Share

The Billionaire Marriage Matchmaker
The Billionaire Marriage Matchmaker
Penulis: JustALittleGirl07

Chapter 1

Marissa

Omg! Male-late na ako, sabi pa naman ni Ma'am Olivia may bigatin kaming kliyente na darating ngayon, isa sa amin ang mapipili na mag-handle sa kaniya. Nag-iintay ako ng elevator at nang biglang bumukas ito ay pumasok ako kaagad at pinindot ang floor kung saan ang designated room namin. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at alam ko na si Ma'am Olivia ang tumatawag. Agad ko din naman na sinagot ang tawag.

"Where are you, Marissa? Nandito na ang kliyente sa building! Don't tell me, male-late ka na naman!" Parang nai-imagine ko na ang itsura ni Ma'am Olivia. Parang dragon pa naman siya kung magalit!

"Ma'am Olivia, wag ka na pong magalit. I'm already at the elevator," mahinahon na sabi ko na may kasama pang ngiti.

"Nasa elevator na rin ang kliyente! Susmaryosep! Sinasabi ko sayo, Marissa. This is the 2nd time you are late!" Tinignan ko ang relos ko at orasan ng cellphone ko. 7:50 AM sa Cellphone at 8:00 AM naman sa relos ko. Tsaka ko naalala na 10 minutes advance ako. Binalik ko ang cellphone sa tenga ko.

"Ma'am ang oras natin ay 8:00 AM pero 7:50 AM pa lang po. Hindi pa po ako late," sabi ko. Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya ng ilang segundo.

"BILISAN MO!" Tapos ay bigla niyang binaba ang tawag. Napakurap ako at napatingin sa Cellphone ko pagkatapos ay napailing na lang ako. Nakarinig ako ng pag-ubo sa tabi ko kaya napatingin ako. May apat na lalaki akong kasama sa loob ng elevator. Dalawa sa likod ay parang bodyguard habang ang dalawang lalaki sa harap nila ay parang anak mayaman. Iyong isa naka itim na suit at iyong isa naman naka brown suit. Baka kaibigan ni Boss Jeric since bigatin din si Boss. Pero hindi ko sila pinansin at pinagtuunan ko ng pansin ay ang hawak kong mga papeles.

"Bakit ba kasi kailangan lahat nandoon? It's supposed to be my day off pero naudlot ng dahil sa paimportanteng kliyenteng iyon! Pwede naman siyang mamili kung sino ang present pero kailangan lahat pa!" medyo malakas na bulong ko at napaikot na lang ang mata ko at napahalukipkip habang nagiintay makarating floor kung nasaan ang opisina namin. Ang trabaho ko ay Isa akong Marriage Counselor, or mas magandag sabihin ay Marriage Matchmaker. Madalas ang mga kliyente namin ay mga bigating anak mayaman, milyonaryo at bilyonaryo na gustong makahanap ng mapapangasawa na kapareha nila sa estado ng buhay. Nagulat ako nang biglang tumigil ang elevator at na out of balance ako kaya napahawak ako sa katabi ko. Bigla akong tinabig ng bodyguard at tumama ang noo ko ng malakas sa ding-ding ng elevator. "Aray naman! Bakit kailangan manulak?" Inis kong hinarap ang bodyguard na tumulak sakin. Kinapa ko

"You can't touch, Mr. Joaquin." Napakunot noo ako. Hindi ko naman siya sinasadyang mahawakan!

"Ano ba siya, ginto?" inis na tanong ko at tinignan ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko na makita na gwapo ang lalaki. Hindi ko naman kasi pinansin ang mukha niya kundi iyong damit niya pero agad na iniwas ko ang tingin at bumalik ang inis ko. Gwapo lang naman siya, hindi ginto!

"It's fine, Oslo." Umayos ako ng tayo pati ang damit ko. Pero grabe ang gwapo ng boses niya, husky ang datingan. What more if he whispered to your ears? Nakakaloka! Pinigilan ko ang sarili ko na magkaroon ng kahit anong emosyon sa mukha kahit na nagwawala ang intestines ko. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin gumagalaw ang Elevator. Bigla na lang akong kinabahan. What if may mangyaring masama habang nandito ako sa elevator? Paano kapag nahulog na lang ang elevator bigla? Wag naman sana please! Hindi ko na namalayan na nagsimulang nang maglandas ang luha ko sa pisngi ko. Napuno ng kaba at takot ang dibdib ko at sa mga what if's na naiisip ko. "What the- are you crying?"

"Are you okay, Miss?" Sinubukan kong patatagin ang loob ko pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko na lumabas sa mata ko.

"May okay bang umiiyak?" balik tanong ko. Bakit ba nakakainis ang araw na 'to? Naghalo-halo na ang emosyon ko, iyong takot at inis. I heard snort. Pinagtatawanan ba nila ako? Kaya di ko na napigilan ang pagsimangot. "Anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa nangyayari ngayon? Hindi niyo ba alam na anytime pwedeng mahulog ang elevator na 'to? Madisgrasya tayo?"

"Miss, please calm down!" Tinignan ko yung naka brown na suit na siyang nagtanong kanina at ngayon naman ay pinapakalma ako.

"How can I calm down when- AHHH!" Nagulat ako ng biglang gumalaw ang elevator. Napahawak ako sa pinaka malapit na pwede kong hawakan at napapikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Mamatay na ba ako? Lord, ayoko pa!

"Ethan, are you okay?" Narinig ko ang boses ni Sir Jeric kaya napabukas ako ng mata at nakita ko ang nagaalalang tingin ni Sir Jeric. Bumukas na pala ang elevator door.

"Yeah, I'm fine." Narinig ko ang boses ng nasa tabi ko kaya napatingin ako. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin. Malamig ang tingin nito sakin kaya agad akong napaatras ng ilang hakbang palayo sa kaniya. Pagkatapos ay lumabas na ito ng elevator. Huminga muna ako ng malalim at lumabas na rin ako na nangangatog ang mga tuhod. Ang sakit pa ng noo ko at mukhang may bukol pa ata ako sa noo. Kainis kasi iyong bodyguard na iyon! Akala mo naman ginto ang binabantayan! Wait! Nako! Kakalbuhin na ako ni Ma'am Olivia! Sana hindi pa dumating ang Kliyenteng namin!

After akong sermunan ni Ma'am Olivia ay dumating naman ang boss namin na si Sir Jeric. Siya rin ang president ng kompanya namin. This is just one of his business na talagang personal niyang hina-handle.

"Sorry to ask other marriage counselors to come despite being in their day offs but I hope you understand that this is a big thing for us. We have a big client here and he's very important and we must serve him with utmost care and respect. Also, he's a very close friend of mine." Narinig ko ang bulong-bulungan nila sa likod ko. Ako naman ay walang pakielam kasi sure ako na hindi ako mapipili- "Miss Marissa Alvarez."

"Yes, sir!" Agad akong lumapit. Lumakas ang bulong-bulungan kasi napagalitan ako ni Ma'am Olivia kanina. Dragon talaga ang matandang iyon! Ang lakas pa ng boses, kasalanan ko bang ma-trap sa elevator?

"Come with me," sabi ni sir Jeric. Tumango ako at sumunod sa kaniya. Bigla akong kinabahan. Di kaya i-fired niya ako dahil sa na-late ako?

"Sir-"

"Marissa, I'm sorry about Ma'am Olivia. Alam ko na napagalitan ka, pero hindi mo naman kasalanan na ma-trap sa elevator," narinig kong sabi ni Sir Jeric. Lumingon siya na may ngiti sa labi. Nakarating na rin kami sa harap ng opisina niya. "Calm your nerves, hindi kita tatanggalin sa trabaho. Masyado kang magaling para bitiwan."

"Thanks for the compliment sir. Masaya na ako na hindi ma-fired sa trabaho dahil sa pagiging late." Natawa naman si sir Jeric. After a few seconds, his laughs died down but his smile didn't leave his face.

"Marissa, I called you because the client ask for you." Napakurap ako at tinuro ko ang sarili ko.

"Me? Are you talking about me, sir Jeric?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si sir Jeric.

"I didn't choose you, Marissa. It was the Client who choose you." Inikot niya ang seruda ng kaniyang pintuan at binuksan. "Meet-" Pagpasok namin ay nagulat ako kung sino ang nasa loob ng opisina ni sir Jeric. "-Ethan Joaquin."

Ethan Joaquin, the most sought Billionaire Bachelor. The most handsome and most talented man in his prime. That Ethan Joaquin na pinangarap ng bawat babae... except for me. He's that man! Iyong lalaking kasama ko sa elevator kanina. Nakita ko 'yung dalawang bodyguard na nasa likod ni Sir Ethan. Tumayo si sir Ethan at lumapit samin.

"Nice meeting you, Ms. Marissa Alvarez." Tinignan ko ang kamay niya at tumingin ulit sa mukha ni sir Ethan at tsaka ko siya binigyan ng propesyonal na ngiti pero sa kaloob-looban ko ay tinatambol ang puso ko. Hindi ko alam na siya pala ang kliyente. Kung anu-ano pa naman ang sinabi ko kanina. Di kaya gumaganti lang ang lalaking 'to sakin?

"Nice meeting you too, Mr. Joaquin," nakangiting sabi ko. Why did I fall into this mess?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status