Share

I Know You Like Me

Author: Boss Chef
last update publish date: 2026-10-13 08:16:59

Chapter 5

Kinabukasan, iisa lang ang plano ko: magtrabaho nang maayos, tapusin ang revisions, at kumilos na parang walang kakaibang nangyari kagabi. Simple lang, hindi ba?

Pero mukhang hindi nakikisama sa akin ang mundo.

Alas-nuwebe pa lang ng umaga, tatlong beses ko nang binasa ang message ni Jaxith bago ako pumasok sa trabaho.

Jaxith: Don't skip breakfast today.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. Hindi niya naman ako nanay, at lalong hindi niya trabaho ang siguraduhing kumakain ako sa tamang oras.

Pero napangiti ako.

Nakakainis talaga.

"May magandang balita ba?" tanong ni Nina habang inilalapag ang kape sa mesa niya.

Agad kong binitawan ang cellphone ko. "Wala."

"Kung wala, bakit ka nakangiti?"

"Masama bang ngumiti?"

"Hindi. Pero kapag ikaw ang nakangiti nang ganyan, siguradong may kinalaman 'yan sa isang lalaking ayaw mong aminin na gusto mo."

"Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinumbong sa HR dahil sa pang-aabala."

"Go ahead. Sasabihin ko rin sa HR na ginagamit mo ang office hours para magbasa ng sweet messages."

"Anong sweet message? Sinabihan niya lang naman akong kumain."

Napatigil si Nina. Dahan-dahan siyang napangiti habang nakatingin sa akin.

"Wait. Sino ang nagsabi sa iyo niyan?"

Hindi ako sumagot.

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Si Jaxith?"

"Nina, please."

"Si Jaxith nga!"

"Ang aga-aga, ang ingay mo!"

Tumawa siya nang malakas kaya napalingon ang dalawa naming katrabaho. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang folder dahil gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko.

"Okay, sorry," sabi niya, kahit halatang hindi siya nagsisisi. "Pero aminin mo, iba na ang pakikitungo niya sa iyo."

"Professional lang siya."

"Talaga? At professional concern din ba ang pagsabi niyang mag-message ka kapag nakauwi ka na?"

"Wala ka na bang ibang ginawa kundi asarin ako?"

"Because you're making it too easy."

Kinuha ko ang mga drawing at tumayo. "May meeting ako."

"Wala kang meeting hanggang alas-diyes!"

"Magre-ready ako!"

Umalis na ako bago pa siya makapagsalita ulit. Pero kahit malayo na ako, naririnig ko pa rin sa isip ko ang pang-aasar niya.

At ang mas nakakainis?

Tama naman talaga siya.

Dumating ako sa Valdemore International sampung minuto bago ang meeting. Pagpasok ko sa lobby, nakita ko agad si Clara na may hawak na tablet malapit sa reception desk.

"Good morning, Lyra."

"Good morning. Nasa office na ba si Jaxith?"

"He's expecting you. Nasa conference room na siya."

Tumango ako at nagpasalamat bago dumiretso sa elevator. Habang umaakyat, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maayos naman ang buhok ko. Simple ang suot kong cream blouse at itim na pantalon. Wala namang kakaiba sa itsura ko.

Pero bakit pakiramdam ko, kailangan kong siguraduhing maganda ang itsura ko kapag kaharap ko siya?

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Lyra, trabaho lang ito.

Pagbukas ng elevator, dumiretso ako sa conference room. Nasa loob na si Jaxith, nakaupo sa dulo ng mesa habang may binabasang documents. Nang bumukas ang p***o, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti.

Ngiting kagaya ng nakita ko kagabi.

"Good morning," bati niya.

"Good morning."

"You're early."

"Mas maaga kaysa sa inaasahan mo?"

"Actually, yes."

Umupo ako sa kabilang panig ng mesa at inilabas ang mga drawing. "May problema ba kung maaga akong dumating?"

"None at all."

Kinuha niya ang isang folder na nasa tabi niya bago muling tumingin sa akin.

"I was just thinking that you might be avoiding me today."

Napahinto ang kamay ko. "Why would I avoid you?"

Sumandal siya sa upuan habang pinagmamasdan ako, na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.

"That's what I'm asking."

"Jaxith, alas-nuwebe pa lang. Wala pa akong sapat na kape para sa mga tanong mong walang connection sa project."

Tumawa siya, at hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya.

"Fine. Let's talk about work."

"Thank you."

Sinimulan ko ang presentation at ipinaliwanag ang mga pagbabagong ginawa ko sa lighting arrangement. Nakinig siya habang ipinapakita ko ang updated drawings at nagtanong tungkol sa materials at installation schedule.

Naging maayos ang meeting. Walang pagtatalo, walang reklamo, at walang malaking pagbabago sa plano.

Pero sa tuwing natatapos akong magsalita, napapansin kong nakatingin pa rin siya sa akin.

Hindi sa drawing.

Sa akin.

Huminto ako sa pagpapaliwanag at tiningnan siya. "May mali ba sa mukha ko?"

"Why?"

"Kanina ka pa nakatingin."

"Am I not allowed to look at the person presenting my project?"

"Allowed naman. Pero may screen sa harap mo. Baka gusto mo na lang doon tumingin."

Napatawa siya. "You're nervous."

"Hindi."

"You are."

"Jaxith, kung gusto mong baguhin ang design, sabihin mo na lang. Huwag mo akong i-psychological analysis."

Tumiklop siya ng mga braso at sumandal sa upuan. "Interesting."

"Ano na naman?"

"You talk more when you're nervous."

Napakurap ako. "Hindi ako kinakabahan."

"Okay."

"At hindi rin ako umiiwas sa iyo."

"I didn't say you were."

"Pero iyon ang ipinapahiwatig mo!"

Lalong lumawak ang ngiti niya, at doon ko na-realize na nahulog na ako sa sarili kong bitag. Ako mismo ang nagbigay sa kanya ng dahilan para lalo akong asarin.

Napailing ako at muling inayos ang mga papel sa harap ko.

"Can we please continue?"

"Of course, Ms. Solvana."

Masyadong masaya ang boses niya, na lalo lang nagpagulo sa isip ko.

Hindi ko alam kung sinasadya niya akong asarin o talagang ganoon siya kapag komportable sa isang tao. Hindi ako sanay na may lalaking kayang guluhin ang isip ko sa ilang salita lamang. At lalong hindi ako sanay na gusto kong hayaan siyang gawin iyon.

Natapos ang meeting nang mas maaga kaysa sa inaasahan ko. Habang inilalagay ko sa bag ang mga dokumento, tumayo si Jaxith at lumapit sa mesa ko.

"Are you free for lunch?"

"May kailangan pa akong tapusin sa office."

"That wasn't my question."

Napatingin ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"I'm asking if you want to have lunch with me."

"Para saan?"

"Do I need a reason?"

"Usually, oo."

Ngumiti siya na para bang inaasahan na niya ang sagot ko.

"Then let's say I want to discuss the project over lunch."

"Natapos na natin ang project discussion."

"Then we'll discuss something else."

Napahawak ako sa strap ng bag ko habang pinag-iisipan ang isasagot.

Dapat tumanggi ako kung gusto kong mapanatiling simple ang lahat. Dapat sabihin kong marami pa akong kailangang gawin at mas mabuting kumain na lang kami sa ibang pagkakataon.

Pero ang totoo, wala naman akong kailangang tapusin sa oras na iyon.

At hindi ko rin gustong aminin na gusto ko siyang makasama.

"Jaxith, hindi ba puwedeng kumain ang isang tao nang hindi ginagawang meeting ang lunch break niya?"

"Of course. We can talk about anything you want."

"Anything?"

"Anything."

Tinitigan ko siya, sinusubukang alamin kung seryoso ba siya o may balak na naman akong asarin.

"And if I say no?"

His smile faded slightly, but he didn't look offended.

"Then I'll respect that."

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nahirapang tumanggi nang sabihin niya iyon. Walang pamimilit sa boses niya. Hindi niya ako pinaparamdam na kailangan kong sumama dahil siya ang boss o dahil siya ang may-ari ng proyektong ginagawa ko.

Gusto lang niya akong makasama.

At iyon mismo ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.

"Fine," sagot ko sa wakas. "Lunch lang. At huwag mong gawing business meeting."

Ngumiti siya, at sa pagkakataong iyon, halatang nasiyahan siya sa sagot ko.

"Deal."

"At ako ang pipili ng kakainan."

"Even better."

Napakunot ang noo ko. "Bakit parang ang saya mo?"

"Because you said yes."

Simple lang ang sagot niya, pero sapat iyon para tuluyan akong mawalan ng maisagot.

Naiwas ko ang tingin ko at nagkunwaring abala sa pagsasara ng bag.

"You're impossible, Jaxith."

"And yet, you're having lunch with me."

"Don't make me change my mind."

Tumawa siya at itinuro ang p***o. "After you, Ms. Solvana."

Naglakad ako palabas ng conference room habang pilit na pinipigilan ang ngiti ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa lunch na iyon, pero may kakaiba akong nararamdaman.

At sa unang pagkakataon, hindi ko na masyadong gustong alamin kung bakit.

Dahil baka, sa kaibuturan ng puso ko, alam ko na ang sagot.

Gusto ko rin siyang makasama.

Ang problema lang, mukhang alam na niya iyon bago ko pa kayang aminin sa sarili ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman He Almost Married

    Chapter 8 Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagulat.Ang malaman na may babaeng nagngangalang Celeste na naging bahagi ng buhay ni Jaxith, o ang marinig mismo mula sa kanya na muntik na silang magpakasal. For a moment, parang nawala ang lahat ng ingay sa lobby.Naririnig ko pa rin ang mga taong nag-uusap, ang tunog ng elevator, at ang mahinang pagtunog ng mga cellphone sa paligid. Pero wala sa mga iyon ang kayang agawin ang atensyon ko mula sa dalawang taong nasa harapan ko.Celeste looked confident.Jaxith looked furious.And me? I felt stupid for reasons I couldn't explain. "Celeste," malamig na sabi ni Jaxith. "I told you, not here." She tilted her head. "Why? Natatakot ka bang malaman niya ang totoo?" "Enough." I had never heard Jaxith speak that way before.Wala ang karaniwan niyang kalmadong tono. Wala rin ang ngiting madalas niyang gamitin kapag gusto niya akong asarin. His voice was firm enough to make Celeste pause, but only for a second. Then she looked at me again.

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Woman in the Photograph

    Chapter 7 Ilang beses kong tiningnan ang larawan bago ko tuluyang ibinaba ang phone ko.Hindi dahil malinaw na malinaw ang mukha ng babae sa tabi ni Jaxith.Kundi dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso nito.Komportable.Parang matagal na silang magkakilala. Parang hindi na nila kailangang mag-isip kung paano kikilos sa isa't isa.At ang pinakakinaiinisan ko sa lahat?Wala naman akong karapatang maapektuhan.Wala kaming relasyon ni Jaxith. Hindi niya ako niligawan. Hindi rin siya nangakong ako lang ang gusto niyang makasama.Lunch lang ang pinagsaluhan namin.Isang simpleng lunch na ako mismo ang pumayag.So why did the picture bother me?“Lyra?”Napalingon ako kay Nina, na nakatayo sa tabi ng desk ko habang may hawak na folder.“Are you okay?”“Yeah.”She studied my face. “You don't look okay.”“I'm just tired.”Hindi siya agad naniwala. Pero sa halip na pilitin akong magsalita, inilapag niya ang folder sa mesa ko.“Fine. Pero kung kailangan mong mag-rant, nandito lang ako.”

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    Just Lunch, Nothing More

    Chapter 6 Akala ko, ang pinakamahirap na bahagi ng araw ko ay ang makasama si Jaxith Valdemore sa isang lunch na hindi ko naman talaga kailangang puntahan.Nagkamali ako.Ang pinakamahirap pala ay ang magpanggap na ordinaryong lunch lang iyon kahit ilang minuto pa lang kaming magkasama, pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang kakayahan kong kumilos nang normal.“So, where are we going?” tanong ni Jaxith habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa elevator.“Somewhere quiet.”“Quiet?”“Yes. Yung lugar na hindi ako kailangang sumigaw para lang marinig ang sarili kong iniisip.”He chuckled. “Am I that distracting?”Hindi ako agad sumagot.Dahil ang totoo, oo.Pero hindi ko iyon sasabihin sa lalaking mukhang masayang-masaya tuwing nahuhuli niya akong hindi makasagot sa mga tanong niya.“Your ego is showing again, Mr. Valdemore.”“Should I hide it?”“Please. Nakakaabala sa public.”Napatawa siya. At gaya ng mga nakaraang pagkakataon, nahuli ko na naman ang sarili kong nakatingin s

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    I Know You Like Me

    Chapter 5Kinabukasan, iisa lang ang plano ko: magtrabaho nang maayos, tapusin ang revisions, at kumilos na parang walang kakaibang nangyari kagabi. Simple lang, hindi ba?Pero mukhang hindi nakikisama sa akin ang mundo.Alas-nuwebe pa lang ng umaga, tatlong beses ko nang binasa ang message ni Jaxith bago ako pumasok sa trabaho.Jaxith: Don't skip breakfast today.Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. Hindi niya naman ako nanay, at lalong hindi niya trabaho ang siguraduhing kumakain ako sa tamang oras.Pero napangiti ako.Nakakainis talaga."May magandang balita ba?" tanong ni Nina habang inilalapag ang kape sa mesa niya.Agad kong binitawan ang cellphone ko. "Wala.""Kung wala, bakit ka nakangiti?""Masama bang ngumiti?""Hindi. Pero kapag ikaw ang nakangiti nang ganyan, siguradong may kinalaman 'yan sa isang lalaking ayaw mong aminin na gusto mo.""Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang sinumbong sa HR dahil sa pang-aabala.""Go ahead. Sasabih

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    One Night, Two Honest Hearts

    Chapter 4Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging bahagi ng araw ko si Jaxith Valdemore. Dati, sapat na sa akin ang makumpleto ang mga requirements ng project, makausap ang mga client, at makauwi nang hindi sumasakit ang ulo dahil sa dami ng kailangang gawin. Pero nitong mga nakaraang araw, nahuhuli ko ang sarili kong tinitingnan ang cellphone ko kahit wala naman akong hinihintay na mahalagang mensahe. At kung may bagong notification, hindi ko maiwasang tingnan kung pangalan niya ang nakalagay.Nakakainis. Lalo na dahil alam kong wala naman akong karapatang umasa sa kahit ano.Trabaho lang ang nag-uugnay sa amin. Siya ang may-ari ng hotel na ginagawa namin, at ako ang interior designer na responsable sa itsura nito. Kapag tapos na ang project, matatapos na rin ang mga dahilan para magkita kami. Kaya habang maaga pa, dapat ilagay ko sa isip ko kung bakit ako naroon.Trabaho. Hindi pag-ibig."Lyra!"Napalingon ako kay Nina na halos mapasigaw sa tabi ng mesa ko."Ano ba? Bakit ka su

  • The Billionaire Boss Wants To Pamper Me    The Way You Look at Me

    CHAPTER 3Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko bigla na lang naging mas mahaba ang oras kapag naghihintay ako ng tawag mula kay Jaxith Valdemore.Hindi naman sa hinihintay ko siya. Busy lang talaga ako, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa cellphone ko tuwing may natatanggap akong notification.Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mag-lunch kami. Pagkatapos niyon ay naging madalas ang pag-uusap namin tungkol sa hotel project. Minsan, tumatawag siya para magtanong tungkol sa design. Minsan naman, simpleng mensahe lang tungkol sa schedule ng meeting.Tungkol lang sa trabaho.Pero may mga pagkakataon na pagkatapos naming pag-usapan ang proyekto, hindi agad niya ibinababa ang linya. At hindi ko alam kung bakit hindi rin ako ang unang nagtatapos ng usapan."Lyra!"Napalingon ako nang marinig ang boses ng kaibigan kong si Nina. "Yeah?""Kanina pa kita tinatawag. May kausap ka ba?""Wala," mabilis kong sagot habang ibinababa ang telepono.Tumingin siya sa cellphone

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status