Share

Ang Bad Boy Sa Tabi
Ang Bad Boy Sa Tabi
Author: LiLhyz

Kabanata 1

Author: LiLhyz
“Mahal kita, Charlie, at lagi kang magkakaroon ng espesyal na puwang sa puso ko, pero kailangan ko ng space. Maghiwalay na tayo,” paulit-ulit na naririnig ni Charlie sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Luke. “Kailangan ko magfocus sa pag-aaral at basketball. Ang mga scout ay pupunta sa lungsod natin ngayong taon, at baka ito na lang ang nag-iisa kong pagkakataon para makapasok sa NBA. Sana maintindihan mo, Charlie.”

Ang ibig niya sabihin ay basketball na ang magiging buhay niya simula sa oras na iyon, at isa na lamang siyang panggulo sa kanya.

Sinong mag-aakala, handa na si Charlie na ipakilala si Luke sa kanyang pamilya. Sobra-sobra sana ang mararamdaman ni Luke, pero sa kasamaang palad, natapos na ito bago pa niya makilala ng tuluyan si Charlie Rae King.

Pinapanood ni Charlie ang laban sa pagitan ng Atomic Heat ng Luxford University at ng Wall Street Warriors. May apat na basketball teams ang kanilang unibersidad, at bawat taon, nakikipagkumpitensiya sila para magkaroon ng pagkakataong irepresenta ang unibersidad sa National College Basketball Association.

Si Luke Sullivan ang kapitan ng Wall Street Warriors. Nirerepresenta nila ang kurso ng business, kung saan naman nirerepresenta ng Atomic Heat ang mga estudyante sa kursong engineering.

Sa court, nagdidribble si Luke ng bola. Nagulo ang buhok niya sa tindi ng laban. Lalong nakadagdag sa pagiging guwapo niya ang kapansin-pansin niyang jawline at focused na ekspresyon. Sa bawat kontroladong dribble, lumalabas ang mga muscles niya sa braso, at ipinakita ng katawan niyang atleta ang lakas nito.

“Guwapo siya, matalino, isang atleta, at maganda ang background,” nagsisisi niyan sinabi. “Magugustuhan sana siya ng mga magulang ko.”

“Kawalan niya ito! Hindi na siya magiging parte ng kahanga-hanga kong pamilya,” napagdesisyunan ni Charlie, pero habang mas tumititig siya sa kanya, mas lalo siyang nasasaktan. Si Luke nga naman ang first love niya, at boyfriend ng dalawang taon.

“Oh, my god. Na kay Luke ang bola!” Si Ashley, ang bestfriend ni Charlie na pula ang buhok, ay sumigaw.

“Balak niya mag-three points. Go, Luke! Kaya mo yan! Go!” Cheer ng isa pang best friend ni Charlie, na si Sofia.

Pagkatapos, tumigil ang dalawang babae. Napansin nila kung paano naaapektuhan ng cheer nila si Charlie.

“Hindi ka naman siguro galit, Charlie?” tanong ni Ashley.

Bago pa makasagot si Charlie, nagreklamo si Sofia. “Oh, hindi! Inagaw ni p*tang inang Taylor West ang bola mula kay Luke!”

Malinaw ang pagkadismaya sa mukha ng kanyang mga kaibigan. Business major si Charlie, at ang Wall Street Warriors ang nagrerepresenta sa kanilang departamento, pero hindi niya mapigilan na matuwa sa kung paano naagaw ang bola mula kay Charlie. Ikinunsidera niya itong munting paghihiganti sa pakikipaghiwalay sa kanya noong isang gabi.

“Grabe talaga, ayaw na ayaw ko kay Taylor West!” sigaw ni Ashley.

“Ayaw ko din sa kanya!” sambit din ni Sofia. Mukha siyang naiinis; kita ang galit sa brown niyang mga mata, pinadaan niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. “Ang yabang niya!”

Si Taylor West ay numero unong karibal ni Luke. Sa nakalipas na tatlong taon, ang mga team nila ay nakikipagkumpitensiya para sa championship. Dahil kay Luke, idineklara ni Charlie na kalaban din niya si Taylor, pero sa mga sandaling iyon, hindi siya galit sa kanya.

Habang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya si Taylor, walang sinabi si Charlie. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa laban. Sinubukan makarecover ng Wall Street Warriors, pero kahit na anong gawin nila, patuloy na nangunguna ang Atomic Heat sa laban. Salamat sa kanilang kapitan, si Taylor West.

Bago pa nila mapansin, tapos na ang laban. Nanalo ang Atomic Heat, na nangangahulugan na kailangan manalo ng Wall Street Warriors laban sa dalawa pang basketball teams sa Luxford University para maging kuwalipikadong pumasok sa finals.

“Pambihira! Hindi ako makapaniwalang natalo tayo sa kanila!” reklamo ni Ashley.

“Magiging okay din ang lahat, tignan mo. Nag-eensayo ng mabuti ang team. Baka may steroids na ginagamit si Taylor o kung ano,” bulong ni Sofia habang umiirap. “Sinuwerte lang sila ngayon.”

“Oo, siguradong magbabounce back ang Wall Street Warriors, at kapag dumating na ang finals, mapapahiya na sina Taylor at team niya!” deklara ni Ashley.

Pagkatapos, humarap silang pareho kay Charlie at nagtanong, “Huy, hindi ka nagsasalita. Kanino ka ba kampi? Huwag mo hayaan makaapekto ang relasyon ninyo ni Luke. Tayo pa din ang nagrerepresenta sa Wall Street Warrios.”

Bakit ba sila sobrang apektado? Dahil ito sa pinatindi ng Luxford University ang mga basketball tournaments. Noong unang taon ni Charlie sa kolehiyo, ultimate obsession ng lahat ang basketball. Ang bawat basketball player, kahit na sa anong team sila napapabilang, ay agad na naging celebrity. Ganoon din para sa kahit na sinong nakikipagdate sa basketball player. Sobra-sobra ang pagiging competetive ng bawat departamento sa kolehiyo; minsan nakikipaglaban pa sa cheer ang mga estudyante sa kanilang nirerepresenta.

Kaya, matapos marinig na kinukuwestiyon ng mga best friend niya ang pagiging tapat niya, sumagot si Charlie, “Siyempre. Kampi ako sa Wall Street Warriors hanggang sa huli. Ano lang kasi… nalulungkot ako.”

“Aw,” sambit ni Ashley at nagsalubong ang mga kilay niya. Kita ang pag-aalala sa mga mata niya ng yakapin niya si Charlie. “Pasensiya na at nakipaghiwalay si Luke sa iyo. Sana may magagawa kami para magbago ang isip niya.”

Sumali si Sofia sa yakap at idinagdag, “Huwag ka mag-alala. Nandito kami para sa iyo. Tutulungan ka namin makagetover kay Luke. Best friends nga naman tayo.”

Sa kasamaang palad, kahit na gaano gustong maniwala ni Charlie dito, si Ashley at Sofia ay girlfriend nina Tom at Archie, parehong manlalaro ng The Wall Street Warriors. Nakasanayan na ng team na igunita ang pagkapanalo o kaya magpalipas ng stress sa The Nook & Brew Café.

Matatapos ang bestie huddle nila at maiiwan mag-isa si Charlie doon.

Papunta ang lahat sa doon, kasama ang mga girlfriends. Kahit na best friend niya sina Ashley at Sofia, hindi na nababagay si Charlie sa grupong iyon. Kaya, pagkatapos maglakad papunta sa bleachers, willing na sinabi ni Charlie, “Mauuna na akong umuwi.”

“Sigurado ka?” tanong ni Sofia, mukha siyang guilty. “Hindi mo ba gusto pumuntas a locker room at kumustahin sila?”

Malinaw na hindi. Hiwalay na sila ni Luke. Sumagot si Charlie, “Hindi na, magpapaka abala na lang ako sa bahay.”

“Kita tayo sa susunod. Tandaan mo, mahal ka namin, Charlie,” sambit ni Ashley habang kumakaway. “Kahit na anong mangyari, best friends tayo, at nandito kami para sa iyo!”

Habang pinipilit ngumiti, sumagot si Charlie, “Masaya ako na may mga kaibigan akong tulad ninyo.”

***

Makalipas ang dalawang oras.

Nagtatampo si Charlie sa apartment nila kung saan kahati niya sina Sofia at Ashley. Pero hindi siya magaling magluto, kaya nagluto na lang siya ng isang mangkok ng instant noodles at naupo sa couch para manood sa TV.

Nakilala ni Charlie ang mga best friend niya dahil aky Luke. Magkakakilala na sila noon pa at mga tagarito. Si Charlie lang ang bago sa Luxford.

Silang tatlo na magkakaibigan ay hindi mapaghiwalay. Ang mga lalaki sa Wall Street Warriors ay tinatawag silang “Champagne and Spice” dahil sa mga kulay ng buhok nila. Si Ashley ay pula ang buhok. Si Charlie naman ay blonde, at si Sofia ay light brown ang buhok.

Dalawang taon na ang nakararaan, lumipat silang tatlo sa dalawang palapag na apartment sa labas ng campus, at masaya na simula noon, pero nagbabago na ang mga bagay-bagay ngayon.

“Puwede kaya na katulad pa din ng dati ang lahat?” bulong ni Charlie bago naubos ang noodles niya.

Matapos lamanan ang kanyang sikmura, napagdesisyunan ni Charlie na buksan ang phone niya. Hindi na sila magkarelasyon, at gusto niyang burahin ang mga litrato nila ni Luke. Pero, naalala ni Charlie ang masasayang mga sandali nila bilang magkasintahan.

May mga litrato sila ni Luke na kumakain ng tanghalian sa school grounds, magkayakap sila sa school dance noong isang taon, mga dinner dates, outings, ipinagluto siya ni Luke ng tanghalian at marami pang iba.

Pagkatapos, nakita niya ang video ng sopresa ni Luke para sa kanyang kaarawan. Matapos siyang ilabas para sa dinner, pinuno ni Luke ang kalangitan ng mga paputok sa harap ng mga kaibigan niya. Ito ang pinakasweet na ginawa ni Luke para sa kanya.

Naalala ni Charlie ang unang taon niya sa kolehiyo. Isang taon siyang niligawan ni Luke bago siya sumangayon na maging girlfriend niya. Hindi perpekto ang relasyon nila, pero masasabi niya na masaya siya—pinasaya siya ni Luke, at inlove sila sa isa’t isa. Kaya, hindi niya maintindihan kung bakit siya biglaang sumuko.

Tumulo ang mga luha niya, sumikip ang dibdib niya sa sakit. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinumbinsi ang kanyang sarili, “Baka kailangan ko siyang makausap ulit. Puwede ko pa naman siyang suportahan bilang girlfriend niya habang hinahabol niya ang kanyang mga pangarap.”

Napagdesisyunan ni Charlie na hindi siya susuko agad. Wala sa ugali niya ang sumuko agad. Nagbihis siya at pumunta sa The Nook & Brew Café. Kinakabahan siya ng pumasok sa establishimento.

Sa isang sulok ng café, agad niyang nakita ang basketball team. Huminga siya ng malalim at inihanda ang kanyang sarili. Ngunit, ng makita niya ng maayos ang grupo, nanlumo siya.

Nasaksihan ni Charlie si Luke na may kahalikang ibang babae, chinecheer siya ng mga tinatawag niyang mga kaibigan.

“Go, Luke!” sambit ni Ashley mula sa isang sulok.

“Ang ganda ninyo tignan ng magkasama!” Puri ni Sofia habang itinataas ang bote ng beer. “Go, Regina. Pasayahin mo ang kapitan namin!”

“Babe, sana gumaan ang pakiramdam mo,” sambit ng babaeng humalik kay Luke bago siya humilaway sa kanya.

Humalik ng isa pa si Luke sa babaeng nagngangalang Regina. Mapagmahal niyang sinabi, “Salamat, Babe. Mas maganda na agad ang pakiramdam ko.”

Ginawa ni Charlie ang lahat para pigilan ang galit niya, pero sobrang sakit ng nararamdaman niya, at hindi niya mapigilan na magreact, “ANONG. NANGYAYARI. DITO?”

“Luke, bakit!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 200

    Ang Suncrest Valley State University gymnasium ay parang sasabog.Sa isang side ng bleachers, ang SVSU students ay nakasuot ng kulay pulang jersey at wolf masks. Nagdadabog sila gamit ang mga paa nila at umaalulong: “FEED THE FANGS.”Sa kabilang side ng court, mas kaunti ang damit ng mga estudyante sumusuporta sa Luxford University—pero hindi sila talo sa pag cheer. Patuloy nilang chinachant, “Atomic Heat! Let’s cook!”Sa court, inobserbahan ni Charlie si Taylor na ipinupunas ang palad niya sa shorts. Nanggigil ang panga niya, at steady ang paghinga niya, nakatitig ang mga mata niya sa scoreboard:Wildfangs – 78Atomic Heat – 7719 seconds na lang ang natitira.Talo sila ng isang puntos.Patapos na ang timeout.Alam mismo ni Charlie kung anong iniisip ni Taylor.“Mag three-point shot siya,” sabi ni Tristan. Dumalo siya kasama ang mga kaibigan niya galing College of Engineering, alam nila kung gaano kahalaga ang laro ngayon.Lumipas ang isa pang linggo, at nakalaban ng Atomic

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 199

    “Pagkatapos, dumating si Maxwell, nagpakabayani siya, at binawi ang paper bag!” sabi ni Dawn. “Nakipaglaban siya sa magnanakaw—na nagkataong may mga kasabwat—at tinakot niya ang mga ito gamit ang karate skills niya!”Tumigil siya. “Hindi ko alam na magaling ka makipaglaban, Maxwell.”“Wow, Maxwell, bayani ka!” sabi ni Frank, nanlaki ang mga mata niya habang umaarteng hindi makapaniwala.“Tama na,” makaawa ni Maxwell, pinipigilan niya ang sarili niyang umirap.“Pero alam mo kung anong nakakatawa?” sabi ni Dawn, kumikinang ang mga mata, sabik na sabik siyang magkuwento. “Basura lang ang dala ko para itapon. Kaya ang paper bag na kinuha sa akin ay basura lang! At binawi ni Maxwell ang basurang iyon, habang iniisip niya na medical supplies ito!”“Diyos ko po! Haha!” tumawa ng malakas si Mia. “Hindi pa din ako makagetover!”“Pffft! Di ba?” dagdag ni Frank.Maxwell: “…”Habang tumatawa din si Lorelai, humarap si Dawn kay Mia. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka makagetover doon?”“

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 198

    “Guys, salamat talaga sa pagbisita ninyo,” sabi ni Dawn, niyakap niya si Mia at Charlie.“Papunta kami sa laro at napagdesisyunan na dumaan bago pumunta ng Suncrest Valley,” paliwanag ni Charlie.Alas-onse ng umaga. Alam ni Maxwell ang tungkol sa laro ni Taylor at kung ilang mga estudyante ang papunta sa Suncrest Valley. Dahil nag-abala sila, naramdaman ni Maxwell ang sinseridad sa pagkakaibigan nina Charlie at Dawn—at masaya siya para sa kanya.“Pero mananatili ako dito para matulungan kita,” sabi ni Frank, itinuro niya ang sarili niya. “Sa totoo lang, hiniling ni Maxwell.”Noong humarap si Dawn kay Maxwell, ipinaliwanag niya, “Kailangan ko ang gig ngayon gabi, Dawn. Hindi ko na pwede ikansela, at kailangan ko ng pera. Kung okay lang sa iyo, sabi ni Frank siya ang magiging lakas mo.”“Oo,” sabi ni Frank, humarap siya kay Dawn. “Pero hinding-hindi pwede maging tayo. Nililinaw ko lang.”Umiling-iling si Maxwell, natutuwa siya. Sa harap niya, si Taylor naman, tawa ng tawa. Suot na

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 197

    Ang nakakagulat na parte ay nagkaroon ng enlightenment si Paxton habang lumilipas ang oras. Dumating ang lola niya sa buhay niya at unti-unti siyang nagbago.Sa kasamaang palad para kay Maxwell, sira na ang namamagitan sa kanila ni Dawn. At alam niya kung bakit.Nadisappoint niya si Dawn.Hindi man lang siya matignan ni Dawn sa mga mata kapag nagkakasalubong sila. Malamig ang mga mata niya at malayo.Gusto niya makipag-usap, para makipag-ayos, pero pinipigilan siya ng hiya. Hindi niya alam kung paano. Natatakot siya na baka hindi siya mapatawad ni Dawn.Pagkatapos, tumuloy lang ang buhay.Napromote ang ama niya.Nakuha ni Maxwell ang scholarship discount para sa high school basketball.At ang huli, lumipat sila ng komunidad.Nagkita sila ulit ni Dawn noonog unang taon niya ng kolehiyo. Kakaway siya dapat sa kanya—pero tumalikod si Dawn.Sigurado siya na nakita siya ni Dawn, pero naisip ni Maxwell na hindi siya nababagay sa presensiya ni Dawn. Kaya nanatili siyang nasa malayo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 196

    ~~~FLASHBACK NI MAXWELL~~~Sa Luxford K-8 School, si Maxwell ang pangalawa sa pinakamagaling sa basketball noong middle school. Mahilig siya sa sports, gusto niya ang team spirit, at naging malapit na sa team niya kahit na alam niya ang ugali ng iba, tulad ni Paxton Owens, na hindi maganda.Nagtatrabaho ang mga ama nila sa parehong kumpanya, kaya inaasahan na ang pagiging plastic. Ang ama ni Maxwell, na si Joseph Turner, ay madalas na ipinapaalala sa kanya na maging malapit kay Paxton. Malapit na mapromote si Joseph, at ama ni Paxton ang direct supervisor niya. Kahit na noong simula, ang pagkakaibigan ni Maxwell at Paxton ay mas obligasyon ang dating kaysa desisyon, masaya kasama si Paxton kung hindi lang siya g*go.Sa mga oras na iyon, naniniwala talaga si Maxwell na baka maimpluwensiyahan niya sa magandang paraan si Paxton kung mananatili silang malapit sa isa’t-isa.Noong Valentine’s Day, may afternoon practice sa school si Maxwell, pero inutusan na siya ng ama niya na imbitahan

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 195

    Charlie: “…”Isang segundo.Dalawang segundo.Tatlong segundo.“Anooooo?” sabay-sabay na sigaw nina Mia, Frank at Charlie.Tumigil sandali si Inner Devil bago tumawa ng malakas.Inner Devil 2: “Sana hindi ko na lang iyon nakita.”“Sandali.” Napalunok si Charlie. “Hindi iyon parte ng script.”“Plot twist,” sabi ni Frank.***“Pambihira naman, Dawn?!!!” Ang sabihin na disappointed si Maxwell ay pagsasabi na maliit na bagay lang ito.Ang pagpapakabayani niya ay nauwi sa trahedya!Nag-effort siya ng husto… tapos ang iniligtas niya… ay basura lang pala?Nagalit si Dawn ng humarap siya sa direksyon ni Maxwell, “Hindi ko naman sinabi na gawin mo iyon! Inutusan lang ako ni Mrs. Hamilton ang isabay ang basura pag-uwi ko!”“Sa paper bag talaga?!!!” tanong ni Maxwell, ramdam ang kontra sa boses niya.“Para mas madali kong madala!” reaksyon ni Dawn, nagdadabog siya palayo sa kanya.May inatasan na lokasyon para pagtapunan ng basura ang bawat komunidad. Hindi kinakailangan ng mga ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status