Share

Chapter Fourteen: Ang Muling Pagkikita

Makalipas ang ilang araw.

Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Clarissa, habang nakatingin sa mga kahon na puno ng kanilang gamit sa loob ng malaking truck.

Simula sa araw na ito ay lilipat na sila sa ibang lugar, magsisumula ng panibagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

Mami-miss din niya ang lahat ng mga tao sa San Carlos. Maiiwan niya ang kalahati ng kanyang pagkatao sa lugar na kanyang kinalakihan.

Nang makasakay na silang mag-anak sa truck ay tuluyan na itong umandar.

Binigyan ng huling tingin ni Clarissa ang kanilang bahay, pagkatapos ay tumingin siya sa unahan sa kalsada, umaasa ng mas magandang buhay at magandang kinabukasan sa malaking lungsod ng Maynila...

=================================

Mabilis na lumipas ang mahigit isang dekada.

Biglang nakaramdam ng nostalgia si Clarissa nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay sa San Carlos. Napansin niya na halos walang nagbago sa kabuuan ng kanilang bahay. Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang nakarinig si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status