Share

Chapter 5 : FIRST NIGHT

Jewel's P.O.V

"ARAY KO! ANG SAKIT NG LIKOD KO! Grabe! Dapat ata umiinom na ako ng Cherifer nito.", sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto namin dito sa hotel nina Aiden. Agad din akong nahiga sa kama. "Aaaaahhhh... heaven.", sabi ko nang tuluyan akong humiga sa kama.

"Cherifer has nothing to do with your back, that's for your height dummy.", narinig kong sabi ni Aiden na naka-upo sa sofa at inaalis ang sapatos niya.

"Tss. Edi Anlene. Arte nito." Tss! Gwapo nga, ang sungit-sungit naman. Pinaglihi ata ang isang toh sa sama ng loob e.

"You take a shower first.", narinig kong sabi niya.

"Mauna ka na. Nag momoment pa kami ng kama.", sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa may ceiling ng kwarto at yakap yakap ang isang unan.

"Baliw.", narinig kong sabi niya pero di ko na pinatulan pa.

Ba't ko papatulan kung totoo naman. Matagal na talaga akong baliw. Magandang baliw! HAHA!

Maya-maya ay narinig ko ang pagsara nung pintuan ng bathroom. Dali-dali naman akong tumayo at pumunta sa may walk-in closet at inalis yung gown na suot ko at sinuot ko yung robe. Kinuha ko na rin yung damit na nasa bag ko na ipampapalit ko sana after ng photoshoot ko kanina pero yun nga, sa maling venue ako napunta. Buti na lang walking shorts yung dala ko.

Halos makatulog na ako kakahintay kay Aiden na matapos.

Grabe! Ang tagal ha! Daig pa ang babae! Ganun ba kadami ang dumi sa katawan niya at hindi isang ilod lang ang ginagawa niya? Dejoke lang! Wag nating sabihin sa kanya, baka bigla na talaga niya ako ibigti! Hehe.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng bathroom kaya napa-upo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Magsasalita sana ako pero agad nawala sa utak ko yung sasabihin ko dahil sa nakikita ko ngayon.

OH MY, MAKULAY NA BUHAY!

Nakatayo lang naman kasi si Aiden sa labas ng bathroom at tanging ang tuwalya na nakatapis sa bewang niya ang saplot niya sa katawan kaya kitang kita ko ang 8 pack abs niya.

WAAAAH! Parang nescafe lang, ANG YUMMY!

"Like what you're seeing, sweetheart?", mapanukso sabi niya habang nakangisi pa. Mukhang napansin niyang nakatawan ako sa perpektong katawan niya. Grabe!

Pa-slow motion ko namang itinakip ang kaliwang kamay ko sa bibig kong nakanganga at halos pulang-pula ang mukha ko dahil sa pagkahiya.

Hindi ko napigilang hindi mapalunok. Maghunos-dili kang malanding version ni Jewel! Pasimpleng umubo ako at nag-iwas ng tingin.

"Tss! Di naman totoo yan. Drinowingan mo lang.", sabi ko na lang para takpan yung pagkapahiya ko.

"Wanna touch it?", may pang-aasar pa rin sa boses na tanong niya.

"Wag na. Baka makagat ko pa. Mahilig pa naman ako sa pandesal. RAWR!", pagkasabi ko nun ay dali-dali kong kinuha yung nakahandang damit ko at yung towel saka patakbong pumasok sa bathroom. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

Daig ko pa ang nakipag karerahan sa paghahabol ng paghinga ko nang makapasok na ako sa bathroom.

WOOOOOOOOO! Grabe! Parang 'The Amazing Race' lang yung abs nung loko. NAKAKAHINGAL TITIGAN!

Binilisan ko naman ang pagshower. Pagod na rin kasi ako at gusto ko ng matulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas dahil pupuntahan ko si Jervis sa hospital para ma-schedule na ang operasyon niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa tuwing maiisip kong makakakita na rin sa wakas ang kapatid ko.

Paglabas ko ng banyo, naabutan ko si Aiden na nakasandal sa headboard ng king size bed at nagbabasa. Pero hindi katulad kanina, naka-suot na ito ng puting sando at pajama pants kaya naman kita ko ang biceps nito na may tattoo.

Grabe! Alagang-alaga talaga ang katawan! Parang sarap maglambitin tuloy sa braso niya!

"You can stop admiring my body and just go to sleep already.", sabi naman nito pero sa libro pa rin ito nakatingin.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin. "Pinya ka ba? Ba't parang ang dami mong mata. And excuse me, I'm not admiring your body. I'm admiring your tattoo.", palusot ko na lang kahit ang totoo e yung katawan talaga niya ang tinitignan ko.

I saw the corner of his lips went up forming a smile. "I'm not a pineapple but I can feel you staring intensely at me. If I were an ice cream, I might have melted already.", sabi nito.

"TSE! Teka nga pala, kung diyan ka matutulog sa kama... san naman ako matutulog aber?", pagtataray ko sa kanya para mapagtakpan ulit ang pagkapahiya ko.

He gave me a disbelief look. "In the bed too, maybe? But if you want, you can sleep there in the sofa. You're choice."

"WOW, thank you ha? Di ko alam ang gentleman mo pala.", sarcastic kong sabi sa kanya. "Sinasabi ko sa'yo, di tayo pwedeng magkatabi sa iisang kama kaya kung pwede, ikaw na lang dito sa sofa."

"And why can't we share the same bed? It's not like I'm gonna do anything to you. Like I said, you're not my type.", sabi nito na ikina-inis ko. Kailangang ulit-ulitin na hindi niya ako type? Di ko rin siya type noh kahit gwapo siya!

"Ang yabang mo rin masyado noh? Ayaw kong magkatabi tayo dahil malikot akong matulog. Paminsan naninipa rin ako.", sabi ko.

Totoong malikot akong matulog pero ang pinaka dahilan naman talaga kung bakit ayaw ko siyang makatabi sa iisang kama ay dahil hindi ako sanay may katabing makatulog.

Lalo na at lalaki pa.

Nakaka conscious, baka di pa ako makatulog. Baka kasi bigla na lang pala akong naglalaway o di kaya baka biglang yakap-yakap ko na pala siya ng di ko namamalayan.

Mahirap na!

"May lahi kang kabayo?", biglang tanong niya sa akin.

"Wala, pero mukha mo ang magmumukhang kabayo pag sinipa ko.", poker faced na sabi ko sa kanya.

Letche! Lahian pa ako ng kabayo!

"I'm not planning to sleep there in the sofa so if you don't want to share the bed with me, then you'll be the one sleeping there.", at mukhang seryoso nga talaga ang loko dahil sinara na nito yung binabasang libro at nilagay sa may side table at nahiga na.

GRRRRRR!

Ganun pala ha? SIGE! BAHALA KA! Ikaw din ang magmumukha talagang kabayo bukas! Padabog akong humiga sa tabi niya.

"O, kala ko ba sa sofa ka matutulog?", tanong niya sa akin pero nakatalikod ito. Actually, parehas kaming tinatalikuran ang isa't-isa.

"TSE! GOOD NIGHT!", sagot ko na lang sa kanya.

At dahil na rin siguro sa pagod, madali akong hinila ng antok.

(Aiden's P.O.V)

The woman beside me is sleeping soundly like a baby but here I am not being able to sleep. How can I sleep if the woman beside me made my abdomen her pillow?

And all her pillows are not lying on the floor. Kagaya nga ng sabi nito kanina, malikot itong matulog. I can't even move a muscle because I might wake her.

"Hmmm... ice cream... carbonara... yum...", I heard Jewel say.

She even talk in her sleep.

I heaved a sigh.

This is gonna be a long night for me...

The moment I woke up in the morning, Jewel is nowhere to be found already.

Damn! Where did that woman go? She even left without saying goodbye or at least leaving a note para alam ko kung saan siya pupunta.

Siguraduhin lang niyang hindi niya ako tinakasan.

Sh*t! I don't know how to contact her, I don't have her phone number yet.

Tumunog naman naman message tone ko. Galing kay lola ang message.

'Apo, punta kayo ngayon sa mansion. Dito na kayo mag breakfast ni Jewel.'

Oh hell! Now what? My grandma wants us to have breakfast with them but I don't know where that woman's where about.

Agad ko namang nireplayan si lola na lunch na lang kami sasabay sa kanila at nagsinungaling na lang ako na tulog pa si Jewel.

I have to find her.

I dialed my personal assistant's number.

"Joe, I need you to find where Jewel Paris Rodriguez's where about."

["Yes boss."]

"And give me all the information about her. ASAP."

["Yes boss."]

I don't know anything about her except her name. I have no idea of her family background or her working background. I don't even know if what she said last night to my family is true or if it is just a part of her acting.

I need all information about her because she's gonna be my wife for how long?

I don't know.

But the moment she gives birth to my child, our business would be over.

I'll have a child and she'll have her 10 million.

That's just it.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
pa unlock pls Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status