Share

KABANATA 7

“Saan ba banda rito 'yong bahay niyo?” tanong ni Hendrix habang nagmamaneho.

Hindi ko siya sinagot. Hinahalungkat ko 'yong mga laman ng drawer niya rito sa kotse, gusto ko lang malamam kung ano'ng laman nito. May laman na condom, wax, suklay at kung ano-ano pa pero puno siya ng condom.

“Solene! Huwag mong pakialaman mga gamit ko!” suway niya habang tinatapik ang kamay ko. “Solene! Ano ba?!” naiiritang sabi niya.

Sinarado ko ang drawer at saka umayos ng upo. “Fine! Tatahimik na 'ko. 'Di na nga ako mabunganga, babawalan mo pa 'ko,” nagtatampong sabi ko sa kaniya.

Suminghap siya. “Para kang bata. Kung 'di ka maingay, nangingialam ka naman ng gamit,” pagsesermon niyang sabi.

'Di ako sumagot. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas, medyo traffic at masikip ang kalsada. Kaya pala 'di siya nagalaw at nakuha na niyang manermon.

“Tapos kung kailan kinakausap kita, hindi mo ako kakausapin? You're unbelievable, Solene Galvez,” aniya kaya napairap ako.

Pareho kaming tumahimik. Ayoko na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status