Chapter 3NINA POV Ngayon, mag-aaral na sa private elementary school ang alaga ko. Nakabisado ko na lahat ng bawal kainin ng alaga ko, lalo na ang mga paborito nitong pagkain. Pero ang pasikot-sikot dito sa bahay ng amo ko, hindi ko pa rin kabisado. Kapag hindi ko kasama ang alaga ko, hindi ako pumapasok sa loob ng bahay. Hanggang kusina lang ako nakatambay.At confirm, ang masungit na macho dancer, gwapito, ang magiging driver namin ng alaga ko. Ito na ang kasa-kasama namin ng alaga ko sa paghatid-sundo.Kilala ito ni Don Sebastian, mapagkakatiwalaan daw ito at maaasahan. Pinakilala na din ako ni Don sa driver ni baby Serenity. Kunwari na lang, hindi ko pa siya kilala."Hello po manong kuya, kinagagalak kitang makilala at makasama. Sana maging maingat at huwag masyadong masungit. Galingan mo sa pagda-drive, okay. Fighting!" Sabay taas ko pa ang isa kong kamao.Tumawa ang matanda at humagikhik naman ang bata. Si Gardo naman ay sumimangot."The hell!" Inis na sambit nitong nakasimang
Huling Na-update : 2026-09-28 Magbasa pa