Share

Ikalabing-Pitong Pahina

Paulit-ulit na minamasahe ni Alea ang palad habang binabaybay nila ang daan patungo sa eksklusibong condominium. Sinusubukan niya'ng huwag lumingon sa katabi dahil lalo lamang tumitindi ang kabang nadarama niya. Subalit hindi niya mawari kung saan nagmumula ang tila pisi na humihila sa kan'ya para sulyapan ito.

Magkasalubong ang kilay ni Calvin na animo'y galit sa sasakyang nasa unahan. Ang mga kamao nito'y halos pumuti na sa higpit nang pagkakahawak sa manibela.

Mabilis na ibinalik ni Alea ang tingin sa daan. Malalim siyang huminga.

Paano niya sasabihin dito ang kalagayan gayong tila galit ito ngayon sa kan'ya?

Kung tutuusin nga ay siya dapat ang magalit dito dahil ilang araw itong walang paramdam. Gayunpaman, tila walang puwang sa puso niya ang galit o tampo para dito.

Huli man, ang mahalaga ay dumating si Calvin.

Ang kaba'ng nadarama niya ay nadagdagan nang matanaw niya na ang mataas na gusali kung saan sila nanunuluyan. Hudyat iyon na kailangan niya nang sabihin sa lalaki ang bali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ezeil Maris Palomino Salva
update naman po author
goodnovel comment avatar
Noraisa Luminog
bkit wla p update?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status