Share

Ikalabing-anim na Pahina

Mahirap maghintay, sabi nila. Subalit para kay Alea, nakakasabik ito kung ang hinihintay mo ay ang taong may puwang na sa buhay mo.

"Ate, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Mayumi nang makita si Alea sa veranda.

Umiling si Alea bilang sagot at sinamahan ang kapatid patungo sa kwarto. Isang buong araw na silang nasa condo unit ni Calvin at hindi bumisita o tumawag man lang ang lalaki.

Nauunawaan niya iyon dahil bumabalik pa lamang ang alaala nito. Gusto niyang isipin na bumabawi ito sa pamilya o 'di kaya'y sa babaeng nagngangalang Eunice.

Walang binanggit si Calvin kung sino ba talaga ito? Kung may asawa't anak na o nobya, kaya hindi maiwasan ni Alea ang labis na mag-isip.

Sumapit ang pangalawang araw, dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto nang marinig ang pagtunog ng door bell. Nagpaskil siya ng ngiti sa labi at bahagya pa'ng inayos ang buhok ngunit nawala din ang pagkasabik niya nang mapagtantong ang room attendant iyon na maghahatid ng agahan nila.

Hindi siya nag-order ng pag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status