Share

KABANATA 36

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-26 15:17:02

Huminga nang malalim si Isabelle nang hindi niya inaalis ang mga mata kay Willow.

“Oo, maaari ngang tama ka na may kapintasan ang asawa ko, gayunpaman ay hindi iyon naging hadlang para maapektuhan ang kakayahan nito maging isang breadwinner. He was a decent man and a good provider. Ano pa man ang nakaraan niya, mananatili lamang iyon nakaraan. At saka kahit gustuhin man niyang maghanap ng trabaho, asahan mo na hinding-hindi kami lalapit sa’yo. I-reserve mo na lang ang magandang trabaho bilang kargador sa magiging brother-in-law ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Willow at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi nito aakalain na matalas din ang dila niya. Kaya niyang tumbasan ang ano mang kamalditahan ni Willow lalo na’t wala itong pakundangan na insultuhin ang nakaraan ni Leon.

“Isabelle, what do you think who you are? At sino ba sa akala mo ang kausap mo? Nahawa ka na ata sa asawa mong walang pinag-aralan—”

Napahawak sa pisngi si Willow at hindi makapaniwala ng sampalin siya ni Isabe
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 39

    Nang sunduin si Isabelle sa ospital, masayang ibinida ng kapatid niyang si Shann ang ginawa nito kasama si Leon.“Alam mo ba, ate, mayroong malaking fishpond si Kuya Leon sa gitna ng bukid. Andami namin nahuli ng mga Tilapia. Nag-ihaw rin kami ni Kuya Leon, si Manang Ising naman po ang nagluto ng ginataan na Tilapia. Tinuruan din po akong magsaing ni Manang Ising.”Ngumiti siya sa kapatid at ginulo ang buhok nito.“Talaga? Marunong ka ng magsaing at manghuli ng tilapia?”Tumango-tango ng ulo si Shann, ang mga mata nito ay nagniningning sa saya.“Opo. Itanong mo kay Kuya Leon, ang dami kong nahuli na tilapia, hindi ba Kuya Leon?”Tumingin siya sa lalaki na nasa unahan, seryoso lang ito nagmamaneho. Nang inayos nito ang rear-view mirror, nagtama ang kanilang mga mata. Matagal at wala ni isa sa kanila ang gustong magbawi ng tingin.Ngumiti siya.Ngunit imbes na gumanti ito ng ngiti ay muling itinuon nito ang mga mata sa daan.Napahinga nang malalim si Isabelle. Pilit niyang iniignora an

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 38

    Kinagat ni Isabelle ang kaniyang labi at pigil na pigil ang kaniyang hikbi na kumawala. Ang katawan niya’y nanginginig sa galit ngunit wala siyang magawa. Ang dalawang milyon na kailangan niya mukhang malabo pa niyang makuha. Habang dismayado siyang umalis sa Caballero Residence, makulimlim ang kalangitan at sumasabay ang mahinang ambon at malamig na hangin. Ang bawat hakbang niya’y tila mabigat, parang pasan niya ang buong mundo. Naglalakad siya palabas sa Alexandra Groove Heights, ang mga mata niya’y namumugto sa luha.Nakarinig siya nang malakas na pagpreno ng sasakyan.Nilingon niya ito.Isang McLarenF1 na kulay pula ang nakita niya.Huminto iyon ngunit para bang ang tao na nasa loob ng kotse ay tila nakikipagtitigan pa sa kaniya. Nang akma na tatalikuran na niya ito. Bumukas ang pinto niyon at isang lalaki na may magandang ngiti ang nakita niya. Guwapo ito, may magandang build ng katawan na halatang alaga sa pag-gym. Ang mga mata nito’y nagliliwanag sa tuwa nang makita siya.“I

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 37

    “Ahhh!” Malakas na sigaw ni Willow pagkapasok pa lang niya sa entertainment room kung saan naroon ang kaniyang ina na si Melinda.Kasalukuyan itong nanonood ng pelikula bilang pampalipas oras nito.Kaagad na napalingon si Melinda sa anak niya.Taas-baba ang dibdib ni Willow dahil sa galit. Hindi niya aakalain na ibang-iba na ang Isabelle na makikita niya ngayon.Naniningkit ang mga mata niya. Nanggigigil siya sa galit. Gusto niyang magwala, gusto niyang itapon ang lahat ng nakikita niya ngayon!“Ahhh!” muli na naman niyang sigaw, malakas na sinipa niya ang isang upuan, dahilan para ito’y tumilapon.“Willow, anak, anong problema?” nag-aalalang tanong ni Melinda.“Ahh! I hate her!” Inis na naman na sigaw nito at pinagtatapon ang mga throw pillow na nakahilera sa mahabang sofa nila. "I hate her. I hate her a lot!" “Willow!” tili ni Melinda nang kinuha niya ang isang figurine na nabili nito sa South Africa.Isang matalim na tingin ang pinakawalan ni Willow nang lumingon siya sa ina.“Ang

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 36

    Huminga nang malalim si Isabelle nang hindi niya inaalis ang mga mata kay Willow.“Oo, maaari ngang tama ka na may kapintasan ang asawa ko, gayunpaman ay hindi iyon naging hadlang para maapektuhan ang kakayahan nito maging isang breadwinner. He was a decent man and a good provider. Ano pa man ang nakaraan niya, mananatili lamang iyon nakaraan. At saka kahit gustuhin man niyang maghanap ng trabaho, asahan mo na hinding-hindi kami lalapit sa’yo. I-reserve mo na lang ang magandang trabaho bilang kargador sa magiging brother-in-law ko.”Nanlaki ang mga mata ni Willow at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi nito aakalain na matalas din ang dila niya. Kaya niyang tumbasan ang ano mang kamalditahan ni Willow lalo na’t wala itong pakundangan na insultuhin ang nakaraan ni Leon.“Isabelle, what do you think who you are? At sino ba sa akala mo ang kausap mo? Nahawa ka na ata sa asawa mong walang pinag-aralan—”Napahawak sa pisngi si Willow at hindi makapaniwala ng sampalin siya ni Isabe

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 35

    Sa isang sulok, tahimik na umiiyak si Isabelle.Mula roon, tanaw niya si Lucio—ang ama niyang limang taon niyang hindi nakita—habang masaya itong nakikipagkuwentuhan kay Willow, ang anak nito kay Melinda.Masakit. Akala niya wala na siyang pakialam. Pero ngayong kaharap na niya ang katotohanan, ramdam niyang mahal pa rin niya si Papa Lucio. At ang pinakamasakit? Parang wala siyang lugar sa mundo nito.Si Willow—nakabihis ng mamahalin, kumikinang ang alahas, at lutang ang confidence. Prinsesang-prinsesa. Samantalang siya? Parang invisible.“Papa, bakit?” bulong niya habang pinipigilan ang luha. “Bakit mo ako iniwan?”Unti-unting bumagsak ang ulan. Malamig ang hangin pero mas malamig ang sakit sa dibdib niya.Nang yakapin ni Lucio si Willow at halikan ito sa noo, hindi na niya kinaya. Napahagulgol siya.Tumakbo siya sa may nakaparadang kotse at nagtago. Doon siya umiyak, habang pinapanood paalis ang sasakyan ng ama niya. Hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin niya.Ilang minut

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 34

    Sa mismong tapat ng entrance ng ospital siya ibinaba nina Leon at Shann. Ang langit ay kulay abo—hindi pa umuulan, pero parang anumang oras ay babagsak ang ulan. Ganoon din ang pakiramdam ni Isabelle: may bumibigat sa dibdib niya, pero pilit niyang kinikimkim. Hindi na niya gustong isama pa si Leon sa problema niya. “Salamat, Leon. Salamat, Shann,” aniya habang bumababa ng kotse.Tumango si Leon pero hindi pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ito nanakatitig sa kanya. Si Shann sa likod, tahimik rin, parang naaamoy ang tensyon.Napatingin siya kay Leon. “May gusto ka pa bang sabihin?”Napakunot-noo si Leon, bahagyang nagsalubong ang kilay. “Bakit hindi ka pa pumapasok?”“Hintayin ko na lang na makaalis kayo,” sagot niya, pilit ang ngiti.Pero umiling si Leon. “Kung hindi ka papasok, hindi rin kami aalis.”Napamaang siya. “Ano—seryo—Leon, ano ba…”“Pasok ka na,” seryoso nitong utos.Huminga siya nang malalim. “Okay, sige,” sabi niya, pero totoo, gusto muna niyang makaalis si Leon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status