LOGINChapter 3
NINA POV Ngayon, mag-aaral na sa private elementary school ang alaga ko. Nakabisado ko na lahat ng bawal kainin ng alaga ko, lalo na ang mga paborito nitong pagkain. Pero ang pasikot-sikot dito sa bahay ng amo ko, hindi ko pa rin kabisado. Kapag hindi ko kasama ang alaga ko, hindi ako pumapasok sa loob ng bahay. Hanggang kusina lang ako nakatambay. At confirm, ang masungit na macho dancer, gwapito, ang magiging driver namin ng alaga ko. Ito na ang kasa-kasama namin ng alaga ko sa paghatid-sundo. Kilala ito ni Don Sebastian, mapagkakatiwalaan daw ito at maaasahan. Pinakilala na din ako ni Don sa driver ni baby Serenity. Kunwari na lang, hindi ko pa siya kilala. "Hello po manong kuya, kinagagalak kitang makilala at makasama. Sana maging maingat at huwag masyadong masungit. Galingan mo sa pagda-drive, okay. Fighting!" Sabay taas ko pa ang isa kong kamao. Tumawa ang matanda at humagikhik naman ang bata. Si Gardo naman ay sumimangot. "The hell!" Inis na sambit nitong nakasimangot. Mukhang kilala naman ni Serenity ang lalaki dahil tuwang-tuwa ito ng makita niya si Gerardo. In short, Gardo. Sinusuri ko ito dahil wala na siyang suot na sunglasses. Mukhang hindi lang ito driver at bodyguard ni Serenity parang may sinasabi rin ito sa buhay. Hindi siya kagaya sa mga security guard na robot sa labas ng mansion nila Don Sebastian. Pero dahil wala itong sunglasses sa mata, ito ang pinakagwapo sa lahat. Puri lang naman, pero hindi ko siya type. Bawi ko agad. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Baka yakap palang nito sa'kin, lamog na ang buo kong katawan. Sa laki ba naman ng mga muscle nito. Mukhang puputok na din dahil sa mga ugat na nahihirapan ng huminga na naiipit sa braso nito. Gusto kong hawakan kung matigas ba talaga ang mga muscle nito. Pero baka magalit at masuntok ako. Ang seryoso pa naman ang mukha nito parang nababayaran bawat pagngiti nito. Huh! Wala akong pambayad sa kaniya kapag gusto ko itong ngumiti. Buti pa ang manliligaw ko sa kabilang mansion na driver, gwapo at palangiti. Nakilala ko ito noong mga nakaraang linggo pa. "Baby, let's go na," sabi ko. Taglish na din ang salita ko dahil sa kaka-English ng alaga ko. "Nauna na ang masungit nating driver. Baka mag-run away wala tayong masasakyan at driver ma-late tayo sa school," tawa ko. Clueless pa sa ibang words ang bata. Pero si Don Sebastian tumawa ito sa narinig. "Yes po," mabilis na tumakbo papalapit sa'kin ang alaga ko. "Ba-bye Papa ko. See you later, okay," kumaway- kaway pa ang bata sa Papa nito. "Take care, okay. See you later too, my princess," masuyo pang sabi ng matanda sa bata. "Let's go na po, Yaya," masaya na sabi ng bata at humawak pa sa kamay ko. Pinagbuksan ko na ang bata sa p***o ng sasakyan bago ako sumunod na pumasok sa loob. Nauna ng pumasok si Gardo. "Morning po Kuya," matinis na bati ni baby Serenity kay Gardo. "Good morning, senyorita," bati naman nito sa bata. "How are you today po?" tanong pa ng bata. "I'm good, senyorita. How 'bout you?" tanong din ng driver namin. "I'm fine too. Take care driving po," rinig kong sabi pa ni baby Serenity. "I will, senyorita," ngiti nito sa bata. Napatulala pa ako ng isang segundo. Ngumiti siya? O guni-guni ko lang ang nakita ko? Pinilig ko na lang ang ulo ko. Madalas ganito din ang tawag ng iba sa bata. Ako naman, baby Serenity, short for baby Sese or baby Vivi. Hindi ko siya binati dahil nakakahiya naman ito kausap. Ayoko din naman na mapahiya ako kapag hindi niya ako pinansin. "Yaya, why didn't you greet Kuya Gadong?" tanong pa ng alaga ko sa akin. "Na-greet ko na siya sa isipan ko, baby Serenity." "Ha? Did you hear it, Kuya?" "Wag mo na siyang tanungin, baby. Quiet na lang tayo dito," sabad ko agad ng makitang sasagot sana ang lalaking ito. "Why?" tanong pa ng bata. "Para makapagpokus na siya sa pagda-drive. And wag ng madaming ask-ask, okay? Ang importante na greet mo siya, na greet ka niya, at na greet ko din siya sa isipan ko," sabi ko. "Can I greet Kuya in my mind too, Yaya?" "Ah, no, no, no, baby. Wag muna gayahin ang Yaya," sabi ko agad. "Tsk!" rinig kong sabi ng lalaki. "Galit na siya. Kaya tahimik na tayo, baby," bulong ko. "Okay," bulong din nito sa akin. Humagikhik pa kaming dalawa. Hindi ko siya binabantayan sa paaralan. May security guard ito sa loob na siyang nagbabantay sa bata. Kaya pagkahatid ko ay diretso na kami ng uwi ng kasama kong driver. Hinala ko na hindi ito basta-basta driver lang. Hindi naman kasi ito mukhang gusgusin. Dito palang, sa likod ng kotse, amoy ko na ang mabango nitong pabango. Mukhang mamahalin pa ang pabango nito. Ang plain white t-shirt nitong damit ay mukhang branded din. Nasilip ko kasi ang likod ng damit niya, ang name brand ng damit nito. Nahalata ko din na sa ilang buwan naming paghatid-sundo sa alaga ko, ay hindi sa mansion ito natutulog. Pagkasundo niya sa alaga ko, ay aalis na din ito agad sa mansion. Mukhang nasa middle thirties na ito. Not sure din, ayoko naman magtanong. Ayokong ilapit ang sarili ko sa kaniya. Mukhang hindi basta-bastang tao ito. Kaya iwas sa ganitong tao, ayokong ma-involved sa kaniya. Baka ikakapahamak ko pa sa bandang huli. Mukha pa kasi itong barumbado. Scary! Pagpasok namin sa loob ng paaralan, sinabihan ko na muna ang bata bago ko siya ihatid sa classroom niya. Kumaway na muna ako bago umalis at nagtungo na sa sasakyan. Paglingon ko sa gawi ng driver, nagulat pa ako ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin ang driver ko. Este, driver ng alaga ko. Diretso na lang ako sa paglalakad na parang robot. Mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Baka pagsungitan na naman niya ako. Nakakainis pa naman ito tumingin. Parang nilalait niya ako. Hindi lang ako Yaya, magandang Yaya ako. Hmp! Maktol ng isipan ko.Gardo POVBumuntonghininga ako sa nalaman. "May hidden camera silang kinabit dito sa loob ng headquarters natin. Baka sooner or later matunton na tayo ng mga kalaban dahil sa nilagay nilang spy device," pagbabalita pa nito sa akin.Napatiimbagang ako sa sinabi nito."Hinayaan niyong maglagay sila ng device ng walang ginagawa?!" sikmat ko."I just found out when I checked our CCTV recorders here. And I saw someone put something inside the conference room. At sa kwarto ng mga tauhan natin dito. At isa sa labas," sabi pa ng kaibigan ko."What? Gano'n karami ang nilagay nilang device dito sa headquarter natin? Damn! Fvck!" malakas na sambit ko."But don't worry, inalis ko na at sinuri ang device na kinabit nila dito. Pinakabit ko sa lumang building kung saan may mga armado ding pumupunta doon. Para kapag natunton nila ang lugar na iyon, bahala silang magpatayan doon. At least, di ba, hindi na tayo nakijoin sa barilan sila na lang. Matira matibay. Brilliant idea of mine, di ba? Ang galing
Gardo POVDahil holiday ng bata, hindi ako pumunta sa mansion. Mag-out of town daw ang mag-papa at excited na ang batang mamasyal ulit sa Amerika. She deserves it. I know the story why her mother is not around here. Si Manang Cora lang at Manong Thomas ang may alam sa lahat. Iilan na lang din ang mga dating kasambahay nila ang iba ay mga bago na.Kahit papaano, medyo okay na ang pakikitungo sa akin ng yaya ni Serenity. Honestly, she's an irritating woman. Pero siya ang madalas magsabi sa akin ng, "Nakakainis kang lalaki ka!" She even calls me a hippo. Fvck! 'Tong gwapo kong ito, tatawagin lang niya akong hippopotamus. Ang sarap niyang parusahan eh. 'Wait ka lang at makikidnap din kita, maingay ka!' Gigil kong sabi sa isipan ko.Ilang araw na akong busy sa trabaho. Namiss ko bigla ang kaingayan ng babaeng iyon. Bukas pa naman ang balik ng alaga nito dito sa Pilipinas.Nandito ako sa headquarter naming magkakaibigan. Ako ang may hawak sa organisasyon na ito. I built my own nang hin
Gardo Pov 2 Natatawa ang kaibigan ko sa akin habang pinapanood niya akong nagpapaulan ng bala sa shooting range. Puti ang tawag ko sa kanya dahil nga maputi siya. Parang bakla na malaking katawan. Kaya laging nagpapaaraw para umitim man lang daw siya ng kunti. Pero namumula lang ang balat at babalik lang din sa dati ang kulay. Magaling ito sa lahat ng klase ng martial arts. Ang Lolo nito ay kaibigan ng Lolo ko. Marunong din mag-Tagalog ito. Well, multilingual kaming pareho dahil kailangan namin iyon to communicate with different people in the world. "Tapos na sa kaniya ko pinutok ang gigil ko! Ayon, sarap na sarap humirit pa ng ilang putok," sabay halakhak nito. "Fvck!" mura ko. Humalakhak lang ito at kumuha din ng isang baril at pumwesto sa tabi ko. At ginaya ang ginagawa ko. "The doctora o the fashion designer?" tanong ko. "The woman who can take care of me, of course," sagot nito. "Hmmm... yung nakilala mo sa Amerika at nabaliw ka sa kagandahan niya?" tanong ko. "Uh
Chapter 5 Gardo PovGardo Pov Isang linggo na hindi si Nina ang naghatid kay baby Serenity. Si Manang Cora na ang naghahatid kay Serenity hanggang ngayon. May sakit daw ang dalaga. Baka mahawaan daw si baby Serenity. "Hello po, Kuya. Did you miss my Yaya Nina?" natawa ako sa sinabi nito. "There is no more noise inside the car, right?" sabi ko naman. "Yeah, but I like her. And it's okay to be loud sometimes. Also, I am very happy because she has so many funny stories. I don't get bored being with my Yaya Nina," proud pa na sabi ng bata. Puring-puri nito ang dalaga. I agree with her. Kahit ako na nakikinig lang sa kanilang dalawa sa likod ko habang nagda-drive kapag naghahatid kami sa bata ay napapatawa ako. Yeah, she is right na-miss ko talaga ang dalaga. Nagdadahilan lang kaya ito na may sakit? Siguro dahil sa ginawa kong pagtapon sa cellphone nito. Kaya ayaw nito magpakita sa akin dahil may inis at galit pa siguro ito. Hindi ko pa naman alam manuyo ng isang babae.
Gardo PovI know because I see how she takes care of Señorita Serenity. Super energetic, masiyahan, palabiro, palakwento, at pala tawa.Nakikita ko din na kahit hindi niya trabaho, tumutulong talaga ito kapag wala ang alaga nito. I know because I have access to the CCTV camera sa mansion.May nilagay akong secret CCTV sa labas, especially sa bahay ng mga kasambahay nila Tito Samuel. Tinutok ko doon ang isang CCTV para makita ko ang dalaga.Sinadya kong itapon ang cellphone nito sa labas, at hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Pero nakonsensya ako nang makita ko itong umiiyak ng tahimik.Baka valuable ang cellphone na iyon para sa kaniya. Baka may mga importanteng nakasave sa cellphone nito, mga contact ng pamilya niya.Heck!Eh, nainis at nagselos ako. Anong magagawa ko? Sino ba kasing may sabi na hindi siya mag-seatbelt sa likod? Sinabihan ko na siya noon. Ayaw makinig, ayan tuloy tumilapon sa harapan. Pasaway rin talaga ito.Sa gitna pa talaga umupo habang kausap ang mukhang dagang lala
Nina POV Napaka kontrabida naman ng lalaking ito. Kaya sumimangot ako ng bongga. Nang tumigil ang sasakyan ay mabilis akong nagtungo sa gate. Kinausap ko ang security guard na lalabas lang ako saglit. Nabuksan na ng guard ang gate nang pigilan ito ng machong gagong kontrabida. Mabilis akong lumabas ng gate at lumapit sa manliligaw ko. May inabot itong isang paper bag sa'kin. Masaya ko naman iyon na kinuha. Nagpasalamat ako ng bongga sa manliligaw ko. Napaka generous talaga nito. Mabait pa, kaya hindi ako magdadalawang isip na sasagutin ito kapag nagsabi lang ito na gusto niya ako. Kaya lang, masyado pang maaga para sagutin ito. Magsasalita sana si Bernard nang may bumusina sa tabi namin. Napalingon kaming dalawa sa nagbusina. Ang kontrabidang lalaki ang nagbusina. Ang lakas pa naman iyon. Tarantado talaga siya. "Pinapatawag ka ni Don Sebastian. Mamaya ka na makipaglandian kapag wala kang trabaho sa loob," seryoso nitong sabi at matalim na tumingin kay Bernard at sa'kin.







