Share

Chapter 6

Marissa

Hindi ko alam kung masusuka ako o hindi dahil nasa isa kaming mamahaling fine dining restaurant. Hindi ako sanay sa pagkain nila dito at mas lalong wala akong pera sa pagbayad ng pagkain dito. Gusto ko na lang umalis pero hindi naman ako makaalis dahil may... Kasalanan pa ako kay Sir Ethan.

"What are you waiting for, Marissa?" Napatingin ako kay Sir Ethan na naghahanap na ng kaniyang kakainin. Napatingin ako sa paligid at hinahanap si Sir Arnold. Nasan na iyong lalaking iyon?

"Teka, nasan po pala si Sir Arnold?" nakangiting tanong ko. Tumingin siya sakin saglit tapos ay bumalik ang tingin niya sa menu.

"He can't stay for so long. He has a lot of things to do. Why, do you want him to be here?" nakataas ang kilay na tanong niya sakin. Agad akong umiling.

"No, it's fine! It's fine, Sir!" Pero sa loob-loob ko hindi pwede ito na kaming dalawa lang ang magkasam. It's like a-

"Don't think about it as a date. This is a compensation of you saying that I have a bad attitude to other people," sabi ni Sir Ethan. Napaubo naman ako. Sabi ko nga hindi ito date! Pero bakit niya kasi pinauwi si Sir Arnold? Nakakaloka ah!

"Alam ko naman po na hindi ito date! I won't even think of dating you, sir," nakangiting sabi ko pero deep inside kinakabahan ako. Bakit kasi naisipan ko pa na makipagusap sa lalaking iyon? Kung hindi ko ginawa iyon ay baka nakauwi na ako at nakapagpahinga. Napangisi siya at tumingin ulit sa menu.

"If were going to go on a date, It would be special. Not like this." Napaubo ako sa sinabi niya. Hindi niya talaga ako titigilan sa kakaasar niya sakin ng ganito. Naloloka na talaga ako sa kaniya. Sana hindi pa ako baliw kapag nakita ko na kung sino ang babaeng makakasama niya habang buhay! "Choose anything you want. The sky is the limit." Nanlulumo akong napatingin sa menu dahil wala akong alam sa mga pagkaing pang mayaman!

"Ahm... A-ano kaya?" Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Lord, tulungan mo ako! Seryoso akong nakatingin sa mga nakalistang pangalan ng pagkain pero kahit anong imagine ko ay hindi ko alam talaga. Bigla kong naramdaman na may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa direksyon na iyon. Sa direksyon kung saan nakaupo si Sir Ethan. Nagulat ako na nakatingin siya sakin at may ngiti sa labi. Agad kong itinago ang mukha ko sa likod ng menu na hawak ko.

"Did you choose already?" tanong niya. Napakipot ang labi ko. Anong sasabihin ko? Sabihin ko na lang kaya ang totoo? Ibinaba ko ang menu sa table at may ngiti sa labi na hinarap ko siya.

"Sir, hindi po talaga ako sanay sa pagkain ng mayayaman. Baka naman po pwede pauwiin ninyo na lang ako?" Onti na lang talaga at luluhod na ako sa harap niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at nawala ang ngiti niya at napalitan ng seryosong tingin na feeling ko ay parang kakainin ako ng buhay. Pumikit ako at nagturo na lang ng kung ano sa menu. "Eto! Eto na lang sir!" agad na sabi ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya pero please lang, gusto ko pang mabuhay ng matagal!

"Okay. Prepare her food delicately. Also, prepare us some juice and wine. My order is the same as always," narinig kong sabi ni Sir Ethan. Binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko na nakatingin na siya sa cellphone niya kaya agad akong nakahinga ng maluwag. So, anong gagawin ko habang may kausap si Sir Ethan? Ahh!

"Sir Ethan, since nandito na naman po kayo, pagusapan na po natin ang para sa next week na marriage meeting," sabi ko. Tumingin siya sakin tapos ay inilagay niya ang cellphone niya sa coat na suot suot niya at may maliit na ngiti akong nakita sa kaniya.

“Then, let’s talk about it.” Sinabi ko sa kaniya kung sino ang kailangan niyang kausapin bukas at nakita ko naman na maiigi siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. “I actually don’t want to give that family a chance. Did Jeric didn’t tell you about them?

“Huh?” Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Mismong si Sir Jeric ang nagsabi na isama ko ang babaeng ‘to sa mga pwedeng ipareha kay Sir Ethan. “It was Sir Jeric who told me to include Ms. Maria.”

“That f*cker.” Nakita ko na napahagod siya ng kaniyang buhok at huminga ng malalim. Seryoso niya akong tinignan kaya napatingin ako sa ibaba. “Just remove her and change her to another woman. I don’t want her to meet or even give her a chance.”

“Okay, I understand.” Mukhang nagbago din ang mood ni Sir Ethan. Siguro nga ayaw niya sa babaeng iyon kaya imbis na itanong ko pa sa kaniya kung bakit ay hinayaan ko na lang. Sa tingin ko naman ay meron siyang personal na dahilan na hindi ko kailangan alamin. Hmm… Pero seryoso ba talaga siyang naghahanap ng babaeng papakasalan? Kasi sa lahat ng babae na ipinareha ko sa kaniya, hanggang marriage meeting lang. Kahit isang date, wala silang ginawa. Napatingin ako kay Sir Ethan na prenteng nakaupo lang sa kaniyang upuan. Hindi kaya… “Sir, alam ba po ninyo kung paano makipag date?”

“What?” Hindi maipinta ang mukha ni Sir Ethan. Napakurap ako. May nasabi ba akong masama?

“I mean, is that why you never brought a girl to a date because you don’t know how to prepare it?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at nakatikom lang ang kaniyang bibig. Inintay ko siyang magsalita.

“Do you think that I didn’t even know how to prepare a date? Are you really looking down on me?” manghang tanong niya sakin. Umiling ako. Sino ako para tignan siya ng ganoon.

“No sir! Or course, I wouldn’t dare! Pero kasi, sa program po namin, if our clients doesn’t know how to prepare a date, then us marriage counselors will help our client by arranging a pretend date,” sabi ko. Mukhang nakuha ko naman ang atensyon niya sa sinabi ko dahil nagbago ang emosyon niya at napalitan ng kuryosidad.

“What is this pretend date you're talking about?”

“Pretend date is like a sample date na kailangan iorganisa ng kliyente at kaming mga counselor ang magre-rate kung maayos ba or kailangan pang i-improve ng kliyente ang kaniyang preparation para sa isang date,” nakangiting paliwanag ko. Nakita ko naman siyang tumango-tango. Tapos bigla siyang tumingin sakin at itinukod niya ang kaniyang siko sa armchair at ipinatong ang kaniyang baba sa kaniyang kamay.

“So, out of your clients, who was the first one who conducted this kind of- Pretend date?” tanong niya. Ngumiti ako.

“That is-“

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status