Share

4

Nagising si Wency sa matinding lamig na nara-ramdaman nito. Habang dahan-dahan nitong iminumulat ang mga mata. Nayakap rin nito ang sarili sa lamig ng aircon na dumadampi sa buong katawan nito.

Habang nililibot nito ang paningin sa labas ng malaking bintanang salamin nakita nitong madilim na ang langit. Habang may nakatayo at nakatingin sa labas ang lalaking ni sa isip nito ay 'di nito akalaing ito ang aangkin sa buong katawan niya at pagka birhen nito. Ilang sandali dahan-dahan itong humarap at tinitigan ako at ngumiti.

''Gising kana pala. Anong gusto mong kainin?'' tanong nito sa akin. Umiling ako at saka ko ibinalot ng maigi ang sarili ko. Alam kong masagwa ang itsura ko.

''Wala gusto ko na lang umuwi, tiyak na nag aalala na ang lola ko sa akin. Sana ginising mo ako kanina! Para nakauwi pa ako.''

''Alam n'yang kasama kita.''

''Ano? 'Wag mo akong lokohin.'' sabi ko dito, hindi kasi ako naniniwala na alam ng lola ko na nasa bahay ako ng isang lalaki. T'yak pag nalaman ng lola ko 'yon baka na report na akong missing. Lola ko pa? T'yak nagwawala na ito sa mga oras na ito. Saka ako dahan-dahan tumayo. Bahagya akong napangiwi ng makaramdam ko ang matinding kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko.

''A-aray.'' naibulalas kong sabi.

''Bakit? Anong masakit? tanong nito na ikinanguso ko. Yung ano ko 'yun ang masakit buset bulong ko na lamang sa isip ko.

'' 'Wag ka na nga magtanong d'yan nakakainis.'' sabi ko dito saka ako ambang tatayo. Nang patayo na ako napatingin ako sa umbok sa pantalon nito.

Lintik na hinaharap 'yan. Parang nawarak loob ng sikmura ko sa laki. Masyadong pinagpala ang hinaharap.

''Bakit ka nakatingin?'' tanong nito na ang tinutukoy ay ang kanyang hinaharap. ''Gusto mo ba ng second round?'' nakangiting tanong nito sa akin na ikinapula ng buong mukha ko. Second round mo mukha mo!

Lalo na ng makita kong hinagod nito ang kabuuan ng katawan ko.

''Wag kang bastos tumalikod ka magbibihis ako.''

''Nakita ko na ang lahat ng meron sa 'yo, ngayon ka pa ba mahihiya sa 'kin??'' sabi ni Jokos habang papalapit sa'kin.

''Hoy! Teka lang d'yan ka lang.'' awat ko dito pero mas lalo itong bumilis sa paglapit sa'kin. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang kamay nito sa likod ko.

''Gusto kitang angkinin muli.'' sabi nito sa akin na inilingan ko.

''Hindi pwede, abuso kana, gusto mong tamaan sa akin?'' banta ko pero tila hindi ito natakot bagkos humalik pa ito sa leeg niya pagapang sa may tainga niya. Nang bigla akong makaramdam na may mainit na likidong lumalabas sa pagkababae ko. Wait next week pa ako magkakaregla ahh! Napaaga ang period ko dahil yata nabigla ang kuwan ko sa talong nito. Napailing ako at sabay tulak kay Boss ko.

''Sir 'awat na muna.''

''Bakit hindi mo ba gusto?''

''Ano kasi. Pakiramdam ko napaaga ang period ko, sa laki ng ano mo.''

''Laki ng ano?''

''Ang sabi ko Sir. May period na po ata ako. Nabigla kaninang umaga.'' Sabi ko dito na ikinangisi nito. Naintindihan naman 'ata niya ang ibig ko sabihin dahil lumayo ito at hinalikan nalang ako sa noo. Maya -maya ay dahan-dahan itong lumayo sa akin. Dinukot nito ang cellphone at tila may tinawagan ito.

''Mr. Rod, paki handa ang kotse uuwi na kami ng Madam ninyo.'' sabi nito at agad na ibinaba ang cellphone.

''Mag-ayos kana uuwi na tayo sa bahay natin.'' utos nito sa akin na ikinalaki ng mata ko.''

''Anong uuwi? Kanino? at saan uuwi? Wait may bahay po ako.''

''Alam ko pero ngayong asawa na kita ang bahay ko ay bahay mo na rin.

''Asawa ka d'yan. Niloko mo ako, ang sabi mo magiging secretary mo lang ako.'' reklamo ko dito na ikinangisi nito.

''Sa susunod kasi bago ka pumirma sa isang kasulatan matuto kang munang magbasa.'' sabi nito sa akin.

''Malay ko bang may hidden agenda ka pala sa pagpapa pirma, hindi ko akalain na mangloloko ka pala.'' may halong inis na sabi ko dito, pero hindi ako nito iniintindi. Kinuha nito ang mga gamit ko at saka inabot sa akin ang mga ito. Akala ko tatalikod na ito pero bigla ako nitong binuhat, dahilan para mapasigaw ako.

''A-ayy.'' mahinang tili ko. ''Saan mo ako dadalhin?''

''Tutulungan na kitang pumunta sa dressing room. Baka kasi nahihirapan kapa lumakad dahil sa laki ng ano ko.'' May birong sabi nito sabay halik sa labi ko. Maya-maya dahan-dahan na ako nitong inilapag sa isang kwarto na puno ng mga damit. Grabe ang mga gamit dito. Parang nasa isa akong bautique na puno ng mga damit.

''Lahat ng mga gamit na nakikita mo ay sa'yo.'' sabi lang nito sa akin bago ito tuluyang tumalikod at umalis. Ng makaalis ito ay nilibot ko ang aking mga mata. Ang gaganda ng mga damit at halatang mamahalin. Pero hindi ito gusto kong makita ang gusto ko ay napkin.

Ilang minuto akong naghahanap ng may biglang pumasok sa loob. Pag tingin ko ang Boss ko pa rin. Inabot nito ang isang paper bag pag silip ko apat na klase ng iba't-ibang brand ng napkin. Napatingin ako dito. Pero sa iba ito nakatingin. Pagtingin ko sa kumot pala na may bahid ng dugo ko.

''Excuse me! Pwede ka na pong umalis Boss.''

''Jokos, 'yon ang itawag mo sa'kin.''

''Pero.''

''Asawa na kita Wency, kaya dapat lang na Jokos na ang itawag mo sa akin.

''Kung 'yun ang gusto mo walang problema.Pero baka pwede umalis ka na muna? Gusto ko ng magbihis.''

''Baka gusto mong ako na lamang ang magbihis sa'yo'' sabi nito na inilingan ko.

''May kamay ako, kaya ako na lang.'' tanggi ko na ikinatango nito saka tumalikod at umalis pero bago ito tuluyang umalis kinabig muna ako nito palapit sa katawan nito at saka ako hinalikan sa labi. Napahawak na lang ako sa labi ko habang tinitingnan ko ang paglabas nito sa pinto.

Bakit parang nagugustuhan ko ang mga paraan ng halik nito. Bukod 'don bakit kay dali kong ibinigay ang sarili ko dito. Samantalang sa two year's na relasyon namin ni Johnsy hindi ko 'man lang pinayagan ito na mahawakan ang katawan ko? Samantalang ang lalaking 'yon kagabi lang kami nagkita at kaninang umaga lang kami nag kausap pero binigay kona ang lahat-lahat sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status