MasukChapter 6
Austin’s POV
“Ms. Eunice, please come in and bring all the proposals from the schools in Zambales,” I said through the intercom.
“Copy, sir. Coming.” Maarteng sagot naman nito.
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Pumasok siya, na pakembot-kembot, para bang eksena sa pelikula. Halos kita na ang buong dibdib at kaunting galaw lang makikita na ang panty nya. Daig nya pa ang mga waitress sa mga bars na napupuntahan naming magkakaibigan. Tiningnan siya ng mga kaibigan kong parang nanonood ng live show. Napailing ako.
“Sir, ito na po ang mga files na kailangan ninyo,” sabi niya sabay yuko. Alam kong sinadya. Pero di ako tanga. Tao ako oo, lalaki pero may hangganan din ang respeto at disiplina sa sarili. Kaya kahit may matagal nang pangungulila sa init ng katawan, mas pinili kong umiwas. Lalo na ngayong... Alam ko na ang kinaroroonan ni Faith.
“Thank you. You may leave now.” Hindi ko na siya tinapunan ng tingin.
“Ms. Eunice,” pahabol ko, mahina lang, para kami lang ang makarinig. “Simula bukas, wear a proper office attire. Below-the-knee skirt. Blouse na hindi mababa ang neckline.”
Napatingin siya sa akin, nagkukunwaring inosente. “Why naman, sir? Di ba po okay naman 'to? Comfortable ako dito.”
Umupo siya sa harap ng desk, kampante. Kita ko na naman ang kulay pulang panty niya. Napapikit ako. Hindi dahil sa tukso, kundi sa inis. Hindi niya ba alam kung gaano kahirap kontrolin ang sarili sa ganitong mga sitwasyon?
“Just follow my order. That’s final. Go back to your workplace.” Bahagya napataas ang boses ko. Napalingon ang mga kaibigan ko. Pinamulahan naman ng mukha si Eunice.
Tumayo siya, hindi na kasing kumpiyansa kanina. Pero bago siya makalabas—
“Ms. Eunice, please order lunch from my usual restaurant.” Gusto ko lang siyang paalalahanan. May linya kami, at siya ang dapat unang rumespeto roon.
“Noted po, sir.” Mahinang sagot niya bago tuluyang lumabas.
“Wohh, ano yun bro?” biro ni Glen. “Basag trip ka naman. Ang sexy kaya ni Eunice. Di mo ba gusto na araw-araw e ‘sexetary’ ang katabi mo?”
Napailing ako. “Kung gusto mo siyang patulan, bahala ka sa buhay mo.”
“No way bro,” sabat ni Glen, sabay tawa. Pero halata naman.
“Kunwari ka pa eh, kita sa mata mong type mo rin, gago.” si Casniel naman, umalingawngaw ang tawa.
Pero si Hero ang bumaling sa usapang mahalaga. “Di ba nakapili ka na ng school sa Zambales para sa donation mo?”
Nakapili na nga ako. Sa farmlands. Pero dahil alam kong nandoon si Faith…
“I’ll make it two schools now. I’ll visit Zambales next week.”
“Can I go with you?” tanong ni Hero, parang bata ang excitement.
“How about your business here?” tanong ko pabalik.
“Don’t forget,mga boss tayo rito. We can leave anytime.”
“Itulad mo pa kami sayo, travel nang travel kahit walang saysay. Pano ‘pag may asawa ka na?” si Glen na iiling-iling.
“Wala pa ‘yan sa isip ko. I just wanna have fun, bro. You know, YOLO, ‘di ba?” sagot ni Hero, pero may lungkot sa likod ng tawa.
“Baka si Daddy mo na lang ang pumatay sa ‘yo sa inis!” si Casniel, sabay tawa.
“Whatever.”
Tahimik akong naghalungkat ng mga papel.
“Anong school nga ulit ang sa kanila ni Faith?” tanong ko, biglang nagbalik sa realidad.
“Sampaloc Elementary School,” sagot ni Hero.
Ngunit wala sa hawak kong proposal ang pangalan ng paaralan. May mali. Tinawagan ko ulit si Eunice.
“Ms. Eunice, bakit wala rito ang proposal from Sampaloc Elementary?”
“I–I don’t know po, sir. Iyan lang po ang pinasa sa akin,” nanginginig ang boses niya.
May kaba. Pero bakit?
“Find it. Hindi ka uuwi hangga’t ‘di mo nahanap. Lahat ng schools na nag-submit.” Kung nawala man, sana hindi sinasadya.
Maya-maya, may kumatok. Pumasok si Eunice, may hawak na papel.
“Sir, sorry… napasama sa ibang files.” Sabi niya, pero hindi mataimtim. May tono pa rin ng lambing na pilit.
Hinablot ko mula sa kamay niya ang papel, kasabay ng malamig kong buntong-hininga at sinimulang basahin ang proposal. Tahimik na umupo si Eunice sa tapat ko, halatang nag-aabang kung may ipagagawa ako.
Napakaganda ng nilalaman ng proposal makabuluhan, may damdamin, at higit sa lahat, may malasakit. Sa ibaba ng pahina, tumambad sa akin ang pangalan ng gumawa: Faith.
Hindi na ako nagtaka. Kaya pala... kaya pala ramdam ko ang puso sa bawat salita.Ibinaling ko ang tingin kay Eunice upang utusan.
“Kontakin mo ang principal ng paaralang ’to. Alamin mo kung ano pa ang kailangan nila.”
Mabilis siyang tumango. “Copy, sir,” sagot niya, sabay tayo at aalis na sana.“And check my schedule for next week. I-move mo lahat ng meetigs ko sa linggong ito.”
“Pero sir, yung iba nasa ibang bansa pa like Mr. Baltazar.”
“Pabayaan mo sya walang kwenta naman ang mga proposal niyan.” Mr. Baltazar ay tuso, pero hindi sya uubra saken. Hindi ako mag-i-invest ng bilyon sa kompanya niyang palugi na dahil sa kapabayaan niya.
Hinilot ko ang sentido ko.
“Masakit ba ang ulo mo, gusto mo massage kita?” Habang nagsasalita si Eunice e naglalakad na sya patungo sa likuran ko na pakembot-kembot. Bago pa man ako makapag salita nahawakan na nya ang ulo ko at naidikit ang mga dibdib nya sa ulo ko. The heck! Natabig ko ang mga kamay nya at tiningnan sya ng masama.
“Come on Austin, nagmamagandang loob na nga ako oh.”
Napatayo ako. “What did you call me? May I remind you, Ms. Eunice, this is a workplace. Be decent. I’m your boss.”
Umalis siya ng padabog.
“Isusumbong kita kay Ninang. Palagi mo na lang akong sinusungitan.”
“Go on.”
“Ako na lang i-massage mo, Eunice, masakit rin ang ulo ko… ulo sa baba,” singit ni Glen, at nagtawanan ang lahat.
Inirapan siya ni Eunice bago lumabas. “Tse!”
Kinutusan siya ni Casniel. “Tarantado ka talaga!”
Napuno ng tawanan ang opisina ko.
Faith POVNagising akong wala na si Austin sa tabi ko. Malamang ay maaga na naman siyang pumasok sa opisina. Tanging lukot ng sapin ng kama sa lugar niya ang naiwan. At ang mantsa ng dugo, katunayan na hindi na ako birhen ngayon. Naipagkaloob ko na ang sarili ko sa lalaking pinangakuan ko nito.Napangiti ako ng bahagya, dahil maging ang pangako ko sa sarili ko ay natupad ko. Ang unang halik ko, ay naranasan ko lamang sa araw ng kasal mismo. Kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pinangarap ko. Ang pagkabirhen ko sinabi ko rin sa sarili ko na sa asawa ko lamang ipagkakaloob. Kagaya ng bilin sa akin ng mga magulang ko. Nakakatuwa pa nga dahil natagalan, bago nangyari. Kaya heto ako ngayon, halos hindi makagalaw.Napailing na lamang ako, dahil napahaba na pala ang pagmumuni-muni ko.Dahan-dahan na akong bumangon kahit ramdam ko ang bigat at pananakit ng buong katawan ko. Para akong may lagnat na hindi maipaliwanag.Para bang tinatrangkaso. Ngayon ko lang nara
Faith POVWarning: This chapter contains explicit language, mature themes, and intense scenes of passion. Read at your own risk. Strictly for mature audiences (18+).Pagdating namin sa mansion ay kaagad akong dumiretso sa aming silid. Naligo at nahiga. Sinilip ko ang monitor kung saan makikita ang kuha mula sa CCTV sa silid ni Jairee. Nang masigurong naroon si Jake at maayos naman si Jairee ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Ayokong makita ako ng anak kong ganito. Alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon.Si Austin hindi ko alam kung umalis rin ba nang makababa ako sa sasakyan. Ayaw ko muna siyang isipin.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong tila may dumadampi sa pisngi ko. Kasabay niyon ang matapang na amoy ng alak na agad kong nakilala. Kaya agad kong idinilat ang aking mga mata.Sumalub
Faith POVPagkatapos ng shopping kahapon, balik na ulit sa normal ang buhay. Oo, ito na ngang masasabi kong normal na buhay ko, ng buhay namin ni Jairee. Nakakainip, nakakabagot! Gusto kong magtrabaho, pero alam kong hindi ako papayagan ni Austin.Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos kong asikasuhin sina Austin at Jairee, eto ako ngayon, nakatambay sa garden habang hawak ang libro. Pangalawang libro ko na ito mula kahapon.Nasa kalagitnaan ako ng binabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Jaecob ang tumatawag. May pananabik kong agad na sinagot ang tawag.“Hello, Jaecob. Nakaalala ka?!” masigla kong bungad.“Gusto ko lang malaman kung buhay ka pa,” sagot naman niya na ikinatawa ko.“Naku, buhay na buhay pa naman ako. Haha! Kayo ni Stella, kamusta? Tutupad ka naman siguro sa usapan natin, ano?” pinaseryoso ko na ang tinig ko.Natahimik siya sa kabilang linya. Hmmm…
Faith’s POVDalawang buwan ang mabilis na lumipas. Natapos na rin ang therapy ni Jairee, at tuluyan na ring gumaling ang anak ko,isang bagay na labis naming ipinagpapasalamat. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa tuwing nakikita ko siyang tumatakbo, humahagikhik, at muling naglalaro sa palaruan sa mall, na para bang walang nangyari.Bilang isang ina, wala nang mas hihigit pa sa kasiyahan at ginhawa ng puso ko ngayon, habang pinagmamasdan ko ang sigla at ngiti ng anak ko. Para bang bawat tawa niya ay musika na nagpapaalala sa akin na sulit lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan namin.Ang ina naman ni Austin ay madalas nang dumadalaw sa amin. Para makita si Jairee. Madalas ay hinihiram niya si Jairee para ipasyal, at nakikita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko tuwing kasama siya. Syempre, hindi lamang ako ang nagdi-desisyon sa bagay na iyon. Si Austin, na ngayon ay tila mas naging matimbang na bahagi ng buhay naming mag-ina, a
Faith’s POVKasalukuyan kaming nasa dining table ngayon sa mansion ng mga magulang ni Austin. Kami ng mommy niya ang nagluto ng lahat ng nasa hapag kainan ngayon. Ewan, pero ang hirap talagang paniwalaan ang mga ipinapakita niyang kabaitan sa akin. O baka hindi pa lang ako sanay? Dahil sa mga pinagdaanan ko sa kaniya noon pa man? Pero sana talaga ay totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Hindi pakitang tao lamang.Maging sa pag-aasikaso kay Jairee ay siya ang gumawa. Sinusubuan pa nga niya. At kung tawagin niya itong apo, ay ramdam ko namang mula sa puso niya iyon. Salungat sa ikinakatakot ko na baka itakwil o iparamdam kay Jairee na hindi siya kabilang. Malaking pasasalamat ko naman sa bagay na iyon, dahil hindi niya pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo ang bata.Sa daddy naman ni Austin ay alam kong wala akong magiging problema. Kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya, walang nagbago sa ugali niya. Malugod niya kaming tinanggap ni J
Faith’s POVMatapos ang tagpong iyon sa mismong kaarawan ko, bumalik na naman sa dati si Austin nang mga sumunod na araw; tahimik, mailap, at para bang walang nangyari. Ako rin, bumalik sa nakasanayan kong pag-aasikaso sa kanya araw-araw, pero hindi ko na inulit ang pagdadala ng lunch sa opisina niya.Madalas na rin akong magsuot ng lingerie bago matulog. Hindi para akitin siya, kundi para umiwas siya. Alam ko kasing sa tuwing ganoon ang suot ko, aalis siya at iiwas sa kama namin. Hindi ko alam kung saan siya natutulog, at ayoko na ring alamin pa… baka masaktan lamang ako sa katotohanan.Mabilis lumipas ang mga araw, at bago ko namalayan, tatlong buwan na agad ang nagdaan. Tuluyan ko na lang tinanggap sa sarili ko na isa akong bilanggo. Magara nga lang ang kulungan ko, isang mansion na puno ng mamahaling gamit, ngunit walang kalayaan. Lalo pang humigpit ang seguridad; bawat pintuan ay tila may kadena, at bawat galaw ko’y may matang nakamasid.







