Share

Kabanata 3

Author: LiLhyz
Tumingala si Charlie at nakita ang gray na mga mata ng lalaki. Sobrang ganda ng mga mata niya, pero galit ang lalaking ito… at may hiwa sa labi!

“Taylor West?” mahinang sinabi ni Charlie. Bumilis ang tibok ng puso niya habang iniisip, “Paano siyang napaaway ng umagang-umaga?”

“Ang sabi ko, tumingin ka sa dinadaanan mo!” inulit niya. Matalas ang tono niya, at sumingkit ang kanyang mga mata. May hinawakan siyang mas bata na estudyante sa tabi niya at sinabi kay Charlie, “Humingi ka ng tawad sa kanya!”

“Pasensiya na. Nagmamadali kasi ako,” paliwanag ni Charlie.

“Okay lang. Okay lang, Taylor, okay lang ako,” sambit ng nakababatang estudyante.

“Bumalik ka na sa klase,” sambit ni Taylor sa nakababatang lalake at tumango siya. Ngumiti siya kay Charlie bago umalis.

“Pasensiya na. Kailangan ko pumasok sa klase,” sinabi ni Charlie. Hindi suamgot si Taylor, kaya umalis na siya.

“Kilala ba kita? Parang pamilyar ka?” tanong ni Taylor.

Tumalikod si Charlie at tumaas ang kilay. Sumagot siya, “Hindi, hindi pa tayo nagkakakilala.”

“Okay, well, tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod,” sambit niya.

Sa oras na iyon, isang grupo ng mga estudyante ang lumabas mula sa opisina. Agad na napansin ni Charlie na nakatayo siya sa harap ng Dean’s Office ng College of Engineering. Ang mga estudyanteng lumabas ay mukhang nagulpi. Ang isa baluktot ang ilong, habang ang isa pa ay may sugat sa kilay, at may tatlong puro pasa ang mukha.

Natakot si Charlie. Sinundan niya ang kanilang mga mata at napunta ito kay Taylor. Dito lang niya napansin na may mga pasa sa kamao ni Taylor.

“Siya pala ang gumawa nito sa kanila? Sa kanilang lahat?” narinig na ito ni Charlie noon. Madalas mapaaway si Taylor West sa campus. Ito ang isa sa rason kung bakit kilalang bad boy ng unibersidad si Taylor.

“Hindi kita palalampasin, West!” sambit ng lalaking baluktot ang ilong.

Ngumisi si Taylor. Tumawa siya ng mahina at sinabi, “Napalampas na nga ako, Garcia.”

Umiling-iling siya at umalis ng ganoon na lang.

Sa bandang huli, tuluyan ng nalate si Charlie para sa klase. Salamat sa drama na naganap sa College of Engineering, kung saan willing siyang nakiusiyoso.

Pumasok si Charlie sa Business Law class, agad na napukaw ang atensyon ng lahat ng mapalingon sila sa kanya. Hindi natutuwang tumingin ang professor sa kanya at sinabi, “Nakakatuwa naman at pumasok ka ngayon, Miss King.”

“Pasensiya na po. Hindi na po mauulit,” sagot ni Charlie. Namumula ang mukha niya habang tumitingin siya sa paligid. Nakita niya si Sofia na nakatitig sa kanya, kaya umiwas siya ng tingin. Sa halip, sa ibang puwesto umupo si Charlie. Alam niya na nasa front row din si Luke, pero hindi tumingin si Charlie sa direksyon niya.

Pagkatapos ng klase, lumabas si Charlie, pero hindi siya mabilis. Nakahabol si Luke sa kanya at hinakawan siya sa braso. Sinabi niya, “Wala sa ugali mo ang mahuli sa klase. Saan ka galing, Charlie?”

Inalog niya paalis ang kamay ni Luke. Sumagot siya, “Wala ka ng pakielam doon, Luke.”

“Sabi ni Ashely hindi ka umuuwi sa inyo,” sagot niya.

“Uulitin ko, wala ka ng pakielam doon,” sagot ni Charlie bago siya pumunta sa susunod na klase.

“Charlie.”

“Charlie!”

Paulit-ulit na tawag ni Luke, pero hindi siya pinansin ni Charlie.

Sa natitirang araw, tagumpay si Charlie sa pag-iwas ng kumprontasyon kay Luke, Ashley, Sofia o kahit na sino pa sa mga kaibigan ni Luke. Dahil nasa pareho silang departamento sa kolehiyo, natural na makasalubong niya ang mga taong ito, pero nagkunwari si Charlie na hindi sila kilala.

Kahit saan siya pumunta, ang mga estudyante sa College of Business ay pinaguusapan ang kanilang paghihiwalay, pero hindi siya nagreact sa kanila.

Naisip ni Charlie na balang araw, ang mga nanakit sa kanya ay mawawala na ng tuluyan sa kanyang buhay. Kailangan lang niyang unti-untiin ito.

Sa weekend, lilipat na siya mula sa kanilang apartment kung saan magkakasama sila ni Ashley at Sofia. Pagkatapos, titignan naman niya ang tungkol sa pagpapalit ngm ga klase. Pagkatapos ng semetre, baka tapusin na niya ang pag-aaral niya sa Halliport at tuluyan ng iwan ang Luxford.

***

Mabilis na dumating ang Sabado. Bumisita sa ilang mga rental houses si Charlie at mga apartment—at least mula sa labas. Ang tatlo sa limang mga bahay ay may kakaibang dating, kahit na unang tingin pa lang.

“Ekis na ang mga ito,” bulong niya habang naglalagay ng marka sa notebook niya. Nakabalik na siya sa hotel, kumakain ng tanghalian sa restaurant.

Ang dalawa pang mga bahay ay malayo. Kinagat ni Charlie ang labi niya at ikinunsidera, “Oras na sigurong kumuha ng sasakyan—sandali, teka—”

Baka lumipat siya sa Halliport sa susunod na semestre. Hindi maganda bumili ng sasakyan dahil kakailanganin niya itong ibenta muli sa susunod na mga buwan.

Matapos iyon, bumalik siya sa internet para maghanap ng potensyal na mga bahay. Nakakagulat dahil nakahanap siya ng bagong rental na nakalista! Nakasaad doon: [Naghahanap ng bagong co-tenant para sa two-bedroom condo unit sa Fernwood Residence. Ang renta ay $3000 kada buwan, may dalwang buwan na required na deposit at isang buwan na advance payment.]

“$3000? Para lang makihati sa two-bedroom condo?” Naisip ni Charlie na masyado itong mahal, pero mukhang rasonable naman dahil sa lokasyon nito. Sa tapat lang ito mismo ng Luxford University! Bukod pa doon, agad itong susunggaban ng mga mayayamang estudyante.

Agad na tinawagan ni Charlie ang numero sa ad at nagpaschedule ng viewing ASAP. Ang taong nag-ayos ng viewing ay ang property manager ng gusali. Noong una, hanga si Charlie!

Maganda ang dating ng apartment at may mga gamit na, minimalist ang disenyo. Ang kulay lupang mga gamit ay kapansin-pansin, simple lang ang mga dekorasyon, pero malinaw na high-end ang mga ito

Noong ipinakita ng building manager ang kuwartong ookupahan niya, nagreact siya, “Gusto ko ito!”

“Magagamit mo ang lahat, pero pag-iingatan lang. Kaya ang deposit ay dalawang buwan,” sambit ng building owner.

Ang pinakamaganda pa doon ay ang view ng school. Nasa 15th palapag sila, kaya kita niya ang buong campus mula sa balkonahe ng living room.

“Kukunin ko na!” sabik na sinabi ni Charlie.

Ang nagmamayari ng condo ay si Tanya Dawson, agad na inassume ni Charlie na siya ang kasama niyang babae. Nagtanong siya, “Nasaan si Ms. Dawson? Anong klase siyang tao bilang resident owner?”

“Hindi ko alam kung nasaan siya, Maam. Bagong property manager ako, pero mula sa narinig ko, nagbabayad siya sa tamang oras sa homeowners. Hindi pa kami nakakatanggap ng reklamo mula sa kanyang mga kapitbahay,” sambit ng building manager. “Puwede ko tawagan si Miss Dawson kung gusto mo?”

Agad na nagpaconference call ang building manager kay Miss Dawson. Gusto ng babae na makausap si Charlie, at ng makita siya, nagreact siya, “Oh, babae ka!”

“Ano. Oo,” sagot ni Charlie. “May problema ba?”

Hindi stable ang koneksyon, dahilan para pawala-wala ang boses ni Miss Dawson. “Ang makakasama mo ay—sigurado ka ba?”

“Sandali,” sambit ni Miss Dawson.

Wala halos marinig si Charlie, pero nakikita niyang may ibang kausap si Miss Dawson sa kabilang phone. Maliban doon, nadistract siya ng building manager sa pagsasabi, “Out of the country siya. Sabi ng katrabaho ko na madalas siyang wala. Pangit ang signal doon.”

Kinalaunan, sinabi ni Miss Dawson, “Okay—kung sigurado ka na. Lumipat—na—mo gusto! Ikaw—mabait. Gusto kita!”

Sobrang saya ni Charlie ng makahanap siya ng apartment. Hindi na niya inisip ang iba pang mga bagay at pumirma sa kontrata at nagbayad gamit ang check.

Linggo ng bumalik siya sa apartment nila ni Ashley at Sofia. Ang hotel na tinutuluyan niya ay tinulungan siya sa paglilipat. Sapat na ang van para dalhin ang lahat ng naipon niyang mga gamit sa loob ng tatlong taon.

Madalas, tulog sina Ashley at Sofia kapag Linggo, pero nagising sila sa mga naglilipat. Pareo silang nagtipon sa kuwarto ni Charlie para ipaliwanag ang side nila.

“Alam namin na nasaktan ka sa aming kasinungalingan, pero hindi namin alam kung paano sasabihin sa iyo,” sambit ni Sofia habang magkasalubong ang mga kilay. “Binalaan kami ni Luke tungkol sa pagsasabi sa iyo, at sinabi ng mga boyfriend namin na huwag sabihin sa iyo.”

“Pakiusap, Charlie, kausapin mo kami,” makaawa ni Ashley.

Sinubukan ni Charlie na hindi sila pansinin habang naglalagay siya ng mga libro sa kahon. Bumuntong hininga siya at humarap sa mga babae, sinabi niya, “Hindi ko alam, Ashley, Sofia. Mukhang inaasahan ko lang na kakampi ko kayo. Hindi man lang kayo galit para sa ginawa ni Luke! At mukhang gusto ninyo si Regina, base sa kung paano ninyo siyang inimbitahan sa apartment natin ng wala kong pahintulot.”

“At naalala ba ninyo kung paano ninyo silang i-cheer sa café?” punto ni Charlie. “Pakiramdam ko pinagmukha akong tanga. Sinasabi ko sa inyo ang lahat, at pinaniwala ninyo ako sa mga sinasabi niya, pero alam pala ninyong niloloko na niya ako!”

Natahimik ang dalawa, pero nagbigay ng rason si Ashley, “Hindi kami makatanggi kay Luke.”

“Oh, so siya na ang Diyos ngayon?” sambit ni Charlie bago siya umirap. “Hindi ko inaasahan na tatapusin na ninyo ang ugnayan niyo sa kanya. Magkakaibigan na kayo bago ako makilala, pero inaasahan ko na gagawin niyo ang tama base sa moralidad.”

“Huwag ka magpaapekto masyado, Charlie,” sambit ni Sofia. “Makakahanap ka din ng iba.”

“Hindi ito tungkol sa lalaki!” sagot ni Charlie. “Tungkol ito sa pagiging patas! Tama ba para sa akin na lokohin siya? Hindi, at hindi ninyo rin siya dapat kinunsinti! Kung kayo ang nasa kalagayan ko, anong mararamdaman ninyo?”

Natahimik ang dalawa, pero kinalaunan, nagtanong si Sofia, “Lilipat ka na ba talaga? Paano na ang renta? Hati-hati dapat tayo dito.”

“Bakit hindi ninyo imbitahan si Regina na maging bagong housemate ninyo?” ideya ni Charlie. Ngumiti siya at kinuha ang kahon, nilampasan niya sina Ashley at Sofia.

Noong sinabi ni Charlie iyon, hindi niya inaasahan na gagawin talaga iyon ng mga taong tinatawag niyang kaibigan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 136

    Rhet Wyatt: “Anong nangyari?”Georgia Sullivan: “Ang tinutukoy ba ng patriarch ay si Charlie?”Lester Sullivan: “Hindi, sa tingin ko hindi. Paanong si Charlie? Bakit naman si Charlie?”Pamela Wyatt: “At sino ang isa pang tao na ito?”Luke: “Regina, ano ba ang nangyayari dito?”Rinig ni Regina ang taranta mula sa pamilya niya. Humarap siya sa kanan at napagtanto na ang boses pala ay mula sa patriarch ng pamilya Wright, sa ama ni Kylee Wright!“Anong sabi nila?” napaisip si Regina.Naglakad si Kyle papuntas a direksyon nila. Sabi niya, “Ikaw ba iyon?”Tila ba naglalabas ng usok si Kyle mula sa ilong niya habang nagtatanong, “Tignan mo ako sa mga mata ko at sabihin mo iyon ulit.”“Sabihin mo ulit! Anong tawag mo sa anak ko?” Pagkatapos, may isa pang lalaki na nasa kabilang dulo ng mahabang linya ng direktang mga pamilya ni Kylee.Ang taong ito ay matangkad at dark brown ang kulay ng buhok na abot hanggang batok niya. Malakas ang dating niya, patay ang ekspresyon ng mga mata na n

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 135

    “Relax, kasi naman, ang mabuting magkaibigan lang ay sina Regina at Kylee,” sabi ni Rhett Wyatt.“Pero ang akala ko ba tumulong ang pamilya Wright sa investments?” tanong ni Lester Sullivan.“Oo nga. Nirefer nila kami sa Strauss Asset Investments. Sila ang tumutulong sa amin palakihin ang aming pera,” sagot ni Rhett.“Kakilala namin sila dahil kay Regina.” Paliwanag ni Pamela Wyatt, “Pero bihira namin makaupsa ang pamilya Wright mismo. Napakabusy nila.”“Oo, ang dami nilang ginagawa,” sabi ng iba pa na inimbitahan. “Nagtatrabaho kami para sa Wright Diamond Corporation, kaya namin sila nakilala.”Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, nagbubulungan na ang mga tao sa likod.“Nandito na ang pamilya Wright!”“Nandito na sina Mr. and Mrs. Wright kasama ang kanilang magaganda at guwapong anak!”Nasabik si Regina. Kuminang ang mga mata niya, at napatingin siya sa pinto.Ang patriarch at matriarch g pamilya ang unang pumasok. Binati sila ng pamilya ni Regina, at ganoon din ang

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 134

    Naiirita na si Regina. Ang nagpalala pa dito ay kung paanong sumilip mula sa pinto si Taylor kasama si Charlie, at pareho silang nag middle finger sa kanila ni Luke!“Taylor—ikaw!” tumalikod si Regina at nakita si Luke na nagagalit.Pagkatapos, naalala ni Regina kung paanong kinakausap ni Charlie at Taylor ang isa sa mga security personnel kanina. Tumalikod silang lahat habang nag-uusap.Ano kaya ang nangyari doon?Habang nanggigigil, napagtanto ni Regina, “Binayaran nila ang security personnel! Sir! Kailangan ninyong maniwala sa akin!”“Oo nga, may sense naman. Binayaran ka siguro nila!” sabi ni Lester, itinuro niya ang security personnel. “Maghintay ka lang hanggang sa marinig ito ng pamilya Wright! Masisisante ka!”Sumimangot ang inakusahan na securityp personnel. Nagbigay siya ng babala, “Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Wala akong rason para sirain ang reputasyon ko, Sir. Mag-ingat ka sa pananalita mo, kung hindi ilalabas ka namin ng hotel!”“Pero hindi

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 133

    “Siya pala ang apo ni Governor Carrington?” tanong ni Lester, nakasimangot siya. “Hindi magiging maganda ang dating nito para kay Governor Carrington. Hindi dapat nakikisali sa mga high-profile event ang apo niya.”“Anong nangyayari, Regina? Luke, kilala mo sila?” tanong ni Pamela.Hindi kilala ng mga magulang ni Regina si Charlie, kaya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat, “Nay, nag-aaral sila sa parehong school namin ni Luke. Nagkataon na nasabi namin na pupunta kami sa party na ito, at sila naman? Inimbitahan nila ang mga sarili nila, sa tingin nila makakapasok sila!”“Pero huwag ka mag-alala, hindi sila makakalampas sa security. Invitation only party ito,” paliwanag ni Regina.Pagkatapos, napansin ni Regina ang security guard kanina. Nakaisip siya ng ideya, at lumapit siya sa security at iniwan si Luke, “Excuse me, Sir?”Itinuro niya si Charlie at Taylor para sabihin, “Hindi inimbitahan ang dalawang iyon! Gatecrashers sila.”Tinignan ng security personnel si Charlie at Taylo

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 132

    Makikitang namumula ang leeg ni Charlie. Halos pikit na ang mga mata niya, at kinagat niya ang kanyang mga labi.Malinaw na nalilibugan na naman siya sa mga ginagawa ni Taylor!“Babe,” bulong ni Taylor, habang humahalik sa leeg niya at likod, dakma ang isang dibdib niya habang nakadapa siya. “T*ng ina.”Nasa ibabaw ni Charlie si Taylor. Atras abante ang bewang niya, hinahayaan niya ang batuta niyang kumiskis sa mga pisngi ng puwet niya!“Ang sarap nito,” sabi ni Taylor, idinidiin pa ang katawan niya sa kanya.Inner Devil ang Guardian Angel na medyo demonyo na ay magkahawak kamay at sumisigaw: “Ahhhhh!”Inner Devil: “Hindi pa ito sex, pero malapit na din!”Inner Devil: “Umiinit na dito sa paligid!”Guardian Angel na medyo demonyo na: “Napakainit!”Inner Devil: “Maghubad ka na.”Guardian Angel na medyo demonyo na: “Nag-iinit na nga ako, gusto ko na maghubad!”Sumimangot ang Inner Devil, sinabi niya, “Please, huwag.”“Diyos ko po, Babe, gustong-gusto ko ang puwet mo,” sabi ni

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 131

    “Mahal ko ang bawat parte mo,” sabi ni Taylor. “Kung nasasarapan ka sa mga daliri ko, naiimagine mo ba kung anong pakiramdam kapag dila ko na ginamit ko?”Guardian Angel na medyo demonyo na ang umimagine nito! Nanlaki ang mga mata niya, at sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Inner Devil: “'Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Puwede na akong mamatay! Yes! Ye—p*tang ina? Guardian Angel?”Hindi inaasahan, kinailangan gamitan ni Inner Devil si Guardian Angel ng CPR dahil hinimatay siya sa ideya na makain!“Ano—uh—" Napalunok siya. “Ano—kasi—”Tinakpan ni Taylor ang bibig niya gamit ang kanyang daliri, sinabi niya, “Kung hindi ka magsasalita laban dito, ibig sabihin oo ang sagot mo.”Ang nagawa lang ni Charlie ay mapalunok, at pagkatapos, nasa pagitan na ng mga hita niya si Taylor.Malalim ang paghinga ni Charlie, inihanda niya ang kanyang sarili. Mahigpit ang kapit niya sa kutson habang nararamdaman na ibinubuka ni Taylor ang mga binti niya.“Nakakahiya, Taylor,” bulong niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status