author-banner
SkyLuna
SkyLuna
Author

Novels by SkyLuna

The Billionaire I Never Knew I Married

The Billionaire I Never Knew I Married

Akala ni Athena Vionne Cortez, sa wakas magkakaroon na siya ng pagkakataong makatakas sa buhay na ilang taon niyang tiniis. Pero nang ipadala siya ng ama niya sa Manila, isang bagay lang ang sinabi nito—kailangan niyang pakasalan si Lucien Xavier Montenegro, isang billionaire CEO na hindi pa niya kailanman nakikilala. Dahil sa isang kasunduan tungkol sa kanyang mana, kailangan nilang magsama sa iisang bahay at mamuhay bilang mag-asawa sa loob ng tatlong taon bago niya tuluyang makuha ang lahat ng naiwan para sa kanya. Ang problema, ayaw ni Lucien sa kasal na ito. Malamig at tahimik, agad niyang ipinaalam kay Athena na kasunduan lang ang lahat. Pero habang tumatagal ang pagsasama nila, may isang bagay na hindi niya maipaliwanag—matapos mawalan ng pang-amoy sa loob ng maraming taon, si Athena lang ang tanging taong naaamoy niya. At bago pa makarating si Athena sa Manila, may isang lalaking naka-maskara na tumulong sa kanya sa isang gabing muntik nang magbago ang buong buhay niya. Hindi niya nakita nang maayos ang mukha nito. Hanggang sa makilala niya si Lucien. Habang unti-unting nagiging malapit ang dalawa, napapansin ni Athena ang mga bagay tungkol kay Lucien na tila pamilyar sa kanya. Kasabay nito, unti-unti ring lumalabas ang mga lihim na matagal nang itinago ng kanilang mga pamilya. Dahil ang arranged marriage na pinilit nilang tanggapin ay maaaring hindi pala isang simpleng kasunduan. At ang lalaking pinakasalan ni Athena ay maaaring konektado sa estrangherong minsang nagligtas sa kanya. Kapag nalaman niya ang katotohanan, maaaring magbago ang lahat ng alam niya tungkol sa kanyang buhay.
Read
Chapter: CHAPTER 55 — Temptation
ATHENA’S POV “Wifey, aalis na ako.” Napatingin ako kay Lucien habang inaayos niya ang relo niya. “Ang aga mo naman.” “May meeting ako.” “Meeting lang ba talaga o may ibang babaeng naghihintay sa’yo?” Napataas ang kilay niya bago lumapit sa akin. “Nagseselos ka na naman?” “Excuse me. Nagtatanong lang ako.” “Then stop imagining things, Athena.” Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang tumalikod. Pero bago siya makalayo, hinawakan ko ang kamay niya. “Lucien.” He looked at me. “Hmm?” “Uuwi ka mamaya?” Bahagyang lumambot ang tingin niya. “Of course. I told you I would.” Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero malaking bagay sa akin ang simpleng pangakong iyon. “Okay. I’ll wait for you.” He leaned down and kissed my forehead again. “Good girl.” “Hoy! Hindi ako aso!” Mahina siyang natawa bago tuluyang umalis. Napailing ako habang nakangiti. Ang yabang talaga ng lalaking iyon. ‘Mahal mo naman Self!’ ⸻ LUCIEN’S POV “Sir, may bisita po kayo.” Hindi ako agad nag-anga
Last Updated: 2026-10-18
Chapter: CHAPTER 53 — The Truth She Hid
ATHENA’S POVHindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lucien. Kanina pa kami tahimik mula nang sabihin kong gusto kong makipagkita kay Marina. Pumayag siyang samahan ako, pero halatang hindi siya komportable sa ideya.“Athena.”Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”“Kapag may sinabi siya na hindi mo maintindihan, huwag kang agad maniwala.”“Alam ko naman.”“I’m serious.”Napabuntong-hininga ako. “Lucien, hindi naman ako basta-basta maniniwala sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano ang gusto niyang sabihin.”Sandali niya akong tinitigan bago hinawakan ang kamay ko.“Okay. Pero nandito ako. You don’t have to face her alone.”Napangiti ako nang kaunti. “Alam mo, minsan ang sweet mo.”“Sometimes?”“Don’t push it.”Mahina siyang natawa at hinalikan ang likod ng kamay ko bago muling tumingin sa daan.Grabe. Paano ako mananatiling galit sa mundo kung ganito ang asawa ko?Pagdating namin sa Café Aurelia, agad kong nakita si Marina na nakaupo sa isan
Last Updated: 2026-10-16
Chapter: CHAPTER 52 — Leverage
MARINA’S POV“Hindi ko hahayaang basta na lang tayo itapon ni Lucien Montenegro na parang wala tayong halaga!”Napabagsak ko ang folder sa mesa habang nakatayo sa harap ni Arthur. Kanina pa ako naiinis sa balitang tuluyan nang binawi ni Lucien ang suporta niya sa kumpanya namin.Simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay namin, puro problema na lang ang dala niya. Dati, madali siyang utusan at kontrolin. Ngayon, dahil lang naging asawa siya ng isang bilyonaryo, akala mo kung sino na.“Arthur, may balak ka bang gawin o hahayaan mo na lang tayong mawalan ng negosyo?” tanong ko.Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko puwedeng pilitin si Lucien. Desisyon niya ang partnership.”“Pero puwede mong kausapin si Athena!”“Hindi siya ang nagpapatakbo ng kumpanya.”“Pero asawa siya ng nagpapatakbo!”Napatingin siya sa akin, halatang napipikon na rin.“Marina, tama na. Hindi lahat ng problema natin ay kasalanan ni Athena.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo m
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: CHAPTER 51 — Afterglow
ATHENA’S POV Pagmulat ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang mukha ng lalaking ilang araw kong hinintay na umuwi. Si Lucien. Nakahiga siya sa tabi ko, isang braso ang nakapulupot sa baywang ko habang mahimbing na natutulog. Magulo ang buhok niya at wala ang karaniwang kunot sa noo niya. Sa unang pagkakataon, mukha siyang ordinaryong lalaki lang at hindi ang seryosong CEO na parang kayang bilhin ang buong mundo kapag nainis. Napangiti ako nang hindi sinasadya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Wait. Asawa ko? Napakagat ako sa labi nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko. Balak ko sanang bumangon bago siya magising, pero bago pa ako makaupo nang maayos, bigla niya akong hinila pabalik. “Athena, saan ka pupunta?” Napasinghap ako nang mapadikit ulit sa dibdib niya. “Good morning din sa’yo!” reklamo ko. Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya. “Good morning.” “Bitawan mo nga ako. Kukuha lang ako ng tubig.” “May
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: CHAPTER 50 — Space Between Us
ATHENA’S POVTahimik lang ako habang nasa biyahe kami pauwi. hindi ko alam kung paano haharapin ang lalaking katabi ko.Si Lucien.Ang asawa kong Ilang araw na nawala, bumalik na parang walang nangyari, at ipinagtanggol ako sa harap ng mga taong matagal nang nagpaparamdam sa akin na wala akong halaga.Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit ng mga araw na hindi ko alam kung nasaan siya.“Athena.”Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”“You’ve been quiet.”“Pagod lang ako.”Matagal niya akong tiningnan bago muling ibinalik ang tingin sa daan.Pagdating namin sa bahay, agad akong umakyat sa kuwarto at inilapag ang bag ko sa ibabaw ng kama.“Can I come in?”Napangiti ako nang bahagya. Ngayon, marunong nang kumatok?“Pasok.” Pumasok siya at isinara ang pinto.Nakakainis! Bakit ba kahit galit ako sa kanya, napapansin ko pa rin na gwapo siya?“Are you still angry with me?” tanong niya.Napaupo ako sa gilid ng kama. “Sa tingin mo?”“I deserve that.”Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahang
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: CHAPTER 49 — The Woman He Never Chose
LALAINE’S POV Nakatayo pa rin ako sa gilid ng venue nang tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyang sinakyan nina Lucien at Athena. ‘I’m choosing my wife.’ Napahigpit ang hawak ko sa clutch bag ko. Ang dali para sa kanya na sabihin iyon. Isang pangungusap lang, pero parang binura niya ang lahat ng taon na inilaan ko sa paghihintay sa kanya. “Lalaine.” Napalingon ako kay Sophia. “Let’s go. You don’t have to stay here.” “I’m fine.” Mabilis kong sagot iyon, pero hindi ko rin kayang tingnan siya sa mga mata. “Hindi mo kailangang magpanggap sa akin,” mahinang sabi niya. Napatawa ako nang mapait. “What do you want me to say, Sophia? Na masakit? Na nakakahiya? Na pagkatapos ng lahat, ako pa rin ang babaeng hindi niya kayang piliin?” Hindi siya sumagot agad. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ko. At doon ko naramdamang nanginginig pala ang mga daliri ko. “Halika na,” sabi niya. Tumango ako at nagsimulang maglakad, pero bago kami tuluyang makalayo sa main hall, may narinig kami
Last Updated: 2026-10-14
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status