Share

5

Author: Anoushka
last update Huling Na-update: 2025-11-01 01:56:18

Mabilis na kumawala si Cassie mula sa mga bisig ni Calix at ngumiti nang mapang-asar. “Hindi ko akalaing may ugali ka palang maniktik, Dr. Rosales. Huwag mong kalimutan na nagkasundo tayong huwag makialam sa buhay ng isa’t isa.”

“Pero kailan ko sinabing papayag akong mag-check in ka sa hotel kasama ang ibang lalaki, Cassie P. Rosales?” malamig ang tinig ni Calix, bihira niya lang tawagin si Cassie sa buo nitong pangalan.

Napakurap si Cassie. Alam niyang sinundan sila ni Aurora, pero hindi niya alam na pati si Calix ay nandoon din.

“Masyado kang kampante,” malamig na sabi nito. “Ni hindi mo namalayang sinusundan ka na pala ni Aurora. Sayang, kung mas naging maingat ka lang…”

Ngumisi si Cassie, pilit na binabago ang ihip ng hangin. “What? Hindi lang pala mahilig maniktik, pero marupok din sa selos?” Hinaplos niya ang tagiliran ng lalaki at marahang yumakap. “Ginamit ko lang ‘yong pagkakataon. Dinala ko siya sa hotel para mag-away sila ni Axel. Smart move, right?”

Bahagyang natawa si Calix, pero nanatiling malamig ang mga mata. Alam niyang nilalaro lang siya ni Cassie, pero nang makita niya itong sumakay sa kotse ni Axel, kumulo pa rin ang dugo niya.

“I will never be jealous, Cassie,” aniya, malamig at matalim. “Not even a bit.”

Marahas nitong inalis ang kamay ng babae. “May amoy ka pa ng pabango ng kotse ng ibang lalaki. Go take a shower.”

“Okay…” mahinang tugon ni Cassie. Hindi niya maintindihan kung bakit ito galit, pero gaya ng dati, alam niyang mawawala rin ito kapag nagpa-cute siya.

Pagkatapos niyang maligo, bumungad sa kanya si Calix sa kusina. Naghain ito ng apat na ulam at isang sabaw. Ilang beses na rin itong nagluto para sa kanya, at minsan, nakakalimutan na niyang ang tanging totoong init sa pagitan nila ay nasa kama.

Sa labas, magkaibang mundo sila, sa bahay, parang mag-asawang matagal nang sanay sa isa’t isa.

Habang kumakain, nag-aalangan si Cassie. Kung paano niya sisimulan ang usapan, hindi niya alam.

“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin,” sabi ni Calix habang inilagay ang isang pakpak ng manok sa kanyang mangkok, napansin niya na kanina pa siya tinitignan ng babae.

Napangiti si Cassie pilit. “Gusto kong humingi ng isang file. Galing sa obstetrics and gynecology department… mga dalawampung taon na ang nakalipas.”

Nanlamig ang tingin ni Calix. “Reason.”

“Si Carlo, may problema sa dugo niya. Mahirap humanap ng match para sa bone marrow. Hindi ‘yon galing sa tatay namin, kaya gusto kong hanapin ang totoong nanay namin. Siya lang ang may gano’ng dugo.” Inabot niya rito ang isa pang piraso ng manok, parang nagmamakaawa.

Ngunit agad ibinalik ni Calix ang ulam sa plato nito. “Sabihin mo sa akin ang pangalan ng nanay mo.”

Napatungo si Cassie. “Hindi ko alam… ni pangalan niya, hindi namin alam.” Ang tinig niya’y halos pabulong na, parang batang natatakot mapagalitan.

Tahimik na inilapag ni Calix ang mga kubertos, saka pinagdugtong ang mga daliri. “Dalawa lang ang may susi sa archive. Kailangang sabay buksan ang pinto. Isa sa akin, isa sa dean. Wala nang iba.”

Alam ni Cassie na totoo iyon. Maaari siyang tulungan ni Calix, pero hindi niya kayang kumbinsihin ang dean,  lalo na’t ang dean ay ama ng babaeng mahal nito noon… ang tunay na nagmamari sa puso niya. Kung malaman ng dean na may kinalaman si Calix sa kanya, siguradong guguho ang lahat.

“Then, I’ll find another way,” mahinahong sabi niya.

Nagtaka si Calix. 

‘Akala ba niya’y hindi ko siya tutulungan? Bakit parang siya pa ang sumusuko?’ tanong niya sa isipan.

Hindi na sila muling nag-usap. Tahimik nilang tinapos ang hapunan. Si Cassie na mismo ang nagligpit ng mga plato habang paakyat na si Calix.

“I’m waiting for you in the room,” tanging sabi nito bago tuluyang nawala sa hagdan.

Habang naghuhugas ng pinggan, iniisip ni Cassie kung saan siya magsisimula. Naalala niya bigla, na noong bata pa sila ni Carlo, bawal silang pumasok sa study room ng ama. 

‘Doon kaya nakatago ang mga sagot?’ tanong niya sa isipan. ‘Siguro, isang araw… babalik ako roon.’

Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya sa ideyang iyon. Nang matapos na niya ang lahat ng hugasin sa kusina, umakyat siya sa kwarto, ngunit pagdating niya roon, wala si Calix.

Sa kabilang banda, nakaupo si Calix sa kanyang mesa, abala sa isang video call kasama ang kanyang assistant na si Arnel.

“The old man is worried,” ani Arnel sa kabilang linya. “He said you’ve been working too hard at the hospital during the day, and still handling Rosales family affairs at night. He wants you to go back and officially take charge.”

Napabuntong-hininga si Calix, pinisil ang pagitan ng kanyang kilay. “It’s not the right time yet. Kung talagang nag-aalala siya sa kalusugan ko, sabihin mong huwag na niyang ipapadala rito ang mga papeles.”

“Pero sabi ng matanda, matanda na raw siya at wala nang lakas para harapin ang mga dokumento. Sooner or later, you’ll take over anyway, so he said it’s better if you get used to it now.” Sandaling tumigil si Arnel bago nagbiro, “Sir Calex, returning to the Rosales family doesn’t mean you can’t chase women, you know.”

Bahagyang ngumiti si Calix, malamlam ang mga mata. 

Tahimik siyang sumandal sa upuan, napaisip sandali. “Investigate the Peralta family,” malamig niyang utos. “Alamin kung sino ang tunay na ina nina Cassie at Carlo.”

Nagulat si Arnel. “Bakit mo pa kailangang mag-imbestiga? You could just ask your wife directly.”

Tumalim ang tingin ni Calix. “If I tell you to check, then check. Stop asking nonsense.”

Napilitan si Arnel na tumango at sumang-ayon.

Pagkatapos ng tawag, bumalik si Calix sa kwarto. Tulog na tulog na si Cassie, nakahiga sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan. Ang balat niya ay maputi at makinis na parang porselana, at ang silk na suot niya ay bahagyang nakababa, lantad ang karamihan sa likod. Sa kaliwang balikat niya, bakas ang isang lumang paso.

Tahimik na lumapit si Calix, inilapat ang malamig niyang mga daliri sa peklat, marahan, maingat, parang natatakot siyang masaktan ito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim habang pinagmamasdan ang markang iyon, ang tanda ng isang nakaraan na pareho nilang gustong kalimutan.

Hindi maganda ang hitsura ng paso, mapulang parang tubig na sumiklab, ngunit hindi niya iyon kinayamutan. Sa halip, marahang yumuko si Calix at hinalikan ang peklat, maingat at puno ng pag-aalaga, isang halik na may kasamang pag-amin at lihim na pagsisisi.

‘This scar… it’s not just hers,’ bulong niya sa sarili. ‘It’s mine, too.’

***

Kinabukasan, hindi pinapasok ni Calix si Cassie sa dahilan na kailangan nitong magpahinga ng ilang araw na pagpupuyat sa duty.

Bago umalis si Calix, marahan siyang yumuko at bumulong ng paalala, saka umalis nang ayaw pa sanang lumayo.

Pag-alis nito, nagbihis si Cassie at nagmaneho patungo sa lumang bahay ng Peralta family. Naisip niyang hindi pwedeng sayangin ang pagkakataon na iyon. 

Dalawampung minutong biyahe lang iyon mula sa bahay ni Calix, ngunit tila napakalayo sa kanya ng mga alaala.

Pagdating niya, sinalubong siya ng kalawangin at nakakandadong tarangkahan. Ang mga damo sa labas ay lumampas na sa tuhod, at ang lumang bahay ay tila nilamon na ng katahimikan.

Tumalon siya sa pader papasok sa bakuran, parang awtomatikong gumalaw ang katawan sa pamilyar na paligid. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng villa, nananatiling nakakandado iyon gaya ng dati.

‘Maybe… baka nandito pa rin ‘yong susi, bulong niya.

Tumingin siya sa paligid at inilipat ang lumang paso na tuyo na ang mga bulaklak. At doon, sa ilalim nito, isang lumang susi, maalikabok pero buo pa.

Natawa siya sa sarili. ‘The buyer must be too trusting.’

Agad niyang binuksan iyon, at pagpasok niya sa loob, nanlamig ang buong katawan ni Cassie. Ang mga mata niya’y agad napuno ng luha, at isang kirot ang kumapit sa kanyang dibdib.

Ang amoy, ang mga gamit, ang bawat sulok, lahat ay parang huminto sa oras. Parang isang bahay na matagal nang naghihintay na may bumalik.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   106

    Pinindot ni Cassie ang play button ng recorder. Sa sandaling marinig ang boses ni Sonya na malinaw na inaamin ang lahat ng kasinungalingan, tuluyang nanlaki ang mga mata ni Aurora. Para siyang natulala, tila hindi agad maiproseso ang narinig.Ilang segundo ang lumipas bago niya muling nahanap ang sarili niyang boses. Pilit niyang pinanatiling matatag ang tono. “Anong mapapatunayan ng isang sirang recording? You think this can beat two paternity test results? Hindi ba mas kapani-paniwala iyon kaysa sa isang audio na puwedeng pekein?”Nanahimik si Cassie. Sa loob-loob niya, hindi rin naman mali ang sinabi ni Aurora. Kahit anong paliwanag pa, mas mabigat pa rin sa mata ng batas ang dalawang opisyal na paternity test.Habang nag-iisip siya kung paano hahanapan ng butas ang sitwasyon, isang malinaw at pamilyar na tinig ang biglang umalingawngaw mula sa likuran.“Kung ganoon, convincing pa rin ba ang sasabihin nila?”Napalingon silang lahat.Papasok si Calix, kasama ang ilang tao. Dalawa sa

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   105

    Umingay ang isip ni Sonya, tila may kulog na paulit-ulit na bumabayo sa loob ng kanyang ulo. Hindi siya makapag-isip nang maayos habang nakatayo sa harap ng front desk, ramdam ang biglang panlalamig ng kanyang mga palad.“Ma’am,” malamig na wika ng receptionist habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa, “sa accent n’yo pa lang at sa suot n’yo… mukhang hindi kayo taga-rito. At sa itsura n’yo, hindi n’yo yata kayang mag-stay sa hotel na may minimum na dalawang libo kada araw. Hindi ba kayo nagsisinungaling?” Sandaling tumigil ito bago idinagdag, “Hindi pa po bayad ang kwarto n’yo. Aabot na ‘yan ng apat hanggang limang libo. May pambayad po ba kayo?”Napasinghap si Sonya, na para bang biglang naubusan ng hangin. “Tawagan n’yo ulit!” mariin niyang sabi, pilit hinahawakan ang huling hibla ng pag-asa. “Hindi ako naniniwalang empty number ‘yon.”Muli itong tinawagan ng front desk, ngunit pareho pa rin ang sagot. Ngayon, mas matigas na ang tono ng kausap. “Ma’am, naiintindihan ko kung pakira

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   104

    “Paternity test pa talaga?” mapanuyang sabi ni Aurora habang sinusuri si Sonya mula ulo hanggang paa. “Hindi naman kayo magkamukha. Mukha siyang kawawa at… frankly, hindi rin maganda.”Napangiti si Cassie nang bahagya, malamig at may bahid ng pangungutya. Kung akala ni Aurora na madadala siya sa ilang patutsada, nagkakamali ito.“Ano?” tinaasan niya ito ng kilay. “O natatakot ka lang? Guilty conscience ba ’yan kaya ayaw mong magpa-test?”“Hindi ako guilty,” mariing sagot ni Aurora. “Pero hindi rin ako kampante na dito sa ospital mo gagawin. Paano kung dayain mo ang resulta? Maglabas ka ng test na hindi mo ina, tapos ako ang mawawalan ng kumpanya? Tapos kayo naman, palihim n’yong kukumpirmahin ang relasyon ninyong mag-ina. Hindi ba lugi ako ro’n? Fine. Bukod sa ospital mo, kahit saang ospital ka pumili.”Sumulyap si Cassie kay Calix. Tumango ito nang bahagya, hudyat ng pagsang-ayon.“Wow,” sarkastikong singit ni Aurora, “kailangan mo pang magpaalam sa iba sa sarili mong desisyon?”“Kun

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   103

    “Pangalawa,” mahinahong dagdag ni Cassie, “kung ako ang may-akda at nakapunta na ako rito, at talagang nagustuhan ko ang lugar, tiyak na isusulat ko iyon. Hindi ko rin makakalimutan ang mga pagkaing natikman ko, at siguradong ilalagay ko rin ang mga iyon sa paborito kong libro. Kaya kalahati lang ng hula mo ang tama.”Napansin niyang nakikinig si Carlo nang buong-buo, halos kapareho ng ekspresyon ng ama nito noong unang beses niyang mahumaling sa librong iyon.Sa tuwing may natitikman silang bagong pagkain o may nakikitang kakaibang tanawin, palagi nitong naaalala ang libro at may nasasabi tungkol dito.Bakit ba ganoon kalakas ang hatak ng aklat na iyon?Pagkatapos kumain at magpahinga, bumalik ang tatlo sa hotel. Maaga silang natulog upang makapaghanda sa maagang pag-alis pabalik sa Manila kinabukasan.……Sa isang lumang bahay ng magsasaka, nagkalat sa sahig ang mga tuyong sanga at damo. Paminsan-minsa’y may naririnig na huni ng mga insekto, nagbibigay ng kakaibang lamig at paninikip

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   102

    “Tita, grabe, dito pa talaga tayo nagkita!” bahagyang nanginginig sa tuwa ang boses ni Carlo. “Two days ago lang, pinag-uusapan pa natin sa ospital sa Manila ’yong tungkol sa mga librong may bukirin. Tapos pagdating ko pa lang sa Cagayan, ikaw agad ang nakita ko!”Napangiti rin ang babae, halatang natuwa sa muling pagkikita nila. “I came here to visit an old friend,” sagot niya nang banayad, “and at the same time, to enjoy the scenery.”Tahimik na pinagmasdan ni Cassie ang babae. Batay sa kwento ni Carlo tungkol sa “book friend” niya, nasa bandang kuwarenta na raw ito. Ngunit sa ayos at postura nito ngayon, hindi agad mahuhulaan ang edad. Maayos ang kutis, maaliwalas ang mga mata, at may natural na lambing ang ngiti.“Oh, by the way,” sabi ni Carlo habang tinuturo si Cassie, “Ate ko po siya. Ate, siya ’yong auntie na ikinukuwento ko sa’yo dati.”Bahagyang ngumiti si Cassie at magalang na tumango. “Hello po.”Napatingin nang masinsinan ang babae kay Cassie, at may dumaan na munting ing

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   101

    Magkaharap ang dalawang matanda sa mesa ng chess, kapwa halatang beterano at tunay na nahuhumaling sa laro. Maaga pa lamang ay nandoon na sila, at matapos itaboy si Cassie, halos sampung minuto silang hindi gumalaw, para bang ang buong mundo nila ay umiikot lamang sa itim at puting mga piyesa sa harap nila.Nakatayo si Cassie sa di kalayuan. Ilang beses na niyang gustong lumapit at magtanong, ngunit alam niyang kapag nainis ang dalawang matanda, tuluyan nang mawawala ang pagkakataon niyang makakuha ng kahit kaunting impormasyon.Napalingon siya kay Calix na nasa tabi niya. Tahimik lamang itong nakamasid sa chessboard, malalim ang tingin, para bang may sariling mundo. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ni Cassie na may binabalak ito.Biglang nagsalita ang isang matanda, buong yabang.“Linario, kapag nabasag mo ang chess formation ko ngayon, titigil na ako sa paglalaro ng chess!”“Ikaw ang nagsabi niyan ah!” biglang naging masigla si Linario. “Matagal ka nang dapat tumigil, ako ang tuna

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status