LOGINHe forced me!Napasulyap ako sa kaniya na malalim ang pagkakatulog pagkatapos ilang beses na may nangyari sa amin.Nanghihina ang katawan ko pero pinilit na bumangon. Mabagal. Takot na bigla siyang magising.Nang sa wakas ay naka alis na ako sa kama. Nanginginig pa ang kamay ko habang pinupulot ang mga damit kong pwersahan niyang tinanggal.I don't really know this man anymore! Lahat ng galaw at lumalabas sa bibig niya ay ibang iba sa William na minahal ko noon.Lumapit ako sa dalawang maleta at maingat itong kinuha. Nagulantang ako ng biglang natumba ang maliit na maleta. Kinakabahan akong napatingin sa may kama.Halos hindi humihinga. Gumalaw siya. Namawis na ako ng malagkit at hinihiling na sana hindi siya nagising.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nagmulat ang mga mata niya. Kinuha ang dalawang maleta at lumapit sa pinto.Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi maingay ang pinto kapag binubuksan at sinasara, pero naroon pa rin iyong kaba. Una akong lumabas bago ang maleta ko. Tin
Ang ingay ng pagpukpok ng gavel ay naging sanhi ng pagdiriwang ko."Sa wakas wala ng visa ang kasal namin."Dahil sa rami ng evidence ay nawalang visa ang kasal namin ni William. Ganun kabilis. Ganun kadali."Congrats Miss Velasco." Attorney Gomez said."Thank you Attorney Gomez!" Buong galak na sambit ko bago kami nagkamay."Ako na ang bahala na magbigay sa kaniya ng kasulatan na wala ng bisa ang kasal ninyo....""Thank you again Attorney..."Sabay kaming naglakad palabas. Paglabas ng court ay naghiwalay na rin kami, may mga importante pa raw siyang aasikasohin kaya naman tinanggihan na niya ang paanyaya ko na kumain kami para sana makapagpasalamat ako.Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makadaupang palad ang landas namin nila William. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi.Pagsakay sa luma kong kotse. Pinaandar ko agad ito sa malapit na coffee shop.Pumwesto ako sa may malapit sa pinto, tabi ng glass wall. Habang sumisimsim ng kape, pinagmamasdan ko ang mga sasakyan na dumad
"Saan mo dadalhin ang asawa ko?" Galit na tanong ni William.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tang ina naman, ano bang ginagawa niya. Malalaman na tuloy nila na nagpakasal ako.Nahawa na rin ba si William sa kabaliwan ni Jessica?Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pati si Jordan ay humigpit ang pagkakahawak sa bewang ko. Sa isang iglap parang nawala lahat ng buto sa katawan ko dahil hindi ko ito maramdaman.Bumaba ako sa pagkakabuhat kay Jordan. Kahit nag aalala siya ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ako.Pumunta sa harap namin si William at matalim na tinignan ang kasama ko. Mariin akong napapikit. Bigla akong natakot sa Kuya ko na ngayon ay nasa likod.Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Hinatak ako palapit sa kaniya. Sa isang iglap nasa tabi na ako ni William.Ngayon ko gustong gumawa ng aksyon ang mama niya at si Jessica. Pero tulala silang hindi makapaniwala na nakatitig kay William.Agad na nagtama ang mata namin ni Kuya, umiigting ang mga panga niya at naging matalim a
Hindi na ako nagtaka sa kamalditahan ni Jaia na pinakita kanina sa loob ng jewelry store. Ang kinababahala ko lang ay ang sinabi niya na may kaya ako.Paniniwalaan kaya siya? I wish not."Nako, nakakainit sila ng ulo. Sarap balatan ng buhay iyang hilaw mong biyenan. Kaloka!" Huminto siya sa paglalakad ng medyo malayo layo na kami pagkatapos ay hinarap niya ako. "Next time ah Aga. Next time na saktan ka ng kahit na sino sa kanila. Tawagan mo ako, pupuntahan kita kahit nasaan ka pa...." Naiinis pa rin na sabi niya.Pinalobo niya ang bibig niya at minsanan binuga ang hangin bago ngumti sa akin. Ginagawa niya iyon tuwing pinapakalma ang sarili."Hayaan na nga lang natin sila. Let's enjoy this day. Don't let them ruin our date....." Dagdag pa niya."You are right. So, icecream?" Nginuso ko ang ice cream store na napansin ko kanina pa.Lumawak ang ngiti niya at para kaming mga bata na nag unahan patakbo sa loob ng ice cream store."Two orders of cookies and cream ice cream!" "Two orders o
"Baby ngumiti ka naman. Parang hindi ka naman masaya na magkasama tayo ngayon eh!"Nasa Italian restaurant kami. Nag order ako ng pollo alla cacciatora habang siya ay nag order ng Risotto.Masarap ang nakahain na pagkain, hindi nga lang tamang tao ang katapat ko kaya nakakawala ng gana kumain."I'm just tired..." Banggit ko.Tumango siya. Walang nagsalita sa amin buong lunch. Minsan napapansin ko na gusto niyang basagin ang katahimikan ngunit sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Siguro ay walang maisip na topic.Sumimsim ako ng wine. Tinignan ko siya."May problema ba? Hindi ka mapakali ah." Usisa ko.Bumuntong hininga siya. Umiling. Pareho kaming napatingin sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa ng bigla itong tumunog. Tumaas ang kilay ko ng makita ang pangalan ni Jessica sa screen.Napatingin sa akin si William at ng makitang nakatitig ako sa cellphone niya ay mabilis niya itong kinuha. Binasa niya ang text ni Jessica. Bigla siyang natakot at nabalisa sa nabasa.Naglabas agad siya
Nawalan ako ng gana na kumain. Nilapag ko sa may lamesa sa living room ang order ko at pabagsak na inupo ang sarili sa may sofa. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman intention na landiin iyong si kuya. Sa sobrang gutom ko hindi ko lang napansin na hindi ko pala na doble check ang suot ko. Napatingin ako sa balabal na dala kong bumaba papunta dito. Ito sana ang pangtatakip ko sa katawan ko kapag kinuha ko na ang order pero nakalimutan ko. Muli kong naramdaman ang tunog ng tiyan ko. Napanguso, walang balak kumain. "Anong gagawin mo diyan? Dadasalan?" Inis na sabi ni William na galing sa taas. Hindi naman ako nagpahalata na nagulat sa presensya niya. Paano bigla na lang magsasalita eh hindi ko napansin ang pagbaba niya. "Kakainin siyempre." Angal ko naman ng muling maramdaman ang pagtunog ng tiyan ko na kanina pa nagwawala. Nilabas ko lahat ng binili ko. Isang bucket ng chicken joy. Five pieces of rice. Two order of Cook float. Four order of large Fries. Three Sundae. "Mauu







