Share

KABANATA 6

Nahihiya ako habang sinusundan si Sir Duke. Halos manginig na ako sa sobrang kilig habang kasama siya ngayon. Hindi nga ako makapaniwala na inaaya niya ako mag coffee.

“S-sir, puwede po ba ang ganito? Baka po b-bawal ang lumapit sa isang manager,” nahihiyang sabi ko.

“Allowed naman kayo, and break time naman ngayon. So why not?” Tumango siya at saka ngumiti.

'Di pa rin ako makapaniwala na sinabihan niya ako ng attractive kanina. Ayoko maging assuming pero sa akin ba siya na-aattract? Si Hendrix naman kase, kung sino-sino ang tinatanggao dito sa hotel basta maganda at sexy. Ang daming magaganda rito, more attractive than me paano naman nasabi ni Sir Duke na attractive ako?

“Did Hendrix do something to you, Sol?” tanong ni Sir Duke.

Nasa may ground floor na kami at nandito kami para mag coffee dahil inaaya niya ako.

“W-wala naman po, Sir.” Umiwas ako ng tingin.

Pero may ginawa sila ni Kaith na morning session kanina.

Tumaas ang kilay niya na animo'y hindi naniniwala na walang ginawa sa akin si Hendrix. Ganoon ba ka-demonyo si Hendrix kaya walang naniniwala na matino siyang lalake?

“Palagi niya kaseng ginagawa 'yon, pinaglalaruan niya 'yong mga babaeng interns dito. Pero wala naman akong magagawa.” Nagkibit-balikat siya. “Parang gusto naman kase ng mga babae 'yong ginagawa niya, sila pa 'yong nagi-insist na... Makipag-one night stand kay Hendrix,” sabi ni Sir Duke.

Tumango ako.

Totoo naman 'yon, eh. Mukhang mas gusto pa ng mga babae 'yong ginagawa niya. Tulad na lang 'yong babaeng nag-aaya ng one night stand sa kaniya kapalit ng paggawa niya sa thesis nila Hendrix.

Pumasok kami sa isang coffee shop. Marami agad ang tumingin sa amin at nag tiliin ang iba nang makita si Sir Duke.

Parang gusto ko sila hampasin isa-isa at sabihin na ‘Akin lang 'to!’ pero nakakahiya naman 'yon. Baka mabigla naman si Sir Duke sa gagawin ko, 'no?

“Duke!” bati ng isang staff na nasa counter table.

“Hi, Denice,” kasual na bati ni Sir Duke at saka siya nilapitan.

Ako naman na parang tuta ay sumunod sa kaniya. Nahihiya na ako baka sabihin fanatic ako ni Sir Duke.

“May lakad ka ba mamayang gabi?” tanong nung Denice ang pangalan.

Tumango si Sir Duke. “Yup, may klase kase ako mamaya. Why?”

Nahihiyang ngumuti si Denice. “Uhmm. Aayain sana kita mag dinner kaso you're busy pala. But it's okay, I undertand. Hmm maybe next time, Duke?” aniya.

Gusti kong umirap. Dami ko pa lang karibal kay Sir Duke, sarap sapakain. Sasabihin ko sana na hindi na allowed na ayain si Sir Duke sa kahit anong event or whatever nila. Dapat sa akin lang.

“Yep. Maybe next time, Denice.”

Sarap naman magdabog. Anong next time?! Buwisit! Dapat sabihin niya busy na lang aiya at marami siyang aasikasuhin at wala ng time para sa hang out na 'yon!

Hinawakan naman ni Sir Duke ang baywang ko. “This is Solene Galvez, she's an intern here. She's my student back then,” pagpapakilala niya sa akin.

Tinarayan naman ako ng mukha ni Denice pero nang tumingin sa kaniya si Sir Duke ay plastic na ngumiti. Yuck, hindi bagay sa'yo! Isa kang impakta!

“Oh, wait. Two cup of coffee, please,” sabi ni Sir Duke kay Denice.

Nangunot naman ang noo ni Denice. “Bakit dalawa? Ihahatid ko ba sa office mo 'to, Duke?” takang tanong ni Denice.

Ngumiti si Sir Duke at saka umiling. “Nah. One for me and for Solene, pakihatid na lang dito sa may table namin. May pag-uusapan pa kase kami ni Solene, eh. Thank you, Denice,” sabi ni Sir Duke.

Bigla naman sumimangot ang mukha ni Denice. May gusto siya kay Sir Duke walang duda!

Pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa ginagawa ni Sir Duke. Halos sumayaw na ako sa sobrang tuwa ko ngayon at the same time kinikilig ako. Oh my god! Hindi ko ine-expect na mapapalapit ako kay Sir Duke, dati inaaamoy-amoy ko lang siya sa malayo. And lastly, I admired him from afar!

Umupo kami sa dulong bahagi ng table. Hinatid naman agad ni Denice ang order ni Sir Duke, at saka nagpasalamat naman sa kaniya si Sir Duke. Mukha ngang may dalawa si Denice, nagseselos siguro dahil hindi sinamahan ni Sir Duke mamaya at saka ako ang kasama niya ngayon.

Tumili naman mga nasa kabilang table nang makita si Sir Duke. Ganito ba ka-attractive ang boyfriend ko para pagnasaan nila? Just kidding! Practice lang, wala munang personalan.

Nagbulungan naman sila habang nakatingin sa akin. Okay, another chismis na naman ito.

“Sino kaya 'yong na-assign sa top floor?” bulungan nila.

Malamang ako, ayaw niyo kunin eh. Nandoon pa naman si Suarez na bossy. Pero kaniya naman itong hotel kaya pagbibigyan ko.

“Kung ako na-assign sa 30th floor, pagnanasaan ko talaga si Sir Hendrix. Kapag magbibihis siya, sisilipan ko.”

Nabuga ko naman ang iniinom kong kape dahil sa narinig ko.

“Are you okay, Solene?” nag-aalalang tanong ni Sir Duke.

Umubo-ubo ako. “A-ayos lang po ako S-sir,” umuubong sabi ko.

Dinaluhan naman niya ako at saka bahagyang tinapik-tapik ang likod ko. Nabulunan ako! Nakakahiya naman 'to.

Pinunasan niya ang labi ko na nalagyan ng kape. Gusto ko maihi sa sobrang kilig. Bakit hindi na lang niya ako halikan kaysa sa mag-aksaya kami ng tissue 'di ba?

“OMG HENDRIX! ANAKAN MO 'KO!”

Napatakip naman ako ng tenga sa narinig ko. Nagtiliian naman sila at nakatingin sa labas kaya tumingin din ako. Nandoon si Hendrix at naglalakad papunta sa Bugatti niya. Maraming body guards ang nakabantay sa kaniya.

Tilian ang naririnig ko at halos kulang na lang ay lumuhod na sila. Ano bang meron kay Hendrix? Babaero siya, walang puso, mayabang, lahat sa kaniya mayabang, walang respeto! Bakit kinababaliwan nila siya?

Okay, naiintindihan ko na. Kase mayaman siya, guwapo, at syempre maganda ang pangangatawan niya kaya nagkakandarapa ang lahat sa kaniya.

“Buti 'di ka sumama kay Hendrix kanina.”

Napatingin naman ako kay Sir Duke. Kanina pa pala ako nakatulala kay Hendrix habang nakatingin sa labas ng glass door.

“Huh? Why would I choose him over you? Of course, I'll choose you kase gusto kita,” sabi ko.

Napatakip ako sa bibig ko. Fuck, did i just say na gusto ko siya? Oh my God. 'Yon ang bad side ng pagiging madaldal, kahit ayaw mong sabihin ay nasasabi mo. Fuck shit naman! Kung anong trip ng utak ko, 'yon ang lumalabas sa bibig ko.

Tumawa si Sir Duke. “You're so adorable,” ani Sir Duke. Humigop siya ng kape at bakas pa rin sa mukha ang pagkatuwa niya.

“Hindi sa gano'n 'yon. Ang gusto kong sabihin gusto kitang kasama kase feeling ko s-safe ako,” nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin.

“Hindi ka ba safe kay Hendrix?” tanong ni Sir Duke.

“I don't know, I just don't like him. Naiirita ako sa kaniya, basta kapag masaya siya ako naman iritado. Kapag masaya naman ako, siya naman naiirita sa 'kin. We're not compatible, gano'n lang. Enemies forever!” natatawang sabi ko.

Humigop din ako ng kape. He likes coffee, at ako naman acidic kaya hindi ko cup of tea ang kape! Dahil kapag uminom ako nito, aalab sa sakit ang tiyan ko lalo na ang sikmura ko. Pero dahil pasikat ako kay Sir Duke, gagawin ko 'to!

Siguro marami rin ang tulad ko na galit kay Hendrix? Pero, sa tingin ko ako lang 'yong may mas malalang galit sa kaniya. Ewan ko ba, hindi ata kami magkakasundo no'n. Ang layo ng personality niya sa personality ko, iba rin ang hobbies namin. At isa pa, loyal ako samantalang siya cheater na babaero.

“Bakit pala hindi kayo magkasundo ni Hendrix?” usyosong tanong ko.

“Hindi naman siya literal na galit sa 'kin. We're cool. Naiinis lang siya dahil panay ang suway ko sa kaniya, kaya ayon nagagalit na siya. Bilin naman kase ng parents niya na pakitingnan si Hendrix kung ano'ng ginagawa niya, kaya ko lang siya sinusuway. Pero lagi niyang sinasabi, I'm just a manager and he's the acting CEO. What a spoiled brat,” natatawang sabi ni Sir Duke.

Ngumiti ako. Ang layo talaga ng personalities ni Sir Duke at Hendrix, si Sir Duke masyado ng matured samantalang si Hendrix he's acting like a teenager. 20 na siya, dapat maging matured na 'di ba? Buti pa si Sir Duke, matured na guwapo pa! Kaya gustong-gusto ko siya.

Tumatawa siya habang kinukuha 'yong tissue sa table. Tumayo si Sir Duke at saka lumapit sa akin.

“I just wanna wipe the icing over here,” aniya at tinuro ang bibig ko.

“Huh?” takang tanong ko. May dumi ako sa bibig? Tumikim lang naman ako ng icing ng cake.

“Ako na lang magpupunas.”

Pinunasan niya ang bibig ko. Sobrang lapit ng mukha namin kulang na lang halikan na niya ako dahil ilang inches na lang ang pagitan namin. Nararamdaman ko ang paghinga siya labi ko. Naghuhuramentado naman sa tibok ang puso ko.

“Alright, It's done!” aniya at bumalik sa puwesto niya.

Marami kaming napagkuwentuhan, mostly about sa pagtuturo niya dati. At 'yong iba ay puro kay Hendrix. Nagtatanong siya buti raw at ni-reconsidered daw ako ni Hendrix dito, dahil magaling naman daw ako. Nakakakilig ang bawat sinasabi niyang papuri sa 'kin, feeling ko tuloy mutual ang feelings namin. Pero ayokong umasa!

Buong araw akong nakangiti sa sobrang saya. Paano ba naman, parang first date namin 'yon ni Sir Duke. Kahit na naglilinis ako, nakangiti pa rin ako dahil naaalala ko kung gaano kalapit ang mukha namin kanina. Kulang na lang ay m********n kami!

Habang naglalakad ako ay bigla naman sumakit ang tiyan ko. Ito na nga ang sinasabi ko... Kaya ayaw kong uminom ng kape dahil magwawala na naman ang tiyan ko sa sakit.

Napapangiwi ako sa sobrang sakit. 'Di ko kayang pigilan 'to, masyado kase akong pasikat at ininom ko 'yong kape. Ayaw ko naman tanggihan si Sir Duke dahil first date naming dalawa 'yon.

“Aray,” sabi ko sabay ngiwi.

Kanina nakangiti ako, ngayon naman nakabusangot na sa sakit.

Maaga akong nag out, dahil sabi ko masakit ang pakiramdam ko. Pumayag naman sila kaya mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at balak ko na lang mag taxi. Pero nang pababa pa lang ako sa ground floor ay napapa-utot na ako nang sunod-sunod kaya nanlaki ang mga mata ko.

Gosh! Kailangan ko na ilabas 'tong dumi ko kun'di matatae ako rito sa uniform ko. At for sure nakakahiya naman 'yon! Lalong-lalo na makikita iyon ni Sir Duke. Kilala ko pa naman ang tae ko, masyadong mabaho. Kaya nakakahiya.

Nakita ko naman si Hendrix na pasipol-sipol at papunta sa may elevator kaya naman mabilis akong lumapit sa kaniya. Puwede ako dumumi sa suite niya! Siya lang naman ang kakilala ko rito.

“Hendrix! Hendrix!” pasigaw na tawag ko sa kaniya at taka naman siyang tumingin sa akin.

Hindi niya ako pinapansin, nakatingin lang siya nang masama na animo'y nandidiri sa akin.

“Hendeix! Tulungan mo naman ako, please!” pagmamakaawa ko habang nakahawak ako sa kamay niya.

Nandidiri naman niyang inalis ang kamay kong pumulupot sa kamay niya. “What the fuck dumb shit! Get off me!” sigaw niya habang nilalayo ako sa kaniya.

“Can I use your CR? Please?” naiiyak na sabi ko.

“What the hell is your problem? Kaninang pinapapili kita, you chose him over me. Tapos lalapit ka sa 'kin ngayon? Hell no. You're not even pretty para pag-aksayahan ko ng panahon. So please, just leave! I don't wanna see you here, Solene. You just ruined my day,” aniya.

“Sorry na! Please! Pagamit lang ng cr mo kahit ilang minuto lang, hindi ko na mapigil!” naiiyak na sabi ko sa kaniya.

Tinalikuran niya ako at sumakay siya sa elevator kaya sinundan ko siya. Naiinis na siya alam ko, dahil bakas na bakas sa mukha niyang naiinis na siya.

“Bakit 'di ka magpatulong kay Duke? You only approach me when you need something,” naiinis niyang sabi.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at umiling-iling. Bigla naman akong nahiya.

Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami ay lumabas na siya kaya sinundan ko siya.

“Hurry up, Solene. I'm going home. I'll just get something here,” aniya habang binubuksan ang suite niya.

Napangiti naman ako at umaliwalas ang mukha niya. Buti na lang at sinaniban siya ng good angel ngayon! Ang suwerte ko talaga.

Nagtungo ako sa banyo niya at agad na naglabas ng sama ng loob na kanina ko pa iniinda sa sakit. Buwisit na kape kase na 'yan. Pero nakakatuwa pa rin kase nakasama ko si Sir Duke.

Nang matapos ako ay napahinga ako nang maluwag. Buti na lang at nailabas ko na rin.

“Uwi na ako, thank you pala,” sabi ko pagkalabas ko sa cr.

“Baho ng tae mo,” bungad niya. Nakahilata siya sa may sofa habang naka pang de-kuwatro ang upo niya. Seryoso siyang nakatingin. “Sabay na tayo, ihahatid kita sa inyo.”

“Ayoko. Mag ta-taxi na lang ako,” sabi ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko at handa ng umuwi.

“See? Kapag okay ka na, wala ka ng pakialam. Kapag may problema ka, doon mo lang ako naaalala.”

Natigilan ako sa sinabi niya at saka siya hinarap. “Hendrix, baka kase isipin mo kagaya ako ng mga babaeng nilalapa mo gabi-gabi. Well, for your information hindi ako gano'n.”

“Kung babae kita, you should be thankful. Dahil hindi ka naman kagandahan,” nang-iinsultong sabi niya.

“I'm not pretty, pero may dignidad ako sa sarili ko, Hendrix,” seryosong sagot ko.

“You're not even that pretty, arte mo,” bulong niya.

“Wala akong pake sa opinyon mo, Hendrix. Uwi na 'ko,” sabi ko.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng mag martsa paalis sa suite niya. Tapos na rin naman ako mag jebs, nag thank you na rin naman ako. Ayoko naman kaseng makita ako ni Sir Duke na kasama 'tong animal na 'to.

“Kung inaalala mo si Sir Duke, well, he's not here. Kaaalis lang,” narinig kong sabi ni Kurimaw.

Napatigil ako. Kung pahahatid ako, tipid sa pamasahe 'di ba? Kung papasundo kase ako sa driver namin, matatagalan pa siya.

Nang makababa na kami sa ground floor at nakalabas na sa Hotel De La Crème ay saka ko na-realize na gusto ko pala sumabay kay Hendrix. Kaya naman sinundan ko siya at tumakbo nang mabilis para makasakay sa Bugatti niya.

“Hendrix..” nakangiting tawag ko sa kaniya.

“What the fuck are you doing here? Don't tell me pahahatid ka? Ayoko.” Umirap siya.

Nag puppy eyes naman ako sa kaniya. “Ayaw mo naman siguro na ikalat ko 'yong sex tape mo—”

“Oo na! Fuck! Get in!” aniya at pinagbuksan pa ako ng pintuan sa front seat.

Pagkatapos niyang isarado ang pintuan ay pinagsisipa niya ang gutter sa sobrang inis niya. Hawak na hawak ko talaga sa leeg ang isang Hendrix Suarez! Gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa sobrang badtrio niya ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status