Share

Kabanata 5

Author: Eyeris_Diary
last update publish date: 2026-07-12 20:40:29

Napatingin ako sa paligid

Mas lalong lumakas pa ang ulan

At kami lang dalawa ang nasa gitna ng kawalan.

Napakuyom ako ng kamao.

Hindi ko gusto kung saan ang patutunguhan ng mga ginagawa namin.

Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang pinipilit paandarin ni Logan ang makina ng sasakyan.

Ako naman ay nakatingin lang sa bintana habang pinapanood ang malakas na ulan sa labas. Halios wala na kaming makita sa kalsada dahil sa kapal ng tubig na bumabagsak mula sa kalangitan.

Hindi naman ganito kalakas ang ulan kanina, Bakit naman bumiglang ganito?

Biglang may malakas na tunog na nagmula sa radyo ng sasakyan dahilan para pareho kaming mapatingin.

Beeeep!

Kasunod no’n ay ang seryosong boses ng announcer.

“This is an emergency weather advisory. Signal Number Two has been raised in several areas. Residents and motorists are advised to stay indoors. Several roads have already been closed due to flooding and fallen trees.”

Napabuntong-hininga ako at isinandal ang ulo sa upuan. Mukhang hindi na talaga kami makakauwi ngayon…

At lalong lalo na ang tutor session ko!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Mama. Ilang beses kong pinindot ang call button pero wala pa ring pumapasok na tawag. Unti-unti nang nawawala ang signal.

Kumabog ang dibdib ko.

Hindi dahil wala ako sa bahay

Kundi dahil alam kong naghihintay doon ang pinakamsahalagang tao sa buhay ko.

“Lolly” bulong ko ng mahina, pero hindi rinig ni Logan

Muli kong sinubukan ang tawag pero tuluyan nang nawalan ng signal ang cellphone ko.

Napapikit ako at huminga nang malalim

Kilala ko si Mama. Kahit magdamag umulan, hindi niya pababayaan si Lolly.

“Nag-aalala ka.” Napalingon ako kay Logan.

Nakatitig lang siya sa akin habang hawak ang manibela.

“Sino ba namang hindi?” iritado kong sagot

Hindi na siya nagsalita. Tahimik lang siyang nagmaneho nung nagsimulang gumana ang makina, hanggang sa may makita kaming maliit na gusali sa gilid ng kalsada.

Medyo umayos ako ng upo nang mabasa ang karatulang halos natatakpan na ng ulan.

Mountain View Inn.

Mukhang luma na

Sa totoo lang, mukhang mas matanda pa ang gusali kaysa sa aming dalawa.

Pero sa sitwasyon namin ngayon, para itong five star hotel.

Dahan-dahang nag park si Logan sa harap ng inn at agad kaming bumaba. Halos mabasa kami sa ilang segundong pagtakbo papasok ng lobby.

Pagpasok namin, sinalubong kami ng isang matandang babae na mukhang may-ari ng lugar.

“Pasensya na,” ani nito. “Isa na lang ang bakante. Puno na ang lahat dahil sa bagyo.”

Dahan-dahan akong napalingon kay Logan.

Masama ang kutob ko.

At base sa bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya, mukhan naman syang walang problema sa sitwasyon namin.

Buti na lang at may mga robe rin dito sa inn.

Tanghali pa lang pero parang gabi na sa labas dahil sa lakas ng ulan. Halos hindi na makita ang mga puno at kalsada

Nakaupo si Logan malapit sa bintana habang umiinom ng kape. Tahimik lang siyang nabnunuod ng ulan.

Nakakainis!

Mas lalo siyang gumwapo ngayon.

Agad akong umiwas ng tingin nang maramdaman kong umiinit na naman ang pisngi ko.

Abala ako sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya nang hindi ko namalayang nakalapit na pala siya.

“Round two?” tanong niya sa may tainga ko.

“Ay palaka!” Napahawak ako sa dibdib ko

Medyon natawa sya.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Nanlaki ang mga mata ko.

“A-ano? Baliw ka na ba? Binabagyo tayo tapos yan lang nasa isip mo.” Nauutal utal kong dipensa sa kanya

Umangat ang isang kilay niya.

“I meant round two sa argument natin kagabi.” Maang mangan n’ya

Natigilan ako at dahan-dahang sumimangot. “Sinadya mo.”

“Maybe.” Ipinatong niya ang walang lamang tasa sa lamesita habang halatang pinipigilan ang ngiti.

“You’re impossible, Logan.” Hindi makapaniwala kong sagot sa kanya

“And yet, you’re still here.” Proud pa nyang rebatt

Bago pa ako makaisip ng isasagot, biglang kumidlat sa labas kasunod ang malakas na kulog na nagpagulat sa akin

Kusang napahawak ako sa braso niya.

Pareho kaming natigilan.

Dahil kahit anim na taon kaming nagkalayo, parang wala pa ring nagbago sa paraan ng paghahanap ko ng comfort sa kanya..

Napatingin ako sa mamula-mula niyang labi habang nararamdaman ko ang paglalakbay ng kamay niya sa aking baywang, dahan-dahan akong hinahatak papalapit sa katawan niya.

Hindi ko na napigilan at nagtama ang aming mga labi. Naging madiin at mainit ang bawat dampi.

Bigla akong naawa sa sarili ko

Afyer all this years… .

Mahal ko parin ang isang Logan Hauxley

Sa sobrang pag mamahal ko sa kanya… iniwan ko syang mag isa, ang kapalit?

Isa na sya ngayon sa youngest self made Billionaire sa buong continent

At ako? Nandito ako dumidikit nanaman sa kan'ya.

Hindi ko mapigilan ang mag isip habang patuloy na nag iisa ang mga labi namin, Mainit at totoo.. Ang mga kamay nya ay humahagod sa likod ko at ang isa ang napapasabunot sa buhok ko.

Bigla akong kumalas sa ginagawa namin at dahan dahan lumayo sa kanya

“Why?” mahina at namamaos nyang tanong

Umiling-iling lang ako dahil hindi ko masabi lahat ng nasa isip ko

“Hindi tama to Logan” mahina kong sagot sa kanya kasabay ang ingay ng ulan

“Hindi tama? Eh ano yung kagabi?” nagtataka nyang tanong ulit “Violette” habol pa nya habang ihinaharap akonsa kanya

Ako mismo naguguluhan sa mga desisyon konsa buhay ikaw pa kaya? Na hindi nararamdaman ang nararamdaman ko.

“Why can’twe do it again?” walang katapusan nyang tanong

“Dahil di dapat! Basta…” Para akong ewan na tumalikd sa kanya

Pero natigilan ako ng niyakap nya ako mula sa liko ko..

“I didn’task too much, mula nuong makita ulit kita” nanginginig ang boses nya mula sa batok ko, “Pinipilit ko ang sarili kong maniwala na may dahilan ka kaya ka biglang umalis… Pero years has passed, ni anino mo hindi ko nakita.. Violette”

Nangingilid ang luha ko, I know hindi ako karapatdapat para sayo..

Kung Hindi ako umalis, hindi matutupad ang mga pangarap para sayo ni Madame Giselle

Napapikit ako nang mariin nang biglang may tumunog na cellphone.

Pareho kaming natigilan.

Nang makita ko ang pangalan sa screen ni Logan, tuluyan akong naguluhan.

Alessia calling~

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 32

    Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 31

    Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 30

    "Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 29

    Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 28

    Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay may humawak sa lalamunan ko habang nakatitig kay Logan. Sa loob ng anim na taon, libo-libong beses ko nang inisip ang mukha nya.Sa loob ng anim na taon, wala ni isang araw na hindi ko sya naalala.Ngunit paano ko iyon sasabihin?Paano ko aaminin iyon kung ang buong buhay ko ay itinayo sa paglayo sa kanya?"Violette?" mababa nyang tawag habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Answer me."Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang pilit kong hinahanap ang tamang salita."Wala nang saysay ang sagot ko." paos kong saad. "Matagal na panahon na ang lumipas."Agad na kumunot ang noo ni Logan."Hindi mo sinagot ang tanong ko."Napapikit ako nang mariin.Nakakainis.Dahil kahit matapos ang anim na taon ay kaya nya pa ring pilitin akong harapin ang mga bagay na ayaw kong harapin."Logan..." pagod kong bulong."Just answer me."Bigla akong natawa nang mahina.Hindi iyon masayang tawa.Kundi i

  • The Billionaire Forbids his Maid to Leave   Kabanata 27

    Napahawak ako agad sa gilid ng mesa habang umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Violette!" agad na tawag ni Logan habang humahakbang palapit. Mabilis akong napailing at pilit na inayos ang paghinga ko. Hindi ko pwedeng magpahalata lalo na ngayon. "Ayos lang ako." mahina kong saad habang pinipilit tumayo nang maayos. "Nahilo lang." Hindi kumbinsido si Logan. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You're pale." Napabuntong-hininga ako at marahang napahawak sa sentido ko. Doon ko lang naalala na kanina pa pala ako nagtitiis. Mula pa noong dumating si Alessia. "Matapang kasi yung pabango ng asawa mo." pilit kong biro habang nakangiti. "Kanina pa masakit ulo ko." Bahagyang natigilan si Logan. Samantalang ako ay pilit na inaayos ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong may pagdudahan siya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo ay mas lalo lang lumalala ang pagkahilo ko. Bigla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status