Share

Ikapitong Pahina

"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril."

"Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat."

Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina.

Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla.

Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan.

"Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka tala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status