Share

Chapter 8

Chapter 8

Routine

"Dapat sa kuwarto na lang ang batang ito, Victor," problemadong wika ni Nana.

Napayuko ako, inabala na lang ang sarili sa mga nakahaing putahe sa harap ko.

Nangyari ang utos ng Senyorito. Lahat ng trabahanteng stay-in dito sa mansiyon ay narito't kasama niya sa pagkain, maging ako.

Hindi ko mapagkakailang tama si Nana. Dapat ay sa kuwarto na lang ako. Iyon naman talaga dapat tulad ng dati. Nasanay na akong kumakain nang mag-isa sa silid ko. Hinahatiran na lang kung kailan hindi na abala ang lahat. Dining with a large group of people would always feel brand new to me.

Buong ingat kong inangat ang mga kubyertos sa takot na makalikha ng kahit maliit na ingay. Halata mang intriga ang lahat sa opinyong iyon ni Nana, pinilit nilang huwag makialam o sumulyap man lang. Maliban kay Jackie.

"She's also a helper. Lahat ng narito ay parte ng Castellano," Zaro answered politely.

Lihim akong napasilip sa kabisera kung saan ito nakaupo. Halos lumundag ang puso nang nakitang nakatanaw rin ito sa akin habang ginagalaw ang kubyertos sa pinggan.

Hindi iyon nagtagal dahil binaba niya na rin ang atensiyon sa kanyang pagkain. Napalunok ako.

"Hay naku! Isa pa, dapat hindi ka na nag-abala pa. Maaari naman kaming maghapunan na lang mamaya pagkatapos mo rito," patuloy ni Nana ngunit patuloy namang nilalantakan ang pagkain.

Zaro shook his head lightly as he roamed his eyes to everyone.

"Maliit na bagay lang po ito para ipahayag ang pasasalamat ko sa lahat."

Bakas ang tuwa sa histura ng mga tao. Napagaya na rin ako. Gumuhit ang munting kurba sa mga labi ngunit nabitin iyon dahil huling nasulyapan ng Senyorito.

Goodness! I almost choked on my own food for that unexpected turn. However, he looked normal when Nana began to open up a new topic. Bigo akong bumuntong-hininga para sa sarili.

Hanggang kailan ka magkakaganyan, Lumi? Hindi iyan pwede. Hindi habambuhay, kailangan apektado sa lahat ng galaw. Why do you have to be so tensed? Having a clueless mind about these things was making it all more complicated for me. I don't know what to do anymore.

Nakatulog ako sa gabing iyon nang iniisip kung may posibilidad bang konektado ang papel sa pulseras na nahanap ni Jacob. Ni wala ring ideya kung ano ang katibayan ko para masabing makakatulong nga iyon para sa pagtuklas ko sa kakatwang kahulugan sa likod ng palaisipang ito.

Mayron nga bang katuturan lahat o guni-guni ko lang lahat? Hindi ko na alam. I think the only thing I was holding onto was my hunch and skepticism about this. Why?

"Why, Azul?"

Tumahol ang kausap na aso. I bent my knees to pet him.

Biyernes ng umaga. Kakatapos ko lang itong pakainin kaya ang laki sa layaw na aso, nakahilata na lang ngayon sa sahig na animo'y kontento na sa buhay.

Napangisi ako. "Nauna ka pa sa akin kumain, ha? Spoiled ka."

Muli niyang tinahulan iyon at napabangon na. Tipid akong natawa. Siguro naintindihan niya ang paratang ko.

Iyon nga lang, nagtaka na ako nang ilang sandali, halos kumendeng na ang bewang nito kakakawag nang masigla sa kanyang buntot, tahol nang tahol.

Instead of me, I noticed his eyes on somewhere else so I followed it, leading me all the way to my back to realize who's the reason behind Azul's enthusiasm.

I was stunned on my post. Hindi ko na rin namalayang nakalagpas na pala sa akin si Azul upang salubungin si Zaro.

Kinakabahan man, nagawa ko pa ring tumayo at humarap sa kanila. Tumigil ang Senyorito sa paglalakad, napasulyap na rin sa akin. Saka lang naputol ang titigan nang sumampa na si Azul sa kanyang tuhod upang makatayo at magpapansin.

I smiled. The boy just couldn't settle down. Of course, the Alpha is now here.

Zaro crouched to reach the dog as the latter licked his arms, hands, and almost his face. Napatikhim ako.

"Sit," I heard him command after a while.

Nagliwanag ang mukha ko nang nakita ang mabilis na pagsunod ni Azul sa Senyorito. I had no idea that they already taught Azul those commands!

Kung sa bagay, simula nang dumating ito sa mga Castellano, ngayon lang nagkaroon ang Senyorito ng mahabang oras para makipaglaro dito kaya ngayon ko lang natuklasan. Marahil ay naturuan na rin kahit papano sa pinagmulan.

It's Friday. And as far as I could recall, it is Zaro's vacant day from school. Bakante ng Biyernes ngunit tuwing Sabado naman ay may pasok ulit.

Bukod pa roon, marami rin itong responsibilidad sa malawak na lupain at negosyo. Dito man sa lalawigan ng Castel, sa iilang karatig lugar, at Maynila.

"Paw." Zaro held out his hand then Azul lifted his paw to touch the former's palm. "Other paw."

Halos mapapalakpak ako nang palitan ni Azul at kabila naman ang tinaas sa kamay ng Senyorito sabay tahol, animo'y nagyayabang.

Hindi ko na namalayan ang ngiti. Kaya naman laking gulat ko nang umayos na ng tayo si Senyorito pagkatapos puriin ang aso at pagkuwa'y tinanaw ako gamit ang istriktong hitsura.

"Eat," he said out of a sudden. But this time, he's looking at me.

Napakurap-kurap ako, muntik nang mapaturo sa sarili.

"P-Po?" I stammered.

He licked his lips before landing his gaze on Azul.

"I overheard you saying you haven't eaten yet."

"Ah! N-Nakasanayan na po kasing magtrabaho muna bago kumain. Maaga pa naman po para sa tanghalian."

By that, he shot his eyes back at me. I don't know if it was only my illusion or there really was a hint of forlorn in his eyes, as if something pained him.

"Tanghalian?" he asked irritatedly.

Nag-alinlangan man kung ano ang dapat isagot, napatango na lang ako sa huli.

His face darkened more.

"Almusal ang tinutukoy ko, hindi tanghalian," Zaro scoffed before he clenched his jaw. "So you're skipping breakfasts, huh?"

My lips parted slightly.

Why do I feel like I've committed a very sinful crime by saying I don't usually eat every morning? Pakiramdam ko ay nakapagbulgar ako ng impormasyon na dapat ay nililihim lang. Lalo na sa lalaking kausap sa mga sandaling ito.

"Uh... hindi lang po talaga sanay..."

"You should eat breakfast. Konti lang ang nakain mo kagabi," mataman niyang sabi sa akin.

Hindi ko alam kung bakit naghuramentado ang sistema roon. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi na nakapagsalita pa. Later on, he took out his phone and checked something on it for a moment, before glancing at me again.

"The dog trainer is here. Wait for me in the kitchen," he commanded.

"Huh?" Lito ko itong sinundan ng tingin nang lagpasan ako.

Sinundan naman siya ni Azul at nakita kong kinakabitan na siya ng leash ni Senyorito sa collar nito. Pagkatapos, tumuwid na ulit sa pagkakatayo bago sagutin ang aking tanong.

"He'll be trained from time to time. After all, he's a working dog."

"Oh," I gasped, a bit disappointed.

Bumaba ang tingin ko kay Azul nang tumahol sa akin, animo'y nakangiti dahil sa nakalabas na dila.

Sinubukan ko ring ngumiti. I almost forgot that part. He's a herding dog and he's a valuable asset for the livestock works. So I should expect this.

"What's wrong?" Senyorito asked quizzically.

Saka ko lang natanto na masyado na atang halata ang pagkadismaya ko sa balita kaya agad na inangat ang tingin mula kay Azul patungo sa Senyorito. Umiling ako at ngumiti pa nang husto.

"Wala naman po. Uh... may naisip lang," palusot ko.

However, the scowl in his face remained.

"Don't you like the idea of Azul being trained?" sa mas mahinahon na nitong boses.

Bahagya akong napalunok, pursigido sa pag-iling at pagpapakitang ayos lang talaga sa akin.

"H-Hindi naman po ako ang may-ari sa kanya."

"Iba ang tanong ko," he scoffed. He cocked his head on the other side and shifted from his weight. "At sino ang may-ari kung ganon?"

"K-Kayo po..."

"Alam kong may ari ako. Pero hindi lang ako ang may ari..." he trailed off.

After that, Senyorito closed his eyes as if something's off about it. He bit his lower lip tightly and muttered soft curses to himself when he looked like he realized something.

He chuckled softly. "Goddammit."

"Ayos lang po kayo?" naguguluhan kong tanong.

Senyorito combed his hair with his other hand. Binaba niya ang kanyang ulo at napailing bago tuluyang tumingin sa akin, namumungay na ang mga mata.

"Never mind. I should've asked your opinion about hiring a trainer for our dog..." he retorted hoarsely.

I pressed my lips as I gripped on my own hand. Hindi rin nagtagal, nagpaalam na itong makikipagkita sa trainer upang ipaubaya si Azul.

Azul would be on the wide pasture where the ranch was located. I wasn't sure if he'd settle with the ducks for now or with the cattle already. Either way, I hope he wouldn't get hurt or anything.

Dumiretso na rin ako sa kusina, laking pasasalamat na wala naman masyadong naglalagi roon ngayon. Sabagay, mamaya pa ang oras ng tanghalian. Siguro'y kung hindi tumutulong sa iba ay namamalengke pa ngayon o umamaani.

I wonder where Nana is right now, too. I told her that after feeding Azul, I'd be back right away.

Naisip ko, baka mag-init na naman ang ulo nito kung magtatagal ako lalo. Sana lang ay hindi. She's high blood. I hope she's too busy to notice my absence for a while.

I sighed. Hindi ko rin naman mahindian ang Senyorito. Mahigpit na paalala sa akin ni Nana na huwag magpasaway rito at magpakabuti bilang utang na loob. Isa pa, kahit wala ang mga iyon ay hindi ko rin kayang tumanggi. He's a Castellano. I knew my place.

With that, I realized Nana would understand if I'd tell her the truth that Senyorito ordered me to come here for now. Though, as soon as I realized why, I faltered on my spot.

I'm here for breakfast? How would it be necessary? Nakakahiya naman kung makikita ako ng ibang tagapagsilbi na walang ginagawa at kumakain pa samantalang hindi sila magkandaugaga sa tungkulin!

Bumaba ako sa upuan at nagsimulang magwalis. Mabuti na rin ito habang wala pang niluluto. Para pagbalik nila mamaya'y wala nang kalat sa sahig.

"Leave it there and take a seat."

Pumasok na sa entrada ang Senyorito at iyon ang bungad sa akin. Napanguso ako nang silipin ang mga naipong kalat. Hindi naman marami ngunit mas maigi kung dadakutin iyon.

"Uhm... tapusin ko lang po ito."

Nasa lababo ito, naghuhugas ng kamay. Pagkaharap ay dinampot ang malinis na labakara upang magpunas.

"As you say, little girl," Zaro smirked before pulling a plate.

Napaiwas ako ng tingin at pinukol na lang ang atensiyon sa ginagawa. Kinuha ko na ang dustpan. Rinig ko naman ang pagbubukas ng Senyorito sa mga nakatakip sa countertop.

"The dog is pretty obedient," Zaro brought up. "But my co-owner isn't obedient, just..."

Hinuha ko ay sinadya nitong hinaan ang huling sinabi kaya napaahon ako mula sa pagkakayuko. Tinaktak ko na ang mga nadakot na kalat sa trash bin at tinabi na ang mga gamit.

Who was he pertaining to? Co-owner... Was it me?

"Kumain ka na rito," aniya sabay tulak ng plato na kumpleto na ang laman.

Nagtungo naman ito sa ref at kumuha ng pitsel. Pati na rin ng baso at nilapag katabi ng pinggan ko roon sa counter. Napakurap-kurap ako, puno ng pangamba kung lumapit.

"Hindi na naman po kailangan..."

Kumunot ang kanyang noo at imbes na sumagot ay pinagsalinan na lang ako ng tubig. Sa huli, wala akong nagawa kundi kainin iyon kahit hiyang-hiya na. Besides, Victor Lazarus doesn't look like someone who'd take no for an answer so with an off-kilter stomach, I embraced his order.

Tahimik lang ang paligid. Nakahalukipkip ito habang umiinom ng tsaang tinimpla niya kanina. Samantalang ako, kalkulado ang bawat galaw sa takot na pumalpak pa rito.

"If you're worried Nana Laura would reprimand you for taking so long, we met earlier on my way here. Ako na ang bahala," he informed as he put down his cup.

I nodded and sighed in relief. Para akong nabunutan ng malaking tinik. Nakatulong iyon para pagaanin ang pag-aalala ko.

"Salamat, Senyorito," I said.

His brow shot up when he drifted his gaze on me.

"What task is assigned to you every morning?" he interrogated out of a sudden.

Napaisip ako. "Hmm. Depende po iyon sa utos ni Nana at sa kakulangan ng tao. Minsan po sa kwadra, sa kusina, o paglilinis. Pero madalas po ay sa hardin ako, nagdidilig ng halaman kasama ang kambal. Saka po ako tutulong kay Nana kung may kailangan pa."

"Hindi ka na pwede sa kwadra," he pointed out rigidly as if that's the only part he gave attention to.

Mabagal ang pagtango ko.

I forgot to omit that part. Pero ganon naman kasi talaga dati. Tuwing kailangan ng manpower ay minsa'y tinatawag ako roon. Laging kasama ang kambal. Nagkataon lang talaga nang araw na iyon na mag-isa akong in-assign ni Nana roon.

Napalabi ako sa iniisip. Now that I'm looking back, everything still felt surreal to me.

How did I end up being this... close to him? Not that we're actually close but... in my most private daydreams, I already considered him as my friend...

Mali siguro. Nahihibang lang ata ako. Alam kong masama na rin kung ituring ang paglalagay ng espesyal na kahulugan sa kabutihan ng isang tao, ngunit ewan. Mahirap iwasan ang ideyang mabuti ito sa akin, bagay na hinahangad ko para sa isang kaibigan—tinatrato ako bilang normal na tao.

"I'm afraid you need to adjust your routine by tomorrow," he then took a sip on his tea.

Confused, I immediately finished my last scoop of food and drank.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Mabagal niyang nilapag ang tasa habang sinusundan niya lang iyon ng tingin.

"Simula bukas, ikaw na ang maghahatid ng pagkain ko sa umaga," he answered before looking intently at me, as if he's figuring out my reaction.

"P-Po?" A soft gasp escaped from my lips as I processed it.

Sandali, baka nabibingi lang ako?

"Minsan, hindi ko alam kung mahina ang pandinig mo o nagbibingi-bingihan lang. You heard me, little girl."

Zaro lazily stood from his seat and brought his cup to the sink. While as per me, I even needed to blink my eyes repeatedly to retrieve my senses.

I curled my toes before standing and putting the dishes on the sink, too. Sa pag-aakalang umalis na nang tuluyan ang Senyorito, halos mapabalikwas ako nang naabutan itong nakapamulsa sa entrada ng kitchen, matamang nakatingin sa akin.

"Don't forget to bring two sets of breakfasts by the way," dagdag pa niya.

"B-Bakit po?" I asked stupidly.

Agad ko iyong pinagsisihan. Senyorito gave me a one-shoulder shrug but there's a smug look on his face.

"I'm unusually hungry these past few days. Big man, big appetite. So..." His brow shot up.

Wala sa sarili akong napatango-tango. Kahit ang totoo, hindi ko pa rin lubusang maisip ang bagong katungkulan simula bukas.

For some reason, Senyorito Victor Lazarus has a habit of eating breakfast inside his room. Nakasanayan na siguro sa Maynila ang ganoon.

He's not really a morning person, that's what I noticed for two months of spending his time here. Madalas kasing puyat sa dami ng dapat asikasuhin at aralin, mapa-eskuwela man o trabaho.

Naisip ko, napakalaking prebilihiyo na para sa akin ang maghatid ng kanyang almusal araw-araw. Gumana ang munting imahinasyon ko nang walang pasabi.

I would knock his door first thing in the morning. I would wake him on time for his breakfast along with his schedule. Antok pa siguro, ngunit pagbubuksan ako ng pinto. Does he have a disheveled hair? Languid eyes and hoarse voice? Ano kaya ang hitsura ng Senyorito kapag bagong... bakit ba ito ang iniisip ko?

Uminit ang pisngi ko. Pero aaminin ko, ang ideyang ako ang unang taong masisilayan ng Senyorito kada araw ay lubos na nagpapasaya at nagpapakaba sa akin sa parehong pagkakataon.

Mariin ako napapikit at napasapo sa dibdib upang damahin ang puso. Stop it, Lumien! This is crazy!

"For Saturdays, wake me every seven in the morning."

Tumango ako. Mabuti na lang, abala ang Senyorito sa panunuod kay Azul at sa lalaking nagte-train dito ngayon. Napatuon na rin doon ang atensiyon ko.

Our boy's currently in obedience exercise. Medyo malayo kami sa kanila para hindi makaistorbo, ngunit sapat lang para marinig at matanaw namin nang klaro ang mga nangyayari.

"Eight for Monday. But if Tito Danilo visits, wake me earlier."

Nagpatuloy ang paglalahad sa akin nito ng mga nakatakdang oras bawat araw at iba pang paalala. At sa totoo lang, hindi iyon nakakatulong para ibsan ang imahinasyon ko kamakailan lamang.

"Do you copy?" he clarified, now looking down at me.

"Opo."

"Is that a promise?"

Napatingala ako. Nagtama ang aming tingin.

"A-Ano pong ipapangako ko?"

When Zaro chuckled in amusement, I was flustered even more.

"Hmm," he taunted.

Akmang magsasalita pa sana ako nang bigla niyang guluhin ang aking buhok. Naestatwa ako sa kinatatayuan.

"Don't take it too personal. It's just an expression," seryoso na niyang wika sabay lipat ng tingin sa tanawin. "Besides, I'm not a fan of promises."

Puzzled, I learned my place. I knew when to ask and when to shut my mouth. So in the end, I took a deep breath and nodded.

"Na...iintindihan ko po."

Tipid na kumurba ang kanyang mga labi, tahimik lang na nakamasid sa tanawin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status