LOGINATHENA’S POV Ilang segundo lang ang nakalipas, ako ang pinagtatawanan nila. Ngayon, halos walang gustong magsalita sa harap ng asawa ko. “Who dares to speak to my wife like that?” Hindi malakas ang boses niya, pero sapat iyon para tumahimik ang buong paligid. “Lucien, baka naman nakakalimutan mong hindi basta-basta ang pamilya namin.” boses ni Marina ang bumasag sa katahimikan. Tiningnan siya ni Lucien nang malamig. “I’m well aware of who you are, Mrs. Cortez. The question is, are you aware of who you’re speaking to?” Napaatras nang bahagya si Marina. Si Chiara naman ay agad na sumingit. “Lucien, hindi mo naman naiintindihan ang sitwasyon. Si Athena ang nagsimula—” “Enough.” Isang salita lang, pero napatahimik siya. “Hindi mo alam ang nangyari!” mariing sabi ni Chiara. “Then explain it without insulting my wife.” “Lucien, please,” singit ni Marina. “Family matter ito. Hindi mo kailangang makialam.” Bahagyang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. “My wife is
LUCIEN’S POV “Sir, naghihintay na po ang Lolo ninyo.” Napatingin ako sa assistant ko. Alas-diyes pa lang ng umaga, pero pangatlong beses na niyang ipinapaalala sa akin ang appointment na iyon. “Did he say what this is about?” “Hindi po. Ang sabi lang niya, kailangan daw po kayong magkita agad. At gusto niyang mag-isa kayong pumunta.” Napabuntong-hininga ako at isinara ang folder sa ibabaw ng desk. Tatlong araw na akong halos walang tulog nang maayos dahil sa sunod-sunod na meetings at problemang kailangan kong ayusin. Pero higit sa lahat, hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Athena. Naiisip ko kung kumakain ba siya nang maayos, kung galit pa rin ba siya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang conversation namin. Nandoon pa rin ang huli niyang mensahe. I’m home. Hindi ko iyon nasagot. “Prepare the car,” utos ko kay Daniel. “And move my afternoon meetings.” Pagdating ko sa Montenegro estate, agad akong dinala ng kasambahay sa private sitting room. Naroon ang Lolo
ATHENA’S POV“Anak, sigurado ka bang kaya mong pumunta nang mag-isa?” tanong ni Nanay Pinky habang inaayos ang laylayan ng damit ko.“Of course, Nay. Hindi naman ako pupunta sa gyera.”“Sa pamilya mo, parang ganoon na rin.”Napatawa ako. “Nay!”“totoo lang tayo Nak.”Bago ako umalis, niyakap niya ako nang mahigpit. “Tandaan mo, anak. Hindi nakabase sa pera o apelyido ang halaga mo.”Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. “I love you, Nay.”“I love you more.”Pagdating ko sa Montenegro Holdings, agad kong napansin ang dami ng mamahaling sasakyan sa labas. Maraming bisita, executives, at reporters ang nagtipon sa lobby. May malaking banner na may pangalan ni Chiara at ang announcement ng bagong pamunuan.Sa loob ng event hall, nakita ko agad si Marina na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita. Nang mapansin niya ako, agad siyang lumapit.“Finally. Akala ko hindi ka na pupunta.”“Sayang naman ang invitation mo.”Sinuri niya ang suot kong simpleng eleganteng dress. “Iyon lang ang naisi
ATHENA’S POVTatlong araw nang hindi umuuwi si Lucien, at kahit ilang beses kong sabihing hindi ko siya hinihintay, kusang bumabalik ang mga mata ko sa cellphone ko tuwing may notification.Wala pa rin siyang tawag. Ang huli niyang mensahe ay iyon pa ring ayaw kong basahin ulit.‘I need time. Don’t wait for me.’“Anak Athena?”Napalingon ako kay Nanay Pinky na may dalang tasa ng mainit na gatas. “Kanina ka pa nakaupo rito. Hindi ka pa din kumakain.”Ang Sipag ni Nanay, Lumuwas uli ng Manila dahil miss niya na ako.“Hindi pa ako gutom, Nay.”Umupo siya sa tabi ko. “Anak, kahit hindi ka niya tinatawagan, kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo.”Napayuko ako. “Paano kung ayaw na niya akong umuwi rito, Nay? Paano kung kaya hindi siya nagpaparamdam kasi ayaw na niya sa akin?”Hinaplos niya ang kamay ko. “Kung may problema kayo, kailangan ninyong pag-usapan. Pero huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman alam.”Bago pa ako makasagot, tumunog ang doorbell. Si Nanay
ATHENA’S POVAlas-siyete pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi dahil maaga akong natulog, kundi dahil halos buong gabi akong naghintay ng kahit anong balita mula kay Lucien.Wala. Ni isang tawag, ni isang mensahe.“Congratulations, Athena,” bulong ko habang nakatingin sa salamin. “May asawa ka nga, pero parang single ka rin.”Napabuntong-hininga ako at inayos ang buhok ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harap ng mga kasambahay. Hindi naman nila kasalanan kung iniwan ako ng sarili kong asawa sa ere.Pagbaba ko, nadatnan ko si Elena na nag-aayos ng almusal.“Good morning, Ma’am.”“Good morning. May balita ba kay Lucien?”Napatigil siya sa pag-aayos ng mga plato. “Wala pa po.”“Ahh sige.”Umupo ako at kumuha ng tinapay. Ngumunguya ako kahit wala akong gana, pero nang mapansin kong nakatingin pa rin sa akin si Elena, napabuntong-hininga ako.“Elena, kung may alam ka, sabihin mo na lang sa akin. Hindi ako magagalit.”“Wala po talaga akong alam, Ma’am. Ang alam ko lang, umalis si Sir. Hindi
ATHENA’S POV “Finally! Manila, baby!” Malakas na sigaw ni Milo pagdating namin sa parking area. Napailing ako habang hinihila ang maleta ko. “Tumahimik ka nga. Para kang nakalaya sa kulungan.” “Excuse me, four days akong walang maayos na salamin! Paano ko mamomonitor ang beauty ko?” “May front camera ka naman,” sagot ni Erin. “Hindi pareho ang front camera sa full-length mirror, Erin. Please respect my struggles.” Napatawa ako. Sa totoo lang, masaya ako sa naging trip namin. Nakapagpahinga ako, nakilala ang mga bagong tao, at kahit sandali ay nakalimutan ko ang mga problemang naghihintay sa bahay. Kahit si Lucien. Well, halos. Dahil ilang beses ko pa ring nahuling tinitingnan ang cellphone ko, umaasang may message siya. Wala naman akong hinihinging mahaba. Kahit simpleng pangungumusta lang sana. Pero wala! Mas kalo ako naiinis sa sarili ko. ‘Jusko athena! Aasa ka pa ba kay Lucien?’ “Girl, ihahatid ka na namin sa inyo,” sabi ni Erin. “Hindi na. Kaya ko na ’to.” “Sure ka?”







