Share

Chapter 11

Nag-isip nang sandali si Samuel saka nilingon ang kanyang kapatid na si Sebastian. Bakas sa ekspresyon niya ang labis na pangamba para sa kapatid.

"Basti, have you ever thought about it? Nang makita mo si Ayanna na mahulog sa apoy, kahit na buhay pa siya, sigurado akong iba na siya ngayon..."

Tila ngayon lamang napagtanto ni Samuel na mali ang kanyang ginawa na ipaalam kay Sebastian ang imbestigasyong isinagawa niya. Hindi na dapat niya ito ipinaalam sa kapatid.

Batid nila pareho na kahit gusto ni Sebastian na makipag-ayos kay Ayanna, hindi kailanman papayag ang kanilang lolo. Sinisisi ng matanda si Ayanna sa lahat ng nangyari noon. Pakiramdam niya, sumpa ang babae. Kung wala siya, hindi magiging magkaaway ang kanyang dalawang apo!

"I've thought about it,” tipid at nangingiming sagot ni Sebastian sa kanya saka muling natulala sa kawalan, tila may malalim na iniisip.

Bakas na bakas ang determinasyon ni Sebastian sa kanyang mga mata. Napailing na lamang si Samuel nang mapansin ang bagay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status