Share

Kabanata 4

Author: LiLhyz
“Ganda ng bago mong apartment!” puri ng kapatid ni Charlie.

Vinirtual tour ni Charlie ang kapatid niya sa kanyang bagong apartment sa pamamagitan ng video call. Gabi na pero ganadong-ganado siya. Hindi siya makatulog!

“Alam ko, malinis at malawak. Worth it talaga ang $3000. Haha!”

“Pfft,” natawa ang kapatid niyang si Freya. “Sa tingin ko mura ito.”

“Hindi! Haha!” Natawa ulit si Charlie. “Hindi kasing unlad ng Halliport ang Luxford. Kilala lang ito para sa unibersidad. Kaya, hindi dapat ganito kamahal ang renta, pero masaya ako dahil may matutuluyan na ako.”

Ngumiti si Charlie ng maupo siya sa sofa. Tumingin siya sa paligid, umiihip ang hangin mula sa balkonahe ng living room. Sinabi niya, “Pakiramdam ko ang condong ito at view ay makakatulong para matapos ko ang natitira kong taon a Luxford.”

Isang taon na lang ang mayroon siya, at hindi magiging maganda kung lilipat pa siya. Kaya baka, baka lang, matiis pa niya ito.

Kasunod nito ay nakipag-usap si Charlie sa kanyang pamilya. Marami silang mga katanungan, lalo na tungkol sa kanyang mga kaibigan, pero sinabi niya, “Gusto ko lang ng magandang view—para mas magkaroon ng inspirasyon na manatiling numero uno sa overall standing!”

“Good girl!” sambit ng nanay niya na si Riley King.

“Proud ako sa natamasa mo, lalo na sa pagiging independent mo,” sambit ng kanyang ama, na si Adrian King. “Hindi pa din ako makapaniwala na lumipat ka mag-isa at nakahanap ng bagong matutuluyan ng mag-isa—”

Natawa si Charlie, hindi na natapos magsalita ang ama niya. “Ama naman, hindi na ako bata, at oo, marami akong natutunan simula ng mag-aral ako dito.”

Ang dalawa niyang mga kapatid, sina Kian at Jasper, ay tinukso siya mula sa background tungkol sa kahit na ano, sinusubukan kunin ang atensyon niya. Naging nakakatawa itong family conference call.

Sa huli, ipinaalala ng kanyang ama, “Focus ka sa mga goals mo at wala munang date date hanggang sa—”

“Hanggang sa maging dalawamput limang taong gulang ang edad ko. Oo na. Oo na,” tinapos ni Charlie para sa kanyang ama ang sinasabi niya. Natawa siya sa loob-loob niya, iniisip na kung gaano ito makaluma. Ngunit, naiintindihan niya na protective lang ang kanyang ama sa kanya.

“Good night, Charlie Rae. Mahal ka namin. Araw-araw ka namin namimiss,” sambit ng nanay niya.

Nag flying kiss si Charlie para sa nanay niya, at sinabi, “Namimiss din kita, nanay. Mahal kita. Mahal ko kayo nina Ama, Freya at ang mga nakakainis kong mga kapatid na lalaki!”

“Hoy, namimiss mo lang kami!” sambit ni Jasper.

“Pusta ko, walang nandyan para asarin ka,” si Kian, ang isa pang kapatid ni Charlie, ay nagsalita.

Kinalaunan, natapos ang tawag. Mag-isa na naman si Charlie, namimiss ang tahanan niya. Masakit pa din ang puso niya mula sa kamakailan lang na pagtataksil, pero alam niya na makakamoveon siya.

Nagsimula si Charlie sa “pagmomoveon” gamit ang pagtulog sa kanyang bagong apartment.

Naging kumportable siya sa bagong kama at nagkumot siya. Isang bagong text ang nagpakita sa screen niya bago siya pumikit. Binasa niya ang preview” [Hi, ako ang roommate mo. Madaling araw na ako dadating, pero huwag ka mag-alala. Makakapasok ako mag-isa. Ako’y…]

Sa kasamaang palad, nakatulog na si Charlie. Hindi na siya nag-abalang basahin ang natitira sa text.

***

Noong umaga, bumangon si Charlie para uminom ng maligamgam na tubig. Routine niya ito sa pag gising. Noong naglakad siya pabalik sa direksyon ng kanyang kuwarto, narinig niya ang showers a banyong pinaghahatian nila.

“Oh, nakabalik na ba si Miss Dawson?” tanong ni Charlie sa kanyang sarili. Pagkatapos, naalala niya na nagtext si Miss Dawson sa kanya kagabi!

Kuminang ang mga mata niya. Nag-alinlangan siyang kausapin si Miss Dawson mula sa pinto ng banyo, pero hindi niya gusto na isiping bastos siya, kaya bumati siya, “Magandang umaga, Miss Dawson!”

Tumigil sandali ang shower. Ipinakilala ni Charlie ang sarili niya, “Ako ito, si Charlie. Hahayaan na muna kitang magshower, at puwede tayong mag-usap mamaya. Masaya akong makilala ka.”

Ngumiti si Charlie at tumalikod, pero sa sumunod na sandali, bumukas ang pinto ng banyo at may boses ng lalaki na maririnig, “Sino ka naman? At anong ginagawa mo dito?”

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Charlie. Napalingon siya sa direksyon ng boses at matapos makita ang pamilyar na mukha, sumigaw siya, “Oh Diyos ko!”

Si Taylor West!

“Paano ka nakapasok dito?” Galit na sinabi ni Taylor. “Sinong nagbigay sa iyo ng susi?”

“Anong ibig mo sabihin? Baka nasa maling unit ka? Kalahati ng apartment na ito ay inuupahan ko!” sagot ni Charlie. “At bakit ka topless?”

Napansin niya sawakas na nakatapis lang si Taylor, kung saan tumutulo pa ang tubig mula sa hinulma niyang katawan. Panandalian siyang nawala sa focus!

Paanong may ganitong perpektong katawan?

“Hoy! Tumigil ka na kakatitig sa dibdib ko at sagutin mo ako!” galit na sinabi ni Taylor. Pagkatpaos, mukhang napagtanto niya sawakas. Nagtanong siya, “Kilala kita. Ikaw ang nakabangga sa akin noong Biyernes. Inistalk mo ba ako matapos akong makilala?”

“Ano?!” nagreact si Charlie. “Hindi kita inistalk! Nakatira ako dito, pambihira naman! Kakalipat ko lang dito kahapon!”

“Ikaw—ano? Lumipat ka dito?” tanong ni Taylor habang nakaturo kay Charlie. Nanlaki ang mga mata niya ng linawin niya, “Ikaw… si Charlie King?”

Tumingin si Charlie sa kaliwa’t kanan. Tumaas ang boses niya ng sumagot siya, “Oo! Ako iyon! Paano mong nalaman ang pangalan ko?”

May matagal na katahimikan, dahilan para kabahan lalo si Charlie. Umatras ng kaunti si Taylor at tinignan siya ng mabuti. Pagkatapos, nagtanong siya, “Babae ka!”

Tumaas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Oo, malinaw naman, babae ako at trespassing ka sa apartment ko! Paano ka ba nakapasok dito?!”

Nanginig ng kaunti ang mga labi ni Taylor. Nilinaw niya ang boses niya at nagtanong ulit, “Ikaw si Charlie King?”

“Ilang beses ko bang uulitin sa iyo? Ikaw ang dapat na magpaliwanag dito. Sino ka at anong ginagawa mo dito?” tanong ni Charlie. Pagkatapos, naalala niya na siya si Taylor West. Hindi lang siya bad boy, pero marami din nagsabi na iba’t ibang mga babae ang sabay-sabay niyang dinedate. “May relasyon ba kayo ni Miss Tanya Dawson?”

“Ikaw si Charlie King,” inulit ni Taylor habang nakaturo sa kanya.

Habang iniiwasan si Taylor, tumakbo sa kuwarto si Charlie, at nagtanong siya, “Nandito ba si Miss Dawson? Puwede niyang ipaliwanag sa iyo.”

“Miss Dawson. Miss Dawson! Ako ito, si Charlie King!” kumatok si Charlie sa pinto, pero walang sagot.

“Hindi, wala si Tanya sa kabilang pinto dahil pinsan ko siya! Technically, nirerentahan ko ang buong apartment at napagdesisyunan na maghanap ng kahati! Ako ang humiling sa property manager na maglagay ng listing para sa co-tenant!” siwalat ni Taylor. “Sa akin ka nagbayad ng kalahati ng deposito, hindi kay Tanya!”

Napanganga si Charlie. Panandaliang tumigil ang puso niya. “Magiging roommate ko si Taylor West?”

“Nooooo waaaaayyyy!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 138

    “Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”Ang mga ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan, na sina Kylee at mga kapatid niyang sina Gale at Graham Wright, ay nakilala sa stage. May hawak silang cake at mga kandilang hinipan. Pagkatapos, masigabong nagpalakpakan ang mga tao.“Palakpakan naman para sa mga celebrants! Kylee Wright! Graham Wright at Gale Wright!”Dumilim ang ilaw. Umilaw ang mga spark fountains mula sa gilid ng stage sa center aisle. May malaking LED screens sa buong venue na ipinakita ang makulay na kalangitan, kung saan lumikha ito ng ilusyon na doon mismo nagaganap ang mga pailaw.Makalipas ang ilang sandali, oras na para kumain. Nakapag appetizer na at champagne ang mga tao, pero ang tunay na kainan ay iseserve na.Bago maghapunan, sadyang inimbitahan ni Charlie ang former Tennis World Champion para mag-usap. Siyempre, balak niyang inggitin sina Luke at Regina, kaya kinaladkad niya ang Tito Carlos Ronaldo niya sa likod ng venue.

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 137

    Nakita agad ni Luke ang nanay ni Charlie. Nakakapit siya sa braso ng kanyang asawa, si Adrian King, na kamukhang-kamukha ni Charlie, nakangiti ng maganda at elegante ang presensiya na sumisigaw ng nagmula sila sa mayamang pamilya! Suot niya ang diamond necklace na kumikinang sa mga ilaw, kapares nito ang diamond earrings at bracelet niya.Maganda rin ang pagkakabihis ng kapatid ni Charlie. Mas maliit ang suot niyang mga diamante pero magara pa din.Kapansin-pansin din ang mga kapatid ni Charlie na lalaki. Tulad ng ama nilang si Adrian King, nakasuot sila ng custom-made suits, makintab na mga sapatos, at designer watches. Ang dating nila ay pinagmumukha na matagal na silang mayaman. Hindi nila kailangan magyabang; malinaw na ito.“Paano ko itong hindi napansin?” sabi ni Luke sa sarili niya sa loob-loob niya.Nasaksihan ni Luke at pamilya niya ang pagdating ni Governor Douglas Carrington. Pumasok siya kasama ang isa pang pamilya na mukhang mayaman din, na naisip ni Luke, na parang ha

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 136

    Rhet Wyatt: “Anong nangyari?”Georgia Sullivan: “Ang tinutukoy ba ng patriarch ay si Charlie?”Lester Sullivan: “Hindi, sa tingin ko hindi. Paanong si Charlie? Bakit naman si Charlie?”Pamela Wyatt: “At sino ang isa pang tao na ito?”Luke: “Regina, ano ba ang nangyayari dito?”Rinig ni Regina ang taranta mula sa pamilya niya. Humarap siya sa kanan at napagtanto na ang boses pala ay mula sa patriarch ng pamilya Wright, sa ama ni Kylee Wright!“Anong sabi nila?” napaisip si Regina.Naglakad si Kyle papuntas a direksyon nila. Sabi niya, “Ikaw ba iyon?”Tila ba naglalabas ng usok si Kyle mula sa ilong niya habang nagtatanong, “Tignan mo ako sa mga mata ko at sabihin mo iyon ulit.”“Sabihin mo ulit! Anong tawag mo sa anak ko?” Pagkatapos, may isa pang lalaki na nasa kabilang dulo ng mahabang linya ng direktang mga pamilya ni Kylee.Ang taong ito ay matangkad at dark brown ang kulay ng buhok na abot hanggang batok niya. Malakas ang dating niya, patay ang ekspresyon ng mga mata na n

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 135

    “Relax, kasi naman, ang mabuting magkaibigan lang ay sina Regina at Kylee,” sabi ni Rhett Wyatt.“Pero ang akala ko ba tumulong ang pamilya Wright sa investments?” tanong ni Lester Sullivan.“Oo nga. Nirefer nila kami sa Strauss Asset Investments. Sila ang tumutulong sa amin palakihin ang aming pera,” sagot ni Rhett.“Kakilala namin sila dahil kay Regina.” Paliwanag ni Pamela Wyatt, “Pero bihira namin makaupsa ang pamilya Wright mismo. Napakabusy nila.”“Oo, ang dami nilang ginagawa,” sabi ng iba pa na inimbitahan. “Nagtatrabaho kami para sa Wright Diamond Corporation, kaya namin sila nakilala.”Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, nagbubulungan na ang mga tao sa likod.“Nandito na ang pamilya Wright!”“Nandito na sina Mr. and Mrs. Wright kasama ang kanilang magaganda at guwapong anak!”Nasabik si Regina. Kuminang ang mga mata niya, at napatingin siya sa pinto.Ang patriarch at matriarch g pamilya ang unang pumasok. Binati sila ng pamilya ni Regina, at ganoon din ang

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 134

    Naiirita na si Regina. Ang nagpalala pa dito ay kung paanong sumilip mula sa pinto si Taylor kasama si Charlie, at pareho silang nag middle finger sa kanila ni Luke!“Taylor—ikaw!” tumalikod si Regina at nakita si Luke na nagagalit.Pagkatapos, naalala ni Regina kung paanong kinakausap ni Charlie at Taylor ang isa sa mga security personnel kanina. Tumalikod silang lahat habang nag-uusap.Ano kaya ang nangyari doon?Habang nanggigigil, napagtanto ni Regina, “Binayaran nila ang security personnel! Sir! Kailangan ninyong maniwala sa akin!”“Oo nga, may sense naman. Binayaran ka siguro nila!” sabi ni Lester, itinuro niya ang security personnel. “Maghintay ka lang hanggang sa marinig ito ng pamilya Wright! Masisisante ka!”Sumimangot ang inakusahan na securityp personnel. Nagbigay siya ng babala, “Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Wala akong rason para sirain ang reputasyon ko, Sir. Mag-ingat ka sa pananalita mo, kung hindi ilalabas ka namin ng hotel!”“Pero hindi

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 133

    “Siya pala ang apo ni Governor Carrington?” tanong ni Lester, nakasimangot siya. “Hindi magiging maganda ang dating nito para kay Governor Carrington. Hindi dapat nakikisali sa mga high-profile event ang apo niya.”“Anong nangyayari, Regina? Luke, kilala mo sila?” tanong ni Pamela.Hindi kilala ng mga magulang ni Regina si Charlie, kaya kailangan niyang ipaliwanag ang lahat, “Nay, nag-aaral sila sa parehong school namin ni Luke. Nagkataon na nasabi namin na pupunta kami sa party na ito, at sila naman? Inimbitahan nila ang mga sarili nila, sa tingin nila makakapasok sila!”“Pero huwag ka mag-alala, hindi sila makakalampas sa security. Invitation only party ito,” paliwanag ni Regina.Pagkatapos, napansin ni Regina ang security guard kanina. Nakaisip siya ng ideya, at lumapit siya sa security at iniwan si Luke, “Excuse me, Sir?”Itinuro niya si Charlie at Taylor para sabihin, “Hindi inimbitahan ang dalawang iyon! Gatecrashers sila.”Tinignan ng security personnel si Charlie at Taylo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status