登入Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin
Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko
"Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok
Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum
Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay may humawak sa lalamunan ko habang nakatitig kay Logan. Sa loob ng anim na taon, libo-libong beses ko nang inisip ang mukha nya.Sa loob ng anim na taon, wala ni isang araw na hindi ko sya naalala.Ngunit paano ko iyon sasabihin?Paano ko aaminin iyon kung ang buong buhay ko ay itinayo sa paglayo sa kanya?"Violette?" mababa nyang tawag habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Answer me."Napakagat ako sa labi at mabilis na umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang pilit kong hinahanap ang tamang salita."Wala nang saysay ang sagot ko." paos kong saad. "Matagal na panahon na ang lumipas."Agad na kumunot ang noo ni Logan."Hindi mo sinagot ang tanong ko."Napapikit ako nang mariin.Nakakainis.Dahil kahit matapos ang anim na taon ay kaya nya pa ring pilitin akong harapin ang mga bagay na ayaw kong harapin."Logan..." pagod kong bulong."Just answer me."Bigla akong natawa nang mahina.Hindi iyon masayang tawa.Kundi i
Napahawak ako agad sa gilid ng mesa habang umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang buong katawan ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Violette!" agad na tawag ni Logan habang humahakbang palapit. Mabilis akong napailing at pilit na inayos ang paghinga ko. Hindi ko pwedeng magpahalata lalo na ngayon. "Ayos lang ako." mahina kong saad habang pinipilit tumayo nang maayos. "Nahilo lang." Hindi kumbinsido si Logan. Kitang-kita iyon sa paraan ng pagtitig nito sa akin. "You're pale." Napabuntong-hininga ako at marahang napahawak sa sentido ko. Doon ko lang naalala na kanina pa pala ako nagtitiis. Mula pa noong dumating si Alessia. "Matapang kasi yung pabango ng asawa mo." pilit kong biro habang nakangiti. "Kanina pa masakit ulo ko." Bahagyang natigilan si Logan. Samantalang ako ay pilit na inaayos ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong may pagdudahan siya. Ngunit habang lumilipas ang mga segundo ay mas lalo lang lumalala ang pagkahilo ko. Bigla







