Share

KABANATA 17

“What happened to you, anak?!” sigaw ni Mommy. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa itsura ko ngayon.

“Hays, Ma. Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na nag-ayos lang naman ako, wala naman nagbago. Ako pa rin 'to,” nakangisi kong sabi at ngumuya ng kinakain.

Ang akala niya kasi kinidnap ang anak niya kanina at pinagpapalo ako ng pamaypay niya. Kaya gulat na gulat ako at 'di ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya 'yong nangyari, na tinutulungan ako ni Hendrix na mag-ayos ng sarili ko. At ang ayoko pa ay kinikilig siya sa mga sinabi ko! Na kesyo nagpapaganda raw ako sa mokong na 'yon.

“Sigurado ka ba na walang namamagitan sa inyong dalawa ni Hendrix?” pag-uulit na tanong ni Mommy.

Huminga ako nang malalim at ngumiti ng peke. “Ma, kahit pagbaligtarin mo pa ang mundo hindi ko siya magiging boyfriend o asawa. Maniwala ka sa 'kin, Ma.” Humagalpak ako sa tawa. “Magmamadre na lang ako kung sakaling mangyari 'yon.”

Umiling-iling naman si Mommy at tinuloy na lang ang pagkain niya ng alm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status