LOGINChapter 4
Faith’s POV
“Alam mo Faith, kaunting-kaunti na lang sasabunutan ko na yang Nicole na yan e.” gigil na gigil na sabi ni Charls na dinaig pa ang babae. Habang naglalakad kami palabas ng gate para mag abang sila ng mga sundo nilang tricycle, ako naman maglalakad na pagkasakay nila.
“Sa totoo lang para siyang hindi teacher kung umasta. Dinaig nya pa mga Marites naming kapitbahay. Yung mga iyon nagchi-chismiss-an lang naman, libangan ganun.” Si Charie na halata rin ang inis.
“Ano namang pinagkaiba nya sa mga Marites, na may nasisirang buhay dahil sa mga walang katiyakang impormasyon na pinapakalat?” Si Charls na maypa irap-irap pa.
“Yung mga Marites walang license, yung empaktang Nicole meron.” Natatawang sagot ni Charie.
“Mismo! Haha! Pero iisa ang hangarin ang manira ng kapwa.”
“Hoy hindi ko kapwa yun. Hindi ako papayag kahit anong mangyari.”
“At bakit naman?”
“Dahil hindi ako empakta.”
“Ay oo nga pala, duwende ka, hindi empakta.”
“Ikaw naman tikbalang.”
“Teka ang harsh na nung tikbalang ha, pwede namang kabayo lang ah.”
Natawa na lang rin ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko.
“Andiyan ka pala Faith?” Si Charie na kunwari nagulat na kasama nila ako.
“haha! Ewan ko sa inyong dalawa, pangalan ko unang tinawag ni Charls pero kayong dalawa lang ang nag-uusap.hmmf!” kunwaring tampo ko.
“Sorry naman, alam naman naming patitigilin mo lang kami sa pagsasabi ng masama tungkol sa kaniya e.” si Charie. Totoo naman yun, ayoko na lang syang pagtuunan ng pansin. Masyado na kong maraming iniisip para idagdag ko pa sya.
“Alam nyo guys, kahit anong sabihin natin. Wala naman tayong magagawa pa. Siya na yun e. Kilala nya ang sarili nya, kung gusto niyang magbago, go! Kung ayaw, wala na tayong magagawa don. Buhay nya yan.”
“Tama ka naman, sana magbago na lang sya ng trabaho. Para hindi natin sya nakikita nang Mondays to Fridays. Argh!. Ka imbyerna talaga sya. Feeling ko nagkaka wrinkles na ako sa stress ko sa kanya.” Si Charls na kitang kita ang inis at stress sa facial expression, kung kaharap nya lang si Nicole baka natupi nya na ito sa pito. Haha.
“Yun na nga, tatanda at papangit lang tayo kung i-stress-in natin mga sarili natin sa kanya. Pabayaan na lang natin sya. Magsasawa rin siguro yun kapag napagod na.” Para matigil na ang dalawa dahil kita na mas stress pa sila sa akin.
“Pero Faith kapag inaway ka pa ulit ng babaeng yun tawagin mo kami kaagad ha. Isang pitik lang ni Charls don, tumba na yung patpat na yun.”
“Patpat?”
“Oo, patpat na empakta”
“Haha! Mga sira, pero thank you guys dahil sa inyo gumagaan ang pakiramdam ko. Paano na lang kung hindi ko kayo nakilala no? Ang lungkot siguro ng buhay ko.”
“Kung di mo kami nakilala, malamang di ka rin namin kilala. Haha! Di ba Charie?”
“Baliw ka Talaga Charls, haha! Basta dito lang kami Faith, always. One call away lang lipad kami agad, okay?” si Charie habang hawak ang kamay ko. Dahil naman sa sinabi nya nangingilid ang luha ko.
“Kaya ayaw kitang kinakausap ng heart to heart e, napaka iyakin mo. Halika nga rito payakap.” Lumapit naman ako at yumakap sa kanya kahit mas matangkad ako sa kanya feel ko ang sinseridad sa action nya.
“Ay ang little sister ko, tama na baka pumangit ka ikaw rin baka kapag nagkita kayo ulit di ka na nya makilala. Haha”
“Charie naman e” wika ko habang umiiyak.
“Oi teka Sali ako dyan. Group hug!” si Charls na baklang bakla ang kilos palibhasa wala na sa loob ng school. Haha!
“Tama na Faith, kapit lang tayo sa isa’t-isa. Kakampi mo kami palagi. Kuya at ate mo kami lagi mong tatandaan.” Wika ni Charls habang yakap kami ni Charie.
“Kuya talaga? Talaga ba Charls?” wika ni Charie na natatawa at hindi kumbinsido sa sinabi ni Charls.
“Yes, pagadating sa inyong dalawa kuya ninyo ako, kaya kong makipagsapakan para sa inyo.”
“seryoso ka na nyan?” sabi ko para matigil na ang kadramahan naming tatlo. Haha!
“Syempre joke lang. haha! Sa ganda kong to makikipagsapakan ako? Aba! Tatakbo na lang ako pauwi no! masira pa ang beauty ko!”
Pero alam naman naming na biro lang nya yun para gumaan na ang pakiramdam namin.
Nagtatawanan kaming magkakaibigan nang dumaan ang kotse ni sir Jaecob.
“Faith, halika na ihatid na kita sa inyo.”
“Naku sir, hindi na po malapit lang naman po ang lalakarin ko, exercise na rin po.” Magalang kong pag tanggi kay sir.
“Sumabay ka na Faith andiyan na rin ang service namin ni Charie oh.” Magkapit bahay lamang kasi sila kaya iisa na ang kinuha nilang service na tricycle para makatipid.
“Bye Faith, bye sir kayo na pong bahala kay Faith.” Paalam ng dalawa na may halong panunukso ang tingin, at may pahabol pang tusok sa tagiliran ko si Charie. Nasundan ko na lamang sila ng tingin habang papalayo.
Bumaba naman ng sasakyan si sir para pagbuksan ako. Nang makaupo na ako umikot naman siya para umupo sa driver seat para magmaneho na.
Ilang kanto lang naman ang layo ng school sa bahay namin. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Sir Jaecob. Tahimik kami sa loob ng kotse tila ba bawat segundo ay hinihintay ang tamang sandali para may masabi.
“Hmm... Faith,” basag ni sir sa katahimikan, mababa at may alinlangan ang boses.
“Yes po, sir?” Mahina kong tugon habang tumingin ako sa kanya na may hiyang nararamdaman.
Bigla niyang ipinark ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
“Maari ba kitang makausap?”
“Tungkol po saan, sir?” May kaba sa dibdib ko, pero pinilit kong panatilihing kalmado ang tinig ko.
“Sa... atin.”
Napalunok ako. Naramdaman kong bumigat ang hangin sa loob ng sasakyan.
“Sir, pasensya na po...pero hindi pa ho talaga ako handang pumasok sa isang relasyon. Alam n’yo naman po ang mga responsibilidad ko. Hindi ko ho talaga kayang isabay.”
Ramdam kong unti-unti kong sinasaktan ang damdaming pilit niyang itinatapat sa akin. Pero hindi ko kayang paasahin siya.
“Faith,” mahinang sambit niya, halos pabulong. “Tanggap ko lahat ng nakaraan mo... lahat ng meron ako, kaya kong ialay sa’yo, sa inyo tanggapin mo lang ako.”
Nagtama ang mga mata namin. Doon ko nakita ang lalim ng damdamin niya, puno ng pag-asa at takot. Sinasabi ng titig niya ang lahat ng hindi niya kayang banggitin.
“Sir… unfair naman po kung tatanggapin ko kayo dahil lang sa mga kaya ninyong ibigay. Tapos wala naman akong maibabalik.”
“A-ayos lang sa akin, Faith. M-makasama lang kita…”
“Pasensya na po talaga, sir,” halos pabulong ko na ring tugon, pilit nilulunok ang lumuluhang tinig, “pero hindi po ako ganun. Sa pagmamahal… dapat give and take. Ayoko pong maging taong puro ‘take.’ At saka, marami pa po d’yan. May darating pa pong babae na mas higit pa sa nakikita ninyo sa akin.”
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan ang mukha niyang pinipilit magpakatatag habang unti-unting nababasag.
Napabuntong-hininga siya. Mahigpit ang kapit sa manibela. Dahan-dahan siyang napayuko, parang pilit nilulunok ang bigat sa dibdib.
“Kung ganun... hayaan mo na lang akong ibigay sa'yo ang kaya ko… kahit hindi mo ako mahalin pabalik.”
Ramdam ko ang sakit sa tinig niya. Ramdam ko ang pagbitaw niya, kahit pilit pa rin siyang kumakapit.
“Sir… paano niyo po mahahanap ang babaeng para sa inyo, kung sa akin niyo pa rin inuukol ang atensyon ninyo?”
Saglit siyang hindi umimik. Tila may pilit na binubuong lakas sa sarili.
“M-maari ba kitang maimbita bukas... for dinner?”
Nagkibit ang dibdib ko. Ayoko na sanang magpatuloy pa ang usapan, pero...
“Sir…”
“Bukas kasi… birthday ko.” Ngiti siyang pilit, pero alam mong puno ng pag-asang marupok. “Sana mapagbigyan mo ako. Kahit sa huling pagkakataon.” Sa huli ay pumayag na rin ako.
Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara
Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub
Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…
Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a
Faith’s POVKasalukuyan kaming nasa dining table ngayon sa mansion ng mga magulang ni Austin. Kami ng mommy niya ang nagluto ng lahat ng nasa hapag kainan ngayon. Ewan, pero ang hirap talagang paniwalaan ang mga ipinapakita niyang kabaitan sa akin. O baka hindi pa lang ako sanay? Dahil sa mga pinagdaanan ko sa kaniya noon pa man? Pero sana talaga ay totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Hindi pakitang tao lamang.Maging sa pag-aasikaso kay Jairee ay siya ang gumawa. Sinusubuan pa nga niya. At kung tawagin niya itong apo, ay ramdam ko namang mula sa puso niya iyon. Salungat sa ikinakatakot ko na baka itakwil o iparamdam kay Jairee na hindi siya kabilang. Malaking pasasalamat ko naman sa bagay na iyon, dahil hindi niya pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo ang bata.Sa daddy naman ni Austin ay alam kong wala akong magiging problema. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya, walang nagbago sa ugali niya. Malugod niya kaming tinanggap ni J
Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.







