Share

Chapter 10

Chapter 10

Bitten

As soon as we finished our breakfast, I performed my duty immediately.

Wala na akong pinalagpas na oras. Niligpit ko na ang lahat ng pinagkainan dahil tiyak kong kailangan na ring magmadali ng Senyorito para sa kanyang pasok.

"Are you joining the Full Moon Function?" biglang tanong nito nang malapit na akong matapos.

Sa pag-aakalang abala ito sa paghahanda, laking gulat ko nang nakita itong prenteng nakaupo lang sa gilid ng kanyang kama, nakahalukipkip at pinapanuod akong magligpit.

My lips parted slightly. But I managed to pull myself together after a moment.

"Hindi po," I simply answered.

Pansamantala muna akong tumigil sa ginagawa bilang respeto sa usapan. His expression didn't change one bit. Seryoso at tila nananantiya pa rin ang mga titig.

"May I know why?" he probed gently.

I pondered for my answer. As his inferior, I was obliged to entertain his biddings and it included even his questions. But do I really need to give him the real reason for it? I might only... transpire another episode of humiliation and a bad omen for me.

"Sanay po akong sa kuwarto lang tuwing ganitong okasyon." Talagang pinag-isipan ko pa ang isang ito.

Umihip ang sariwang hangin mula sa balkonahe dahilan ng bahagyang paggalaw ng kurtina. Mula sa labas, tumama ang marahang liwanag sa mukha ng Senyorito, binibigyang-diin ang bawat katangian ng kanyang kaanyuan.

I couldn't help but admire every feature of his rigid face. Everything about him was overwhelming, something that would surely prompt defect in my brain if up close.

His black hair was always in place and clean. But whenever disheveled by wind, it would always look planned and still stunning.

With the same color, his fine eyebrows suited his hooded eyes perfectly, always dark, menacing, and brooding. Ang matangos na ilong ay akmang-akma sa hugis ng mukha, something that was seemingly sculpted with his lean hard jawline, making his jaw always seemed pugnacious.

Sa sandaling dumayo ang aking paningin sa kanyang mga labi, parang dinidikdik ang puso sa kaisipang ilegal ang ginagawa. Those lips always looked sexy and flawless to me.

Every curve added perfection to it, as if it was carved with precision and special consideration. That of all the strong details among his face, that area was the only soft and delicate part to feel.

However, as soon as the corner of those lips rose, I was dragged into reality. Especially when his lower lip was drawn between his teeth to stifle something.

Was I staring too much? For how long was I occupied? The color drained out of my face as I lifted my gaze from his lips to his eyes.

I pressed my lips tightly, evading his intent and suspicious look. Panigurado katawa-tawa ang hitsura ko kanina. Hindi, hanggang ngayon! Sigurado!

"There will be a lot of people tonight. I'd rather you stay in your room. It's safer..." mataman niyang sambit gamit ang seryoso ngunit may halong pagkamanghang tono.

Hindi ko na nasundan pa kung paano ko nagawang lumabas nang buhay sa kahiya-hiyang sitwasyong iyon. I was certain he caught me leering at him. I was sure of that! So ridiculous and embarrassing, Lumien! Kailan ka pa matututo?!

Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang makapag-focus sa huling trabaho ngayong araw na ito. Maaga akong babalik sa silid kaya dapat lang na magawa ko ito nang maayos. I must not let my mishap get in a way today.

Naghanda na sa pagpasok si Zaro. Samantalang ako, pagkatapos kong ipaghanda naman ng makakain ang isa pang alaga, agad din akong pumanaog sa hardin.

"Jackie, nakita niyo si Azul?"

Lumapit na ako rito. Ilang minuto na rin kasi akong naghahanap ngunit hindi ko pa rin matagpuan ang aso.

"Ha? Alaga mo 'yun. Bakit sa'kin mo itatanong?" sagot nito sa akin.

Nagulat ako sa pagiging agresibo ng kanyang sagot.

Hihingi na sana ako ng pasensiya at magpapaalam. Kaso mula sa pagsisibak, dumating si Jacob. Hindi ko napansin kanina pero mukhang narinig ang usapan namin.

"Nasa rantso kanina, a? Nag-eensayo na naman ata," aniya.

May dala itong iilang kahoy mula sa pagsisibak at gulok na ginamit.

Napangiti ako at napahigpit ang hawak sa dalang kainan ni Azul.

"Maraming salamat!"

"Pagpasensiyahan mo na," he then gestured his twin.

Pagkasilip sa isa ay pairap itong napailing bago bumalik sa paglilipat ng halaman sa paso. Hinayaan ko iyon at hindi na minasama pa. Bagkus, muli akong humarap kay Jacob na naglalapag na ng ilang kahoy.

"Ayos lang. Pasensiya na rin kanina. Uh... nagmamadali lang dahil mahuhuli na sa almusal ng Senyorito."

He blushed a bit. Inangat niya ang kanyang kamay patungo sa kanyang batok ngunit nang naalalang marumi nga pala iyon, nagpagpag na lang ng mga kamay.

"N-Naisip ko nga 'yon kaya uh... naiintindihan ko. Tsaka, natutuwa pa nga ako!"

"Huh?"

Hilaw siyang napangisi sabay sulyap sa aking palapulsuhan. "Suot mo."

Napagaya ako ng pagsilip sa kamay ko. Nang natanto ang tinutukoy ni Jacob, bahagya akong naestatwa sa kinatatayuan.

I didn't know exactly how to react. How could I forget about the bracelet? I didn't manage to remove it earlier! Nawala sa isip ko!

"M-May problema ba?" Jacob asked worriedly when he saw my reaction.

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napailing. Maaaring sinuot ko ito kaninang umaga para sa takas kong paglabas. Ngunit ang hayaan ito hanggang sa trabaho ay wala sa isip ko!

Saglit akong napapikit, sobrang dismayado. Naisip kong dahil sa pagmamadali, hindi ko na napansin pa ang pulseras at kumaripas na sa paggayak kanina. I could still recall my decision to take it off but Nana abruptly knocked on my door.

I bit my lip frustratedly as I bid my goodbye to Jacob. However, an image of Nana looking down at something cautiously somewhere in my hand popped up into my mind like a flashback.

Kung ganoon, hindi kaya ang pulseras na suot ko ang nakita niya? I groaned to myself.

She surely found it suspicious! Saan ko ito nakuha? Sinong nagbigay? Bakit hindi niya alam?

Ito ang dahilan kung bakit sa orihinal na plano, wala akong balak na suotin ito nang matagal. Lahat ng suot at gamit ko ay kabisado na ni Nana. Kapag may napunang bago sa akin, tiyak akong pauulanan ako ng tanong tungkol doon.

At kapag nangyari iyon...

Napasulyap ako sa suot na pulseras. Bumuntong-hininga ako.

Mauuwi ako sa pag-amin na hindi talaga paglilinis ang ginawa namin noon sa attic... hanggang sa kung saan na lang mapunta ang usapan.

Just thinking that I'd reveal my strange interest in that foolish paper frightened me. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko, iyon ang bagay na dapat ay sa akin lang. Bagay na dapat... ako lang ang nakakaalam.

Tama ang sinabi sa akin ni Jacob. Pagkarating sa rantso, ilang metro pa lang ang layo ay natanaw ko na si Azul at ang pamilyar na lalaking trainer nito.

Tumigil ako sa isang mahabang bakod. Doon ako naghintay para hindi sila maabala pa. Ayos na rin ito. Sakaling may kailanganin sila, at least may mauutusan dito.

After a moment, the trainer noticed my presence. Nakataas ang kanyang kamay habang may hawak na sinusubukang abutin ni Azul. Saglit itong tumigil, para siguro alamin kung sino ang nanunuod. Hindi rin naman nagtagal, nagpatuloy sila sa ensayo.

The guy looked young. Probably Zaro's age or younger. Ang kaninang passive routines na naabutan ko ay biglang naging aktibo. Kung kanina, nakatayo lang ang trainer habang sumisigaw ng command kay Azul. Ngayon, mukhang mas masugid na ito sa ginagawa dahil nakikisabay na rin sa takbo upang gabayan ang tinuturuan.

I noticed how his gawks towards here became more frequent. In the middle of clapping his hands and commanding Azul, he'd find ways to take a glimpse from here, as if his attention was being divided and he's distracted.

Hindi ko sigurado kung magiging malinaw ba pero sinubukan kong ngumiti bilang pagkilala at respeto na rin. I found it rude to just stare at them when he's obviously looking, so I smiled as a sign of acknowledgement and being courteous.

Iyon nga lang, mukhang nakaabala pa ang munting ginawa ko dahil bigla silang tumigil. Yumuko ito at may sinabi kay Azul bago i-pet at bigyan ng treat. Hindi nagtagal, papunta na sila sa akin. Napatuwid ako ng tayo.

I crouched to pick up Azul's food even though after watching them, I wondered if it was still needed. Tapos na ba ang training?

"Hi," the guy said as soon as he halted in front of me on the other side of the barrier.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. I probably looked stupid just staring haywire at him.

I almost forgot. Being approached and greeted by a stranger, especially one coming from the outside of the Castellano's lands, still didn't fail to take me by surprise.

Hindi kasi ako hinahayaan ni Nana na makihalubilo sa mga tao tuwing may mga pumapasok sa lupain ng Castellano. Ultimong mga nagde-deliver ay hindi pinapaharap sa akin. Kaya naman ang ganitong tagpo ay hindi ko sigurado kung tama ba.

"Noong nakaraan pa kita napapansin. Kasama ka ni Mr. Castellano, right? Relative?" He smiled boyishly.

Puno man ng nerbyos, nagawa kong iiling ang ulo kasabay ang paghigpit ng kapit sa pagkain ni Azul.

"H-Hindi. Naninilbihan... lang po."

"Servant?!" he exclaimed unbelievingly.

Bigla akong nahiya. Sa tono pa lang ag reaksiyon nito, masasabi kong hindi niya ito inaasahan at dismayado roon. Maybe he's even disgusted. I don't know...

"P-Papakainin ko lang po sana si Azul..." sa maliit kong boses. "Pasensiya na po-"

He suddenly gave out a ripple of laughter. Tinuon niya ang parehong kamay sa munting bakod na pumapagitna sa amin at naglaro ang pilyong ngiti sa mga labi.

"Hindi bagay sa histura mo ang maging katulong. You know that?" For some reason, his voice was lower now, still caught up in the fact that I was really a servant.

Nanuyo ang lalamunan ko, hindi malaman ang isasagot at litong-lito na sa nangyayari. Lalo na nang sa hindi inaasahang pagkakataon, inangat nito ang kanyang kamay at hinaplos ang aking baba.

Napatikhim ako at napaiwas ng mukha. Simple touch but I found it really rough against my skin. He chuckled, amused by my impulse.

"Stay-in ka rito o shift? Anong oras ka bakan-"

Before he could even finish his question, Azul surprisingly gave out a series of harsh and aggressive barks.

Halos mabitawan ko na ang hawak na pagkain niya nang hindi umano'y nagbago ang kanyang disposisyon. His behavior depicted aggression.

Out a sudden, Azul was in a defensive stance, lowering his body showing sharp eyes and fangs with hostile growls, like he's readying for a violent attack any minute from now.

Horror crept up to my system. W-What's happening?

I tried calming him down by yelling his name in an authoritative tone. But in contrast to what I was planning, he went fiercer, eyes now fixated on me. Nanghina ako.

The trainer was alarmed. Mabilis ngunit may pag-iingat itong tumalikod sa akin para humarap kay Azul. Dahan-dahan at tahimik ang pagluhod upang pakalmahin ito habang hinahawakan ang collar. Kaso hindi ito natinag.

It felt weird... and scary. Everything happened so fast. Azul's eyes were looking directly in my eyes, manifesting an odd hostility and unfamiliarity like he hasn't seen me before.

Gusto kong maiyak sa takot at pangamba. Lalo na nang sa isang iglap, ang kaninang buwelo ay tila napigtas na.

In just a snap, he escaped from the hold of the guy and violently ran towards me. Hindi ko alam ang gagawin. Halos mabingi ako sa ginagawang pagsigaw ng lalaki at sa mabagsik na tahol ng asong kasalukuyang sumusugod na sa akin.

"Azul... Azul!" Napaatras ako, halos magmakaawa na rito habang walang batid na sumusugod pa rin sa akin.

Parang hindi ko na ito kilala. Parang hindi ito ang asong kasa-kasama ko nitong mga nakaraang araw. Humabol ang lalaki kay Azul,  sinusubukan pa rin itong pigilan ngunit huli na ang lahat.

"Ah!"

Sa isang iglap, agresibong lumundag si Azul sa akin at kahit anong pag-iwas at sigaw, walang awa nitong sinakmal ang braso ko.

"Holy shit!" I heard the guy cuss as he strangled Azul away from me.

I cried in pain. I shrieked so loud while enduring the severe bite, to the extent that my voice echoed across the field.

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa akin nang silipin ang natamong sugat. Dama ko pa rin hanggang ngayon ang sakit. Mas lumala pa nang natanto ko ang dugong umaagos mula roon. Nanghina ang mga tuhod ko sa takot. Para akong tinakasan ng lakas sa nangyari.

Mabilis akong hinila ng lalaki patungo sa mansiyon. Pagkarating, pagkakita pa lang sa hitsura namin ay nataranta na agad ang mga tao sa labas.

"Anong nangyari?!" lapit ng isang lalaking hinuha ko'y papunta sanang kwadra dahil sa suot.

"Nakagat ng aso," daling sagot ng trainer at hinila ako papunta sa pinakamalapit na gripo.

Sa mga oras na iyon, para akong lumulutang sa ere. Wala sa sarili kong pinagmamasdan ang mga taong hindi mapakali sa paligid ko. I even saw people panicking for what happened even though I knew, they despised me.

Jacob was the one who handed the guy a soap to wash my wound against the running water. Si Jackie, kahit nakatayo lang ay bakas ang pagkabahala habang nanunuod.

Sinubukan kong ngumiti ngunit imbes na iyon ang mangyari, luha pa rin ang nagwagi kalaunan.

"Lumi! Jusko!" si Nana, nagmamadali sa paglabas ng mansiyon.

Nakaupo na ako. Kita ko ang mga nakasunod sa matanda, may dala-dalang bawang na sa hitsura pa lang ay alam kong dinikdik na.

"K-Kaya ko po. 'Wag po kayong mag-alala," tikhim ko kahit ang totoo, hindi ko pa rin lubos maintindihan ang insidente.

"Hindi ba sabi ko naman sayong mag-iingat ka? Lalo na ngayong araw! Naku!" Kulang na lang ay mapasabunot ito. "Hala, sige! Gamutin iya-"

"What's happening here?"

Lahat ay natigilan sa ginagawa nang biglang narinig ang boses ni Zaro. Nagsihawi ang mga nakahara upang makadaan ito.

Sporting a furrowed brows, sharp eyes, and a firm jaw, he found me sitting in the middle of the crowd.

My fear heightened. When his eyes dropped on my arm, a muscle in his jaw twitched. Hindi na kailangan pa ng sagot, nakumpirma na niya ang nangyari sa isang tingin pa lang.

"Nakagat daw, Victor! Heto't tatapalan ng dinikdik na bawang para-"

"No." His expression hardened.

Si Nana man ang kausap, ang maririing titig ay nanatili sa aking braso. Umangat ang kanyang mga mata sa akin. Napaiwas ako, hiyang-hiya para sa sariling kapalpakan. Another failure. It must be another disappointment for him.

"H-Huh? Mabisa itong pang-"

"It's not safe. Tatawag po ako ng doktor."

Napalingon na ako. This time, he's dialing something on his phone critically. Questions surged in my head. He's supposed to be going now, right?

"Wala ang tiyuhin mo, Victor! Malayo pa ang pinakamalapit na gamutan dito. At alam mong..." Hindi na natuloy ni Nana ang sasabihin.

Sa kanya nalipat ang atensiyon ko hanggang sa magkasalubong ang mga mata namin. Tingin ko ay alam ko ang inaalala nito. Walang pag-asang makakakuha ng manggagamot kung hindi pupunta rito. Dahil kung ang paglabas ko ang pag-uusapan... imposible.

Napayuko ako at napatanaw sa dinikdik na bawang na ngayo'y inaalis na ng isa pang kasambahay sa sugat ko.

"Wala si Doc Reyes ngayon, hijo. Nasa kabilang lalawigan pa. S-Sa malayong baryo..." pagpapatuloy ni Nana, tila natatakot na rin sa kahahantungan ng sariling litanya.

I sighed and stared at my wound, now dressed to prevent infections. Hindi nakasagot ang Senyorito dahil abala na sa pagtawag habang nasa harap ko.

"Hindi na kailangan ng turok..." May kasama nang taranta ang boses ni Nana. Gusto kong isipin na dulot iyon ng kanyang pag-aalala sa aking ngunit alam kong may iba pang bagay na maaaring pagmulan noon.

Bumuntong-hininga ako at sumang-ayon na lang.

"Hindi na po kailangan. Simpleng... kagat lang..." I stammered.

Lalo akong napahiya nang lingunin ako ni Senyorito gamit ang iritadong tingin, animo'y kahangalan ang sinabi ko.

"Sa hitsura ng sugat, kailangan ng vaccine." Now the trainer spoke.

Napapikit ako at napayuko na lang nang dismayadong napailing sa akin si Zaro. Bumalik na rin sa kanya-kanyang trabaho ang iilan. Ang kambal ay nanatili, nakaupo na sa kabila para maghintay ng balita.

Pagkatapos ng isang tawag, bakas ang pagkabigo sa hitsura ng Senyorito. Kunot-noo itong nakatitig sa kanyang phone, tila may malalim na iniisip at nauubusan na ng pasensiya.

"A-Ano?" si Nana.

Zaro massaged his nose bridge frustratedly. May sinabi ito sa matanda ngunit hindi ko na narinig dahil biglang umupo sa tabi ko ang trainer ni Azul.

"Does it hurt?" aniya sabay huli sa mga mata ko.

Umiling ako para na rin iiwas ang tingin.

"Hindi na naman po..."

"The more it needs to be treated. Namamanhid ba?"

Doon nakuha ang atensiyon ko. Medyo mangha ako na tama ang konklusiyon niya. Totoong namamanhid nga. He knew it so well?

Akmang sasagot na sana ako pero bago ko pa man maibuka ang bibig, namilog ang mga mata ko nang biglang may humila sa kabila kong braso.

Napatayo ako. Bumungad sa akin ang supladong hitsura ng Senyorito na kasalukuyang sa likod ko nakatingin saka ako hinarap nang nakaigting na ang panga.

Kumunot ang noo ko, lito sa hindi malamang galit niya.

"Let's go."

"H-Huh?"

That's when I realized we're heading to his car.

I waited but he didn't answer. I looked back to ask Nana instead but I was stunned to see her very problematic and frightened.

Wait, is this for real?

"S-Saan po? At saka, baka ma-late na po kayo sa kla-"

Padabog niyang binuksan ang kanang bahagi ng sasakyan. When Zaro turned to me with bloodshot eyes, almost ready to go postal, I shivered.

"The hell I care, Lumien Castellano. Shut the fuck up and get in," he ordered using a deadly baritone voice.

Dahil sa kaba, awtomatiko akong tumalikod at umakyat patungo sa loob. Tahimik lang ako, takot para sa sariling buhay. The idea of him being capable of crushing me in just a blink of an eye alarmed me.

Upset, he entered the car on the other side and started the engine. When a couple of seconds passed, his phone rang so he answered the call.

Inabala ko na lang ang sarili sa bintana at nirehistro ang lahat ng nangyayari.

All my life, I thought riding a vehicle like this for the first time would be magical for me. But with all the possible chances out there, I never thought that I would end up feeling nonchalant.

Siguro dahil habang binabaybay namin ang kahabaan ng distansiya patungo sa labas ng lupain ng mga Castellano, ang aksidente pa rin kanina ang gumugulo sa akin.

What are the odds that Azul would attack like that all of a sudden? Why did he suddenly resort to hostility and violence against me? Was it really the full moon's bad omen that took place a while ago to condemn me?

Mariin akong napakagat ng labi habang pinagmamasdan ang kahindik-hindik na sinapit ng aking braso. Isipin pa lang na kaya itong gawin sa akin ni Azul ay nakakapanlumbay na para sa akin.

Looking back last Saturday and even earlier this Monday morning, he's been the sweetest thing ever. Azul has been acting clingy and lovely. Nakakapanibago man ang kakaiba nitong turing sa akin noong Sabado at kaninang umaga, mas nakakapanibago ang inakto nito ngayong tanghali.

No matter how hard I tried to fathom everything, I couldn't remember anything that I did that could possibly upset him. Why would he suddenly do that? Why was he suddenly mad at me? I couldn't get it.

"Magandang tanghali, Sir!"

The guards on the gates were jolly and warm at first. But the moment they set their eyes on me, they were petrified and confused in an instant.

They looked hesitant as they asked Senyorito about something, snatching glances at me with doubts in their eyes.

"It's alright. She's with me," Zaro assured them.

Malungkot akong napangiti at tinuon na lang ang pansin sa harap.

They must be wondering about this unexpected surprise. They must be curious as to why I got to finally leave the premises of the Castellano land. For so many years, they've been instructed to look out for me. But now, a Castellano himself is taking me outside the fences.

Pinagmasdan ko ang matatayog na konkretong nasa paligid ng sasakyan ngayon.

It must be sad that they're blocking the beauty of the land from the outside just to keep me safe if that's really the case.

Sa pag-aakalang magiging kasiya-siya ang pagkakataon sa oras na makakalabas na ako mula rito, pilit kong hinanap ang pakiramdam na 'yon sa kasulksulukan ng aking sistema.

Nang sa wakas ay natunghayan ko na ang hitsura sa labas ng mga hara, napaahon ako mula sa pagkakaupo at napakapit sa pinto ng sasakyan.

Was it always this bright and sunny outside? Or was it just me because... it was the first time?

Hindi ko na napigilan ang pagkamangha. Sinuyod ng paningin ko ang sementadong kalsada na ngayo'y tinatahak na ng sasakyan ni Senyorito. Wala man masyadong kabahayan at tao sa labas ng lupain ng mga Castellano, sa pagsapit ng ilang minutong byahe, tuluyan nang kuminang ang mga mata.

Unti-unti nang nagsilabasan ang mga kabahayan, tindahan, at establiyimento sa paglayo namin sa lupain.

Parang ngayon lang ako nakakita ng mga tao. Halos lahat ng nadaraanan ay abala sa paghahanda para sa pagsapit ng kabilugan ng buwan mamayang gabi, kanya-kanya sa pagsabit ng dekorasyon at panghahalina sa mga kababayan na dumalo sa pagtitipon.

Natanto ko na kahit probinsiya ang lalawigan ng Castel, unti-unti na ring nababaharin ng teknolohiya at pagiging moderno ang paligid. Lalo na nang tumigil kami sa isang bayan, maraming tiangge at tinderong nagkalat sa tabi man o harap ng malaking simbahan.

Marami ang napapatingin sa sasakyan tuwing nadaraanan. Alam kong dahil iyon sa magarang model ng kotse ni Zaro ngunit sa dulo ng aking imahinasyon, iniisip kong sa akin sila tumitingin, sinusubukang titigan ang aking mga mata gaya ng madalas kong panaginip.

Eyes. Eyes are the windows to your soul... that's what they told me.

Then I wonder how it feels like when people this much are willing to take a glimpse through that window. Tutal at lumaki naman akong nakakulong lang sa mansiyon, kilala kaya nila ako? Ganoon din kaya ang tingin nila sa akin? Mag-iiba naman kaya ang reputasyon ko sa labas? Magagawa na kaya akong tignan ng mga tao rito bilang isang normal na mamamayan din?

I smiled more at my thoughts, dreaming about the impossible realm. Because I know, this is far away from permanent. This is just short-lived. Kailangan lang ipagamot kaya nakalabas nang ganito. Panandalian lang kaya hindi dapat mangarap nang husto.

Ilang minuto pa, isang eskuwelahan naman ang nadaanan namin. Namangha ako sa kumpulan ng mga estudyante sa harap nito.

Karamihan, papasok pa lang suot ang kani-kanilang uniporme at bag na may disenyo pa ng mga paboritong karakter na hindi pamilyar para sa akin. May maliliit pang bata na nakikisabay rin sa agos, hawak ng kanilang mga magulang para ihatid sa eskuwela pero ang iba, pahinto-hinto sa mga tindahan ng laruan upang ituro sa magulang ang tipong ipabili.

Napangiti ako, sinusundan ko pa iyon ng tingin kahit nalagpasan na ng sasakyan ang eskuwelahan. Panibagong tawag na naman ang sinagot ng Senyorito kaya nakuha noon ang aking atensiyon.

How about him? It must be nice to leave places to places without being resisted, without being stopped by anyone. You're free to go wherever you like. He has all the means anyway. It must be nice to live a life like that. It must be nice to be normal. To be privileged. To have liberty and abundance.

Hindi ko na napansin na napapatagal na pala ang titig ko. Kung hindi pa ito magsasalita, hindi ko pa mapapansing tapos na ang kanyang tawag.

"Wala si Tito. Wala rin sa Castel ang doktor na may supply ng gamot para dyan kaya sa kabilang bayan pa tayo," aniya habang nakatutok lang sa pagmamaneho, seryoso pa rin.

My lips trembled in panic. I nodded stupidly.

"Sorry..." I sighed, almost sounding miserable.

Sa dami ng gusto kong isatinig, hindi ko inakalang iyon lang ang lalabas sa bibig ko. Hindi ito sumagot ng kahit ano.

Was he mad? For sure. I was a nuisance. I hindered him from attending his college and other businesses that I didn't know. He's a busy man; a burden like me must be terrible.

I leaned back in my seat and sighed. What a pain in the neck, Lum-

"Is it bad?" he broke the silence.

If there's something that surprised me the most, it was the sudden change of his voice. In defiance of his insolent tone a while ago, it was surprisingly gentle and calm now.

"The wound... is it bad?" buntong-hininga niya nang akala'y hindi ko naintindihan ang unang tanong.

Sinulyapan ko ang sugat na nababalutan ng sterile bandage at umiling.

"N-Namamanhid... lang..." I almost gasped the last word to weaken the fervor of the answer.

Nilingon ko siya at nakitang mariin nang nakatingin sa akin. He obviously didn't like what he heard.

I bit the insides of my cheeks and averted my eyes instead. "Pero ayos lang..."

"Ayos lang?" he repeated as if it's so ridiculous.

"Kagat lang naman." I tried to sound casual. "At... epektibo naman daw ang bawang kaya dapat-"

"What's with the garlic? Are you an evil spirit or something?"

"Hindi pero-"

"And are you saying that I shouldn't get so worked up over this?" he added menacingly.

Muli akong nalito sa pagbabago sa tono ng kanyang pananalita. I turned to him. When seconds passed and I wasn't able to respond, he looked at me, too, with frustration and forlorn in his eyes.

"You're bitten," tila nahihirapan niyang saad, para bang hindi ko alam iyon kaya kailangan kong itatak sa utak.

Bahagyang humigpit ang hawak niya sa manibela. "By our own dog..."

Shaken by his tone and the truth of his words, I felt goosebumps suddenly rising on my skin.

Just like an automatic response, as soon as I pictured out Azul determined to harm me, my eyes glistened with tears.

Muli siyang sumulyap sa akin kaya mabilis kong pinalis ang namumuong luha sa mga mata. Umiling ako, pinakitang wala lang iyon. Umigting ang panga niya at dumilim lalo ang titig sa akin.

Aaminin ko, tama siya. I also got what he's trying to point out. Pero... napangungunahan ako ng hiya. I am such a burden. I think I could go with the garlic instead of adding to his concerns.

He sighed before facing back to the road.

"You should've told me you're going to feed him. I should've known, Lumien."

Tuluyan nang nanuyo ang lalamunan ko at hindi na nakaimik pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status