MasukEunice's POV
Pagpasok ko sa quarter room, agad akong nanlumo. Tambak ang kung anu-anong gamit—magulo, mabigat sa mata, at nakakadagdag sa pagod na nararamdaman ko. Kung ako lang mag-isa ang maglilinis nito, tiyak na aabutin ako ng dalawang araw. Masakit pa ang buong katawan ko, pagod hindi lang sa pisikal, kundi pati sa mga nangyari ngayong araw—sa lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ni Axel.
Alam kong simula pa lamang ito ng kalbaryong ipaparanas niya sa akin. Pero hindi ako papayag na magtagal sa ganitong sitwasyon. Hindi ako susuko. Kailangan ako ng tita ko. Siya ang dahilan kung bakit kailangan kong lumaban.
Ang kawawa kong tita—nadadamay siya sa kasamaan ng mga magulang ko. Wala na nga sila, pero patuloy pa rin kaming nagdurusa sa mga iniwan nilang kasalanan.
“Hmmm… Zelda, saan ko puwedeng ilagay ang mga ito?” tanong ko sa kaniya.
“May storage sa likod ng mansion. Sandali lang, kukunin ko ang susi,” sagot niya bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ni Zelda, sinimulan ko nang buhatin ang ilang kahon at inilapit ang mga iyon sa pinto. Ngunit habang ginagawa ko iyon, hindi ko na napigilan ang pagluha. Hindi ko na alam kung gaano karami ang aking iniluha ngayong araw. Parang inuubos ako ng pagod—pisikal at emosyonal. Kumakalam na rin ang sikmura ko, at ramdam ko na ang matinding uhaw.
Tatlong mabibigat na kahon pa lamang ang nabubuhat ko, ngunit tila naubos na agad ang lakas ko. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa isang kahon, pilit pinapakalma ang sarili.
"Pahinga lang. Sandali lang… at magpapatuloy din ako." Kausap ko sa sarili ko.
Hindi nagtagal ay bumalik si Zelda, may bitbit na tray ng pagkain at inumin. Kaagad ko siyang sinalubong at halos agawin ko ang tray mula sa kaniyang mga kamay.
Mabilis akong nagsalin ng tubig sa baso at inisang tungga iyon, parang uhaw na uhaw sa buhay. Hindi ko na inisip kung para ba talaga sa akin ang dala niya—kung hindi man, magso-sorry na lang ako.
“S-sorry… kanina pa kasi ako nauuhaw,” hinging paumanhin ko kay Zelda habang ibinababa ang baso.
Ngumiti siya sa akin, may awa sa mga mata. “Para sa iyo talaga ang mga ’yan, Eunice,” sagot niya. “Pero bago ka kumain, gamutin muna natin ang mga sugat mo sa tuhod.”
Doon lamang ako napatingin sa aking mga tuhod. Natuyo na ang dugo sa paligid ng sugat, bakas pa rin ang sakit na kanina ko pa pinipilit balewalain.
"Umupo ka riyan sa isang kahon, at lilinisin ko ang mga sugat mo." Aniya. Pero nakaramdam ako ng hiya.
"A-ako na ang gagawa Zelda, nakakahiya." Ani ko.
"Ano ka ba, sige na umupo ka na." Sinunod ko naman ang sinabi niya.
“Medyo mahapdi ’tong panlinis ha, tiisin mo lang,” paunang sabi ni Zelda habang dahan-dahan niyang nililinis ang sugat ko.
“Ang kinis ng balat mo… parang galing ka sa mayamang pamilya,” dugtong pa niya. “Hindi ko alam kung anong kasalanan ang sinasabi ni sir kanina at bakit galit na galit siya sa’yo. Matagal na kaming nagtatrabaho rito, pero kanina lang namin siya nakita at narinig na nagalit nang gano’n.”
Tahimik lang ako habang ginagamot niya ang sugat ko. Wala akong lakas para magpaliwanag, at kahit meron man, hindi ko alam kung saan magsisimula.
“Ayan, tapos na,” sabi niya matapos lagyan ng benda ang tuhod ko. “Kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas. Mamaya na natin ituloy ang paglipat ng mga gamit.”
Hindi na ako nakasagot. Gutom na gutom na talaga ako. Sunod-sunod ang naging pagsubo ko, siguro wala pang limang minuto ay ubos na ang pagkaing dala ni Zelda.
“Zelda… maraming salamat,” sabi ko, ngayon lang nakahanap ng lakas ng loob na magpasalamat.
“Ayos lang ’yan,” sagot niya na may ngiti. “Magpahinga ka muna. Ako na muna ang magsisimula sa paghahakot para mabawasan ang tambak dito.”
At habang nagsisimula na siyang maglipat ng mga gamit, hinila ko naman ang ilang magagaan na kahon palapit sa pinto—kahit papaano, gusto ko ring makatulong.
Nang maramdaman kong mas maayos na ang pakiramdam ko, nagsimula na rin akong tumulong sa paghahakot.
“Zelda, salamat talaga ha?” muli kong pasasalamat sa kaniya.
“Ano ka ba, wala ’yon,” sagot niya agad. “Wala namang ibang magtutulungan dito kundi tayo-tayo lang din.” Ngumiti siya sa akin, kaya napangiti rin ako.
“Ang ganda mo, Eunice,” dugtong pa niya. “Hindi bagay sa’yo ang tutulugan mo at ang magiging trabaho mo rito.”
Hindi na ako nakapagsalita. Ngumiti na lang ako, kahit sa loob-loob ko ay may kung anong kumirot.
“Zelda!”
Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Axel. Pabalik na kami sa quarter.
“S-sir…” nanginginig na sagot ni Zelda.
“Ang instruksyon ko ay ihatid mo lang siya sa tutulugan niya,” malamig niyang wika. “Hindi ko sinabing tulungan mo siyang maglinis.”
Pumasok siya sa loob ng quarter, habang si Zelda ay nanatiling nakatayo, halatang takot.
“Sinong nagsabi sa’yo na pakainin mo siya?” muling singhal niya.
“S-sorry po, sir,” mahinang sagot ni Zelda. “Kung hindi po siya kakain, wala po siyang lakas para linisin ang tutulugan niya.”
“Ayoko ng paliwanag,” putol ni Axel. “Mula ngayon, ako ang magsasabi kung kailan siya kakain—o kung kakain ba siya. Do you understand?”
Tumango agad si Zelda, nangingilid ang luha.
“Isang beses lang kayong sumuway,” dugtong niya, malamig ang tinig, “at mawawalan ka ng trabaho.”
“A-Axel, wa—”
“Shut up!” agad niyang putol nang tangkain kong magsalita. “I told you, I don’t want to hear your voice!”
Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Para akong sinakal sa nararamdaman kong bigat ng dibdib, pilit nilulunok ang hikbi.
“Ipagtimpla mo ako ng kape, Zelda,” utos niya, hindi man lang tumingin sa akin. “Hayaan mo ang babaeng ’yan.”
Nagmamadaling tumango si Zelda at agad na umalis.
“At ikaw,” malamig niyang baling sa akin. “Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. Huwag na huwag mong subukang tumakas.”
Lumapit siya ng isang hakbang, sapat para maramdaman ko ang bigat ng presensiya niya kaya napaatras naman ako.
“Kapag ginawa mo ’yon,” dugtong niya, mababa ngunit mabigat ang tinig, “ipapabaril kita.”
Nanlambot ang mga tuhod ko. Oo nga pala, may mga guwardiya sa gate. Wala akong takas.
Nang makaalis na si Axel ay ipinagpatuloy ko na ang paghahakot at paglilinis.
Halos mabuwal na ako sa pagod nang matapos ko ang lahat. Hindi ko na alam kung anong oras na. Gusto ko nang magpahinga, pero mas lalo lamang akong nanlumo—wala man lang akong kama na mahihigaan sa silid na ito.
May iniwan akong isang kahong walang laman kanina. Sa isa pang kahon, nakakita ako ng lumang unan at telang puwedeng gawing kumot. Sinira ko na ang kahon at inayos iyon sa sahig. Iyon na ang magsisilbi kong higaan.
Nangangati na ang buong katawan ko, marahil dahil sa kapal ng alikabok kanina. Gusto kong mag-shower kahit sandali, pero wala akong pamalit na damit.
Pumasok ako sa banyo at sinilip ang cabinet. Laking ginhawa ko nang makitang kumpleto naman ang mga gamit sa personal hygiene—may sabon, shampoo, at pati tuwalya.
Agad kong hinubad ang lahat ng suot ko at inilaba ang mga iyon. Pagkatapos, naligo ako, hinayaang dumaloy ang tubig sa pagod at hapdi ng katawan ko.
Matutulog na lamang akong nakatapis ng tuwalya. Mag-isa lang naman ako rito sa silid.
Isinabit ko ang mga damit ko sa labas, hinayaang patuyuin sa hangin.
Nang tuluyan nang matuyo ang buhok ko, nahiga na ako sa karton habang nakatapis. Mahigpit kong ibinalot sa katawan ko ang kumot, tila ba iyon na lamang ang nagbibigay sa akin ng kaunting init at ginhawa.
Ngunit pumasok sa isip ko si Tita Janice. Kamusta na kaya siya ngayon? Nakainom na kaya siya ng gamot? May kasama kaya siya, o mag-isa na naman? Biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko napigilang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
Sa gitna ng pagod at pag-aalala, habang yakap ang sarili, doon na ako tuluyang nakatulog.
Axel’s POVSa tuwing sumasalubong sa paningin ko si Eunice, hindi siya tao sa aking harapan. Isa siyang alaala. Isang sugat na muling binubuksan ng panahon. Sa mukha niya, bumabalik ang bawat sigaw na nilamon ng apat na sulok ng kuwartong kinalakihan ko. Sa bawat paghinga niya, naririnig ko ang halakhak ng nanay niya habang ako’y lumuluhod, duguan at nagmamakaawa.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong marinig ang iyak niya, dahil iyon ang tunog ng nakaraan kong hindi kailanman pinakinggan. Gusto ko siyang pahirapan kagaya ng paghihirap ko noon.Bata lang ako. Masyadong maliit para lumaban. Masyadong inosente para maunawaan kung bakit kailangan kong masaktan. Ang katawan ko ang nagsilbing kalasag ng lahat ng galit ni Amy. Sa bawat hampas ng latigo, napunit ang balat ko, ang kaluluwa ko ang unti-unting namatay. Wala akong armas kundi ang pagmamakaawa. Wala akong sandata kundi ang pag-iyak.Ang latigong iyon ang naging guro ko. Na ang tanging aral na natutunan ko ay ang manahimik,
Axel’s POVEven before my real family found me, Dad and Austin were already making their moves. They quietly conducted an investigation while Dad pretended that he still had amnesia. He used that weakness to gather evidence and slowly strip away Amy’s mask.Until they found me.They had me kidnapped back then, but not to torture me, only to talk. They knew I was angry at them. I grew up believing that Dad abandoned me, because that was what Amy repeatedly drilled into my mind.Hindi ko na siya kayang tawaging mom ngayon. Yes, I used to call her “Mommy,” just the way she wanted. She said she was the only one who truly loved me, the only one on my side in this world. So I let myself be used by her, driven by the desire to return and take revenge on the family I believed had abandoned me. I went along with all of her plans.From sabotaging the relationship between Faith and Austin. I grew up na malaki ang inggit kay Austin, because he was the only one enjoying the life that should have b
⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVDalawang linggo ring hindi nagpakita si Axel sa sarili niyang mansion. Sa wakas ay tuluyan nang gumaling ang mga latay na iniwan niya sa katawan ko. Bumalik na sa ayos ang pakiramdam ko, pisikal. Ngunit sa loob-loob ko, alam kong pansamantala lang ang katahimikang ito.Handa na naman ako sa panibagong pagpapahirap niya.Pero sana… sana’y matagalan pa bago siya muling bumalik.Sa loob ng dalawang linggong iyon, ilang beses ding sumagi sa isip ko ang tumakas. Ngunit tila mas naging mailap pa ang kalayaan kaysa dati. Nagdagdag siya ng mga guwardiya, mas marami, mas mahigpit. Hindi na lamang sa gate may nagbabantay; maging sa paligid ng buong mansion ay may mga nagrorondang armado.Para bang sinisigurado niyang wala akong kahit katiting na tsansang makatakas.Napa
Eunice's POVIsang buwan ang mabilis na lumipas. Isang buwang puno ng iba’t ibang klase ng pagpapahirap ang tiniis ko sa kamay ni Axel.May mga araw na ipinagkakait niya pa rin sa akin ang pagkain, lalo na kapag may kahit kaunting pagkakamali akong nagagawa.Mabuti na lamang at naroon si Zelda, palihim akong tinutulungan, pinupuslitan ako ng pakain, minsan ay tinapay, kung minsan nama’y prutas. Sapat para lamang maitawid ang gutom.Tunay na ginhawa sa akin kapag wala siya sa sarili niyang mansion. Doon ko lamang nararamdaman ang bahagyang paghinga, na para bang pansamantalang naaalis ang batong nakadagan sa aking dibdib.Katulad ngayon, wala siya buong araw kaya magaan kong nagawa ang mga nakaatang na gawain sa akin. Nagawa kong makipag-usap at makipagbiruan sa mga kasama ko.Pagsapit ng hapon, kabado na naman ako dahil alam kong pauwi na siya.Habang naglilinis ng swimming pool, iyon lamang ang umiikot sa isip ko. Ano na naman kaya ang ipagagawa niya sa akin ngayong gabi? Sana’y maka
⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVMatagal akong naghintay sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tila may pumapatak na likido sa mukha ko.Napadilat ako at nakita si Austin, nakatayo sa harap ko, nakatitig nang tahimik. Nakatapis lamang siya at basa pa ang buhok niya.“Get up, and massage me,” utos niya sa malakas na boses, hindi puwede tanggihan, dahil bihag ako. Mabilis akong bumangonnhabang, ang katawan ko’y nanginginig sa kaba at kawalan ng kontrol.Kinuha ko kaagad ang massage oil at sumunod sa kanya sa kami. Nakadapa na siya, wala kahit na anong saplot sa katawan.Gaya ng halos gabi-gabi niyang pinagagawa saken, sinimulan ko ng lagyan ng oil ang likod niya at minasahe. Mabuti na lang at magaling ako sa bagay na ito. Palagi ko k
⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVGabi na naman. Hindi ko alam kung dapat na ba akong matulog o manatiling gising, baka kasi ipatawag na naman ako ni Axel. Pagod na ang katawang-lupa ko sa maghapong gawaing-bahay. Gayunpaman, kahit papaano’y mapalad ako dahil hindi na niya ako pinagkakaitan ng pagkain.Ilang minutong lumipas. Tahimik ang paligid. Walang kumakatok.Marahil ay oras na para ipikit ko ang mga mata.Hindi ko pa man tuluyang nakukuha ang antok nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Sa gulat, napabalikwas ako ng bangon.Nakatapis lamang ako. Dalawang pares lang ng damit ang mayroon ako, at kapwa ko pa iyon nilabhan kanina. Plano ko sanang isuot ang isa, kung sakaling ipatawag ako ni Axel.“A-Axel…” nautal kong anas nang maaninag ko ang anyo niya sa liwanag mula sa labas.Susu







