مشاركة

Chapter 7

مؤلف: carmiane
last update تاريخ النشر: 2024-08-04 17:03:21

Celina's Point of View

"Gumising ka na, Celina!" Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang malakas na boses ng aking ina.

Nakita ko siya na nakatayo sa gilid ko kaya ipinikit ko ulit ang aking mga mata para matulog ulit. Inaantok pa ako at wala rin akong balak na sumama sa family dinner nila. Sampid lang naman ako sa pamilyang ito.

"Kailangan mong gumising!" Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. "Maligo ka at magbihis dahil meroon tayong family dinner ngayon."

"Anong oras na ba?"
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 53

    Napamulat ako at napadaing sa sakit dahil sa malakas na pagsampal sa akin ng isang lalaki na hindi ko namumukhaan. Nakatali ang dalawang kamay ko sa aking likod habang ako ay nakaupo, pati na rin ang dalawa kong paa kaya hindi ako makagalaw ng maayos o makaganti man lang sa lalaking nasa harap ko.Masama siyang nakatingin sa akin habang nakangisi na para bang nang aasar pa siya. Tinignan ko ang paligid para sana hanapin ang nanay ko, pero hindi ko siya nakita. Ngayon ko lang din napansin na nasa maliit kaming kwarto at nakatutok sa akin ang sobrang liwanag na ilaw."Ayan gising ka na, hindi na ako mahihirapan sa'yo. Hindi katulad ng nanay mo na kahit anong sampal ko, ay napakatagal gumising. Nasaktan ata sa ginawa ko sa kaniya," nakangiting sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo."Nasaan siya?! Saan niyo siya dinala!" Gusto ko siyang sigawan ng napakalakas, pero hindi kinakaya ng lalamunan ko. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayare, paulit ulit na lang nagiging ganito, pero parang

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 52

    Pagkababa na pagkababa namin ni Massimo sa eroplano, ay agad kaming sumakay sa itim na sasakyan na nakaabang sa amin. Si Massimo ang driver at ako naman ay nakaupo sa tabi niya. Gusto kong matulog, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyare sa amin ni Massimo sa cr ng eroplano nila. Kaya hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako kahit hindi na namin kasama ang mga flight attendant na nag-asikaso sa amin kanina."You should sleep, alam kong pagod ka." Napayuko sabay kagat ng aking labi. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Massimo kaya kumunot ang noo ko sabay tingin ng masama sa kaniya. "What? I'm talking about the jetlag," habang sinasabi niya ang mga katagang 'yan, ay tumatawa siya na para bang inaasar niya ako.Hindi ko naman na kailangan matulog dahil mabilis lang ang byahe namin papuntang mansion. Baka sumakit lang ang ulo ko kapag nagising ako dahil kulang sa tulog. Kaya hindi na ako matutulog, tititigan ko na lang si Massimo magdamag. Papikit na sana ang aking mga mata da

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 51

    Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang kumakain. Ito namang si Noah ay hindi mapakali dahil kanina niya pa ako niyayaya na libutin ang school na 'to. pero hindi ako pumapayag dahil mas gusto ko na si Massimo ang kasama ko. Ayaw ko naman sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang maging tour guide dahil baka maoffend siya, kaya ang sinasabi ko na lang ay tinatamad akong maglakad."Samahan mo na lang ako kung saan nagmemeeting sina Massimo, dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya." Tamad kong tinignan si Noah kaya napakamot na lang siya ng ulo. "Bakit? Hindi ko ba pwedeng istorbohin si Massimo kapag nasa meeting? May kailangan lang talaga akong sabihin sa kaniya.""Pwede naman, pero hindi kasi gusto ni Massimo na iniistorbo siya lalo na kung nagmemeeting sila. Baka mawala lang siya sa mood.""Pinsan niya ako kaya hindi naman siguro siya magagalit kung may sasabihin lang ako sa kaniya." Nakita ko siyang tumungo kaya tumayo siya sabay harap sa

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 50

    Celina's Point of View*Nalula ako sa sobrang laki at lawak ng school na nasa harap ko ngayon. Hindi siya makapaniwala na meroon pa lang school na malapalasyo ang datingan. Siguro sobrang yaman ng mga estudyante rito at sa sobrang yaman nila, ay parang mga royalty na ang datingan.Nasa paaralan ba talaga ako? Totoo ba itong nakikita ko? Kung dito ako mag-aaral, ay malaking opportunity ito para sa ako. Maaari akong magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero sa sobrang ganda ng school na ito magkano naman ang tuition dito? Napapaisip tuloy ako kung bagay ba ako rito o hindi."Sorry for keeping you waiting." Napatingin ako kay Massimo nang narinig ko ang boses niya sa likod ko. Meroon siyang dala na brochure at ibinigay sa akin nang makalapit siya sa akin. "Nandiyan lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa paaralan na ito. Basahin mo 'yan ng maayos para makapagdesisyon ka kung dito ka mag-aaral.""I don't think kailangan ko pang basahin 'to para lang makombinsi ko ang sarili ko na ri

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 49

    Third Person's Point of View*Tumatakbo si Nirvana habang ang kaniyang mga katawan, ay nanginginig, pati na rin ang kaniyang mga luha, ay patuloy na lumalabas sa kaniyang mga mata.Natatakot at kinakabahan siya para sa kaniyang kaibigan. Ang akala niya, sabay silang lalabas para maging ligtas, pero hindi niya inakala na papasok pa rin ang babae sa loob para lang tulungan ang mga ibang estudyante na makatakas. Hindi niya alam ang nangyayare sa loob ng paaralan ngayon, pero ginagawa niya ang sinabi sa kaniya ni Xia na tawagan ang pangalan na Maxio. Hindi niya kilala kung sino 'yun, pero iyon ang unang nakita niya sa calls ng kaibigan kaya iyon ang paulit-ulit niyang tinatawagan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang sumasagot ang lalaki.Kung kailan kailangan ng tulong ni Xia, ay doon naman wala ang pamilya niya para tulungan niya. "Sumagot na kayo please!" nanginginig na saad niya sa kaniyang sarili habang nakalagay ang cellphone ni Xia sa kaniyang tenga. Kanina

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 48

    Meaxiana Point of View* "Nirvana," tawag ko sa aking kaibigan, pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kakabasa ng isang libro na ang pamagat ay 'All I Want Is You' it's a romance novel. Kaya hindi ako makarelate sa binabasa niya dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa. "Vana!" sigaw ko kaya ibinaba niya ang kaniyang libro sabay nakakunot na tumingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pinagpalit mo na ba ako ngayon sa libro mo? Hindi mo ba nakikita na nabobore na ako rito?" Bumuntong hininga si Vana at inilagay ang libro niya sa kanyang bag kaya napangiti ako. "Bakit kasi hindi ka rin magbasa? Iyon lang naman ang inaatupag natin dito sa garden ng school." "Wala ako sa mood magbasa ngayon dahil nagugutom ako. Sa tingin mo ba masarap ang pagkain ngayon sa canteen?" "Pareparehas lang naman ang pagkain doon kaya huwag ka na maghanap ng masarap. Kung gusto mo ng masarap sa labas tayo kumain." Tumayo si Vana kaya tumayo na rin ako. "Tara

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 47

    Habang kinakantahan nila si Noah ay nakatingin lang ako kay Massimo na nakatayo sa sabi ni Noah. Seryoso lang ang expression nito na parang hindi siya masaya na birthday ng kaniyang kaibigan.Ako naman ay nasa tabi lang, dahil ayaw kong makipagsiksikan sa mga taong nakaligod sa kanila. Kaya tahimik

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 46

    "Are you ready to go home?" Napahawak ako sa noo ko nang agad kong naalala na wala pa pala akong tutulugan dito. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Massimo. Hindi ko pa naman alam kung saan ako matutulog at gabi na rin. "What? Are you okay?" Tinignan ko ang nag-aalalang mukha ni Massimo sabay ngu

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 45

    Celina's Point of ViewSa sobrang dami naming pinuntahan kanina, ay napagod ako kakalakad. Hindi ko inaasahan na magagandahan ako sa lugar na ito. Parang kanina lang, ay bumaba ako sa eroplano na walang planong maglibot at kumilala ng ibang tao, pero ito ako ngayon pagod na pagod na sa sobrang saya

  • The Betrayal of Massimo Montanelli    Chapter 44

    "Are you okay?" Napatingin bigla si Celina sa babae nang marinig niya ang boses nito. Dahil siguro sa daming iniisip, ay hindi niya na napansin ang babae. Kanina pa ba ang babaeng iyon sa labas? Narinig niya ba ang usapan nila ni Massimo? Hindi naman niya siguro narinig dahil kanina pa rin siya na

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status