LOGINEunice's POV
Nagising ako kinabukasan sa mahinang katok sa pinto. Unti-unti akong bumangon para pagbuksan ang kumakatok.
"Zelda..." bulong ko, parang hindi makapaniwala sa sarili kong nakita. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang nakatapis lang ako ng towel. Para akong biglang naging exposed sa isang sandaling napakatagal.
"Sandali lang, kukuha ako ng damit para sa’yo," sabi niya, at mabilis na umalis.
Pagbalik niya, may dala siyang supot na may lamang damit. Pumasok siya sa kwarto at iniabot sa akin ang mga ito.
"Pasensiya ka na, Eunice… naisuot ko na ‘tong mga damit na ito, pero itong mga panty, hindi pa. Wala rin akong maibigay na bra—siguradong hindi kakasya sa’yo," paliwanag niya, habang pansin ko na nakatingin siya sa sarili niyang dibdib bago sumulyap sa akin. Tila napapatawa siya sa sitwasyon, at hindi ko maiwasang tumawa rin. Oo, sobra nga ang laki ng dibdib niya—hindi talaga kakasya ang bra niya sa akin.
"Maraming salamat, Zelda," sabi ko, medyo nanginginig ang boses sa halo ng hiya at pasasalamat.
"O siya, magbihis ka na para makapag-almusal ka na," aniya. Napatingin ako sa kanya, at halata sa tingin niya na nauunawaan niya ang lahat ng hindi ko masabi. May halong pag-alala at pang-unawa sa mga mata niya.
"Wala si sir. Binyag at kaarawan ng kambal niyang pamangkin ngayon," dagdag niya nang mabilis. "Ibinilin ka niya sa akin para turuan ka sa mga gagawin mo dito."
Kahit papaano, nabuhayan ako. Wala si Axel. Malaya akong huminga, malaya akong makakapagsalita.
Hinintay akong makapagbihis ni Zelda, isinuot ko na lamang muli ang bra ko kahapon. Mabuti na lamang at natuyo. Nang handa na ako ay sabay kaming naglakad papunta sa kusina. Pagdating namin, may mga taong kumakain na. Tatlo sila, at agad akong ipinakilala ni Zelda.
"Eunice, ito si Ate Sabel, ito naman si Mabel, at si Kuya Pat," sabi niya.
Binati naman nila ako, ngunit si Mabel ay bahagyang akong inirapan.
"Huwag mo na lang pansinin iyang si Mabel. Insecure lang yan," bulong ni Zelda sa akin. "Dahil hindi na siya ang pinakamaganda rito sa mansion ngayon."
Ngumiti lamang ako sa kanya, ngiti na may halong aliw at pasasalamat sa suporta niya.
Si Kuya Pat naman… iba ang tingin sa akin. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at saka mula paa hanggang ulo. Ramdam ko ang init ng kanyang titig, na parang sinusuri ang bawat galaw at reaksyon ko. Napangiti lang ako ng bahagya, hindi dahil sa saya, kundi dahil medyo nakaka-nerbiyos ang intensity ng titig niya.
Nagpatuloy na silang kumain, kaya nagsimula na rin ako. Dinamihan ko ang aking pagkain—baka pagdating ni Axel ay gutumin nanaman niya ako. Ganun din ang plano ko sa tanghalian, dadamihan ko muli ang kain habang wala pa siya.
Habang nagmamop ako ng sahig, biglang natapon ang tubig mula sa pinaglalagyan ng pagbabanlawan ng mop.
"Ops! Sorry, Eunice, hindi ko sinasadya," sabi ni Mabel. Nakapagtataka, dahil malaki naman ang lagayan ng tubig para hindi niya makita. At hindi rin iyon basta-basta matutumba.
Gayunpaman, ayaw ko ng gulo, kaya nanatili akong tahimik. Minop ko na lang ang natapon at maingat na tinuyong muli ang marmol na tiles, ramdam ang bigat ng bawat galaw at ang maliit na pagkairita sa nangyari, ngunit pinipilit kong manatiling kalmado.
May mga dekuryente namang panlinis, pero ang bilin daw ni Axel ay manu-manong gagamitin ko ang mga ito. Mano-mano akong maglilinis sa mansion niya. Tila ang buong maghapon ko ay mapupuno na lamang ng walis, mop, at tubig. Ramdam ko ang bigat sa katawan at kaunting pagkabagot, ngunit alam kong kailangan ko itong tiisin. Dahil ipinapangako kong pansamantala lamang ito.
Alas-singko na ng hapon nang matapos akong maglinis sa loob ng mansion. Halos wala namang dumi, ngunit pawisan at pagod na pagod ako. Magulo na rin ang buhok ko—hindi ko na inasikaso—dahil ang tanging iniisip ko lang ay matapos agad ang gawain ko.
Lumabas ako ng mansion at nagtungo sa garden, ang pangalawang gawain ko para sa araw na iyon. Agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na humaplos sa balat ko, kaibang ginhawa mula sa mainit at pawisang loob ng bahay. Ang amoy ng mamasa-masang lupa at mga bulaklak ay nagbigay ng kakaibang aliw sa akin.
Habang naglalakad sa mga maayos na taniman, napansin ko ang liwanag ng hapon na pumapasok sa mga dahon, bumubuo ng mga anino na parang dumadampi sa lupa. Para bang kahit saglit lang, nakalimot ako sa pagod at init na naramdaman ko kanina. Sa sandaling iyon, naaalala kong kahit gaano man nakakapagod ang araw, may mga simpleng bagay na nagbibigay ng kapayapaan—at ang garden na ito ay isa na roon.
Nakita ko ang pulang rosas, paborito iyon ni Tita Janice. Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ko maiwasang mapaluha. Ang bawat hibla ng damdamin ko ay bumabalik sa kanya, sa sakit, sa kawalan ko sa tabi niya, at sa kawalan ng magagawa para sa kanya.
"Kamusta kaya siya sa hospital? Tita… sorry, wala akong nagawa," bulong ko sa hangin, at saka tumingala, parang naghahanap ng sagot mula sa mga ulap o sa liwanag ng hapon. Ramdam ko ang bigat sa puso ko, ngunit sa gitna ng lungkot, may maliit na pagnanais na sana’y maramdaman niya na iniisip ko siya.
Abala ako sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga halaman nang marinig ko ang ugong ng makina ng sasakyan. Alam kong si Axel iyon, at bigla akong kinabahan. Pinilit kong ipagpatuloy ang ginagawa ko, pilit na pinatahimik ang tibok ng puso ko.
"Ingatan mo ang mga halaman ko. Once na may mamatay diyan, isusunod kita kaagad."
Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang paglapit ng boses niya. Napahawak ako sa tangkay ng rosas na may tinik, at dumugo kaagad ang daliri ko. Tumingin ako kay Axel, at ramdam ko ang kilabot sa likod ng leeg ko—wala sa mukha niya ang kahit kaunting pag-aalala o simpatiya. Ang tanging naramdaman ko ay malamig na titig niya, parang sinusukat niya ang bawat galaw ko.
Tahimik akong huminga, pinipilit kalimutan ang sakit sa daliri at ang bigat ng kanyang presensya, ngunit alam kong hindi ganoon kadali.
“Go to my room at 8:00 PM. Take a bath first.”
Iyon lang ang sinabi niya bago niya ako tuluyang talikuran.
Nanlambot ang tuhod ko.
Bakit niya ako pinapapunta sa kwarto niya?nAt bakit kailangan ko pang maligo?
Hindi maganda ang kutob ko. Parang may malamig na kamay na sumasakal sa dibdib ko, unti-unting inaagaw ang hangin sa baga ko. Nanghihina ang buong katawan ko sa matinding kaba.
Ayoko. Ayokong pumunta.
Ngunit kahit gustuhin kong tumakbo, parang nakapako ang mga paa ko sa lupa. Unti-unting pumatak ang mga luha ko—tahimik, walang hikbi, luha ng takot at kawalan ng magagawa. Pakiramdam ko’y nag-iisa akong lumulubog, at walang kahit sinong aabot para iligtas ako.
Napakahina ko.
Sobrang hina.
Wala na ang Eunice na nilikha ng ina ko—ang Eunice na marunong lumaban, ang Eunice na may lakas ng loob. Ang natitira na lang ay isang babaeng nanginginig sa takot, pilit kumakapit sa sarili, kahit alam niyang unti-unti na rin niya itong nawawala.
Hindi ko rin naman gusto ang dating ako, ang Eunice na laging sumusunod at takot sa bawat utos. Pero kailangan kong ipakita sa aking ina na nagtagumpay siya. Hindi para sa sarili ko, kundi para kay Tita Janice.
Pagkatapos kong maligo, isinuot kong muli ang damit na dala ko kahapon, pilit pinapakalma ang sarili habang pinipilit isara ang kaba sa dibdib ko.
Bitbit ang matinding takot at kaba, dahan-dahan akong naglakad patungo sa silid ni Axel. Bawat hakbang ay parang mabigat na tonelada. Bitbit ang mga katanungang - ano ang mangyayari kapag pumasok ako? Paano kung…
Nang makarating ako sa tapat ng pinto, kumatok ako ng tatlong beses. Kaagad namang bumukas ito.
Takot na takot akong pumasok, halos hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga kamay ko.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Axel na nakaupo sa gilid ng napakalaking kama. Nakatapis lamang siya ng towel, at kaagad na bumalot sa akin ang kakaibang kaba at pagkaalerto. Ano ang pinaplano niya? Ano ang aasahan ko?
Ang puso ko’y bumibilis lalo sa pagtibok, parang gusto kong tumakbo palabas, ngunit hindi maaari.
"Wear this.." Inihagis niya sa paanan ko ang isang paper bag. Nanginginig ang mga kamay na pinulot ko iyon at inilabas ang laman.
Ganoon na lamang ang panlalalki ng mga mata ko nang makitang red lingerie ang ipinasusuot niya sa akin. Hindi ako nakakilos, dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
"Ako pa ba ang magsusuot niyan sa iyo?" sigaw niya sa akin.
Napapitlag ako, kaya nagmadali akong humakbang patungo sa banyo.
"Where are you going?" sigaw niya muli. Lumingon ako, nanginginig ang buong katawan.
"Ma-magpapalit…" tanging nasambit ko, halos hindi ko pa mabigkas ng maayos.
"Dito ka magpapalit sa harapan ko mismo, Eunice," sabi niya, at ramdam ko ang malamig at determinasyon sa boses niya.
"A-ano bang binabalak mo sa akin, Axel? Parang awa mo na… kailangan ko ng tita ko," bungad ko, ang boses ko’y nauupos sa takot at kawalang magawa.
"Argh! Same scenario as yesterday. Wear it in front of my face. Or…" Inilabas niya ang cellphone niya, at biglang bumigat ang paligid ko. "One call only. Aalisan nila ng oxygen ang tita mo."
"NO! No, no, no! Please!" Pakiusap ko, halos sumigaw habang nanginginig ang buong katawan ko, at ang utak ko’y naguguluhan sa takot, galit, at desperasyon. Kung ganon, alam niya kung nasaan ang tita ko. Nasa palad niya ang buhay naming dalawa ng tita ko.
"Gagawin ko na… gagawin ko na," ani ko, nanginginig ang boses.
"Good girl," ani niya, nakangisi pa, at ramdam ko ang malamig na kontrol sa bawat salita niya.
Huminga ako ng malalim, pilit kinokolekta ang kaunting tapang na natitira sa akin. Bago ko sinimulan ang paghuhubad sa harapan ni Axel.
Walang patid sa pagbuhos ang mga luha ko—tila hindi ko mapigilan ang sarili ko—hanggang sa mahubad ko lahat ng saplot sa katawan ko. Sa bawat piraso ng damit na bumabagsak sa sahig, ramdam ko ang unti-unting panghihina, ngunit kasabay nito ay ang matinding kawalan ng magagawa.
Dadamputin ko na sana ang paper bag nang bigla akong maunahan ni Axel.
"I think it's better if you are just naked. Nice body," sabi niya na hinagod ako tingin.
Para akong natulala, hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin. Ang dugo ko’y parang tumigil sa pag-agos sa takot at gulat, at ramdam ko ang init ng kahihiyan na dumaloy sa buong katawan ko.
⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVMatagal akong naghintay sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tila may pumapatak na likido sa mukha ko.Napadilat ako at nakita si Austin, nakatayo sa harap ko, nakatitig nang tahimik. Nakatapis lamang siya at basa pa ang buhok niya.“Get up, and massage me,” utos niya sa malakas na boses, hindi puwede tanggihan, dahil bihag ako. Mabilis akong bumangonnhabang, ang katawan ko’y nanginginig sa kaba at kawalan ng kontrol.Kinuha ko kaagad ang massage oil at sumunod sa kanya sa kami. Nakadapa na siya, wala kahit na anong saplot sa katawan.Gaya ng halos gabi-gabi niyang pinagagawa saken, sinimulan ko ng lagyan ng oil ang likod niya at minasahe. Mabuti na lang at magaling ako sa bagay na ito. Palagi ko k
⚠️ SPG / Mature Content Warning ⚠️This chapter is for mature readers only. It contains sexual content, dark psychological themes, and power dynamics. Not suitable for minors or sensitive readers. Read with caution.Eunice's POVGabi na naman. Hindi ko alam kung dapat na ba akong matulog o manatiling gising, baka kasi ipatawag na naman ako ni Axel. Pagod na ang katawang-lupa ko sa maghapong gawaing-bahay. Gayunpaman, kahit papaano’y mapalad ako dahil hindi na niya ako pinagkakaitan ng pagkain.Ilang minutong lumipas. Tahimik ang paligid. Walang kumakatok.Marahil ay oras na para ipikit ko ang mga mata.Hindi ko pa man tuluyang nakukuha ang antok nang biglang bumukas ang pinto ng aking silid. Sa gulat, napabalikwas ako ng bangon.Nakatapis lamang ako. Dalawang pares lang ng damit ang mayroon ako, at kapwa ko pa iyon nilabhan kanina. Plano ko sanang isuot ang isa, kung sakaling ipatawag ako ni Axel.“A-Axel…” nautal kong anas nang maaninag ko ang anyo niya sa liwanag mula sa labas.Susu
Eunice's POVNagising ako kinaumagahan na tila ba hindi na akin ang katawan kong ito. Hindi ko maigalaw kahit ang isang daliri. Para akong bihag ng sarili kong laman. Sa bawat kirot na dumadaloy sa aking mga ugat, unti-unting luminaw sa akin ang isang katotohanang pilit kong iniignira.Ngayon ko lamang lubos na naunawaan ang galit ni Axel. Ngayon ko lamang naramdaman ang impiyernong matagal na niyang pinasan.Kung ganito ang dinanas niya sa murang edad, kung ganito kabigat ang sakit na kinailangan niyang tiisin habang wala man lang nag-aaruga sa kaniya noon… hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahanga. Dahil kinaya niya. Nabuhay siya. Ngunit malinaw ang naging bunga, isang pusong binuo ng galit at sugat.At sa sandaling ito, wala na akong ibang masisisi kundi ang aking ina. Siya ang mitsa ng apoy na patuloy na tumutupok kay Axel.Siya ang ugat ng poot na ngayon ay bumabalik sa akin, parang isang sumpang minana ko kahit wala akong kasalanan.Hindi man ako ang gumawa ng kasalanan, ako an
Eunice's POV“Ah! Axel, tama na! Masakit!” palahaw ko nang simulang humampas ang sinturon niya sa aking likod, bilqng parusa sa pagkakasunog ng polo niyang hindi ko naman sinasadya.“Oh, it hurt? Can you imagine how I feel at my young age, your mother did this to me?” sigaw niya bago ibinigay ang pang-apat na hampas. "I begged, pero napakasama ng ina mo!”Napadapa ako sa sahig, patuloy na umiiyak, hindi lamang sa pisikal na sakit kundi pati sa kirot na bumabalot sa puso ko. Alam kong mas higit pa ang dinanas niya noon sa kamay ng ina ko.Akala ko’y sa salita lamang siya malupit. Oo, nasasaktan niya kami ni Ate Daphnie, ngunit hanggang sampal lang.Ang ginawa niya kay Axel… Lumikha siya ng halimaw. Isang halimaw na ngayon ay handang wasakin ang buhay ko.“A-Axel, wala akong kinalaman sa ginawa sa’yo ni Mommy. Bakit mo ako pinahihirapan nang ganito?”"Your parent's blood runs through your veins, Eunice.” Sigaw niya.“Pero hindi ko kasalanan iyon Axel. Hindi ko hiniling na ipanganak sa m
Eunice's POVDahil sa walang humpay kong pag-iyak noong gabing iyon, nagalit si Axel at pinalabas na lamang ako ng silid niya. Isang bagay na labis kong ipinagpasalamat—parang binigyan ako ng Diyos ng huling hinga bago tuluyang malunod.Kung sa susunod ay muli niya akong tatawagin sa silid niya, ganoon na lamang ulit ang gagawin ko. Iiyak. Iiyak hanggang sa marindi siya.Oh, God… sana’y wala nang susunod pa. Gusto ko nang makaalis sa mansion na ito.Habang naglalakad ako pabalik sa silid ko, bigla kong napagtanto—hindi ko alam kung ano ba talaga ang tawag sa akin dito. Ang mga kasambahay ay may uniporme; malinaw ang papel at lugar nila sa bahay na ito. Ngunit ako, sa ilang araw ko nang pananatili rito, salit-salitan lamang ang dalawang pares ng damit na suot ko—ang damit na suot ko nang dumating ako at ang ibinigay ni Zelda.Maging ang tulugan ng mga kasambahay ay maayos. May kama, may disenteng kumot at unan. Samantalang ako—sa karton ako nakahiga. Isang lumang unan at kapirasong tel
Eunice's POVNagising ako kinabukasan sa mahinang katok sa pinto. Unti-unti akong bumangon para pagbuksan ang kumakatok."Zelda..." bulong ko, parang hindi makapaniwala sa sarili kong nakita. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang nakatapis lang ako ng towel. Para akong biglang naging exposed sa isang sandaling napakatagal."Sandali lang, kukuha ako ng damit para sa’yo," sabi niya, at mabilis na umalis.Pagbalik niya, may dala siyang supot na may lamang damit. Pumasok siya sa kwarto at iniabot sa akin ang mga ito."Pasensiya ka na, Eunice… naisuot ko na ‘tong mga damit na ito, pero itong mga panty, hindi pa. Wala rin akong maibigay na bra—siguradong hindi kakasya sa’yo," paliwanag niya, habang pansin ko na nakatingin siya sa sarili niyang dibdib bago sumulyap sa akin. Tila napapatawa siya sa sitwasyon, at hindi ko maiwasang tumawa rin. Oo, sobra nga ang laki ng dibdib niya—hindi talaga kakasya ang bra niya sa akin."Maraming salamat, Zelda," sabi ko, medyo nanginginig ang bose







