Share

Chapter 5

Marissa

Nandito kami ngayon kung saan nagaganap ang marriage meeting ni Sir Ethan at ni Ms. Alexandria. Sabi ni Sir Arnold ay gusto ni Sir Ethan na paisa-isa na lang ang makaharap niya imbis na ilang babae sa isang araw. Mabilis daw kasi mapagod si Sir Ethan. Maniwala ako sa sinasabi nila pero para namang kaya kong sabihin 'sinungaling!' sa kanila. Baka mawalan pa ako ng trabaho. Pero eto nga, nandito kami sa isang restaurant. Magkasama ulit kami ni Sir Arnold sa isang table. Hindi din nalalayo samin sila Sir Ethan. Nakatalikod samin si Ms. Alexandria habang nakaharap naman samin si Sir Ethan. 

"Mukhang good mood si Sir Ethan," narinig kong sabi ni Sir Arnold na ikinatingin ko sa kaniya na parang hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Napatingin ako kay Sir Ethan at nagulat ako na nakatingin siya sakin na may ngiti sa labi. I felt my heart skip beat and I quickly looked away. Nakakaloka ka! Yung tingin ni Sir Ethan ay parang mga tingin ng mga gwapong villain sa movies! Yung kahit na kontrabida ay mamahalin mo! Nako! Marissa! Magtigil ka nga! Siguro naman, hindi na siya nakatingin sakin. Pasimpleng tumingin ako kay Sir Ethan pero- Jusme naman po! Nakatingin pa rin siya! Makikita mo sa mata niya na naaaliw na naman siya. Tsk! Inaasar na naman siguro ako ng lalaking 'to! Bahala na nga siya diyan! 

Bakit kasi attracted ako sa mga katulad niya? Napatingin ulit ako kay Sir Ethan and this time hindi na siya nakatingin sakin at nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan si Sir Ethan. He has this natural red thin lucious lips, perfect aquiline nose and alluring brownish hooded eyes. At meron din siyang beauty mark sa dulo na ilalim ng kaniyang kaliwang mata na tunay na nakadagdag na kagwapuhang taglay niya. 

Wait! Luscious? Perfect? Alluring? Ahhh! Nababaliw ka na talaga Marissa! Shoo! Shoo! Bad thoughts leave! Pero wait- Beauty Mark sa ilalim ng mata? Napakunot noo ako dahil napaka pamilyar nito sakin.

"Alexa!" Napatingin ako sa pinaggalingan ng boses ng isang lalaki. May galit sa mukha niya at lumapit siya kay Ms. Alexandria. Napatayo si Ms. Alexandria ng makalapit ang lalaki sa kaniya. Tumayo na rin ako dahil baka mamaya ano ang manfyari kay Ms. Alexandria, kliyente ko siya at sagutin ko rin siya lalo na sa loob ng working hours ko. 

"Jaycee! Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay Ms. Alexandria. Magkakilala silang dalawa? Napatingin ako sa lalaking kakadating lang. Gwapo din siya pero mas gwapo pa rin si Sir Ethan. Teka nga! Bakit ko ba sila pinagkukumpara ngayon?

"Sino siya, Alexa?" tanong ng lalaki kay Ms Alexandria. Napatingin sa ibang direksyon si Ms. Alexandria.

"He- He's... Uhm..." Hindi malaman ni Ms. Alexandria ang isasagot niya. Magsasalita sana ako ng biglang magsalita si Sir. Ethan.

"I'm her marriage meeting partner. How about you?" Nanlaki ang mata ng lalaki sa sagot ni Sir Ethan at tumingin ito kay Ms. Alexandria. Parang hindi siya makapaniwala sa sagot ni Sir Ethan. Tumingin siya kay Ms. Alexandria na may hinanakit at lungkot sa kaniyang mga mata. 

"I see... Is this why you're not in your house today? Because of this marriage meeting? Why? I thought that we're okay. Bakit ganito, Alexa?" malumanay pero may galit at sakit sa bawat salita ng lalaki. Kahit ako nasasaktan para sa kaniya. Hindi kaya nobyo ni Ms. Alexandria ang lalaking 'to?

"Umalis ka na, Jaycee." Tinalikuran na ni Ms. Alexandria ang lalaki. Hindi ko akalain na may drama akong makikita ngayon! Nakita kong napakuyom ang kamay ng lalaki pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya. 

"It's best if you leave. You're interrupting my time with her," sabi ni Sir Ethan at winasiwas ang kamay niya. Napabuntong hininga ako. At lumapit sa lalaki. Hinawakan ko siya sa braso para hilahin palabas. Nung una ay hindi ito natinag sa kinatatayuan pero in the end ay sumama na rin siya sakin palabas.

"I'm sorry for doing this, ginagawa ko lang ang trabaho ko," sabi ko sa kaniya. Naphinga siya ng malalim at napabuga ng hangin at napatingin sa langit. Napansin ko na parang pinipigilan niya umiyak. Napakamot ako ng kilay. Teka anong gagawin ko sa kaniya? Napakipot ako ng labi at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.

"Ikakasal na ba sila?" tanong ng lalaki sakin. Tumingin ako sa kaniya ay umiling.

"Hindi pa. Pero depende sa kanila dahil sila ang magdedesisyon ng bagay na iyon. Ang purpose ng marriage meeting ay makilala ng bawat isa ang mga taong posible nilang makasama sa buhay. Dati kasi, uso ang arrange marriage diba? Pero dahil sa Marriage Counsellor or Marriage Matchmakers na kagaya ko, hinahanapan namin sila ng makakapareha at magkakilala sila para makita kung magiging komportable sila sa isa't isa o kaya naman ay makita ang taong mamahalin nila habang buhay without regrets," sagot ko sa tanong niya. Tumango siya at napatingin sa lapag. 

"Sa tingin mo, sila na ang-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya at natahimik siya. Nagkibit balikat ako at umiling.

"Hindi ko rin alam pero ang masasabi ko lang... Magiging kawawa si Ms. Alexandria kay Sir Ethan! You won't believe me even if I tell you! Kahit na ganoon kagwapo si Sir Ethan, nako! Gwapo lang pero ugali hindi! Malakas siya mangasar, masungit at iyong mga mata niya kapag tumingin sayo para sinasabi na 'makuha ka sa tingin!' hay nako! Siya rin ang pinaka picky na kliyente ko. Mas maarte pa siya sa babae!" Naasar ba sabi ko. Alam mo 'yun, wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob. Napakurap siya at napangisi.

“Teka pwede mo bang sabihin sakin ‘yan?” tanong niya. Napalabi ako sa sanabi niya at napabuntong hinga.

“Syempre hindi, pero alam ko naman na hindi naman masamang tao si Sir Ethan. Hindi ko man alam kung anong meron sa inyong dalawa, pero mahirap lumaban ng ikaw lang magisa. Pero kung dalawa kayong lalaban, siguro ay makakaya n’yong mapagtagumpayan kung ano mang problema ang kaharapin ninyo sa susunod,” sabi ko at tumingin sa kaniya bago ngumiti. Tumango siya pero nandoon pa rin ang lungkot.

“Hindi ko alam. Mahirap lang ako pero gagawin ko ang lahat para mabigyan siya ng masaya at magandang buhay kung sakaling ikasal kaming dalawa. Sisikapin ko na gawin iyon at ipakita sa parents niya na kaya kong alagaan ang anak nila, pero… Kung ano man ang maging desisyon niya ngayon ay hindi ko siya pipigilan kahit na sabi mo ay masama ang ugali ng ka-marriage meeting niya or ano man, kung kaya niyang alagaan si Alexa ay hindi ako makikipaglaban sa taong iyon.” Tumango ako. Of course, wala kang laban sa kaniya kasi mayaman siya at billionaryo pero pwera lang sa feelings siguro.

“Madami siyang yaman at gwapo pa siya. Ugali lang talaga ang problema!” Napailing na lang ang lalaking nasa tabi ko. Kahit na nakangiti siya ay meron pa ring lungkot sa kaniyang mga mata. Mahirap talaga pakawalan ang minamahal mo ng sobra.

“I appreciate you calling me handsome but I won’t accept you saying my behavior is the problem.” Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Sir Ethan sa likod ko. Agad akong napalingon ay nakita ko ang mukha ni Sir Ethan na may ngiti pero madilim ang mukha niya! Waaah! Anong ginagawa niya dito?

“Si-Sir Ethan…Hehe… Ma-May kailangan po ba k-k-kayo sakin?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. Nagulat ako ng biglang mula sa likod niya ay may hinatak siya at si Ms. Alexandria iyon at itinulak niya ang babae sa lalaki na kausap ko kanina.

“If you two love each other so much then fight for it. Remember, sa gyera walang magisa na lumalaban. There’s always, one of two who will fight just to achieve their goal. And if you happen to get married, then at least you know how to fight together. Now, leave! Talk with each other and don’t avoid it.” Napakurap ako habang nakatingin kay Sir Ethan, hindi ko akalain na ganito siya magsalita. Pagkatapos niya iyon sabihin ay hinawakan niya ako sa kamay at pumasok kami ulit sa restaurant. Pero imbis na sa private room kami dumiretso kung nasaan kami kanina ay sa labas ng restroom kami nagpunta. Isinandal niya ako sa pader at ikinulong gamit ang dalawang braso.

“Marissa, I didn’t like what I heard from you,” seryoso ang tingin na sabi ni Sir Ethan at napaka lamig ng boses nito. Tapos iyong tingin niya ay para kang kakainin ng buhay. Napalunok ako. I know, masama ang sinabi ko pero hindi ba pwedeng magsabi ng totoo? 

“Hehe, Sir Ethan. Don’t be angry, I am just joking! Please forgive me?” sabi ko at yumuko at napapikit. Pinagsaklob ko pa ang dalawang kamay ko. Nananalangin ako na sana hindi ako ma-fired sa trabaho ko at patawarin niya ako sa sinabi ko. Lord, please help me! Pero naramdaman ko na may humawak sa baba ko kaya napadilat ako. Iniangat niya ang baba ko at nagtagpo ang mga mata namin. Nakikita ko ang repleksyon ng sarili ko sa mga mata niya.

“Hmm… Then Compensate me by eating with me.” He gave me his most famous handsome smile. I can’t stop myself from blushing because of this and his low voice that rings my ears. “You’ll not say no, right?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status