Share

Ikalabing-dalawang Pahina

Masyado nang mahaba ang gabi para kay Alea at sa kan'yang kapatid ngunit hindi yata dadapuan ng antok ang una dahil panay pa din ang paglingon nito sa tabi ng daan. Kulang na nga lang ay utusan niya ang katabi na bagalan ang pagmamaneho upang masiyasat niya nang maigi ang bawat sulok at nang masiguro na hindi niya nalipasan si Pio.

"Huwag ka mag-alala, hindi tayo masusundan ng mga iyon," ani Attorney Arim Valle na siyang naglitas sa kanila.

Si Attorney Arim ay matagal niya nang kakilala buhat nang manilbihan siya sa karinderia sa palengke. Pampublikong abogado si Arim at masasabi niyang napaka-simple nito. Mabait at walang arte sa katawan kahit pa buhat ito sa mayamang angkan.

"Hinahanap ko kasi si Pio," pag-amin niya. Baka sakaling matulungan siya nito.

"Pio? May nobyo ka na ba? Don't tell me, nagpakasal ka na kaya matagal ka nang wala sa karinderia?" sunod-sunod ang naging tanong ni Arim sa kan'ya na kaagad niya din naman pinabulaanan.

"Kaibigan ko siya. Nagkahiwalay kami kanina nan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status