LOGINHindi pa tuluyang sumisikat ang araw nang makarating kami.Tahimik ang paligid.Masyadong tahimik.Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng bahay ni Leandro.Malaki, mataas ang gate at mukhang ligtas.Pero sa pakiramdam ko—may mali.“Stay here,” sabi niya.Umiling agad ako.“Hindi. Sabay tayo.”Napatingin siya sa’kin.Sandali lang.Tapos tumango.“Fine. Stay behind me.”Bumaba kami.Mahigpit ang hawak ko kay Lia.Dahan-dahan kaming lumapit sa gate.Bukas.Bahagya.Hindi iyon normal.Nagkatinginan kami ni Leandro.Alam na namin ang susunod na mangyayari.May nauna na.Pumasok kami.Napakatahimik, walang guard, walang tao at walang tunog.Pero—ramdam mong may nagmamasid.“Leandro…” bulong ko.“Alam ko ang ibig mong ipahiwatig” sagot niya.Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng bahay.At doon—may ilaw.Sa sala.May nakaupo.Nagrerelax, parang naghihintay lang.Huminto kami.Tumigas ang katawan ko.Kasi kahit hindi ko pa nakikita nang malinaw—alam
Umuungol sa lakas ang makina habang mabilis kaming tumatakbo sa kalsada.Madilim ang paligid.Pero mas malinaw na ngayon ang direksyon namin.“Huwag mong pabagalin,” sabi ko habang nakatingin sa bakas ng gulong sa daan.“Hindi ko gagawin,” sagot ni Leandro.Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Kita ko ang focus sa mata niya—walang alinlangan, walang takot.Pero ramdam ko—nag-aalala siya.Para kay Lia, at para sa’kin.At para sa laban na hindi pa tapos.Biglang lumiko ang bakas ng gulong papasok sa isang makitid na daan.Halos hindi iyon mapansin kung hindi ka nagbabantay.“Doon tayo,” sabi ko.At agad naman niyang sinundan.Pumasok kami sa isang lumang warehouse area. Sirang ilaw, kalawangin ang mga gate. Tahimik—pero ramdam mong may nagtatago.Huminto ang sasakyan.Pinatay ni Leandro ang makina.Biglang—katahimikan.Yung tipong kahit paghinga mo, parang maingay.“Tahimik lang ,” bulong niya.Tumango ako.Lumabas kami sa kotse.Mabagal.Maingat.Bawat hakb
Mahina ang hangin habang naglalakad kami palabas ng bakuran.Tahimik na ulit.Pero hindi yung tahimik na payapa.Yung tahimik na parang may nag-aabang.Hawak ko pa rin ang kamay ni Leandro. Sa kabilang braso ko, yakap ko si Lia. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya—parang ayaw pa rin tumigil sa takot.“Malayo pa ba tayo?” mahina niyang tanong.“Hindi na,” sagot ko, kahit hindi ako sigurado.Napatingin ako kay Leandro.Hindi siya nagsasalita.Pero seryoso ang mata niya.Alerto.Biglang—may ilaw na sumilaw sa dulo ng kalsada.Isang sasakyan.Huminto.Bumukas ang pinto.Tatlong lalaki ang bumaba.Hindi na nila tinago ang pakay nila.Diretso silang naglakad papunta sa amin.“Hindi pa talaga tapos,” bulong ko.Humigpit ang hawak ni Leandro sa kamay ko.“Stay behind me,” sabi niya.Pero this time–umiling ako.“Hindi na,” sagot ko.Tumingin siya sa’kin.Nagulat.Pero hindi galit.“Kasama mo ako,” dagdag ko sa kanya.Sandali siyang natahimik.Tapos— ngumiti
Akala ko tapos na. Akala ko may pahinga kami. Kahit saglit lang. Tahimik ang paligid. May ilaw. May mga taong tumatawa. At kami—parang normal lang. “Masarap ba yang inorder kong pagkain?” tanong ni Leandro habang nakatingin sa akin. Tumango ako. “Oo… ang simple lang.” “Minsan, ‘yon ang mas okay,” sagot niya. Ngumiti ako. At sa sandaling iyon— Nakalimutan ko ang takot. Hanggang sa—“Miss… laglag po ‘yung bag niyo.” Napalingon ako. Isang batang lalaki ang nakatayo sa harap ko. Hawak ang bag ko. Ngumiti siya. “Ate, nahulog po.” “Ah—salamat,” at inabot nya sa akin ang bag. Ngumiti ako sa batang lalaki. Simple lang at normal. Pero— “Amaryllis.” Boses ni Leandro. Mahina ang tinig. Delikado. “Huwag mong kunin.” Huli na. Nahawakan ko na. “Ano—?” Hindi pa niya natapos ang sasabihin. “DROP IT!” sigaw niya. Napabitaw ako agad. Bumagsak ang bag sa lupa. At sa isang segundo— Hinila niya ako palayo. BOOM! Sumabog ang bag.
Hindi pa tapos.Akala ko makapagpapahinga na kami.Mali na naman ako.“Sir—may breach.”Napahinto ako sa pag-inom ng kape.Boses ni Marco iyon. Mabigat. Hindi normal.Dahan-dahang tumayo si Leandro.“Saan?” tanong niya.“Perimeter. May dalawang sasakyan. Hindi pa pumapasok… pero hindi din umaalis.”Nanlamig ang kamay ko.“Nahanap tayo?” bulong ko.Walang sumagot agad.At doon ko nalaman ang sagot.“Ihanda ang sasakyan,” utos ni Leandro. “Now na sigaw nito.”Biglang nagbago ang ihip ng hangin.Kanina napaka tahimik.Ngayon—parang may bagyong paparating.“Leandro—” tawag ko sa kanya.Tumingin siya sa akin. Diretso. Matalim.“Stay close.”Tumango ako.Wala nang tanong- tanong pa.Wala nang reklamo.Paglabas namin, hindi na tahimik.May tunog na ng makina sa malayo.Palapit na.Mabilis.“They’re moving!” sigaw ng isa sa mga tauhan.“Go!” utos ni Leandro.Sumakay kami sa sasakyan.Isang segundo.Dalawa.Tatlo—BANG!Napayuko ako.“Shit—may baril!” sigaw ni
Akala ko handa na ako.Akala ko kapag sinabi kong “sanay na ako”, totoo na ‘yon.Pero may mga takot pala na hindi lumalabas sa sigaw, sa iyak, o sa panginginig. May mga takot na tahimik lang—tapos bigla kang sinasakal kapag hindi ka nakatingin.Tatlong araw na akong nasa bahay ni Leandro.Tatlong araw na puno ng bantay, kamera, codes, at mga taong hindi ngumingiti. Tatlong araw na parang nasa loob ako ng isang mundo na hindi para sa normal na tao.Hindi ako kinukulong. May susi ako. May telepono. May pagkain. May sariling kwarto.Pero bawat galaw ko, may matang nakatingin.“At least buhay ka,” bulong ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng bintana.Sa labas, tahimik. Masyadong tahimik.“Miss Amaryllis.”Napalingon ako. Si Liza isa sa mga tauhan ni Leandro, mabait, tahimik. Pero ramdam mo na may baril siyang hindi mo nakikita.“May kailangan ka po?” tanong niya.“Wala,” sagot ko agad. “Nag iisip lang ako.”Tumango siya. “Sabihin niyo lang po k

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





