Namulat si Calvin na ang kan'yang lolo ang tumayong ama. Sa dami ng mga pangaral nito ay isa lamang ang tumatak sa isipan niya, iyon ay ang magkaroon ng konkretong plano sa buhay at kahit anumang tukso ang dumating ay huwag itong babaliin. Bigo ang kan'yang ina na sundin ang utos na iyon noon, kaya dumating siya sa mundo bilang anak sa labas.Nang mamatay ang kan'yang lolo ay nagkaroon muli ng kalayaan ang kan'yang ina na magdesisyon para sa kanila. Ipinakilala siya nito sa tunay na ama. Sa una ay nagalak siyang makapiling ito lalo pa't sabik siya sa kalinga ng totoong ama, subalit sa paglipas ng mga panahon, nang tumuntong na siya sa wastong gulang at nang lumisan na ang kan'yang ina ay naging mahirap ang lahat. Hindi siya tanggap ng pamilya ng kan'yang ama ngunit wala siyang ibang mauuwian kun'di doon na lamang.Gustuhin niya man na bumalik sa dating buhay na wala sa piling ng ama, ay napamahal na din siya dito at wala siyang lakas ng loob para mawalay muli. Sa mga panahong nagtiti
Mahirap maghintay, sabi nila. Subalit para kay Alea, nakakasabik ito kung ang hinihintay mo ay ang taong may puwang na sa buhay mo."Ate, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Mayumi nang makita si Alea sa veranda.Umiling si Alea bilang sagot at sinamahan ang kapatid patungo sa kwarto. Isang buong araw na silang nasa condo unit ni Calvin at hindi bumisita o tumawag man lang ang lalaki. Nauunawaan niya iyon dahil bumabalik pa lamang ang alaala nito. Gusto niyang isipin na bumabawi ito sa pamilya o 'di kaya'y sa babaeng nagngangalang Eunice.Walang binanggit si Calvin kung sino ba talaga ito? Kung may asawa't anak na o nobya, kaya hindi maiwasan ni Alea ang labis na mag-isip.Sumapit ang pangalawang araw, dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto nang marinig ang pagtunog ng door bell. Nagpaskil siya ng ngiti sa labi at bahagya pa'ng inayos ang buhok ngunit nawala din ang pagkasabik niya nang mapagtantong ang room attendant iyon na maghahatid ng agahan nila.Hindi siya nag-order ng pag
Paulit-ulit na minamasahe ni Alea ang palad habang binabaybay nila ang daan patungo sa eksklusibong condominium. Sinusubukan niya'ng huwag lumingon sa katabi dahil lalo lamang tumitindi ang kabang nadarama niya. Subalit hindi niya mawari kung saan nagmumula ang tila pisi na humihila sa kan'ya para sulyapan ito.Magkasalubong ang kilay ni Calvin na animo'y galit sa sasakyang nasa unahan. Ang mga kamao nito'y halos pumuti na sa higpit nang pagkakahawak sa manibela.Mabilis na ibinalik ni Alea ang tingin sa daan. Malalim siyang huminga.Paano niya sasabihin dito ang kalagayan gayong tila galit ito ngayon sa kan'ya?Kung tutuusin nga ay siya dapat ang magalit dito dahil ilang araw itong walang paramdam. Gayunpaman, tila walang puwang sa puso niya ang galit o tampo para dito.Huli man, ang mahalaga ay dumating si Calvin.Ang kaba'ng nadarama niya ay nadagdagan nang matanaw niya na ang mataas na gusali kung saan sila nanunuluyan. Hudyat iyon na kailangan niya nang sabihin sa lalaki ang bali
"Alas-otso nang gabi dapat nasa hotel ka na. Room 103. Galingan mo nang makabuo kaagad. Ayaw ni Mrs. Cruz na abutin kayo ng higit sa dalawang oras ng mister niya," paalala ni Mami Rose, ang kilalang bugaw sa kanto ng Clarete Street, kay Althea Olivan o Alea kung tawagin.Wala sa sariling tumango si Alea. Sa gulo ng kan'yang isipan ay hindi niya na namalayan ang mabilis na paglalakad ng kausap patungo sa pumaradang kotse sa madilim na bahagi ng daan upang mag-alok ng babae.Balisa siyang naglakad palayo sa lugar nang marinig niya ang pagtawag ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi siya pokpok para lumapit doon.Kaliwa't kanan na inuman at chismisan ng mga tao sa tabi ng squatter's area kahit gabi na, hudyat na siya'y malapit na sa bahay nila. "Hindi po ako sasama sainyo! Bitiwan n'yo ako!" Ang sigaw ng kapatid niya'ng si Mayumi ang nagpabilis sa paglalakad niya.Natanaw niya ang marahas na paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ng nag-iisang kapatid. Sapilitan itong hinihila p
"S'yempre maglalasing ako, pampalakas ng loob. Malas lang, maling kwarto ang napasukan ko. Kaya pala babae ito. Sige na, subukan ko'ng singilin 'to." Ang boses ng lalaking kaniig kagabi ang gumising kay Alea. Nakatalikod ito sa kan'ya habang mayroong kausap sa telepono. Nakapameywang ito kaya mas lalong nadepina ang matikas nitong likod. Nakasuot na ito ng pantalon subalit wala pa'ng damit pang-itaas. Higit itong mas bata kay Mrs. Cruz, marahil ay matanda lamang sa kan'ya ng ilang taon.Nang ibaba ng lalaki ang telepono ay mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo. Nagbihis siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Gulo ang kan'yang buhok at mugto ang mga mata. Mas lalo pa yata itong mamumugto dahil tumulo na naman ang luha mula doon.Bakit ba napakaiyakin niya gayong malakas naman ang kan'yang loob?Naghilamos siya upang mahimasmasan. Kailangan niyang panindigan ang kan'yang nasimulan. Siyam na buwan na sustento kaya hindi sila magtitiis. Kailangan niya lamang na mas lalo pa'ng
Isa, dalawa hanggang lima ang hakbang na ginawa ng lalaki para makalapit kay Alea. Bawat hakbang nito ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa dumidilim niya nang mundo."Mukhang may utang din sainyo ang babaeng ito. Sa akin din kasi. Sa katunayan, mas matagal pa ang utang niya sa akin kaysa sainyo kaya nararapat lamang na sa akin siya sumama. Isa pa, nag-usap na kami at pumayag na siya."Walang ideya si Alea sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya kailanman gagawing pambayad ang buong pagkatao. Gayunpaman, mas nanaisin niyang sumama dito kaysa sa mga tauhan ni Mr. Lee.Pagak na tumawa ang dalawang tauhan. "Kung ako sa'yo huwag ka nang makialam dito," pagbabanta pa ng isa.Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at humalikipkip pa'ng pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang mga tauhan, animo'y minamaliit.Hindi ba natatakot ang lalaking ito sa mga baril na nakasukbit sa dalawang tauhan? Katanungan ni Alea sa sarili."Paano kung ayoko?" maangas pang tanong ng lalaki.May kalakihan din ang pa
Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon.Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob.Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area."Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala at n
Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli.Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan.Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee.Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong.Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya."Alea. Alea." Ang mahinang