Share

03

III: ENCHANTA

"Aareah."

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa loob ng kagubatan, ihahatid niya ako sa bungad ng portal papasok sa mundo nila.

"What?"

"Curios ako sa mundo niyo, ang sabi mo anak ka ng hari. Ilan ang palasyo na nasa mundo ninyo?" Inayos ko pa ang suot na cloak dahil sa natatabunan nito ang paningin ko.

Nang makarating kami sa bungad ng gubat ay binigay niya sa akin ang cloak para itago ang mukha ko. And about Paolo, Aareah hypnotize him just because she find him cute. Nakita niya kasi ang mukha nito sa poster ng red ribbon. Yung cake lols.

Inaayos nito ang paghawak sa tali ng kanyang itim na kabayo bago bumaling sa akin. "If you mean vampires there are five. But in total  fourteen palace; six for witches and four for warewolves."

"Werewolves and witches also exist huh?"

"Hindi lamang kayo ang naninirahan sa mundo Eleastein, marami tayo." We stopped infront of a huge tree stands at the center. Mukhang malayo na nga ang nilakbay namin dahil sa madilim na ang kalangitan.

"Don't ever make stupid things Eleastein. Just obey what my dad says and everything will be good. Also, don't talk to others as long as they don't talk to you. At ang importante sa lahat don't ever wonder! Baka mapunta kapa sa Elisora." She glared at me. Na para bang nakikita na niya sa mga mata niya na gagawa ako ng katangahan.

I almost rolled my eyes, what I am a kid? Elisora, why it is so sound enchanted? "What's Elisora? It is enchanted?"

She rolled her eyes at me, "enchanted place in the parallel world. May dimension sa lugar namin patungo roon. I know you have a lot of questions but we don't have time, later from now, Vati will go home. You need to quick, matatapos na ang pakikipag-usap niya sa sorceress."

"Sinong Vati ba iyan ha? You should tell me about your background so that I am not be confused. Mabubuking tayo niyan e." Pagrereklamo ko. How does this girl told me to be quick! Marami pa akong walang alam tungkol sa kanya o sa kanila.

Pinipilit niya akong pinasakay sa kabayo at inayos ang cloak na suot ko. "I called my dad as Vater means father in German language. Mutti for my mom." She stopped talking and looks in every corner. Her eyes turns red, "shit!"

I saw fears in her eyes. Lumapit siya sa gitna ng puno at may ibinulong doon nagbukas ang gitna ng puno at tanaw ko ang daan papasok. Kagubatan parin ang loob nito pero alam kong ito na ang lugar nila dahil narin sa kulay pula ang mga puno nila.

"Bibisitahin kita Eleastein, sa ngayon kailangan mo ng pumasok. Naglalakbay ang clan ni Lycan, ang tagapangalaga ng portal. 'Wag ka lang bumaba sa kabayo ihahatid ka nito sa palasyo." She held her horse and whisper something. 

"Sino si Lycan?" Naguguluhan kong tanong.

"Pinuno sa isang tribu ng warewolves dito, sila ang tagapangalaga sa portal dahil ang tribu lang nila ang pinakamalapit. I find a way to see you and discuss my background, as for now tighten your hold on rope. Malakas tumakbo si Celesreh."

Mas lalong dumiin ang pagkapit ko sa tali ng kabayo hindi pa ako nakatugon sa kanya ng tumakbo ng mabilis ang kabayo papasok sa portal. Kung hindi lang maayos ang pagkakahawak ko ay siguro nahulog na ako.

Lumingon ako at nakitang unti-unti na naglalaho ang portal mas lalo akong yumuko dahil sa pwersa ng hangin. Malakas ang kabog ng d****b ko habang nakayuko at mahigpit ang hawak sa tali ni Celesreh. Narito na ako sa lugar nila, ano kaya ang susunod na mangyayari?

I was wondering about what will be my life in this world when a ball hits me and it is the reason why I fall from the horse. PUTEK! ANG LAKAS NON!

Tumilapon ako sa gilid at nauntog pa ang noo, natatakpan ako ng cloak kaya hindi ko man lang masulyapan ang kung sinong may gawa nun sa akin. "Awit ang sakit!"

"Omy, I think she's hurt. Look what you did Nicolas! I told you to slow it down." Maliit na boses babae ang narinig ko. Umupo ako upang hawakan ang noo ko na nauntog.

"It is slow! Malay ko bang tanga lang siya."

"Nicolas!"

Ha! Makita ko lang ang mukha ng batang ito ipapasampal ko 'to kay Aareah. Attitude e.

"Hey, are you okay miss? I apologize for what happened. Me and Nicolas was playing catching and we didn't saw you" the girl asking to apologize.

I stand up not looking at them. Kapag nalaman ni Aareah na tumilapon ako dahil sa bata ay masesermunan ako non. She told me to pretend as her, so I really needed to be arrogant and full of self confidence ah! It is so hard!

I make sure that my emotion is scary just like Aareah before I look at them.

"Who the hell told you two to play on this area?" I tried to talk as Aareah while crossing my arms. Sana mauto ang dalawang batang ito at matakot sa akin.

The smile of a girl faded and its' make me feel guilty. LETCHE KA AAREAH!

"So-sorry we thou-thought u-uhm."

"Let's go Nicolla. She's Aareah the only bitch of Herztbegh umalis na tayo bago tayo mapatay niya." At sa isang iglap pareho silang nawala sa harapan ko,

Hanep talaga itong si Aareah napaka-attitude rito sa lugar nila. I wonder if where I could found her only friend, Celeste. Inayos ko ang suot pati ang bag ko na natatabunan ng cloak, nasa gilid lamang si Celesreh at mukhang inaantay ako. I sigh before I ride the horse.

"Dahan-dahan lang celesreh baka nakakalimutan mo, tao ako. Ayokong mauntog ulit." I don't even know if the horse listens to me but its working. Marahan na ngayon ang takbo ni Celesreh hindi tulad kanina. I wander my eyes around, hindi ko pa naapreciate ang kagandahan sa lugar nila dahil hanggang ngayon nasa kagubatan parin ako at madilim na. Ngunit masisilayan mo naman ang iba't ibang kulay ng puno sa lugar na ito.

Kalahating minuto na ata ang nakararaan ng masilayan ko ang isang malaking statue ng babaeng may mahabang buhok. Marami-raming tao ang nandito at kung titignan ay para itong plaza ng mga tao. Ang kaibahan lamang ay mas malawak dito at mas maraming puno. Plantita/plantito ata mga immortal dito beh.

My forehead creased when I saw maybe vampires? Looking at me with fear in their eyes. Is that the power Aareah hold? I wonder, ano kaya ang trato sa kanila ni Aareah?

I am tired, exhausted, and hungry. Pero hindi parin kami nakararating ni Celesreh, ganito ba kalayo? O sa akin lang dahil hindi ako bampira tulad nila. Pero nakakapagtataka, they didn't attack me kasi 'di ba naaamoy ng bampira ang dugo ng tao? Or maybe Aareah cast a spell that I didnt' notice.

BUT IT DOESN'T CHANGE THE FACT THAT I AM HUNGRY!!!!

Mahabagin.

Kamusta na kaya si Aareah? I hope she find the woman, ayokong magtagal sa mundo nila.

Syempre charot ._.    

May kailangan rin ako sa mundo nila.

"Malayo pa ba Celesreh?" I ask the horse hoping she answers me.

She make a sound and continues running. I sigh for the second time and look above. There are a million dots I see, probably the stars. Pala-isipan parin sa akin ang nangyari ngayong araw na para bang isang kumpas lang ay biglang nagbago ang buhay ko.

Two hour passed at muntik ko ng halikan ang sahig ng makababa ako sa kabayo at nasa harapan na ako ng kastilyo ng Herztbegh. Ang akala kong nakatatakot at old na kastilyo na makikita ko ay kaibahan pala sa tunay. Kinuha ng isang bampira si Celesreh at yumukod ito sa akin magpapasalamat sana ako kaso naalala ko si Aareah. Sa ngayon ay kailangan kong umakyat gamit ang sementadong hagdan paitaas sa gilid nito ay ang mga nag-gagandahang bulaklak at sa gitna ay isang statue ng lalaki. Probably the King of Herztbegh.

Kararating ko lang sa bungad ng malaking pinto ay bumukas ito at lumabas ang isang babae na mukhang ka-edad ko lamang. Nakasuot ito ng unipormeng pamkasambahay at halata sa mukha nito ang takot. When our eyes met I saw how she gulp.

"Mabuti at nakarating na kayo Ma'am Aareah, hinahanap po kayo ng hari." Yumuko ito sa harap ko habang nanginginig ang binti. Problema nito?

I cross my arms and trying to look intimidating. "Lead the way for me."

Tumayo siya ng matuwid at tumango sa isang iglap wala na siya sa harapan ko. What the hell? Bakit ba malaki ang kaibahan ng bampira sa tao! I have no choice but to find where Aareah father is, gusto ko na sanang pumunta sa kwarto ni Aareah at matulog dahil sa pagod ako.

Pumipikit na ang mga mata ko habang pumapasok sa malaking pinto. Bumungad sa akin ang malaking sala na may chandeler sa itaas sa gilid ay may malaking hagdan paitaas. Sa gilid nito ang mga painting, apat ang naroon kabilang na si Aareah.

Well for now saan ba ang kwarto ni Aareah? Mostly kasi sa mayayaman second floor. Ginamit ko ang hagdan paitaas wala pa ako sa gitna ng marinig ko ang malakas na sigaw ng baretonong boses.

"What the hell Aareah!"

Nilingon ko ang sino mang lalaking sumigaw at mukhang galit kay Aareah. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na ito ang hari, ang ama ni Aareah. I'm panicking inside of what should I do. Yuyuko ba ako? Magmamano? Magtwerk? Aareah never told me how to act infront of her father! Anong gagawin ko?

"Saan ka na naman ba galing? I told you to focus on your class and yet I received a message saying you ditch it! How can you be a Queen if you act like a kid!" Dumagundong ang boses nito sa loob ng kastilyo.

Iniyuko ko ang ulo  takot na matignan siya, part of me feel the pain like I am Aareah receiving a shit from her dad. Look how Aareah boasts her title as a daughter of Herztbegh, but this is what she receiving. Kaya pala hindi niya naikwento ang pamilya niya.

"For once Aareah! Listen to older like how you listen to your old friend Celeste, you will never lift up from your title if you always make bullshits!" Naglakad ito paalis habang nakakunot ang noo.

Ganito ba palagi si Aareah? Receiving a bad treat from her father? Mabuti nalang talaga at magka-iba kami. Kasi kung ako talaga si Aareah at may ama akong tulad sa haring iyon ay hindi ko nalang nanaisin o 'di kaya ay umalis na ako. Ang sabi ni mama sa akin, mabait daw ang ama kung maagang lumisan. Hindi ko man siya nakilala, kilala ko naman siya dahil kay mama. Sa mga kwento nito.

I sigh and shake my head, ang daming ganap. If I and Aareah didn't meet, how could she handle this? Kasi kung ako lang para narin akong sinaksak ng paulit-ulit. Well, maybe her father treating her like that because she will be handling the whole kingdom, and maybe to her attitude. Inaamin ko, ayaw ko rin sa attitude ng babaeng iyon. Hakatang magaspang ang ugali, napatunayan iyon ng mga bata kanina.

Dumaan ang isang babae na mukhang kasambahay ulit. Before she vanished in my sigh I call her, mabilis din niya akong nilingon at mukhang takot pa nga.

"Bakit po Lady Aareah?" 

I remove my bag pack ang give it to her, "bring this to my room. And please do not run, I'm lazy to run so walk." Inikot ko pa ang mga mata para magmukhang si Aareah.

Halata sa mukha nito ang naguguluhan ngunit sinunod naman ako. I tried to remember every details. Alam kung hindi ako magtatagal pero ayokong mahuli. Ayokong mamatay na wala ng dugo sa katawan o 'di kaya ay wala na ang ibang organs.

Tumigil kami sa ikaapat na kwarto sa ikalimang palapag. Akalain mo iyon? Akala ko talaga sa second floor pero hindi. Pinahalata talaga sa akin na hampaslupa ako e, sa hagdan palang napapagod na ako paano pa kaya kung inaaraw-araw 'to? Dapat talaga tinanong ko 'to kay Aareah, gusto ko ng mag back-out!

"Before you go, bring me some food in my room. I'll be waiting." Tumango ito at mabilis na nawala sa harapan ko.

Binuksan ko ang pinto at hindi ko pa nasisilip ang loob ng may boses ulit akong narinig.

"Die bitch ist zu hause. (the bitch is at home)" I look back ang I saw a man that is my age base on his looks. This is the man I saw in the painting, maybe the younger brother of Aareah. What should I call him? And what the hell is he talking about? Die bitch? Mamatay sino?

Hindi ko na sana siya papansinin dahil wala akong alam sa kanya ng magsalita ulit ito.

"Are you done wondering in the woods? Screaming until your voice fades? Hah! I really pity you Aareah." He grinned.

Sa tingin palang hindi sila magkasundo ni Aareah. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanila at sa pamilya nila.

I smiled at him when I feel my legs weaken because of too much tiredness. I still compose myself and pretend the most iconic vampire bitch. "If you are finished blabbering nonsense well I gotta go. Look I am tired so don't disturb me." I smile once again and close the door. 

Hinubad ko ang suot na cloak at itinapon lang ito sa gilid kasama ang bag ko na kinuha kanina ng kasambahay. I sigh countless times while looking at the ceiling, what happen?  This was surreal. Imagine I encounter immortals and starting living in this world. Why did I accept it?

A flash of memories flashed on my head. I remember Aareah's emotion while asking for my help, though she asks it because I manipulate her by saying no. I wanted to try if she will beg or just walk away and find someone we look like and manipulate it to pretend as her. Nagulat pa nga ako ng hindi siya umalis at binaba ang pride. When I look at her eyes, nasabi ko na pati pala mga immortal nakararanas ng lungkot.

She may be arrogant and sometimes ordering me around but I saw that she has a soft side, like how she told me about her best friend Celeste. I know that she really treasures her best friend like how I treasure Danica and Jecho. Inaamin ko, mean ako minsan kay Danica dahil sa masyado itong malambot pero mahal ko 'yon hindi ko nga lang pinapahalata.

My softness faded for a second when another memory flashed on my mind. Blood scattered on his body.

I sighed.

Napatayo ako ng may kumatok, binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang kasambahay na may dalang tray. Kinuha ko iyon at muling sinirado ang pinto, inilagay ko sa bedside table ang tray at pinagmasdan ang kwarto ni Aareah. Yung kwarto niya kasing laki ng bahay namin. Pinaghalong kulay nude pink at white ang kwarto niya, may malaking bintana rin na tinatabunan ng mahabang kurtina. I sigh once more and toured the Aareah's room, she also have a walk in closet which is full of elegant dress and priceless things such as jewelry, bags, sandals and more. 

Awit pre, mayaman talaga.

Lumabas ako roon at kinain ang pagkain napinadala ko, masyado akong gutom dahil sa ilang oras na paglalakbay. Natigil lamang ako ng pamansin na gumagalaw ang bag ko na nasa sahig. Hindi ko na sana ito papansinin dahil akala ko ay namamalikmata ako, pero muli iyong gumalaw. I can feel my heart beat, I grabbed the stick I saw beside Aareah's bed and come closer to my bag. I almost scream when my bag move again, kaloka ano bang meron? With a shaking hands I unzip my bag and Tiger showed up. Binitawan ko ang stick at gulat na binuhat siya.

"The hell Tiger? Tinakot mo 'ko."

She just licks my hands.

"Paano ka nakarating sa bag ko? Shit! Dapat hindi ka nandito, mamamatay ka ng maaga niyan e," I panick inside Aareah's room. "What should I do? What should I do? If they smell your blood it's your end Tiger!"

When I look at Tiger she's peacefully lying on Aareah's bed.

Tignan mo ang pusang 'to, hindi man lang kinakabahan sa buhay nito. Batugan talaga e, mahimbing pang nakahiga sa kama ni Aareah. She purred and yawned before she close her eyes. Pag ito mamatay, condolence. I sat beside Tiger and pat her head, she's maybe a cat but she means to me. Simula pagkabata ko kasama ko na si Tiger, buti nga 'di pa namatay e. Bilin  ni mama dapat hindi ako lalayo kay Tiger dahil siya ang magiging guardian angel ko kahit na hindi siya nagpaka-guardian angel sa 'kin dahil laging tulog ito.

I stand and leave her, pumasok ako sa malaking bathroom ni Aareah. Nakita ko ang bathtub ni Aareah at naiganyo akong subukan iyon kaya pinuno ko ito ng tubig nilagyan ko rin iyon ng sabon na nakita ko sa cabinet. Mabilis na kumalat ang amoy ng lavender hinubad ko ang buong damit at nag shower muna bago sumalang sa bath tub. I closed my eyes when I feel relaxiation. Kung nandito lang si mama mararanasan na sana niya ang ganitong buhay, saan na kaya siya ngayon?

I woke up when I heard a knock on my door. Sino naman ang kakatok dito sa kwarto ko? I ignored it and grabbed my one pillow and hugged it. Ahh, kailan pa naging ganito kalambot ang unan ko?

"Aareah sweetie wakes up" it is the voice of a woman. The knock still continues and it's pissing me off. Ang aga pa!

Bumangon ako at inaantok na binuksan ang pinto, "what?" I said annoyed.

"Sweetie did I pisses you?"

Halos manlambot ang katawan ko ng maalala ang nangyari. The hell Eleastein! Umayos ka.

I look down and avoid her gaze, "sorry po. A-ano lang puyat kagabi." I bite my lips.

She smiles at me and lifts up my face so that our eyes meet. "Umalis ka na naman ba? Sinabi sa akin ng kapatid mo na napagalitan ka."

Ang bait ng mama ni Aareah hindi nga lang niya namana. 

"Anyway, bumaba ka para sabay na tayong kumain minsan lang natin na makadalo sa hapagkainan ang ama mo."

I smiled a little, "maliligo po muna ako."

Tumango ito at aalis na sana ng may gusto akong malaman.

"Mutter?"

She looks back, "why?"

I shakes my head. "Nothing, papasok na po ako."

I closed the door and sigh, pinagaan ko muna ang pagkabog ng puso ko bago maligo. Lumabas ako sa walk in closet habang pinapatuyo ang buhok, I wore Aareah's jeans and off shoulder sweatshirt. I blowed my hair and tied it after. Kasalukuyan paring natutulog si Tiger sa kama at parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

I leave my room and I saw Aareah's brother walking down at the stairs. Maybe he is going to dining room. Hes reading a book and when he saw me he just rolled his eyes. Seryuso, kalalaking tao nito. Mabuti nalang at naglakad ito papunta sa dining room kaya nakarating kami ng sabay.

Isang mahabang table na maraming upuan ang bumungad sa akin pero apat lamang kaming naka-upo, malayo pa sa isa't isa. Awit, ano bhe may pandemic?

Hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko dahil hindi pa sila gumagalaw. Good thing at malayo ang iniisip ko sa kakainin namin. Ine-expect ko kasi na tao na nakahiga sa table habang nakatali ang kakainin namin. Carnibal kung baga.

Para rin naman pala silang tao, kaibahan nga lang ay marangya ang kakainin namin. Kulang nalang magpa-fiesta dahil sa daming nakahanda. Dumating ang isang babae na may dalang bote ng alak ata? Hindi ko sure pero kulay pula ito, sinalinan niya ang bawat baso na nasa gilid namin. Muntik na akong madura ng maamoy ko ito, amoy dugo!

"Let's eat," anang  boses ng hari.

Nagsimula kaming kumain, ni walang umimik sa mesa at para bang sanay na sila sa ganito. I keep my mouth shut and continue eating my food, avoiding to take a look on my glass.

"So Aareah, where are you going now?  Mananakot ng mga bata? Maninira ng lugar?"

"H-huh?" I almost choked on my food.

Aareah's father looks at me and simp on his glass of blood. "You're always making a mess, I met the King of Xyclopesh yesterday and received a message that you scared his twin. Really Aareah? Kids?"

"It is not my fault," I answered him. Totoo rin naman kasi.

"You are turning one hundred Aareah, at that age you will marry the prince of other kingdom. Pero nakikita kong hindi ka pa handa at sarili mo pa ang inuuna. Hindi mo pa kayang hawakan ang kaharian." 

Luhh? Ang tanda na pala ni Aareah. 

"Bakit kalangan pang ipamahala sa kanya Vati? I am here, I'm willing to take over her title." Mahigpit ang hawak nito sa kutsara habang nakatingin sa hari. May ganito pa pala sa mundo nila? Mabuti sila at tanging hahawak sa titulo ang problema, sa mundo kasi sa 'min  corruption is the biggest problem. 

"Garen, only the oldest child can run the kingdom" sagot ng hari sa anak nito. 

"But Vati!" Tumayo itong si Garen at halata ang inis sa mukha. Habang ako ito, kumakain habang nanood ng teleserye. "I am more deserving than her!" Tinuro niya ako sa pwesto ko. "How can she ruled the entire kingdom if she's always bitching around? How can she be a Queen if she's-"

"Garen! Are you shouting to the King?" Galit na sabi ng nanay nito. Natahimik ang anak nito na si Garen at muling umupo. "Pardon for Garen's behavior," she told us. "He's not in the mood. Forgive him."

Inubos nung hari ang laman ng baso bago bumaling kay Garen. " I know you always did the best son, but we can't change the rules." Lumingon ito sa akin na para bang may ginawa akong masama.

"Aareah, you should be thankful because you are the future of our kingdom. You should always do your best like how Garen did. You are the destruction of our kingdom if you can't change. Weeks from now you'll meet your husband but you're still the same." 

I close my palm hardly, why it feels like I am Aareah? It is hurt hearing those words. Paano kaya kung si Aareah ang nandito? How can she handle it? Hindi ako si Aareah pero nasasaktan ako para sa kanya.

"That's too much Arold," I heard the mother of Aareah spoke. "Can we please have a good breakfast? It is always like this, talking about mistakes." She sighs and continues her food.

Nakakawala ng gana grabi.

"To lighten the mood, I have news for you Aareah."

I look at Aareah's mother. "Papasok ka na ulit sa Centre Academy."

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano 'yan, habang itong si Gaven na kapatid ni Aareah ay nabilaukan.

"Mutter!" Gavin called her. "She-she's what?"

"She will be attending the class at Centre Academy." She smiled at me, "I told your father about this and he agreed. Naisip ko kasi na baka kailangan mo ulit makisalamuha sa mga tulad natin, ilang taon na rin ang nakakaraan."

"I agreed because that may be a good thing, you will learn the basic manners at Centre and maybe you can change."

"Arold" saway nito sa hari. "Aareah just needs a little of time."

"It's been a year Clara, a year."

Hindi ko sila naiintindihan kaya tumahimik lang ako sa gilid gusto ko sanang umalis na pero nakakahiya. Baka pagsabihan akong walang manners dito.

"Aareah, are you okay sweetie? Kanina ka pa tahimik."

I look at her and smile a little, "I need to go Mutter. May kailangan pa po akong gagawin." I excuse myself.

"Here we go again, saan ka na naman pupunta Aareah? Hahanap ng gulo?" Garen grinned at me.

I smiled at him like he is the most expensive yet fake jewelry I see. "I am flattered, Garen" I place my palm on my chest. "Hindi mo naman sinabi na concerne ka sa 'kin."

He glared at me and seems he's annoyed. What a loser.

"Kung saan ka man magpunta umuwi ka ng maaga Aareah, bukas na kayo ihahatid sa Centre. Umayos ka."

Tuluyan kong nilisan ang lugar na iyon at naisipan na ikutin ang buong palasyo. At habang nililibot ito may biglang sumagi sa isip ko.

"Nasaan na kaya si Aareah?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status