ang maya ko kalaunan.

May pa myste-mysterious pa siya, kakagat din pala siya at mukhang wild pa.

Mula sa pagkakatitig ay lumapit ito sakin, inilapat niya ang mukha niya sa leeg ko. Hanggang sa naramdam ko nalang ang paghinga nito papunta sa tenga ko.

"Estudyante ka ba?"

Mga ilang segundo akong natigilan sa tanong nito. Doon pa ako nabigla at nagtaka.

"Hindi." sagot ko nang mabalik ako sa ulirat ko.

"Well you smell like one." kasabay nito ang pagbitaw niya sa kamay ko at bumaba siya nang kama.

Bahagya ko namang inangat ang kalahati ng katawan ko para icheck siya, at nakita kong nagpunta ito sa single couch na nasa gilid lang ng bintana. Sumandal siya doon at nagcross legs. Pinatong niya pa kamay niya sa tyan niya at inihiga ang ulo niya sa sandalan nang upuan.

Matutulog ba siya?

"T-teka, matutulog ka? Pano yung binayad sakin ng kaibigan mo?"

"Just be comfortable there. Sabihin mo lang mamaya na may nangyari satin." sagot nito mula sa pwesto niya.

And I was too stunned to speak.

"Bakit?"

Ewan ko ba ba't yan lumabas sa bibig ko. Pero gusto ko lang malaman kung bakit. Bakit siya naiiba sa ibang mga lalaking nakasama ko na dito?

Bakit?

Dahil ba bayaran ako? At natatakot siya madumihan? Gusto ko lang malaman.

"Bakit?" Muli kong tanong dito dahil sa hindi nito pagpansin sa una kong tanong.

"I have a sister. And I wouldn't want any girls to go through hell just to earn money, thinking I have a sister."

Inangat nito nang bahagya ang ulo niya at alam kong nakatingin na sa akin ang mga mata nito.

"You girls should be out there doing things all normal. Be in a relationship, marry someone you love and offer yourselves to them someday, hindi sa kung sino sino lang para sa kakarampot na pera."

Ngayon, natagpuan ko ang sarili kong tulala sa mga binitawan nitong mga salita.

Nanunusok.

"Wala ka bang ibang gustong gawin maliban dito?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko at agad akong tumayo.

"Hindi ako binayaran para kwestyunen mo ang trabaho ko."

Akmang aalis na sana ako nang muli itong magsalita.

"Then stay."

Natigilan ang kamay ko sa akmang pagbubukas nang seradora.

"Just stay. Few more minutes. Do whatever you want here wag kalang lumabas. Pag lumabas ka kaagad baka mahalata tayo."

Nilingon ko siya, at ngayon ay nakahiga ng muli ang ulo niya sa sandalan ng inuupuan niya, tulad ng pwesto niya kanina.

Mula dito sa pintuan ay pinakatitigan ko ito na may kasamang palaisipan kung sino ba ang lalaking ito at bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya?

Dumaan ang mga minuto, hanggang sa lumipas ang isang oras. Nakaupo lang ako dito sa single sofa na malapit sa pinto.

Panay ang tingin ko sa kanya dahil inaabangan ko kung kailan siya gagalaw at magbibigay hudyat para lumabas na kami. Nilalamig na kasi ako, remember naka dance wear pa din ako dahil hinatak nga lang ako papunta dito.

Yakap-yakap ko ngayon ang sarili ko nang bigla kong makitang gumalaw ang ulo niya kaya't napaayos ako ng upo.

Di ako nagkakamali dahil inangat niya na ito at binaling ang ulo niya sa direksyon ko. At dahil nakamaskara pa din naman ako, ay di ko na inalis ang tingin ko. Di naman niya malalaman eh, baka nga isipin pa niya tulog ako.

"I think it's time to go." bigla nitong sabi sabay tayo mula sa inuupuan niya.

Agad naman din akong tumayo non.

Nang mapadaan ito sakin ay tumigil siya sa tabi ko habang tinatanggal ang jacket na suot niya.

Walang ano-anong pagkahubad niya nito ay ipinatong niya ito sa balikat ko.

"A-ah, wag na. Okay lang ako." sabay tanggal ko para ibalik sana sa kanya, pero ang bilis niya dahil kagaad siyang nakalabas nang kwarto nang iaabot ko na.

Natulala pa ako.

"Teka lang sir!"

Nagtatakbo ako pasunod sa kanya, pero sobrang bilis niya maglakad.

"Sir--aray!"

Natapilok hu ako, opo.

Amputcha naman, ba't kasi ang bilis maglakad?

After kong tumalon talon para mawala nang bahagya ang sakit nang pagkakatapilok ko ay muli akong tumakbo para habulin yung lalaki.

Pero mabilis siyang nawala sa paningin ko at nung nakalipat na ako mula sa motel papunta sa club ay mas lalong di ko na ito nahagilap pa. Kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa dressing room na dala-dala ang jacket niya.

"Uwi kana Mia?" tanong sakin nang isa sa mga kasama ko sa basic rooms.

"Oo, may pasok pako bukas eh."

"Ah ganun ba? Sayang sasama sana kita na mag table sa isang room don."

Ngumiwi ako. "Pass." kaagad kong sabi na ikinatawa niya naman.

"Osya sige, ingat ka."

"Ge."

Nakapag-paalam na ako kay mamang kaya dumiretso na ako dito sa back-door nang club. Personalize exit namin.

Tinahak ko na ang likurang daanan nang club papalabas sa kalsada. Shortcut toh.

Nang nasa labasan na ako ay pumalayo muna ako nang kaunti bago nagpara ng jeep.

Marami pa namang mga sakayang nadaan ng mga ganitong oras dahil may malapit ditong service center building, at marami pang mga call center na umuuwi ng ganitong oras.

"Para po."

Sakto ding tumigil ang jeep sa harapan mismo ng apartment na tinutuluyan ko.

Pagkapasok ko sa unit ko ay hinubad ko na agad lahat nang suot ko at dumiretso sa balcony dala-dala ang isang kaha ng sigarilyo.

Lagi kong ginagawa toh kada tapos ng shift ko. Eto lang paraan ko para hindi masuka sa lahat nang mga ginawa ko.

Isang sigarilyu lang ang hinithit ko at pumasok na agad ako. Kumuha ako ng tubig at uminom. Hanggang sa nadaanan nang tingin ko ang jacket nung lalaking customer kanina sa club.

Natigilan ako at muli kong naalala ang mga binitawang salita nito.

Hindi ko akalain na merong lalaking makakapagsabi sa harapan ko na deserve namin gawin ang mga gusto namin na hindi kailangang ibenta katawan namin sa iba.

Sino kaya yun?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status