Share

5

Ilang oras ang nakalipas mula ng sunduin ng butler sina Jokos at Wency ay natanaw na ni Wency ang isang napakalaking mansyon. Ito ang unang pagkakataon na makakakita siya ng isang napakalaki at napakagandang masyon.

''Napakaganda dito.'' namamanghang wika ni Wency habang tinitignan ang magandang paligid ng mansyon.

Tumingin ito kay Jokos pero may iba itong pinagkakaabalahan. Maya-maya ay tumawag ito at may kinausap.

''Busy ako James'' bungad na sabi ni Jokos sa kausap bago mabilis na pinatay ang cellphone. Ganito ba talaga makipag usap ang mga mayayamang tao? Parang masyadong pormal at seryoso? Tanong ni Wency sa sarili niya.

''Nasa loob ng mansyon na iyan ang lola ko?'' tanong ni Wency ka Jokos na tinanguan naman nito.

''Oo at matagal siyang nanirahan at nagtrabaho sa pamilya ng mga Montreos.'' Wika nito na tinanguan ko lang. Maya-maya ay huminto na ang kotse at bumaba ang driver at pinagbuksan kami ng pinto ni Jokos.

''Magandang gabi po sa inyo Senyorita at Senyorito. Nakahanda na po ang hapunan.'' wika ng isang matandang babae na sumalubong sa aming pag uwi. Maya-maya pa ay agad lumabas ang lola niya mula sa isang kwarto at sinalubong sila.

''Apo! Ko! Andito kana rin sa wakas, sobrang nag alala ako kagabi ng hindi ka umuwi.'' Nag aalalang sabi ng matanda.

''Akala ko po alam ninyo na nandito ako?'' tanong ni Wency sa lola nito.

''Nalaman ko nalang kanina ng puntahan ako at kausapin ng tauhan ni Senyorito Jokos.'' nakangiting sabi ng matanda habang nakatingin sa amin dalawa.

''Nakakatuwang isiping tutuparin ni Doñya ang pangako niya sa akin. Congratulation sa inyong dalawa mag asawa na kayo at salamat sa iyo Señyorito Jokos at tinupad po ninyo ang huling habilin ni doñya Melinda.'' wika ng matanda.

''Wala pong kaso iyon Lola nakapag pahinga po ba kayo ng maayos?'' tanong ni Jokos sa matanda ng biglang tumunog ang cellphone nito.

''Excuse me!, sasagutin ko lang po ang tawag.!'' paalam ni Jokos sa dalawa pero bago ito tuluyang umalis ay tumingin muna ito kay Wency at kumindat. Agad namula ang buong mukha ni Wency sa ginawa ni Jokos.

''Ay ang apo ko namula agad.'' mapanudyong sabi ng matanda.

''Ayy si lola kailan kapa po natutong mang asar?'' namumulang sabi ni Wency bago ito tuluyang inaya ng lola niya sa kusina. Habang si Jokos naman ay nakikipag usap sa cellphone.

''Ang kulit mo James, hindi ako pwede ngayon may importante akong gagawin.'' pagtanggi muli nito sa makulit na kaibigan. Si James ay kasabay ng lumaki ni Jokos pero nagtungo sa America para doon mag aral. Bumalik lang ito sa pilipinas dahil nalaman niyang nagkahiwalay na ang mga magulang nito.

''Bukas nalang tayo magkita James may ibabalita rin ako sa iyo.'' Sabi ni Jokos bago nito tuluyang ini-off ang cellphone.

''Mr. Rod gusto kong asikasuhin mo ang lahat ng papeles ni Wency isasama ko siya sa Canada para sa business trip sa mga investors.'' Utos ni Jokos kay Mr. Rod na agad tumalima at may tinawagan.

James Zorego

May bahagyang tama na ako sa isang pirasong beer lang na nainom ko.

Bakit naman hindi? hindi pa nga tuluyang bumababa ang tama ko kagabi. Eto na naman ako at nasa isang club at nag iinom na naman.

Sabagay mas gusto kona dito mag inom kesa dun sa pinuntahan kong party ng mga mayayaman kagabi.

Paano ba naman ang yayabang ng mga tao doon.

Sa totoo lang nakaka aburido pala kung lagi nalang mga kilalang tao at mga high class ang mga nakakasama mo.

Kundi puro mga negosyo ang pinag uusapan, payabangan ng mga nakamit at narating nila sa buhay.

Sabagay mas maganda ng magyabang ng may narating kaysa sa wala.

Malamang sa malamang bitter ako dahil hanggang ngayon, ano bang pwede kong ipagmalaki at ipag yabang sa kanila?

Malamang wala pati nga kaibigan kong si Jokos sa business world na umiikot ang mundo. Hindi mo na maaya mas lalo na ngayon na namatay pa ang lola nito kaya mas lalong naging busy ito. Buti pa siya hilig ang ganung buhay ako kasi ayoko ng ganung pamumuhay. Gusto ko ay malaya ako kung ako kasi ang magyayabang wala akong maipagyayabang.

dahil wala naman talaga akong maipagmamayabang.

Pero siguro kung mga naikama at nadalang. sa condo ang pag uusapan pwede pa akong makipag yabangan sa kanila.

madami kaya akong naikama.

Hindi kopa nga nararanasan ang totoong pakikipag relasyon, yung tipong magwawala ako at magagalit pag may nakita akong ibang kasama na ang mga nakarelasyon ko.

Pabor pa nga sakin ang ganung set up. Nang hindi ako mahirapang mag hanap ng iba.

Malamang dahil hindi pa kasi ako nakakaranas ng mainlove ng totoo.

Pero kung ako ang tatanungin, hindi naman kasi totoo ang salitang love.

Bakit?

Simple lang..

Mommy at daddy ko nga inlove sa isat isa noon, pero ngayon ano?

Hiwalay na!

Bukod 'don parehas pa silang may kanya kanyang kinakasama na.

Ngayon kayo tatanungin ko may forever ba? Diba wala?

Pesteng love yan kaya hindi ako naniniwala dyan.

Napatigil ako sa pagmumuni muni ng mga hinaing ko ng maramdamang kong may umupo sa tabi ko.

Napatingin ako dito, at dating gawi sikat na modelo ang katabi ko. Pero kahit may class ito, takte kalabitin lang ito ng kahit sinong lalake na may pera nawawala ang pagka class nito.

Naramdaman ko ang kamay nito dumapo sa hita ko paakyat.

Napangiti ako dito at agad na inakbayan.

''may kasama ka?'' tanong nito.

Gusto ko tuloy sabihing maganda kana sana, ang tanga mo lang.

''malamang wala diba?'' pambabara ko, pero tila sanay naman na ito.

''Nasa parking ang kotse ko pwede na tayo 'ron.'' sabi ko dito saka ako tumayo.

Nakita kong napangiti ito at agad kinuha ang bag nito at kumekendeng na sumunod sa akin.

Nagawi ang tingin ko sa dance floor ng club, nakita ko isang babaeng naka bra lang at naka p****k short ang nakita ko, maganda ito at parang angel, pero gaya rin ng babaeng nakasunod sa likuran ko.

Madali lang itong maangkin.

Sana bukas andito ulit ito para ito naman ang bagong target ko at lalaspagin ko.

Masyado bang brutal ang pananalita ko?

Dapat lang sa kanila 'yon, hindi bagay sa kanila ang salitang respeto.

Bakit ko sila irerespeto kung sarili nga nila 'di nila magawang irespeto.

''Tara na! Ako na muna bago mo sila tignan.'' malanding sabi nito na nginitian ko.

''Ano bang gusto mo?'' tanong pa nito sa akin na agad ko namang sinagot.

''Wild, yung tipong gigibain mo ang kotse ko.'' sabi ko, t'yak sa itsura at aura palang nito kayang kaya na niya ang ganung performance.

''Sure! Dyan ako expert.'' kagat nito sa hamon ko.

Diba tama ako?

Hanggang sa Narating na namin ang kotse ko at doon na nga niya ako ginahasa magaling ito dahilan para mawala ang inis ko sa maghapon.

Kinabukasan mabigat na mabigat ang ulo ko ng makarinig ako ng halos sunod sunod na doorbell.

Bwisit na bwisit akong tumayo ng kama at padabog na lumabas patungo sa pinto.

Para lang magulat sa makikita ko.

Yung babae sa bar halos nakapikit na sa sobrang kalasingan.

Pasado alas otso na ng umaga pero ngayon lang ito natapos? Mas grabe papala ito sa inaakala ko. Mukhang inabutan na ito ng pagsasara ng bar.

Pero teka bago ang lahat anong ginagawa ng babaeng ito sa bahay ko?

Tama bahay ko, ako nalang naman kasi ang nakatira dito dahil may kanya kanya ng inuuwian ang mga magulang ko.

''Bakit ka narito?'' tanong ko pa.

Ngumisi ito at tinuro ang loob ng bahay.

''Dito na ako titira mula ngayon.'' sabi nito na ikinalaki ng mata ko at ikina tanggal ng hangover ko.

''Miss nagkakamali ka, ako lang ang nakatira dito.'' sabi ko pa dito pero umiling ito na tila walang bukas.

Maya maya pa dinukot nito yung cp nito sa short na halos kita na ang lahat ng pwedeng makita.

Nag dial ito maya-maya inabot sa akin ng babae na halos nakapikit na.

''Anong gagawin ko dito?'' tanong ko dito.

''Tanga! kausapin mo ang mama mo!'' sabi nito.

Si mommy? Teka magkakilala ang dalawang ito?

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses na nagmumula sa cellphone na hawak ko.

''Hello'' alanganin ko pang salita nung umpisa pero ng malaman kong si mommy talaga ang kausap ko ay napatingin ako sa babaeng nakatingin 'din sa akin.

''see? I told you!'' sabi pa nito saka ako hinawi at pagewang gewang na pumasok sa loob ng bahay at saka sumalampak sa sofa at humiga ng nakataas ang isang paa sa sandalan ng sofa.

Agad akong napailing at hinarap ang mommy ko.

''Mom! Sino ang babaeng ito? Bakit sinasabi niyang dito na 'daw siya titira sa bahay ko?'' nakasigaw na tanong ko kay mommy.

Pero tatawa tawa lang ito habang nasa kabilang linya.

'Don ko na lamang anak pala ito ng kumpare niya, na pinakiusapan dito muna dahil may pagka matigas ang ulo nito.

Lumayas kasi ito at ayaw umuwi kaya nakiusap daw ang kumpare ni mama na kung may alam itong safety na matutuluyan nito.

''Mom! Nakikita mo ba ang babaeng ito? D'yos ko 'di ako tatagal ng may kasamang babae na ganito kaburara at balahura kumilos.'' maktol ko pero wala na akong nagawa ng ipilit nito na dito na 'daw muna ito, saka ako pinatayan ng cellphone.

Napatingin tuloy ako sa dalagang nasa sala ko at naka bukaka.

Dahan-dahan akong lumapit dito at napailing. Alam kaya niyang lalaki lang ang makakasama niya dito sa bahay?

Hindi ako magtataka kung minsan magahasa ito pag laging ganito ang itsura nito.

Napagawi ang tingin ko sa hita nito na nangingintab sa sobrang kinis at puti.

''haisttt.kahit santo magkakasala sa babaeng ito. Sabagay hindi naman ako santo.'' naiilang na bulong ko saka ako umakyat sa kwarto at agad na humigang muli at umidlip.

To be continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status