Share

Ikalabing-isang Pahina

Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay.

Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo.

"Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako."

Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos.

"Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?"

Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan.

"Si Kuya Pio po?" tanong nito.

Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakilala alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status