Share

Kabanata 2

Author: LiLhyz
“Space, huh? Kailangan mo mag focus sa basketball?” sarcastic na nagreact si Charlie. “Sandali, huwag mo sabihin na ngayon lang kayo nagkakilala ng babaeng ito? Kasi kakahiwalay lang natin noong isang gabi!”

Kasunod ng pagdating ni Charlie, naging tahimik sa The Nook & Brew Café. Nakita niya ang takot at gulat na itsura ng mga best friend niya—sina Ashley at Sofia.

Lumuwag ang kapit ni Luke kay Regina. Tumingin siya pababa bago nakipagtitigan kay Charlie at inamin, “Pasensiya na, Charlie. Hindi ko masabi sa iyo. Hindi… ko gusto na saktan ka.”

Suminghal si Charlie. Naramdaman niyang nanggigilid na ang kanyang mga luha, pero pinigilan niya ito. Sa halip, hinayaan niya ang galit niya na pangunahan siya. “Puwede mo naman sabihin sa akin at hindi ako iwan ng hindi ko alam kung anong nagawa kong mali!”

“Deserve ko ang katotohanan, Luke. Mabait ako sa iyo sa nakalipas na dalawang taon.” Itinuro siya ni Charlie at idinagdag, “Alam mo yan!” Pagkatapos, tinignan ni Charlie ang mga kaibigan ni Luke, kabilang ang dalawang girlfriend. Idinagdag niya, “At alam nilang lahat ito!”

“At kayong dalawa!” Kinuha ni Charlie ang atensyon ni Ashley at Sofia. “Malinaw na alam ninyo, pero pinili ninyong magsinungaling sa akin? Gaano katagal na ninyong alam?”

Ibinalik ni Charlie ang atensyon niya kay Luke, idinagdag niya, “Gaano katagal ng isinasama ni Luke ang bagong babae niya sa mga group gatherings?”

Hindi siya dumadalo sa pagtitipon ng Wall Street Warriors lately dahil sa nag-aaral siya para sa exam. Hindi niya lubos akalain na marami siyang hindi alam sa nakalipas lamang na ilang mga araw!

Sa puntong iyon, naramdaman ni Charlie na tumulo ang kanyang luha. Isinawalangbahala na niya ang pagtataksil ni Luke, pero ang tinatawag niyang mga best friend? Anong klaseng mga kaibigan ang nagsisinungaling sa kanya ng harapan?

“Charlie, pasensiya na,” sambit ni Ashley. “Hindi ka namin gustong saktan.”

“Malinaw na an katapatan ninyo ay nandito sa p*tang inang basketball team na ito!” reaksyon ni Charlie. Bihira siya magmura, pero ngayon, hindi niya mapigilan. “Pareho ninyo akong sinaktan ng higit pa sa ginawa ni Luke! Mga kaibigan ko pa naman kayo.”

“Charlie—“ sinubukan siyang hawakan ni Sofia, pero umatras si Charlie.

“Huwag mo akong hawakan!” galit na sambit ni Charlie.

“Charlie, pasensiya na,” sa pagkakataong ito, lumapit si Luke, lalong nagalit si Charlie.

“Lalo ka na!” sigaw ni Charlie. “Ikaw ang huling tao na gusto ko na magpagaan ng loob ko!”

Itinaas niya ang kanyang mga kamay at sinabi, “Hindi ko deserve ang ganito. Tapos na ako dito.”

Tumalikod si Charlie at umalis. Kaysa bumalik sa kanilang apartment, nagpalipas siya ng gabi sa isang hotel limang kanto ang layo mula sa school.

Dalawang oras siyang umiiyak.

Pakiramdam niya hangal siya!

[Charlie, pasensiya na. Hindi ka namin gustong saktan.] May message na dumating sa phone niya, at nagmula ito kay Ashley. Maraming beses silang tumawag ni Sofia, pero ayaw sumagot ni Charlie.

[Charlie, sinabi ni Luke na huwag namin sabihin sa iyo.] Sunod na text ni Sofia. [Nasaan ka? Puwede ba tayong mag-usap?]

Kasunod ng sumunod na text ni Sofia, inisip ni Charlie. “Kung ganoon, matagal na ang relasyon nina Luke at Regina.”

Naalala ni Charlie ang mga nakaraang araw kung saan abala siya sa paghahanda para sa preliminary exams. May mga pagkakataon na hindi nakakasagot si Luke sa mga text niya. Sabi niya, madalas siyang nag-eensayo, pero iyon nga ba talaga? O baka kasama niya si Regina?

“Sino ba itong si Regina na ito?” bulong ni Charlie.

Si Luke at Charlie ay parehong nasa fourth year college. Sumali siya sa basketball team bilang freshman habang kasabay ng kanyang panliligaw sa kanya. Natural ang talento ni Luke, at mabilis na sumikat. Bilang resulta, sumikat din si Charlie—nililigawan nga naman siya ng star player. Sa oras na naging couple sila, wala ng nakikipaglandian kay Luke ng garapalan. Kilala na silang dalawa bilang golden couple sa College of Business.

Sa totoo lang, maganda si Charlie. Mahaba, makapal at maalon ang blonde niyang buhok. Kulay berde ang kanyang mga mata at payat. Ang pagkakaiba lang nila ng “Regina” na iyon ay ang paraan nila ng pananamit. Bukod pa doon, mula sa nakita ni Charlie, mahilig sa makeup si Regina.

Hindi gusto ni Charlie na nagdadamit siya na parang artista. Allergic siya sa karamihan ng mga makeup brands, kaya umiiwas siya sa mga cosmetics. Puwede siya manamit na parang modelo, pero hindi siya sanay dito. Lumaki siyang may dalawang kapatid na lalaki, at malaki ang naging impluwensiya nila sa kanyang fashion style.

Habang malalim ang kanyang iniisip, tumunog ang kanyang phone. Noong nakita niya na nakatatandan niya itong ate, sinagot niya ito, at lalong tumindi ang mga hikbi niya.

“Anong nangyayari?!” Ang nakatatanda niyang kapatid na si Freya, ay natatarantang nagsalita. “Bakit ka umiiyak? Sinong nang-api sa kapatid ko? Tutugisin ko sila, sisiguruhin na mawawalan ng trabaho ang mga magulang nila, at sasampalin ko sila ng sampung beses tulad ng sa mga drama reels!”

“Haha!” nasasaktan si Charlie, pero napatawa siya ng kanyang nakatatandang kapatid. Matapos sumingha at punasan ang kanyang mga luha, sumagot siya, “Naghiwalay na kami ni Luke.”

May katahimikan bago sumagot ang kapatid niya, “Ano? Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon apihin si Luke?” Bumuntong hininga si Freya, idinagdag niya, “Sayang!”

Pero, muling natawa si Charlie. Alam talaga ng kapatid niya kung paanong pagagaanin ang loob niya. “Diyos ko, sana nandito ka. Sa tingin ko niloko niya ako, Freya.”

“Ano? Ang kapal ng mukha! Sinong maglalakas loob na saktan ka kung lokal na lalake ang katid mo sa Halliport!” Deklara ni Freya, tinutukoy niya ang kanilang hometown.

“Alam ko. Alam ko,” amin ni Charlie, pero wala siyang pagsisisi sa pag-aaral sa Luxford. Marami siyang natutunan academically pati na din sa buhay.

“Makinig ka sa akin. Para na din ito ikabubuti ng lahat. Naaalala mo ang tuntunin ni Ama tungkol sa pakikipagdate sa edad na dalawampu’t lima? Well, sinira mo iyon, kapatid ko, at dinadala ko ang guilt dahil alam ko ang ginagawa mo sa Luxford!” paalala ni Freya sa kanya. “Kaya, puwede na natin siyang kalimutan at huwag sabihin kay Ama na nagkaroon ka ng boyfriend, okay? Magfocus ka na lang sa pag-aaral. Kung gusto mo, puwede ka lumipat next semester.”

“Baka hindi naman ganoon kasama ang mag-aral sa Halliport, Charlie,” dagdag ni Freya.

“Salamat, Freya. Alam ko kung anong dapat ko gawin,” sambit ni Charlie ng nakangiti.

Hindi pumasok si Charlie sa sumunod na araw. Noong alas kuwatro ng hapon, napagdesisyunan ni Charlie na umuwi, pero nagualt siya dahil may mga bisita sina Ashley at Sofia!

Sa oras na pumasok siya sa living room, nakita niya si Regina sa mga bisig ni Luke, at kumportable silang nasa sofa.

Sa isang tabi, katabi ni Sofia ang boyfriend niyang si Archie. Noong nakita ni Sofia si Charlie, nanlaki ang mga mata niya, at sinabi, “Ch—Charlie? Akala namin hindi ka uuwi ng ganito kaaga. Hindi ba may klase ka ng 6 p.m.?”

Lumabas ng kusina si Ashley na may dalang mangkok ng popcorn. Nagulat siya bago nakapagtanong, “Charlie, saan ka galing? Alalang alala kami sa iyo.”

“Talaga?” Tumaas ang kilay ni Charlie ng magtanong siya. Tinignan niya ang paligid at nakita si Tom na nasa likod niya, may dalang timba ng yelo. Habang nakabukas ang TV at nakalatag ang mga inumin, malinaw sa kanya—mag-eenjoy sila at nakalimutan na ng tuluyang dito siya nakatira!”

“Malinaw na nag-aalala talaga kayo ng husto sa akin,” sambit ni Charlie. Tumakbo siya pataas ng hagdan, nag-impake ng mga damit, at umalis. Noong palabas siya ng living room, naramdaman niyang nakatingin ang lahat sa kanya, lalo na si Luke.

Sa huli, bumalik si Charlie sa hotel. Hindi maganda na tumuloy sa hotel dahil malayo ito sa unibersidad.

Mayroong mga dormitoryo ang Luxford University, pero hindi ito sapat para maaccomodate ang lahat ng mga estudyante. May resedential building sa tapat ng school at ilang mga apartment sa likod nito, pero ang karamihan ay okupado dahil simula pa lang ng unang semestre.

“Arrgh! Pinili ko pa talaga mabuhay ng independent,” pinagalitan ni Charlie ang sarili niya.

Ginamit niya ang natitira sa kanyang oras para tumingin online at maghanap ng apartment na puwedeng rentahan. May mga available na apartment anim hanggang sampung kanto ang layo, pero kailangan pa niyang suriin ang mga bahay na ito. Kaligtasan ang pangunahin niyang prioridad.

Dahil paparating na ang weekends, determinado si Charlie na mag house hunting. Napagdesisyunan na niyang iwan ang tirahan nila nina Ashley at Sofia.

Isang Biyernes ng umaga, malalate na si Charlie sa klase. Ang hotel car service ay walang pass papasok sa campus, kaya tumakbo siya papuntas a College of Business. Para mas mabilis siyang makarating doon, dumaan siya sa College of Engineering.

Ang building ay may shortcut patungo sa College of Business, kaya ito ang pinakamagandang paraan para makarating sa klase. Pero habang papunta doon, may nakasalubong siyang dalawang estudyante.

“Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!”

“Pasensiya na!” Noong tumingala si Charlie, nagulat siya. Si Taylor West!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 138

    “Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”Ang mga ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan, na sina Kylee at mga kapatid niyang sina Gale at Graham Wright, ay nakilala sa stage. May hawak silang cake at mga kandilang hinipan. Pagkatapos, masigabong nagpalakpakan ang mga tao.“Palakpakan naman para sa mga celebrants! Kylee Wright! Graham Wright at Gale Wright!”Dumilim ang ilaw. Umilaw ang mga spark fountains mula sa gilid ng stage sa center aisle. May malaking LED screens sa buong venue na ipinakita ang makulay na kalangitan, kung saan lumikha ito ng ilusyon na doon mismo nagaganap ang mga pailaw.Makalipas ang ilang sandali, oras na para kumain. Nakapag appetizer na at champagne ang mga tao, pero ang tunay na kainan ay iseserve na.Bago maghapunan, sadyang inimbitahan ni Charlie ang former Tennis World Champion para mag-usap. Siyempre, balak niyang inggitin sina Luke at Regina, kaya kinaladkad niya ang Tito Carlos Ronaldo niya sa likod ng venue.

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 137

    Nakita agad ni Luke ang nanay ni Charlie. Nakakapit siya sa braso ng kanyang asawa, si Adrian King, na kamukhang-kamukha ni Charlie, nakangiti ng maganda at elegante ang presensiya na sumisigaw ng nagmula sila sa mayamang pamilya! Suot niya ang diamond necklace na kumikinang sa mga ilaw, kapares nito ang diamond earrings at bracelet niya.Maganda rin ang pagkakabihis ng kapatid ni Charlie. Mas maliit ang suot niyang mga diamante pero magara pa din.Kapansin-pansin din ang mga kapatid ni Charlie na lalaki. Tulad ng ama nilang si Adrian King, nakasuot sila ng custom-made suits, makintab na mga sapatos, at designer watches. Ang dating nila ay pinagmumukha na matagal na silang mayaman. Hindi nila kailangan magyabang; malinaw na ito.“Paano ko itong hindi napansin?” sabi ni Luke sa sarili niya sa loob-loob niya.Nasaksihan ni Luke at pamilya niya ang pagdating ni Governor Douglas Carrington. Pumasok siya kasama ang isa pang pamilya na mukhang mayaman din, na naisip ni Luke, na parang ha

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 136

    Rhet Wyatt: “Anong nangyari?”Georgia Sullivan: “Ang tinutukoy ba ng patriarch ay si Charlie?”Lester Sullivan: “Hindi, sa tingin ko hindi. Paanong si Charlie? Bakit naman si Charlie?”Pamela Wyatt: “At sino ang isa pang tao na ito?”Luke: “Regina, ano ba ang nangyayari dito?”Rinig ni Regina ang taranta mula sa pamilya niya. Humarap siya sa kanan at napagtanto na ang boses pala ay mula sa patriarch ng pamilya Wright, sa ama ni Kylee Wright!“Anong sabi nila?” napaisip si Regina.Naglakad si Kyle papuntas a direksyon nila. Sabi niya, “Ikaw ba iyon?”Tila ba naglalabas ng usok si Kyle mula sa ilong niya habang nagtatanong, “Tignan mo ako sa mga mata ko at sabihin mo iyon ulit.”“Sabihin mo ulit! Anong tawag mo sa anak ko?” Pagkatapos, may isa pang lalaki na nasa kabilang dulo ng mahabang linya ng direktang mga pamilya ni Kylee.Ang taong ito ay matangkad at dark brown ang kulay ng buhok na abot hanggang batok niya. Malakas ang dating niya, patay ang ekspresyon ng mga mata na n

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 135

    “Relax, kasi naman, ang mabuting magkaibigan lang ay sina Regina at Kylee,” sabi ni Rhett Wyatt.“Pero ang akala ko ba tumulong ang pamilya Wright sa investments?” tanong ni Lester Sullivan.“Oo nga. Nirefer nila kami sa Strauss Asset Investments. Sila ang tumutulong sa amin palakihin ang aming pera,” sagot ni Rhett.“Kakilala namin sila dahil kay Regina.” Paliwanag ni Pamela Wyatt, “Pero bihira namin makaupsa ang pamilya Wright mismo. Napakabusy nila.”“Oo, ang dami nilang ginagawa,” sabi ng iba pa na inimbitahan. “Nagtatrabaho kami para sa Wright Diamond Corporation, kaya namin sila nakilala.”Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, nagbubulungan na ang mga tao sa likod.“Nandito na ang pamilya Wright!”“Nandito na sina Mr. and Mrs. Wright kasama ang kanilang magaganda at guwapong anak!”Nasabik si Regina. Kuminang ang mga mata niya, at napatingin siya sa pinto.Ang patriarch at matriarch g pamilya ang unang pumasok. Binati sila ng pamilya ni Regina, at ganoon din ang

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 134

    Naiirita na si Regina. Ang nagpalala pa dito ay kung paanong sumilip mula sa pinto si Taylor kasama si Charlie, at pareho silang nag middle finger sa kanila ni Luke!“Taylor—ikaw!” tumalikod si Regina at nakita si Luke na nagagalit.Pagkatapos, naalala ni Regina kung paanong kinakausap ni Charlie at Taylor ang isa sa mga security personnel kanina. Tumalikod silang lahat habang nag-uusap.Ano kaya ang nangyari doon?Habang nanggigigil, napagtanto ni Regina, “Binayaran nila ang security personnel! Sir! Kailangan ninyong maniwala sa akin!”“Oo nga, may sense naman. Binayaran ka siguro nila!” sabi ni Lester, itinuro niya ang security personnel. “Maghintay ka lang hanggang sa marinig ito ng pamilya Wright! Masisisante ka!”Sumimangot ang inakusahan na securityp personnel. Nagbigay siya ng babala, “Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Wala akong rason para sirain ang reputasyon ko, Sir. Mag-ingat ka sa pananalita mo, kung hindi ilalabas ka namin ng hotel!”“Pero hindi

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 133

    “Siya pala ang apo ni Governor Carrington?” tanong ni Lester, nakasimangot siya. “Hindi magiging maganda ang dating nito para kay Governor Carrington. Hindi dapat nakikisali sa mga high-profile event ang apo niya.”“Anong nangyayari, Regina? Luke, kilala mo sila?” tanong ni Pamela.Hindi kilala ng mga magulang ni Regina si Charlie, kaya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat, “Nay, nag-aaral sila sa parehong school namin ni Luke. Nagkataon na nasabi namin na pupunta kami sa party na ito, at sila naman? Inimbitahan nila ang mga sarili nila, sa tingin nila makakapasok sila!”“Pero huwag ka mag-alala, hindi sila makakalampas sa security. Invitation only party ito,” paliwanag ni Regina.Pagkatapos, napansin ni Regina ang security guard kanina. Nakaisip siya ng ideya, at lumapit siya sa security at iniwan si Luke, “Excuse me, Sir?”Itinuro niya si Charlie at Taylor para sabihin, “Hindi inimbitahan ang dalawang iyon! Gatecrashers sila.”Tinignan ng security personnel si Charlie at Taylo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status