Amaryllis Kaye POVAmoy Alikabok, Pawis, at Pekeng PabangoKung may award ang pinakapangit na gabi ng buhay ko, siguradong panalo na ako.Nakatayo ako sa loob ng isang glass case sa gitna ng isang entabladong parang galing sa bangungot. Transparent na kahon, malamig ang ilaw, at ramdam ko ang bawat titig ng mga lalaking nasa paligid. Mga matatanda sila. Mga lalaking amoy mamahaling pabango pero mukhang bangkay na tinapalan lang ng pera. Yung iba may tungkod, yung iba may batang babaeng akay, pero lahat pare pareho ang mata. Gutom. Malagkit. Nakakadiri.Kung pwede lang magsuka, kanina ko pa ginawa.“HOY KAYO MGA DEMONYO” sigaw ko habang pinupukpok ang salamin. “MGA WALANG HIYA KAYO”Walang pumansin.May lalaking naka tuxedo sa gilid ng stage, may hawak na mikropono, parang auctioneer sa isang livestock market. Pero hindi baka ang binebenta. Babae. Kami.“Next item” sabi niya, kalmado, parang nagbebenta lang ng antique vase. “Twenty six years old, Filipina, no record, fresh"FRESH.Gust
Last Updated : 2026-03-01 Read more