Masuk
"Kasama sa kontrata ang pagbibigay mo sa akin ng anak, mas maganda kung lalaki ang magawa natin. Sampung milyon kapag babae, benteng milyon kapag lalaki. Iba pa ang limang milyon na ibabayad ko sayo ngayon para sa kontrata ng kasal natin." Tuloy-tuloy na pagsasalita ni William Mercado.
"Kailangan natin mabigyan ng apo ang mga magulang ko as soon as possible. Matagal na nila itong hinihiling sa'kin. Tiyaka ibibigay lang sa'kin ang kompanya kapag binigyan ko na sila ng apo. After maibigay sa'kin, maari na tayong maghiwalay pero--" huminto siya bago ako seryoso na tinitigan. "Maiiwan sa'kin ang bata. Ako ang mag-aalaga sa kaniya, maari kang bumalik sa dati mong buhay pagkatapos ng kontrata mo sa'kin." Nakaramdam ako ng labis na kalungkotan. Wala pa naman 'yon bata pero nasasaktan na ako sa isipan na iiwan ko siya sa ama niya. Pikit-mata akong sumang ayon sa lahat ng kondisyon niya. "Sige, pero may isa rin akong kondisyon...." Sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago tumango. "Sure, ano ang kondisyon mo?" "Hindi ka magtatanong tungkol sa personal na buhay ko....." Sabi ko. Mahirap na. Baka pagkatapos ng kontrata na ito bigla ko na lang siya makita sa harap ng bahay ko, karga ang anak namin at sasabihin na miss na niya ako at bumalik na ako sa piling niya.... Luhhh? Advance mag-isip. "Iyon lang ba?" Bored na tanong niya, tumango ako. "Sige, pirmahan mo na." Utos niya bago nilahad ang mga papel sa harap ko. Ang isa ay ang kontrata ng kasal. Ang isa namn ay kontrata ng kasunduan namin, ang iba naman ay ang magiging copy namin na mapupunta sa'min. Napalunok muna ako bago pirmahan ito. "Kailangan mong lumipat sa bahay ko mula ngayon, magsasama na tayo sa iisang bubong." Sabi niya habang tinititigan ang papel na pareho kaming may pirma. "Agad-agad?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Yes!" Sagot niya bago tumayo sa kaniyang executive chair. Lumapit siya sa glass wall kung saan makikita ang mga bahay at ang kalsada sa ibaba. Nasa seventeenth floor kami ngayon. Kaya ng lumapit ako at tumabi sa kaniya upang makitanaw ay nalilo ako sa taas kaya umatras na lang ako. "Hindi mo na kailangan magdala ng gamit mo, halata naman na hindi mo afford ang mamahalin gamit kaya ibibilhan kita." Kapansin-pansin ang magandang postura niya mula sa likod. Kahit nakatalikod, mapapansin pa rin na maganda siyang lalaki. Pak! Ang pwet, tambok! Sarap pisilin. Fit na fit ang suot niyang suit, bumagay sa gwapo niyang mukha. May pagka mysteryoso si William, kung titignan mo siya para siyang masungit. Nakakatakot ang presensya niya, titig pa lang niya matatakot ka na pero sa kabilang banda, nakakalaglag panty ang titig niya. "Naintindihan mo ba?" Nagulat ako ng mapansin nasa harap ko na siya. Ilang beses akong napapikit. Ang bilis naman niyang gumalaw, kanina lang nasa may tabi siya ng glass wall ah. "Bakit ka nakatitig sa pwet ko?" Inis na tanong niya. "Pinagnanasahan mo ba ako?" "Bakit ko naman tititigan ang matambok mong pwet?" Mabilis na sagot ko na siya rin naman pinagsisihan ko sa huli. Shit! Pahamak na bibig. "Paano mo nasabi na matambok kung hindi ka nakatitig?" Muli ay tanong niya, kuminang ang mata niya at nagkaroon ng kaunting ngisi ang labi niya. Napa atras ako ng bigla siyang lumapit sa'kin. "Wala naman akong sinabi na matambok ah." Pagsisinungaling ko bago tumalikod. Tatakas na sana ako ng bigla niyang ipulupot ang kamay niya sa bewang ko at pinaharap sa kaniya. Nang magsalubong ang mata namin ay malawak na ang ngisi sa labi niya. "Saan ka pupunta?" Malalim ang boses na tanong niya. Ramdam ko ang kaba. Kanina lang nilalamig ako sa lamig dahil sa aircon, ngayon naman bigla akong pinagpawisan ng hindi ko maintindihan ang dahilan. "B-Bitawan mo nga ako." Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya, ang lapit niya. Lihim kong inamoy ang sarili ko. Ew! Amoy bungang araw, babad kasi ako kanina sa labas bago ako mapadpad dito. Naghahanap pa ako sa iba ng maaaring pagtrabauhan. Nandito ako para mag apply ng janitress pero ang ending kasal ang inalok sa'kin. "Bakit ko gagawin 'yon? Kasal naman na tayo, may karapatan na akong hawakan ka." Pilyong sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan ko siyang itulak gamit ang kamay ko sa dibdib niya pero napahinto rin ng maramdaman sobrang tigas nito. "Kasal?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Yes! Kasal, Agatha Mercado!" Banggit niya sa pangalan ko, kinalibotan ako ng idagdag niya ang last name niya. "Oo na. Bitaw na." Nahihiyang saad ko. Imbis na sundin ay mas lumapit pa siya sa'kin. "Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" Mariin akong napapikit. Halata naman kasi na inaasar lang niya ako eh. Baliw yata ang lalaking ito. "Sisigaw ako!" Matapang na sagot ko bago siya tinitigan. Mas kuminang pa ang mga mata niya sa tuwa. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Parang baliw, sayang saya siya dyan eh wala naman nakakatawa. "Sa tingin mo may papasok dito?" Binasa niya ang labi niya gamit ang kaniyang mahaba at namumulang dila. Napalunok na lang ako, ang haba ng dila niya. Tapos ang sarap ng labi niya, para itong strawberry sa sobrang pula, lalo na ng kagatin pa niya ito sa harap ko. Para niya akong inaakit. Lumamlam tuloy ang mga mata ko, gusto ko siyang sunggaban ng halik. Mag-asawa naman na kami diba? Ibig sabihin pwede ko n gawin lahat ng--- my god! Anong iniiisip ko? "Agatha!" Malambing na tawag niya sa pangalan ko. Para talaga niya akong inaakit. Nang mas ilapit pa niya ang mukha niya sa akin ay hindi na ako umatras. Tuluyan na akong napapikit ng magdikit ang ilong namin. Ilang minuto akong naghintay na maglapad ang labi namin pero napamulat ako ng bumulalas siya ng tawa. "HAHAHAH! You like me to kiss you?" Inis kong pinalo ang matigas niyang dibdib. Bwesit! Paasa! "Hindi no!" Tanggi ko, kahit ang totoo ang umasa akong hahalikan niya ako. Na gusto ko rin na halikan niya ako. Namula ako sa hiya. Bakit ba kasi ang bilis kong natukso? Tinawag lang ang pangalan ko ng palambing, bibigay na. Argh! Kainis. Halos mamatay na ito sa tawa, humawak pa ito sa tiyan niya. Nang mahimasmasan ay tumingin siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Sabihin mo lang kung gusto mo, ibibigay ko naman asawa ko!" Nakangiting sambit niya bago ako lagpasan at bumalik sa kaniyang executive chair. Nakakainis! Humanda ka sa'kin, babawi ako!He forced me!Napasulyap ako sa kaniya na malalim ang pagkakatulog pagkatapos ilang beses na may nangyari sa amin.Nanghihina ang katawan ko pero pinilit na bumangon. Mabagal. Takot na bigla siyang magising.Nang sa wakas ay naka alis na ako sa kama. Nanginginig pa ang kamay ko habang pinupulot ang mga damit kong pwersahan niyang tinanggal.I don't really know this man anymore! Lahat ng galaw at lumalabas sa bibig niya ay ibang iba sa William na minahal ko noon.Lumapit ako sa dalawang maleta at maingat itong kinuha. Nagulantang ako ng biglang natumba ang maliit na maleta. Kinakabahan akong napatingin sa may kama.Halos hindi humihinga. Gumalaw siya. Namawis na ako ng malagkit at hinihiling na sana hindi siya nagising.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nagmulat ang mga mata niya. Kinuha ang dalawang maleta at lumapit sa pinto.Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi maingay ang pinto kapag binubuksan at sinasara, pero naroon pa rin iyong kaba. Una akong lumabas bago ang maleta ko. Tin
Ang ingay ng pagpukpok ng gavel ay naging sanhi ng pagdiriwang ko."Sa wakas wala ng visa ang kasal namin."Dahil sa rami ng evidence ay nawalang visa ang kasal namin ni William. Ganun kabilis. Ganun kadali."Congrats Miss Velasco." Attorney Gomez said."Thank you Attorney Gomez!" Buong galak na sambit ko bago kami nagkamay."Ako na ang bahala na magbigay sa kaniya ng kasulatan na wala ng bisa ang kasal ninyo....""Thank you again Attorney..."Sabay kaming naglakad palabas. Paglabas ng court ay naghiwalay na rin kami, may mga importante pa raw siyang aasikasohin kaya naman tinanggihan na niya ang paanyaya ko na kumain kami para sana makapagpasalamat ako.Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makadaupang palad ang landas namin nila William. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi.Pagsakay sa luma kong kotse. Pinaandar ko agad ito sa malapit na coffee shop.Pumwesto ako sa may malapit sa pinto, tabi ng glass wall. Habang sumisimsim ng kape, pinagmamasdan ko ang mga sasakyan na dumad
"Saan mo dadalhin ang asawa ko?" Galit na tanong ni William.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tang ina naman, ano bang ginagawa niya. Malalaman na tuloy nila na nagpakasal ako.Nahawa na rin ba si William sa kabaliwan ni Jessica?Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pati si Jordan ay humigpit ang pagkakahawak sa bewang ko. Sa isang iglap parang nawala lahat ng buto sa katawan ko dahil hindi ko ito maramdaman.Bumaba ako sa pagkakabuhat kay Jordan. Kahit nag aalala siya ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ako.Pumunta sa harap namin si William at matalim na tinignan ang kasama ko. Mariin akong napapikit. Bigla akong natakot sa Kuya ko na ngayon ay nasa likod.Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Hinatak ako palapit sa kaniya. Sa isang iglap nasa tabi na ako ni William.Ngayon ko gustong gumawa ng aksyon ang mama niya at si Jessica. Pero tulala silang hindi makapaniwala na nakatitig kay William.Agad na nagtama ang mata namin ni Kuya, umiigting ang mga panga niya at naging matalim a
Hindi na ako nagtaka sa kamalditahan ni Jaia na pinakita kanina sa loob ng jewelry store. Ang kinababahala ko lang ay ang sinabi niya na may kaya ako.Paniniwalaan kaya siya? I wish not."Nako, nakakainit sila ng ulo. Sarap balatan ng buhay iyang hilaw mong biyenan. Kaloka!" Huminto siya sa paglalakad ng medyo malayo layo na kami pagkatapos ay hinarap niya ako. "Next time ah Aga. Next time na saktan ka ng kahit na sino sa kanila. Tawagan mo ako, pupuntahan kita kahit nasaan ka pa...." Naiinis pa rin na sabi niya.Pinalobo niya ang bibig niya at minsanan binuga ang hangin bago ngumti sa akin. Ginagawa niya iyon tuwing pinapakalma ang sarili."Hayaan na nga lang natin sila. Let's enjoy this day. Don't let them ruin our date....." Dagdag pa niya."You are right. So, icecream?" Nginuso ko ang ice cream store na napansin ko kanina pa.Lumawak ang ngiti niya at para kaming mga bata na nag unahan patakbo sa loob ng ice cream store."Two orders of cookies and cream ice cream!" "Two orders o
"Baby ngumiti ka naman. Parang hindi ka naman masaya na magkasama tayo ngayon eh!"Nasa Italian restaurant kami. Nag order ako ng pollo alla cacciatora habang siya ay nag order ng Risotto.Masarap ang nakahain na pagkain, hindi nga lang tamang tao ang katapat ko kaya nakakawala ng gana kumain."I'm just tired..." Banggit ko.Tumango siya. Walang nagsalita sa amin buong lunch. Minsan napapansin ko na gusto niyang basagin ang katahimikan ngunit sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Siguro ay walang maisip na topic.Sumimsim ako ng wine. Tinignan ko siya."May problema ba? Hindi ka mapakali ah." Usisa ko.Bumuntong hininga siya. Umiling. Pareho kaming napatingin sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa ng bigla itong tumunog. Tumaas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Jessica sa screen.Napatingin sa akin si William at ng makitang nakatitig ako sa cellphone niya ay mabilis niya itong kinuha. Binasa niya ang text ni Jessica. Bigla siyang natakot at nabalisa sa nabasa.Naglabas agad siya
Nawalan ako ng gana na kumain. Nilapag ko sa may lamesa sa living room ang order ko at pabagsak na inupo ang sarili sa may sofa. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman intention na landiin iyong si kuya. Sa sobrang gutom ko hindi ko lang napansin na hindi ko pala na doble check ang suot ko. Napatingin ako sa balabal na dala kong bumaba papunta dito. Ito sana ang pangtatakip ko sa katawan ko kapag kinuha ko na ang order pero nakalimutan ko. Muli kong naramdaman ang tunog ng tiyan ko. Napanguso, walang balak kumain. "Anong gagawin mo diyan? Dadasalan?" Inis na sabi ni William na galing sa taas. Hindi naman ako nagpahalata na nagulat sa presensya niya. Paano bigla na lang magsasalita eh hindi ko napansin ang pagbaba niya. "Kakainin siyempre." Angal ko naman ng muling maramdaman ang pagtunog ng tiyan ko na kanina pa nagwawala. Nilabas ko lahat ng binili ko. Isang bucket ng chicken joy. Five pieces of rice. Two order of Cook float. Four order of large Fries. Three Sundae. "Mauu







