Home / Romance / The Billionaire CEO's Great Love / Chapter 5- Austin is Back

Share

Chapter 5- Austin is Back

Author: Sweet Kitty
last update Huling Na-update: 2025-09-03 05:12:03

Chapter 5

Austin’s POV

“What the fuck! Ilang taon na kayong naghahanap pero ni anino niya, wala pa rin kayong maipakita sa’kin? Nagtatrabaho ba talaga kayo o sinasayang ko lang ang oras at pera ko sa serbisyo n’yong palpak?”

Napapikit ako sa tindi ng inis. Pinipilit kong kontrolin ang galit, pero kumukulo na ang dugo ko.

“Tatlong taon na! Tatlong taon na akong naghihintay, umaasa, pero wala pa rin. Ni balita, wala.”

I tightened my grip on the cellphone. Wala akong naririnig sa kabilang linya ni isang sagot, ni isang paliwanag, kahit hungkag na pangako… wala.

It drives me mad. Mura na lang ang lumalabas sa bibig ko. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko, nilustay ko na ang kayamanan ko, pero hanggang ngayon… Faith is like smoke flickering in the distance then suddenly, gone.

“Damn it!” Napasigaw ako at naisuntok ang kamao sa desk sa opisina ko na lumikha ng tunog.

This isn't just a business transaction. This isn’t about closure. This is my life. This is the woman I can’t forget. Seven long years. Seven years of unanswered questions. Three years of what ifs of where the hell could she be?

Pagbalik ko sa Pilipinas hinanap ko na sya. Pero parang sinadya niyang maglaho na parang may tinatakasan. Parang ako ang iniwan niyang nakabitin. Ako ang naiwan, naghihintay… naghahanap… umaasa.

Pero hanggang kailan? Gaano pa kalayo ang kailangan kong puntahan?

Nasaan ka na ba, Faith? Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko, pilit pinapawi ang pagod, ang sakit, ang bigat sa dibdib. Nasa gano’ng ayos ako nang bumukas ang pinto ng opisina ko.

Hindi ko na inalam kung sino. Malalim pa rin ang paghinga ko.

“How many fucking times do I have to tell you Eunice, to knock before entering?!” Eunice is my secretary na lantaran ang pang-aakit sa akin, palpak naman sa trabaho. Malakas ang loob dahil si Mommy ang naglagay sa kaniya sa posisyon dahil inaanak niya ito at kailangan ng trabaho.

Pero hindi si Eunice ang pumasok. Mga kaibigan ko pala.

“Bro, badtrip ka na naman. Wala pa rin bang good news?” tanong ni Glen.

“You’re asking Glen? Seriously? Palpak yung mga taong binigay mo sa ‘kin. Sabihin mo nga, sinong hindi magagalit kung paulit-ulit na lang ang sagot na ‘we’re still looking’, ‘we’re still trying’? Hindi man lang nila makita ni anino ni Faith. Putangina!”

“Bro, kalma. Wala tayong mapapala kung puro galit ka,” si Casniel naman, trying to pacify me.

“The hell, paano ako kakalma kung wala pa rin akong balita sa kanya? Ni isang senyales na buhay siya, wala. Pano? Pano ako kakalma?”

Ramdam kong nangingilid na ang luha ko. Tangina. Lalaki ako, pero pakiramdam ko, babagsak na ‘ko.

“Dalawa lang yan, Austin,” sabad ni Casniel. “Either ayaw niyang magpakita o may humaharang.”

“May point si Casniel,” dagdag pa ni Glen. “Pero sino? At bakit?”

Naputol ang bigat ng usapan nang biglang tumawa si Hero sa sulok, hawak ang cellphone niya.

“Ano bang pinagtatawanan mo d’yan, Hero?” puna ni Glen.

“May teacher na nagla-live ngayon. Ang kulit. Nagba-bag raid siya tapos binibenta niya ‘yung laman ng bag ng mga co-teachers niya. Mamaya daw pati kaibigan niya, ibebenta rin. Maganda raw kasi.”

“Yung ibebenta ba ang inaabangan mo o yung teacher na yan?” pang-aasar ni Glen.

“Kung single pa ‘yan, puntahan mo na!” panunukso pa.

“Here, let me show you. Cute siya, diba? funny pa.” proud na proud na ipinakita ni Hero ang video.

“Woo! She’s pretty bro. Chubby, pero ang sexy. What’s her name?” tanong ni Glen.

“Charie. And back off, she’s mine,” pabirong sagot ni Hero habang inilayo ang phone.

“Mukhang dalawang babae na ang ipapahanap natin,” sabat ni Casniel, sabay tawa.

“Hanapin niyo muna si Faith,” mariin kong sabi. “Bago pa ako tuluyang mabaliw.”

Tahimik ang lahat. Hanggang si Glen ay bumasag sa katahimikan.

“Austin, what if makita natin siya… pero may asawa’t anak na pala? Anong gagawin mo?”

Napatingin ako sa kanila. Walang alinlangang sinabi ko:

“Aagawin ko siya. Babawiin ko siya. Sa akin lang si Faith. Walang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako.”

“Tangina bro, ang sakim mo! You’re crazy!” natatawang sabi ni Casniel.

Ngumiti lang ako. Oo, baka nga baliw na ako. Pero sa totoo lang… Kung makita ko siyang masaya,Kung makita ko sa mata niya na may tunay siyang ngiti

Kahit hindi ako ang dahilan ng ngiting ‘yon… Makakaya kong bitawan siya. Pero hanggang wala pa akong nakikitang gano’n… Hindi ako titigil. Hindi ako titigil… hahanapin  ko si Faith.

“O, ito na raw ‘yung for sale na kaibigan niyang maganda.”

Agad kaming napalingon sa cellphone ni Hero. Nakuha naman nito ang attention naming lahat.

“So ito na nga, mga sir. Paunahan na lang po sa kaibigan kong single at maganda. Comment lang po sa comment section. ‘Mine plus code’ tayo.”

Si Charie, naka-live, puno ng tawa at kakulitan. Sa gilid, kita rin ang mga kasama niyang halos mamatay na sa katatawa.

Ewan ko. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ko ro’n. Bakit ako nakiupo, bakit ako naki-tawa, naki-titig. Bakit ako nakikiaksaya ng oras sa mga sira-ulo kong kaibigan.

Tatayo na sana ako. Aalis na sana ako hanggang sa may mahagip akong kilos sa video.

Isang babae. Umiinom ng tubig sa tumbler. Hindi malinaw ang mukha pa-side view lang ang kuha, parang sinadyang hindi ipakita. Pero sapat na iyon. Sapat na para maramdaman ko ang matagal ko nang kinikimkim na kabog sa dibdib.

Bigla kong inagaw ang cellphone ni Hero.

“Uy, anong problema—”

Tahimik lang ako. Nakatitig. Nakahawak sa cellphone na parang buhay ko ang hawak ko.

“Nainip ba kayo mga sir? Uminom pa kasi siya, napagod sa practice. Here she is pa-Mine Faith na lang po, mga sir! Sa halagang five million pesos!”

Tawa ng tawa si Charie habang si Faith, tinatakpan ang mukha niya. Tumatawa rin, nahihiya pero hindi niya alam…Hindi niya alam kung anong epekto ng bawat galaw niya sa’kin.

“Sira ka talaga Charie, end mo na ‘yan. Bumalik na tayo sa school,” sabi ni Faith habang nakalive pa rin.

At sa comment section, parang lumindol.

“Mine Faith double the price!”

“Mine Faith! Fifty million pesos gagawin ko siyang reyna ng buhay ko!”

“Mine Faith. Walang bawian.”

Masaya ang lahat. Nakakatawa, oo. Pero sa akin, hindi ito biro. Hindi ito palabas. At doon na ako pumutok.

“Fuck you all, bastards! Faith is mine… mine alone!” Napasigaw ako. Galit.

Halos itapon ko ang cellphone ni Hero.

“Hoy, bro! Relax, cellphone ko ‘yan!” sabay agaw niya sa kamay ko.

“Hero…” bulong ko, mas tahimik pero mas mabigat, “You’re really a hero, bro. I found her. I fucking found her.”

“Please. Stalk Charie’s account. Alamin niyo kung saang school sila nagtatrabaho.”

Agad namang nagsilabasan ang mga cellphone ng barkada. Parang operasyon ng mga baliw. Pero seryoso sila seryoso rin ako.

“Gotcha!” sigaw ni Glen. “One of the elementary schools sa Castillejos, Zambales bro! Di ba pinsan mo ang mayor doon? Ano, tara na ba?”

Mas sabik pa siya kaysa sa’kin. Mas gigil. Pero ako, hindi pa. Hindi ngayon.

Bumalik ako sa swivel chair ko. Dahan-dahang umikot. Nilaro ko ang ballpen sa mga daliri ko. Naka-ngiti. Hindi ng tagumpay, kundi ng katiyakang… Ito na. Ito na ang simula.

“No. Not yet. Not today,” bulong ko habang nakatingin sa kisame na parang nakikita ko na ang kinabukasan.

“I have a plan. Fiesta doon next week.” Aayusin ko na muna ang mga dapat kong ayusin sa kompanya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 62-Austin's Confession

    Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 61- Ang pag iisa nila Faith at Austin

    Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 60- Sumbatan ng Nakaraan

    Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 59-Paranoid Faith

    Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 58- With the Super Happy Mother in Law

    Faith’s POVKasalukuyan kaming nasa dining table ngayon sa mansion ng mga magulang ni Austin. Kami ng mommy niya ang nagluto ng lahat ng nasa hapag kainan ngayon. Ewan, pero ang hirap talagang paniwalaan ang mga ipinapakita niyang kabaitan sa akin. O baka hindi pa lang ako sanay? Dahil sa mga pinagdaanan ko sa kaniya noon pa man? Pero sana talaga ay totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Hindi pakitang tao lamang.Maging sa pag-aasikaso kay Jairee ay siya ang gumawa. Sinusubuan pa nga niya. At kung tawagin niya itong apo, ay ramdam ko namang mula sa puso niya iyon. Salungat sa ikinakatakot ko na baka itakwil o iparamdam kay Jairee na hindi siya kabilang. Malaking pasasalamat ko naman sa bagay na iyon, dahil hindi niya pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo ang bata.Sa daddy naman ni Austin ay alam kong wala akong magiging problema. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya, walang nagbago sa ugali niya. Malugod niya kaming tinanggap ni J

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 57- Bait-baitang mother in law?

    Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status