Share

Chapter 7

Chapter 7

Pridyeder

"Alalahanin mo ang mga bilin kong bata ka. Ilang ulit ko nang tinuktok sa utak mo kung gaano kadelikado ang paligid."

"Wala naman po kayong dapat ipag-alala, Nana. 'Yung kambal lang po talaga ang kasama ko."

Tumalim lang ang tingin niya sa akin. "Alam ko. Pero kahit kanino dapat kang mag-ingat. Maski kanino!"

"Maski po sa inyo?" I asked innocently as I glanced at her through the mirror.

Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa silid. Taimtim lang na nakatingin sa akin si Nana mula sa likuran ko kaya pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa mahabang buhok.

"Maski kanino." Iyon na lamang ang nasagot ng matanda.

Tumango ako at hindi na pinahaba pa iyon dahil naiintindihan na naman nang lubusan.

Aaminin ko, masaya ako na nakapag-usap na kaming muli ni Nana. Akala ko'y magtatagal pa nang mas mahabang panahon ang tampo nito sa akin ngunit bumalik na naman sa normal kahapon ang lahat.

Huwebes ngayon ngunit tulad kahapon, pansamantala munang itinigil ang pagtuturo sa akin ni Senyorito. Bukod sa naging abala na ulit sa kanilang eskuwela na dinagdagan pa ng ani rito sa hacienda, si Nana na rin mismo ang nagbilin na magpahinga muna sa kung anong ginagawa namin.

I believed she's just concerned about Zaro's studies and other responsibilities. Sa dalawang araw kasi na ginugol namin sa kanyang paggabay at pagtuturo sa akin, hindi na rin ako masyadong nakakatulong ng gawain sa mansiyon kaya sang-ayon din ako na itigil muna.

Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa paglilinis at pagsama kay Nana. Pati na rin syempre sa pakikipaglaro at pag-aalaga kay Azul, partikular na trabahong nakatoka sa akin.

Sa totoo lang, pansin ko ang pangamba ni Nana sa bagong aso at alam kong may halong pagdududa. Ngunit nakumbinsi na rin siguro ni Zaro na makatutulong ito sa lupain kaya hinayaan na rin ng matanda.

"Nitong mga nakaraan, pansin ko ang pagdalas ng pakikisalamuha mo sa Senyorito. May dapat ba akong ikabahala, Lumi?"

This time, I sensed a different warning in her tone. Something more suspecting. One that made me stop from what I was doing and urged my heart to skip a beat.

"Nana, wala po. Simpleng pagtuturo lang ang ginagawa ni Senyorito."

Hindi ito nakapagsalita at nanatili lang sa akin ang mga mata. Bumuntong-hininga ako, tuluyan nang nilapag suklay.

"Uhm... M-Makakatulong daw po iyon sa kaligtasan ko para... ipagtanggol ang sarili at malaman ang mga dapat iwasan. Para sa kaligtasan ko."

Her face pacified in an instant. Bumalik ang munting kurba sa mga labi nito ngunit tila may malalim na pinapalagay sa isip.

"Para sa kaligtasan mo?"

I smiled. "Opo."

Para siyang nabunutan ng tinik. "Natutuwa akong marinig 'yan. May malasakit talaga ang batang iyon maski sayo kaya makinig kang mabuti at sundin ang mga turo, ha?"

Masunurin akong tumango, hindi na pinigilan ang namumutawing galak sa timpla.

"Salamat po. Pagbubutihin ko po lalo."

"Sige na. Marami ka na rin namang nagawa sa hardin. Mukhang hinihintay ka na rin ng kambal."

Sabay na kaming lumabas ni Nana at tama nga ang hula niya. Dahil sakto lang din sa aming paglabas ang pag-akyat ng magkapatid, abala pa ata sa kanya-kanyang papel na dala.

Nanliit ang mga mata ko upang linawan ang paningin. Natanto kong iyon pa rin ang sulat na ginawa ko.

"Magandang hapon po, Nana Laura," they greeted in chorus when the four of us met halfway.

Napukaw ng mga papel na hawak ng kambal ang atensiyon nito kaya bahagyang nagsalubong ang kilay ng matanda.

"Ano bang sadya ninyo sa attic at kailangang sama-sama pa kayong tatlo?" sabay sulyap ulit nito sa mga hawak na papel.

Jackie hurriedly folded the note as well as Jacob. For some reason, I felt relieved that they did that.

"M-Maglilinis lang po, Nana. Uh... sa pagkakaalala ko kasi, may parte pang hindi nasasaid ang linis!" si Jackie.

"Ganon ba?" ani Nana, may duda pa rin sa tinig at hitsura bago bumaling sa akin. "Lumi."

I almost jolted in surprise. Okay, back to me!

"T-Tama po si Jackie. Hindi ba, Jacob?" lingon ko naman sa nabanggit.

Namilog ang mga mata nito, napaturo sa sarili. "Huh? Ah, o-opo... Sasamahan ko rin po sila dahil... dahil baka may kailangang buhatin..."

Nana's eyes narrowed suspiciously. Good thing one of the househelps called her attention to the plan for the dinner later so she left us with hanging questions in her eyes. We were also able to bring our normal breathing back.

"Naku! Hindi ko ba alam kung bakit lagi akong nadadawit sa kamalasan ni Lumi," padabog na asik ni Jackie.

Nauna na itong umakyat papuntang attic. Samantala, nagkibit na lang ng balikat ang kakambal nito at nilahad ang daan sa akin.

Ngayong araw kasi namin napagkasunduan na gawin ang napag-usapang plano. To ransack the attic.

They anticipated me to help to search for more supply of notes with handwriting like that and Jackie made me promise that in case I found something valuable, I'd notify them right away.

Ngunit aaminin ko, iba ang tunay na pakay ko. Maliban sa papel na tulad ng nasa tukador, umaasa rin akong makadiskubre ng iba pang katibayan na makapagtuturo sa akin ng totoong kahulugan ng mensaheng iyon.

It's fine if it isn't me who could find something significant today. Finders, keepers.

All I needed was to get a glimpse of it and examine it so as long as I could do those things, I could manage to relinquish. Besides, I didn't want to be unfair to them after all.

"Dito ko nahanap 'yun, e!" lahad ni Jackie sa medyo dulong parte ng attic na nagsilbing munting bodega ng mansiyon.

Nabahugot ako ng malalim na hininga at naging masugid sa pagkalkal doon.

Ewan ko ba. Sa pagkakaalam ko nama'y matagal ko na sana itong balak. Ayos lang sa akin kahit mag-isa lang at wala ang kambal.

At tutal naman ay pare-pareho naming nais na magtungo sa attic, ginamit ko na itong pagkakataon upang mapadali ang munting hiling na makakuha ng clue.

Gayunpaman, nakakapagtaka na ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataong gawin ito.

I lifted some boxes to explore the occupied areas. Jacob offered some help but I could deal with it. Hinawi ko rin ang ilang mga tela na nakatakip sa iilang kagamitan para suriin doon.

Why did I feel like I've been here recently? The atmosphere felt oddly strange and eerie. Maybe because of the influence of oblivion. Like there's something that my recollection couldn't comprehend but there really was something.

"Ayaw ko riyan! Baduy!"

"Kaarte."

Isang oras o mahigit na rin namin itong ginagawa ngunit kung hindi antigong mga kagamitang may tatak ng mga Castellano, mga lumang laruan lang ng mga Senyorito at Senyorita ang tanging interesanteng natutuklasan namin.

Napatanaw ako sa magkapatid na nagtatalo na naman. Nagsalubong ang tingin namin ni Jacob ngunit nang nagtagal, napaiwas din ito at patuloy ulit sa pagsilip sa iilang kurtina.

Bumalik na rin ako sa ginagawa. Sinulyapan ko ang mga kahon na binalik ko sa pagkakaayos. Tapos ko na ang sa sulok na iyon. Dito naman ako sa medyo gitna. Ang kambal, nasa kabilang sulok, medyo malayo sa akin.

Bumagsak ang balikat ko at napabaling muli sa ikatlong puwesto na pinagtuonan ng pansin.

Sa huli, bigo naming niligpit ang mga nagalaw naming gamit. Tanging reklamo lang ni Jackie ang naririnig sa mga oras na iyon dahil tulad ko, tahimik din si Jacob. Nakakapanibago.

"Sigurado ka?" ismid ni Jackie sa akin haggang sa pagbaba.

Tumango ako. "Wala rin talaga akong nakitang kung ano, Jackie..."

Ginigiit kasi nito na naglilihim lang ako kaya pinabulaanan ko iyon. Iyon naman kasi ang totoo. Nakakapanghinayang.

Tumigil na ako nang nakarating na sa palapag ng aking silid. Mabigat na binagsak ni Jackie ang mga kamay sa barandilya at tinanaw ang malawak na mansiyon.

"Malas kasi kasama ka..." I heard her whisper intentionally.

Hindi ko na iyon pinatulan pa dahil sanay na rin. Bumuntong-hininga na lang ako, iniisip ang mga nangyari ngayong araw.

"Meron akong nakita."

Pareho kaming napalingon kay Jacob na bigla-biglang nagsalita. Napatikhim ako nang narehistro ang kanyang sinabi.

"Anong naki-"

"Bida! Pinagmamalaki mo talaga iyan, Hakob?"

Hindi pa man nakakadalawang salita ay napunta agad kay Jackie ang entablado. Tamad na humugot ng hininga ang kapatid bago lumingon sa kanya.

"Maligo ka na lang hindi iyong sinasabon mo ako nang sinasabon!"

"Heh! Alam ko ang tawag dyan. Cheap! Nye, nye. Magsama kayo!" sabay talikod at layas nito sa harap namin ni Jacob.

Sanay na ako. Saglit akong pumikit at iyon ang binulong sa sarili.

Sa tagal naming magkakasama rito sa hacienda, alam kong ganyan na talaga makisama si Jackie. Wala na lang iyon sa akin kaya parang walang nangyaring humarap na lang ako sa naiwang kakambal.

"Pasensiya ka na ron, Lumi. Uh, pati na rin sa minsang trato ko sayo noon. Ang totoo nyan, hindi ko naman talaga pinlanong maging magaspang sayo..."

Napakamot ito sa gilid ng ulo habang ang kabilang kamay, tila may kinukuha sa loob ng bulsa. Bumagsak doon ang tingin ko ngunit hindi na rin napigilan ang ngiti.

"Masaya akong marinig 'yan," angat ko ng tingin sa kanya. "At isa pa, tama ba ang narinig ko kanina? Na... m-may nahanap ka sa attic?"

"Ah! Oo. Pinakita ko kay Jackie kanina kaso siya nama'y nababaduyan daw. Ito, o," aniya.

Nilahad niya ang kanyang kamay. Nang namataan kung ano iyon, hindi matawaran ang gulat at pagkamanghang pinagsama sa sistema ko.

"Pulseras?" I exclaimed with a hint of amusement.

"Mukhang ganon na nga."

"P-Pwede ko bang mahawakan?"

"Ah! Oo naman. Balak ko ngang... ibigay sayo. Sakaling magustuhan mo," tila nahihiya niyang pag-amin.

"Gusto ko... Gustong-gusto..."

I let my eyes marveled at the wooden bracelet accessory as I received it. I brought it right in front of my face, examining every angle and detail of it.

It was an old-looking wooden bracelet with its every bead being carved something on it. Like a strange ancient symbol on each wooden bead.

However, its main pendant was composed of three round flat glasses. A larger glass pendant was accompanied by two medium round glasses on both sides. The materials were transparent and just like the beads, they also had symbols designated on them.

Magkabilaan ang nakaukit na simbolo sa bawat abaloryo na gawa sa kahoy. At kung ang tatlong pendant na nasa gitna man ay transparent, ang kabilang gitna naman ay simpleng itim na kahoy lang, animo'y nagsisilbing tagaparte sa tig-pipitong elemento.

Naiintindihan ko kung paano ito naging baduy para kay Jackie. Mukha naman kasing luma at antigo.

Samantala, misteryoso at kakaiba ang dating sa akin ng pulseras, bagay na katangiang inaasahan kong makita kanina sa attic.

A smile plastered on my face as I said my gratitude to Jacob. He flushed but my attention was caught by the bracelet too much.

Bigo man sa paghahanap. Hindi ko inakalang hindi matatapos ang araw na ito nang hindi napagbibigyan ang kahilingan.

"Huwag ka nang pumasok sa bulwagan. Dito ka na lang sa kusina tumulong," bilin ni Nana pagsapit ng hapunan.

"Sige po."

Inabot ko rito ang isang bandehado na naglalaman ng dalawang klase ng ulam. Tilapia at lumpia. Pagkatapos noon, pumanhik na ulit ako sa loob ng kusina upang tumulong.

Mailap man sa akin ang ibang kasambahay rito, kahit papaano ay civil naman ang tungo nila sa akin sa ganitong mga pagkakataon. Sa oras ng trabaho. Isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kong tumulong.

It was part of the limited opportunities that I had to get along with them. That I felt belong to some people by doing chores together.

"Lumi, palagay nito sa countertop."

"Kunin mo nga iyong sulyaw na mas malaki pa rito!"

"Balik mo ito sa pridyeder."

Panay tango at pasuray-suray na halos ang aking lakad dahil sa sunod-sunod na utos. Hindi rin kasi mapagkakaila na kahit ang Senyorito lang ang pangunahin sa mansiyong ito ngayon, kagustuhan ni Nana na laging magarbo at presentable ang bawat paghain dito.

Sa katunayan, nabibiyayaan din kaming mga naninilbihan dahil kung ano ang handa ay iyon din madalas ang amin kalaunan. Masarap pa naman ang mga putahe ngayon. Pininyahang manok sa gata, pork kilawin, tilapia, at lumpia!

Wala pa man ay ramdam ko na ang gutom dahil sa masarap at malinamnam na amoy sa kusina.

Klase-klaseng putahe ang madalas na pinapahanda ni Nana dahil hindi rin sigurado kung ano ang partikular na ulam ang nais ni Senyorito kada araw. Ngunit sinisiguro pa rin nitong tiyak na magugustuhan ito ni Zaro.

Isa pa, pansin kong nasanay na rin kasi ang mga Castellano na si Nana ang nagpaplano sa mga pagkain at hinahayaan na ang mga kusinero. Tutal, nakikinabang din naman ang lahat sa biyaya kaya hindi na rin alintana ang pagod sa preparasyon. At kung may partikular na request ang mga pangunahin, agad naman iyong pinauunlakan.

"Kunin mo na ang timpladong fruit juice sa pridyeder, Lumi," utos ni Ate Nems.

"Sige po."

Muli akong tumayo mula sa counter at nagtungo roon. Ngunit wala pa man sa kalahati, nataranta ang lahat nang walang pasabing pumasok sa kusina ang Senyorito.

The first thing I noticed about him was the light appeal of his simple clothing, very opposite to his rigid and intimidating air. He's simply wearing a plain white v-neck shirt and black sweatpants. 

Agad nahanap ng kanyang mga mata ang aking direksiyon nang ipasada ang tingin sa paligid. May hawak itong baso at suot pa ang salamin na kinatutuwa ko talagang makitang gamit nito.

Minsan lang kasi ako nagkakaroon ng pagkakataon na masaksihan ito sa ganoong anyo. Tuwing nalabas ng silid sa kalagitnaan ng pag-aaral o kada nag-aasikaso ng mga dokumento. Either way, he looked more mature and honorable with that eyeglasses.

"Magandang gabi, Senyorito!"

Kanya-kanya sa pagbati ang mga kusinero't kusinera, pansamantalang natigil sa mga ginagawa.

Yumuko rin ako at nakisabay sa iba pa.

"Magandang gabi, Senyorito."

"Magandang gabi rin," aniya sa pormal na tinig.

Pagkaangat ko'y nasa akin pa rin ang tingin ngunit nasisiguro kong para sa lahat ang kanyang bati.

Naibaling ko na lang ulit sa iba ang mga mata. Gulat at taka man ang mga nasa kusina sa biglang pagsulpot, walang magawa ang lahat kundi bumalik sa mga trabaho.

Napatikom ako ng bibig. Hindi makabasag-pinggan ang paligid na animo'y may biglang dumaan na anghel.

Dumiretso ang Senyorito sa malaking itim na ref kaya hindi na muna ako nakipag-unahan doon. Nakita ko ang pagkuha niya ng pitsel at pagsalin ng tubig sa hawak na baso.

My forehead furrowed in confusion as I watched him. I was sure he could ask for someone to do that for him and everyone would be willing to oblige right away. Especially now that he looked like he just came out from his busy working session. Thus, seeing him go all the way here to the kitchen just for a glass of water was unusual.

Pagkasarado ng ref, napagawi naman ang kanyang direksiyon sa akin. Isang metro lang kasi halos ang layo ko roon kaya siguro ganoon talaga.

Halata pa atang naghihintay ako kaya bahagyang tumabi ito at nagbigay-daan, tila minumungkahing maaari na akong lumapit doon para sa kung anong gagawin.

Is he not going yet? I pursed my lips while nearing him, my knees wobbling.

"Hindi kita masyadong nakita pag-uwi ko..."

My heart thumped aggressively. Kitang-kita ko pa ang bahagyang panginginig ng kamay nang buksan ko ang ref.

Hindi pa ba ito aalis? May... kailangan pa kaya? Baka siya na rin mismo ang maglalapag ng baso sa lababo. Kaso lang, ni hindi niya pa nababawasan iyon.

I cleared the lump in my throat as I glanced at him. Just quick. Napabalik din ako agad sa ref.

"M-May pinagkaabalahan lang po kanina." My voice croaked a bit.

"You're busy," he asserted.

"Opo."

From the corner of my eyes, I saw him leaned a bit on the side of the refrigerator, still holding the ignored glass of water. It also didn't help that his eyes remained on me so I felt my throat drying up.

"I was meaning to-"

"Lumi! Ang jui-"

Napukaw ang atensiyon ni Zaro sa biglang sumigaw. Naputol ang dapat ay sasabihin kaya nalipat ang kanyang tingin doon.

Napalingon na rin ako at pagkakita pa lang sa hitsura ni Ate Nems na tila ba sising-sisi, naalala ko agad ang gagawin ko pala!

"A-Ang juice, Lumi. Makikisuyo lang..." sa mas malambot nitong tinig.

"Opo. Uh... Pasensiya na!"

I heard the man beside me sigh. Nagmadali akong yumuko upang buhatin ang isang pitsel na naglalaman ng juice. Sa pag-aakalang sobrang bigat niyon, halos maumpog ako sa mas mataas na divider nang naangat iyon nang walang kahirap-hirap!

"Careful," matamang sambit ni Senyorito.

Doon ko lang napansin ang kamay niyang nakaalalay sa tuktok ng ulo ko.

I gasped. That explained why it didn't hurt that much...

"S-Sorry po," I flinched.

Tipid lang siyang tumango at bumaba ang tingin sa hawak kong pitsel.

To my surprise, he took it away from my hands in exchange of the glass he's holding for a while.

"Drink some water and join me in the dining room."

"Ako... po?"

Bahagya niyang tinanaw ang mga nasa likuran ko at problemadong binalik sa akin ang tingin.

"Sige. Sabihan mo na rin ang lahat."

"H-Huh?"

Why would we join him at dinner tonight? May okasyon ba na hindi ko alam?

Sinubukan kong alalahanin ngunit wala namang nabanggit sa akin si Nana. She even reminded me not to go to the dining hall and stay here at the kitchen to offer help.

Sa huli, nag-angat lang ng kilay ang Senyorito at tumalikod na dala ang pitsel ng inumin.

"You heard me, little girl. Let's eat."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status