Share

Ikalabing-tatlong Pahina

Naniniwala ka ba sa hipnotismo?

Pakiramdam ni Pio ay ito ang tawag sa nangyayari sa kan'ya ngayon.

Hindi niya magawang ialis ang tingin sa mestisang babae na mayroong mahabang buhok. Nakadungaw ito sa bintana ng magarang sasakyan kasama ng demolition team.

Pakiramdam niya'y nakita niya na ito kung saan ngunit nahihirapan siyang alalahanin iyon. Pumikit siya at hinilot ang sintido, pilit na inaalala ang pagkakakilanlan ng babae.

Dumilat siya nang maramdaman ang mabagal na pag-usad ng sasakyan mula sa mabigat na daloy ng trapiko.

Lumalayo man ay hindi niya mabawi ang pagtingin dito.

"Eunice..." kusang lumabas ang pangalan na iyon sa kan'yang bibig.

"Sandali po!" saad niya sa driver na hindi pa man naitatabi ang sasakyan ay bumaba na siya.

Wala siyang ibang nakikita at naririnig dahil ang isipan niyang okupado ng mga pira-pirasong alaala na unti-unting nagdudugtong sa bawat isa.

Kasabay nito ay ang tila pamamanhid ng kan'yang katawan at pagsakit ng ulo, subalit pilit niyang nilalabanan a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status