로그인May mga kaaway na hindi agad sumusuntok.Ngumingiti muna sila.Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa likod si Amaryllis, nakasandal sa upuan, yakap ang sarili. Hindi siya tulog. Kilala ko na ang itsura ng tulog na pilit. Yung mata na nakapikit pero handang bumukas sa kahit anong tunog.“Malapit na tayo,” sabi ko.Tumango siya. Walang salita. Pero ramdam ko—pagod na pagod siya.Pagdating sa bahay, agad kong pinagalaw ang security. Double check, lockdown mode, walang lalapit, walang lalabas.“Marco,” sabi ko sa phone, “lahat ng exit bantayan. Walang butas.”“Opo sir,” sagot niya. “May kakaiba lang.”Huminto ako. “Ano?”“May sumunod sa van. Hindi malapit. Pero nandun.”Tumingin ako kay Amaryllis. “Sa kwarto ka muna.”“May nangyayari,” sabi niya.“Oo, at ayokong makita mo.” sagot ko sa kanya.“Hindi na ako bulag, at hindi na rin ako kahon.” sagot niya.Napatingin ako sa kanya, sandali, tapos tumango ako.“Sa likod ka lang, huwag kang lalapit.” sabi ko
Inaya siya ni Rafael sa terrace.Malamig ang hangin sa terrace, pero mas malamig ang tingin ni Rafael Salcedo.“Hindi ka dapat nandito,” sabi niya, dahan-dahan, parang paalala at babala sa iisang hinga.“Hindi ka rin dapat bumili ng tao,” sagot ko. Diretso. Walang paligoy.Tumawa siya nang mahina. “Hindi kita binili.”“Hindi,” sagot ko. “Pero tinangka mo.”Humigpit ang panga niya. Isang hakbang ang inilapit niya, sinubukang sakupin ang espasyo ko. Hindi ako umatras. Inalala ko ang sinabi ni Leandro—kapag nagbago ang tono, aalis ka. Hindi pa nagbabago. Hindi pa.“Magkano ang ibinayad sa’yo para magsalita?” tanong niya.“Buhay ko,” sagot ko. “At halos nawala na ‘yon.”Saglit siyang natahimik. Kita ko ang galaw ng mata niya—pababa, pakaliwa—parang nagbibilang ng opsyon. May mga taong sanay na laging may lusot. Siya ‘yon.“Kung pera ang problema,” sabi niya, “maaayos natin.”“Hindi pera ang hinahanap ko, kundi pangalan.” sagot ko sa kanya.Umangat ang
May mga laban na hindi nagsisimula sa baril. Nagsisimula sila sa ilaw, sa ngiti, sa mga taong naka-best suit at best lies. At ngayong gabi—iyon ang eksaktong uri ng digmaan na papasukin namin. Ang Salcedo Foundation Gala ay ginaganap sa isang hotel na punô ng kristal at seguridad na binayaran para huwag makakita ng mali. Limang palapag. Dalawang emergency exit bawat wing. Tatlong hidden cameras na hindi alam ng venue. Alam ko. Dahil sa akin ang dalawa doon. “Nakahanda ka na ba?” Tumingin ako kay Amaryllis. Naka-black gown siya—simple, walang alahas, pero sapat para magpalingon ang kahit sinong lalaki sa paligid. Hindi siya mukhang biktima. Hindi rin siya mukhang tauhan ko. Mukha siyang babae na alam kung nasaan siya. “Matagal na,” sagot niya. May earpiece siya. May exit plan. May tatlong taong nakaabang kung sakaling pumalpak ang lahat. Pero alam naming dalawa— Hindi lahat ng laban ay pwedeng kontrolad
Hindi ako nakatulog.Kahit nakapikit ang mga mata ko, gising ang isip ko—binabalikan ang tunog ng putok, ang bigat ng baril sa kamay ko, ang sandaling alam kong may buhay na nakasalalay sa desisyon ko.At pinili ko.Tahimik ang medical wing. Nakatulog na ang lahat, pero gising pa rin ang mga ilaw sa loob ng kwarto ni Leandro. Nakatagilid siya sa kama, balikat naka-bandage, humihinga nang maayos. Buhay.Lumapit ako sa mesa sa gilid. Naroon ang tablet niya na hindi ko dapat galawin.Matagal na akong nakatayo sa tapat ng mesa.Binuksan ko iyon.May mga files. May mga pangalan. May mga marka ng pulang bilog—mga taong konektado sa auction. Mga ruta. Mga schedule. Mga kahinaan.Isa sa mga pangalan ang pamilyar sa akin.R. Salcedo.Isa sa mga bidder.Isa sa mga lalaking nakatingin sa akin na parang ari-arian ako.Sumikip ang dibdib ko.“Hindi ka pa natutulog.”Napalingon ako.Gising si Leandro. Nakatingin sa akin. Hindi galit. Hindi rin nagulat.
Mainit ang dugo niya. Iyon ang una kong napansin. habang naaalala niya ang mga nangyari sa kanila. Nasa sahig si Leandro, maputla, pawis na pawis, at kahit pilit niyang itinatago—ramdam ko ang bigat ng sugat. Ang baril sa kamay ko nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung kailan ko iyon nahulog. Basta alam ko, nakaluhod ako sa tabi niya at ayokong bitawan ang kamay niya. “Sir!” sigaw ni Marco habang paparating ang mga tauhan. “Clear ang hallway!” “Dalhin siya sa medical room, hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng boses ko. “NGAYON.” Kumilos sila agad. May umangat sa kanya. May naglagay ng pressure sa sugat. Pero hindi ako umatras. “Amaryllis,” bulong ni Leandro. Mahina. Pilit. “Tingin mo… mabubuhay pa ako?” “Tumahimik ka, umiiyak na sabi ni Amaryllis “Huwag kang magsalita mabubuhay ka pa.” Ngumiti siya ng kaunti. “salamat" yun ang tangi kong nabigkas sa aking bibig. Sinundan ko sila hanggang medical room. Puting ilaw. Amoy antiseptic. Dug
Minsan, ang putok ng baril ay hindi tunog.Isa itong desisyon.At ginawa ko na iyon bago pa tuluyang pumutok ang mundo.Hinila ko si Amaryllis palapit sa akin habang sabay kaming bumagsak sa sahig. Sumabog ang salamin sa likod namin. Narinig ko ang sigaw ng bala sa ere—mabilis, walang awa.“Stay down!” sigaw ko.May gumulong na anino sa kaliwa. Dalawa. Tatlo.Hindi nag-iisa si Mr. K.Of course.Bumaril ako. Isang beses. Dalawa. Hindi para pumatay—para umatras sila. Para bigyan kami ng espasyo.“Marco!” sigaw ko sa comms. “Execute lockdown. Code Black!”“On it, sir!”May umalingawngaw na alarma. Bumaba ang steel shutters sa mga bintana. Pula ang ilaw sa hallway—parang dugo.Gumapang kami ni Amaryllis papasok sa side corridor. Ramdam ko ang panginginig niya, pero hindi siya sumisigaw. Hindi rin siya bumibitaw.“Nasaan siya?” hinihingal na tanong niya.“Hindi umaalis si Mr. K habang siya ay nanonood,” gusto niya ng palabas.” sagot ko.Nang bi







