Share

Chapter Twelve: Isang Napakahirap Na Desisyon

"Pasensiya ka na sa mga nangyari, Clarissa. kung maibabalik ko lang sana ang oras..." ang nasabi ni Carl, habang punong-puno ito ng pagsisisi.

"Kuya, huwag mong sisihin ang sarili mo. Katulad nga ng sinabi mo kanina, walang may gusto na naaksidente si Sir Rafa." ang malumanay na nasabi ni Clarissa.

"Hindi natin maikakaila na may nagawa akong mali. Nag-aalala lamang ako sa'yo at kay tatay dahil hindi basta-bastang pamilya ang nabangga ko. Sa totoo lamang ay medyo kinakabahan ako dahil hindi natin alam kung ano ang iniisip ngayon ng pamilya Esquivel, ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman na pamilya dito sa ating bayan." bakas sa mukha ni Carl ang pangamba.

"Ano ang iniisip mo ngayon, Kuya Carl?" ang biglang naitanong ni Clarissa.

Tinitigan siya ng kanyang nakakatandang kapatid, habang seryoso ang mukha nito.

"Kailangan nating makaalis ng San Carlos, Clarissa. At sa lalong madaling panahon. Kailangan nating makatakas mula sa pamilya Esquivel. Hindi na tayo dapat mag-aksaya ng or
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status