Share

128

Author: Anoushka
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-28 20:46:31

Matalino rin si Melanie, at hindi siya madaling malinlang. Ang biglaang pagpapakasal ni Calix ay hindi niya kailanman itinuring na simpleng pagkakataon lamang. Lalo na’t nangyari iyon eksakto pagkatapos mabangkrapt ang Peralta, at kasabay pa nitong pumasok sa buhay ni Calix si Cassie, bitbit ang mabigat na responsibilidad kay Carlo. Kung sasabihin ng iba na walang kakaiba sa ganitong klaseng kasal, hinding-hindi niya iyon paniniwalaan.

Dahan-dahang humarap si Calix sa kanya. Diretso ang tindig,
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   215

    Sa sandaling makalapit sina Tessa at Cassie, isang babae ang biglang nagsalita nang may halatang panunuya.“Late nang dumating. Huwag n'yo namang sabihing sobrang engrande ng regalo n'yo kay Emanuela kaya natagalan kayo?” nakangising sabi nito. “Come on, ipakita n'yo naman. Pero kung hindi ako nagkakamali... parang iisa lang yata ang dala n'yong gift?”Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Emanuela. Dahan-dahan siyang lumingon sa babaeng nagsalita, at naging malamig ang kanyang tingin.“Hindi ba puwedeng magpakabait kayo kahit ngayong birthday ko?” mahinahon niyang saad, ngunit may bigat ang bawat salita. “Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong sadyang gumagawa ng gulo.”Agad na natigilan ang babae. Para bang nasakal ang lalamunan nito at wala na siyang naisagot.Nagkunwari namang walang narinig si Tessa. Walang bakas ng pagkailang sa kanyang mukha habang kinukuha niya ang gift box mula kay Cassie bago ito iniabot kay Emanuela.“Cassie and I chose this together,” nakangiti niyang

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   214

    Tahimik na nakatayo si Cassie sa likuran ni Celes. Mula roon ay kitang-kita niya ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga habang kausap ang nasa kabilang linya. Hindi niya marinig ang lahat ng sinasabi nito, ngunit malinaw niyang narinig ang huling tugon nito."I'm always waiting for you to come by."Pagkasabi niyon ay pinatay na ni Celes ang tawag.Pagharap nito, halos mapasigaw siya sa gulat nang makita si Cassie.“Sis!” napahawak siya sa dibdib. “Grabe ka naman. You almost scared me to death! Kailan ka pa nandiyan?”Napangiti si Cassie, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon.“Pagkatapos kong magsukat ng gown, hinanap kita sa loob pero wala ka na. Kaya lumabas ako para tingnan kung nasaan ka.” Bahagya niyang tinaas ang kilay habang nakatingin sa cellphone ni Celes. “So... sino ang kausap mo? Mukhang ang saya-saya mo ah. Huwag mong sabihing may boyfriend ka na nang hindi ko alam?”Saglit na napatingin si Cassie sa screen ng telepono. Napansin niyang puro numero lamang

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   213

    Naupo si Aries sa gilid ng kama at bahagyang napakunot ang noo. Muling sumagi sa isip niya ang matigas at hindi matinag na personalidad ni Cassie. Totoo nga ang sinabi ni Aaron, kapag ayaw nito, walang kahit sino ang makakapilit sa kanya.“Hindi mo kayang pilitin si Cassie,” malamig na sabi ni Aaron habang nakatitig sa anak. “Pareho sila ng ugali ni Melanie. The more you force her, the more she'll hate you. Kung gusto mong mapasaiyo siya, kailangan mahulog muna talaga ang loob niya sa'yo.”Nanatiling tahimik si Aries. Kahit ayaw niyang aminin, alam niyang may katotohanan ang mga salitang iyon.Pagkaraan ng ilang sandali, muling nagsalita si Aaron. Mas kalmado na ang boses nito, ngunit mas nakakatakot pakinggan.“Bilang ama mo, bibigyan kita ng isang payo. Huwag mong pilitin ang isang babaeng ayaw sa'yo. Kung tungkol naman sa kung sino ang susuko, ako ba sa pamilya Benetiz, o ikaw kay Cassie, hayaan na nating panahon ang magdesisyon.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Aaron. “Ting

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   212

    Nag-iling si Cassie at muling nagtanong, puno ng pag-aalinlangan ang mukha.“Sino ba talaga ang nag-assign sa akin para mamuno sa kasong ito?”Bahagyang umiling si President Carticiano bago sumandal sa kanyang upuan.“Kapag joint petition ang isang kaso, kadalasan pribado ang usapan ng mga nagsasakdal. Sila-sila ang nagkakasundo kung sino ang gusto nilang humawak ng kaso, saka na lang nila ipinapaalam sa law firm ang final decision. Hangga't wala silang ibinubunyag, mahirap matunton kung sino talaga ang nagmungkahi.”Huminto siya sandali bago nagpatuloy.“At kung ang layunin nila ay sadyang pahirapan ka, mas lalong hindi nila sasabihin kung sino ang nasa likod nito.”Bahagyang kumunot ang noo niya.“Ang alam ko, ipinagkatiwala ko na kay Sheena ang pakikipag-usap tungkol sa kasong ito. Bakit? Nilapitan ka ba niya?”Tahimik na tumango si Cassie.“Opo. Direkta niyang ipinasa sa akin ang kaso. Ang sabi niya, ako raw mismo ang hinihingi ng kabilang panig.”Agad na sumimangot si President C

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   211

    Matapos masilayan ang silid, nabalot ng katahimikan ang pagitan nila habang dahan-dahang inilibot ni Cassie ang tingin sa bawat sulok. Ang buong kwarto ay binalutan ng wallpaper na kulay dagat, may maliit na kuna sa isang tabi, isang bakod na puno ng makukulay na ocean balls, at isang munting slide. Para itong isang munting indoor playground na sadyang ginawa para sa isang masayang bata.Pinagmasdan niya iyon nang matagal bago tuluyang napabaling kay Calix."Pinag-isipan ko na," mahinahong sabi ni Calix habang sinusundan ang direksiyon ng kanyang tingin. "Kung lalaki ang magiging baby natin, perfect na ang room na 'to. Kapag babae naman, ipapalit ko siya sa princess room."Napakurap si Cassie at halos hindi makapaniwala sa narinig. Bahagyang kumibot ang gilid ng kanyang labi habang napapailing."H-Hindi pa nga ako buntis..." natatawa ngunit litong saad niya. "Paano nagawa n'yo nang maghanda agad ng nursery?"Napakaseryoso ng mukha ni Calix nang sumagot."Mas mabilis 'to." Pagkatapos a

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   210

    Napatingin si Cassie kay Carlo at bahagyang napakunot ang noo. “Bakit ka ba pumunta sa ospital? May masama ka bang nararamdaman?”Agad siyang nabahala. Sa isip niya, baka may problema na naman sa kalusugan nito.Ngunit mabilis namang umiling si Carlo.“Wala naman.” Bahagya siyang ngumiti bago nagpatuloy. “Alam kong si Aaron ang nagligtas sa’yo, kaya naisip kong dumaan para magpasalamat. Hindi ko lang inaasahan na maaabutan ko ang ganoong eksena.” Napakamot siya sa ulo at napangiwi. “Ay, sayang nga pala. Noong sinuntok ko si Aries kanina, naihagis ko yung basket ng prutas na dala ko. Hindi ko na nabalikan.”Napatahimik si Cassie. Habang pinagmamasdan si Carlo, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon.Noon, isa lamang itong malaking batang kailangan niyang alagaan at protektahan. Siya pa ang halos mabaliw noon sa paghahanap ng tamang bone marrow para rito.Pero ngayon… Unti-unti na itong naging isang lalaking marunong nang tumayo para sa kanya.Isang taong handang sumugod a

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   78

    “Kung bali ang binti mo, pwede ka namang umuwi at magpahinga. Huwag ka nang maghanap ng dahilan!” hindi nagpatalo si Aurora, mariing kontra niya. “Alam ko na, bumalik na naman ang feelings mo kay Cassie, ‘di ba? Sa tingin mo mas mabuti siya kaysa sa akin?” Natawa siya nang mapait, ang mga mata’y na

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   77

    Sandaling parang lumulutang si Aurora sa alapaap. Tulala lamang siyang nakatingin habang inaasikaso ni Calix ang gamot, tila nakalimutan niyang mag-react. Ang utak niya ay parang nahinto, at tanging ang presensya ni Calix ang pumupuno sa kanyang paningin.Hanggang sa magsimulang linisin ni Calix an

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   76

    Sinabi niyang masasaktan siya, pero malinaw na hindi naman talaga siya takot sa sakit. Sa halip, sinamantala pa niya ang pagkakataon, ipinatong nang maayos ang kamay sa mesa at sadya pang iniipit ng magkabilang braso ang umuumbok niyang dibdib, waring walang pakialam kung sino ang nakatingin.Nakit

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   75

    Naroon ang mga mata ni Cassie, kumikislap, puno ng pag-asa, kaya’t bahagyang nag-atubili si Calix bago magsalita. Mahinahon ang kanyang tinig, tila maingat sa bawat salitang bibitawan. “Hindi ko pa rin siya nahahanap.”Kitang-kita kung paano unti-unting nabasag ang liwanag sa mga mata ni Cassie, pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status